KAPIT O KAKAYANAN?
______________________________________
A Short Play
Written
by
Bernard Andrie Doroquez
Played
by
V.E.R.I.T.A.S ALLIANCE
July 13, 2025
CAST OF CHARACTERS
MRS. ROMINA R. SANTOS: Played by REGINE PONSICA. A tough,
widowed mother of two in her late
40s. Sells vegetables at the
market.
CRISANTO R. SANTOS: Played by MARK LESTER BATINGA.
Romina’s eldest son, is a
Traffic police enforcer in his
early 30’s.
CARMELA R. SANTOS: Played by PRENCES MICA ARCEBUCHE.
Romina’s youngest, a CPA and
determined job seeker.
KIAN L. ROMERO: Played by BERNARD ANDRIE
DOROQUEZ. 24 years old son of
the Mayor.
ANTONIO ROMERO: Played by JAMES ENERO. In his
early 40s, Mayor of San Antonio.
HOMER SILVANIO: Played by JOHN REY CORONG. Mid-
50s, a Chief police officer.
MS. RACHEL LOPEZ: Played by ROCHELE GALIT. CEO of
MontClaire Global.
YANAH REYES: Played by PONSICA. The HR MANAGER
of MontClaire Global.
LARA RODRIGO: Played by FRANCEN JOY SAJOYAN.
The Finance Director of
MontClaire Global.
IZZA DE LEON: Played by JEAN REYES.
The Operations Supervisor.
INSPECTOR OSLA: Played by JAMES ENERO.
Fellow Police patrol of Crisanto.
SCENE
San Antonio, a well-known city in the Philippines.
TIME
2025, mid of the year. Summer.
SCENE 1
SETTING: A Small yet well-constructed house. In the
early hours of the morning, the household
begins to awaken. Soft sunlight enters
through the windows as each member prepares
for the days responsibilities and work ahead.
NARRATOR: Sa isang munting tahanan ay nakatira ang
magkapatid na sina Crisanto at Carmela.
kasama ang kanilang ina na si Romina.
Maagang pumanaw ang kanilang ama, ngunit
hindi naging hadlang kay Romina para
mapatapos ang kanyang dalawang anak sa
kolehiyo sa pamamagitan ng pagtatyaga
sa pagbebenta ng gulay sa palengke.
(Inihahanda ng nanay ang baon ng dalawang
anak, may pagka-panic, lalabas si Carmela na
tila ba inaayos ang suot, palapit sa ina para
ilagay ang baon sa bag.)
NANAY
Oh, ito na yung baon mo, baka malate ka pa sa job
interview. Kasya lang ba sa iyo yung coat? Aba’y
pagpasensiyahan mo na’t inarkela ko lamang yan kay Aling
Bebeng.
(Tinulungan ang anak sa pag aayos.)
CARMELA
Ayy naku nay, huwag niyo na pong intindihin iyon. Sa
ganda kong ito ay hindi mahahalata na medyo may kalakihan
ang coat na ito. And look ang ganda ng sandalyas ko! This
is the best ever gift na natanggap ko.
(Pagtugon ni Carmela na may kilig at tuwa.)
NANAY
ANG OA AH, REGALO YAN NG TATAY MO BAGO SIYA NAWALA.
(Naupo sa upuan, at nagpatuloy sa pagkukwento na
may halong lungkot.)
NANAY (cont.)
Natatandaan ko noon, mag aapply sana ako bilang isang
sales lady ng binili niya sa akin ang sandalyas na yan,
ngunit hindi ko na rin itinuloy dahil bigla naman siyang
nawala.
(Suddenly interrupted sa paglabas ni Crisanto.)
CRISANTO
(May halong pang-aasar na boses.)
At ano nanaman yang kadramahang naririnig ko nay, ang aga
agat baka bumaha nanaman ng luha rito.
CARMELA
(Pinalo ang kuya sa balikat.)
Panira ka naman ng mood ehh, nakita mong nagrerelapse ang
nanay.
NANAY
Halika nga rito, pati kwelyo mo ay hindi mo maayos.
(Tumayo sa pagkakaupo’t lumapit kay Crisanto.)
NANAY (cont.)
Sige na, mag si alisan na kayo’t baka malate ito sa
kanyang interview. Mag ingat ka sa daan ha, at laging
tandaan ang aking habilin ha “mas piliin mong tumayo, sa
gitna ng katotohanan…
(Sasabayan ng anak sa pagsasalita.)
Kahit mag isa ka, kaysa sumama sa mali para lang hindi ka
mahirapan”.
CARMELA
Alis na po kami nay, at pagbalik ko may anak na kayong
accountant na officialy hired.
NANAY
O siya mag ingat kayo, galingan mo sa interview ha.
(Yumakap sa dalawang anak. Hinalikan sa noo si
Carmela.)
_________________________________________________________
SCENE 2
SETTING: MontClaire Global Building. MCG is a
prestigious and well-known company in the
city of San Antonio.
NARRATOR: Si Carmela ay nakapagtapos ng Bachelor of
Science in Accountancy at nakapasa na ng
kanyang
licensure exam. Siya ngayon ay mag aapply ng
trabaho sa MontClaire Global, a trusted firm
offering elite investment and business
solutions worldwide. Kasalukuyang nakaupo si
Carmela, kabadong hawak ang folder na
naglalaman ng kanyang requirements. Nang may
biglang dumating na isang lalaki na tila
mainit ang ulo.
KIAN
(Naglalakad ng medyo, papalapit sa upuan ni
Carmela.)
Usog!
(Pasigaw na sambit. Kinuha ang upuan sa tabi ni
Carmela.)
KIAN (cont.)
(Pabulong na nagsalita, sabay nahulog ang folder
na dala.)
Nakakabad-trip talaga! May araw ka ding traffic police ka.
CARMELA
(Pinulot ang mga papel at pasimpleng tiningnan ang
laman, at pabulong na nagwika.)
Ang aroganteng tao nito, hindi naman kagalingan.
LARA
(Lalabas sa pasilyo, titingnan ang folder at may
tatawagin.)
Ms. Carmela santos?
CARMELA
Yes po, ako po yun!
(Carmela walks into the interview room. Scene cuts
to inside the panel room. Three interviewers sit
in front of him.)
YANAH
Good morning, Ms. Santos. Please have a seat.
CARMELA
Good morning, Ma’am. Thank you, po.
LARA
We’ve gone through your resume. You graduated magna cum
laude, and you have over three years of accounting
experience in a local government unit?
CARMELA
Yes, Ma’am. I worked as an accounting assistant at our
municipal treasurer’s office. I handled payroll
processing, liquidation reports, and monthly financial
statements. I also assisted during budget season and
annual audits with COA.
IZZA
We also noticed you implemented a digital tracking system?
Am I right?
CARMELA
That’s right. I developed a basic excel-based monitoring
tool to help track fund utilization across departments.
It helped reduce delays in reporting and increased
transparency, especially with project based allocations.
YANAH
Well said, Ms. Santos. You’re one of the strongest
candidates we’ve seen. But no experience in a corporate
structure. Paano natin aasahan na makakapag adjust siya
agad?
CARMELA
To be honest, I see this is more than just a job. As an
accountant, I believe it’s not just about numbers and
working experience. I’m applying for this position
because I want to contribute to a system that’s efficient,
honest, and accountable.
(The panel nods, visibly impressed. Carmela
remains composed but hopeful.)
LARA
Right, and let’s be honest. Kung may backer to tapos na
ang usapan. But the kid’s standing here with pure grit.
So let’s assess by standards, not surnames.
IZZA
Thank you, Ms. Santos, we will email you as soon as the
result is out.
(Interview ends, shakehands)
**KIAN NOW ENTERS THE INTERVIEW ROOM
YANAH
Kian! Long time no see. Kamusta si mayor?
KIAN
All good, Ma’am. Alam niyo naman si dad busy palagi,
kaya…
(Cut off by IZZA)
IZZA
Okay mr. Romero, tell me, why should we choose you over
other candidates?
KIAN
I bring name, people answer my calls. My network is my
asset. And you want fast growth? That comes with
visibility. I offer that.
LARA
He was with the senate office for a year. Public
relations, government linkages…very few applicants have
that level of exposure.
IZZA
Exposure...or exposure sa aircon habang nagpapakuha ng
kape?
YANAH
We need people who open doors. Influence isnt always bad.
Business is still about who you know.
LARA
Business should be about what you can do. Not who you’re
related to.
(After few minutes of interview, scene fades as
He shakes hands with panel).
_________________________________________________________
SCENE 3
SETTING: Outside the building of MontClaire Global.
CARMELA
(Dialing on the phone, phone rings)
Ang tagal sumagot.
(Crisanto on the other line)
CRISANTO
Napatawag ka?
CARMELA
Pwede mo ba akong sunduin mamaya, kakatapos lang ng
interview ko. Maglilibot libot muna ako, para kung hindi
ako matanggap ay may nahanap na akong bagong aaplyan.
CRISANTO
Oo naman, walang problema. I’ll call you back later.
Babalik na ako sa trabaho.
CARMELA
(End call, may biglang bumangga mula sa
likuran)
Aray! Ano ba kuya? Bulag ka ba?
KIAN
Heyy! Watch your mouth. Ikaw yung nakaharang sa daan, at
tsaka hindi mo ba ako kilala.
CARMELA
Ahh, ikaw yung mayabang na lalaki sa pila kanina, na
akala mo naman eh pagkataas taas ng credentials.
KIAN
Don’t you bad mouth me! Credentials are useless for me.
I’m the son of mayor of this city, kaya tiyak ako na ang
posisyon na yun ay para sa akin. And remember this, no
one cares about Carmela Santos, that’s why for sure, you
will be rejected.
(Binangga si Carmela bago umalis)
CARMELA
(Sumisigaw sa paalis na si kian)
Oa! Sorry kung naapakan ko yung pagiging anak ng mayor mo!
_________________________________________________________
SCENE 4
SETTING: Inside the office of MontClaire Global.
NARRATOR: Matapos ang masusing pag-iinterview, ay
nahahantong sa pagtatalo ngayon ang tatlong
interviewer na kasalukuyang nasa isang mesa.
IZZA
Ms. Santos is the perfect example of T.D.H., trustworthy,
check! Disciplined, so check! Highly competent, ughh
check na check! Nasa kanya na ang lahat.
(Speak with enthusiasm)
YANAH
(May pagtataray na pagtugon)
Kian brings value too. He’s recognizable. That alone
gives us leverage in future partnership. He doesn’t need
to prove himself the way others do. He’s already proven
by who supports him.
LARA
But at what costs ma’am? Are we admitting na kung walang
koneksyon, wala kang future dito?
IZZA
That’s exactly the problem. If system doesn’t recognize
real merit, they collapses. This is more than just hiring.
This is the foundation of the kind of workplace we’re
building.
YANAH
Don’t be naïve, you two. You go against Kian, you go
againts the board.
LARA
Pinaghirapan ni Carmela lahat ng nasa resume niya. Tapos
ang pipiliin natin yang Kian na anak lang ni mayor at
halatang walang maibubuga.
YANAH
This world isn’t fair, Lara. Don’t expect the system to
be.
LARA
(With tension in voice)
Then let us be the exception. Let us prove merit still
matters.
YANAH
(May mataas na boses)
Hindi niyo kasi naiintindihan…
(Cut off. Door slams, the CEO has arrived)
RACHEL
Enough, narinig ko na ang lahat. Para saan pa ang
salitang hiring kung may napili na pala kayo para sa
posisyon right ms. Reyes?
(Looking to Yanah Reyes)
RACHEL (cont.)
Hiring should be based on qualifications, not connections.
We need to choose the right person for the job,
objectively. By looking at skills, experience, and work
ethics. Do not let the person be chosen because of their
position in society.
_________________________________________________________
SCENE 5
SETTING: In the middle of highway, in city of San
Antonio.
NARRATOR: Sa kabilang dako naman ng kuwento ay si
Crisanto na kasalukuyang araw na iyon ay
maagang dumating para magpatupad ng
batas trapiko sa siyudad ng San Antonio.
INSP. OSLA
Aga natin ngayon sir ahh.
CRISANTO
Inihatid ko yung kapatid ko sa interview eh, kaya napa
aga masyado.So pano ba yan duty na tayo.
(A car suddenly driving to fast and beating the
red light.)
CRISANTO
(Crisanto whistles, waves baton)
Hoy! Red light yan! Para ka!
(The car screeches and stops. Window rolls down-
its Kian)
KIAN
(Smirking)
Sir, ano pong satin?
CRISANTO
Sir, violation ka po. Beating the red light at ang bilis
niyo pong magpatakbo.
KIAN
Anong beating the red liht? Nagmamadali ako noh, may
interview akong dapat maabutan. Kaya kilalanin mo muna
kung sinong hinuhuli mo.
CRISANTO
How do you do sir?
KIAN
Yan kikilalanin mo.
CRISANTO
Pwede ko po bang mahingi ang lisensiya niyo?
KIAN
Seriously? Like damn dude, hindi mo ba kilala kung sino
ako? Anak ako ng mayor.
CRISANTO
Ehh anong pake ko kung anak ka ni mayor, ako anak ako ng
nanay ko. Akin na lisensiya niyo.
KIAN
(Inilabas ang lisensiya at iniabot.)
Here!
(Crisanto making the ticket against the violator)
KIAN
Ano na? Babad na babad na ako dito oh? Baka naman pwedeng
pakidalian, bacause I’m gonna be late.
(Crisanto gives back the license together with the
ticket)
KIAN
(May halong pagbabanta)
Hindi pa ako tapos sayo, magkikita pa tayo at pagsisihan
mong ginawa mo ito.
CRISANTO
(May pagkapilosopong sagot)
Then see you sa part 2, basta’t wag ka lang pipikit.
_________________________________________________________
SCENE 6
SETTING: Police Station (Later that afternoon)
NARRATOR: Hindi inakala ng magkabilang panig na ang
part 2 ng kanilang pagkikita ay magaganap din
nang hapong iyon.Nang matapos ang interview
ni Kian ay tumungo ito sa police station
kasama ang amang mayor.
CHIEF POLICE
(Shakehands with mayor.)
Mayor anong sadya natin, at naparito kayo? Maupo po kayo.
MAYOR
(Umupo at nagmasid sa paligid.)
Sinamahan ko lamang ito si Kian para imbitahin ka sa
nalalapit niyang kaarawan.
CHIEF POLICE
Ito na ba ang inaanak ko? Ang laki-laki mo na ah.
(Crisanto pass by.)
KIAN
Dad, yan yung police na humarang sakin at tinicketan ako
ohh.
(Pointing to Crisanto.)
CHIEF POLICE
Mr. Santos, halika lumapit ka.
(Lumapit si Crisanto.)
CHIEF POLICE
Totoo bang hinuli mo ang batang ito?
CRISANTO
Siyang tunay, nagpakilala pa nga siyang anak ni mayor?
MAYOR
Kahit nalaman mong anak ko siya tinuluyan mo pa rin?
Hindi ka ba natakot sa maaaring mangyari kapag nalaman ko
ang ginawa mo?
CRISANTO
Opo, at hindi ako matatakot na hulihin siyang muli kapag
lumabag siyang uli.
CHIEF POLICE
Aray ko! Naku ka naman, crisanto, sana nama’y pinalampas
mo muna at nakakahiya kay mayor.
CRISANTO
Iyan ang bagay na hinding hindi ko magagawa sir, because
the law applies to everyone sir. I was trained to serve
objectively. Walang pinipili ang batas. Kung may nilabag,
may karampatang aksyon.
(The room goes silent for a beat. The mayor
slowly nods)
MAYOR
(Smiles lighty)
Good. That’s what i want to hear. You have a good man
here. Sana mas marami pa siyang katulad.
KIAN
(Face shocked.)
But dad, pinahiya niya ako.
MAYOR
No, you did that to yourself. And you, (looking to
crisanto) thank you for doing your job…even when it’s not
easy. You did what was right. That’s how public service
should be.
(Tumayo si mayor at nakipagkamayan kay Crisanto)
_________________________________________________________
SCENE 7
SETTING: In the house of santos family. In late
evening at dining table.
NARRATOR: Matapos ang buong araw ay umuwi na nga ang
magkapatid na santos dala ang kanilang
kuwento tungkol sa nangyari sa kanilang
araw.
NANAY
O, mga anak, kain na. Kumusta naman ang araw n’yo?
CRISANTO
(Grinning, proud)
Nay, grabe. May nahuli ako kanina — lumabag sa traffic
light. E 'di ayun, tiniketan ko.
NANAY
Ayos lang ‘yan, anak. Ganyan talaga trabaho mo.
CRISANTO
Pero nay… anak pala ng mayor ‘yon.
CARMELA
(Nagulat)
Ha?! Tiniketan mo talaga?
CRISANTO
Oo naman! May violation eh. Hindi porke’t anak siya ng
mayor, exempted na. Ganyan ang bilin niyo, nay, ‘di ba?
Maging patas kahit sino pa kaharap.
NANAY
(Smiling, proud)
Yan ang anak ko. Hindi natakot, hindi nagpalambot. Tama
‘yan, Crisanto. Ganyan ang pagiging obhetibo — ang tama,
kahit sino pa ang tamaan.
CARMELA
(Sighs)
Buti ka pa, kuya. Ako ngayon, kinakabahan pa rin kanina.
Yung katabi ko sa interview na mayabang, yun din pala ang
anak ng mayor. Parang... pre-selected na siya.
NANAY
(Lumapit kay Carmela, hinaplos ang likod)
Tahan na, Carmela. Alam mo, sa galing mo, kahit wala kang
kilala, papasa ka. Ikaw ang tipo ng empleyado na
hinahanap dapat — matalino, maayos, may puso sa trabaho.
Kung patas ang kompanya, ikaw dapat ang pipiliin.
CARMELA
Sana nga, nay… pero ang hirap makakumpetensiya ng may
backer.
(*Just then, a notification sound plays from
Carmela’s phone. She checks it. Her eyes widen.)
CARMELA
(Pretending to be sad)
CRISANTO
(Teasing Carmela)
What happen mela? Why are you crying again? I know
interview result’s right?
CARMELA
Nay ohh si kuya...!
CRISANTO
Biro lang, pero seryoso, bakit? Anong nangyari?
CARMELA
(Faking sad face)
I just received the email.
Crisanto
Anong sabi? Hindi ka natanggap? Okay lang yan, marami
pang kilala na kompanya ang deserve mo.
CARMELA
(With excitement and kilig.)
Ang aking kasagutan ay hindi po kuyaaa.
(Teasing her kuya.)
CARMELA (con.t)
Officially hired na ako sa montclaire global. Nay, may
trabaho na ako.
(FAMILY laughing with joy AND CONGRATULATING
CARMELA. HUGGING EACH OTHER.)
NARRATOR
Sa mundong madalas inuuna ang koneksyon kaysa kakayahan,
may mga taong pinipiling tumindig sa tama. Sa
pagpapatupad ng batas, sa pagkuha ng trabaho at sa bawat
desisyong ginagawa, ang objectivity ang nagsisigurong ang
hustisya ay hindi nakakapit sa apelyido, kundi sa
prinsipyo. Dahil sa huli, ang tagumpay na
pinaghirapan…’yun ang tunay na karapatdapat.
_________________________________________________________
***the end***
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES
University Town, Northern Samar
Web: uep.edu.ph Email: [email protected]
COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
GOVERNANCE, BUSINESS ETHICS, RISK MANAGEMENT AND INTERNAL CONTROL
1780800
ROLE PLAY SCRIPT
OBJECTIVITY: KAPIT O KAKAYANAN?
SUBMITTED BY:
THE V.E.R.I.T.A.S ALLIANCE
BATINGA, MARK LESTER D.
CORONG, JOHN REY
DOROQUEZ, BERNARD ANDRIE
ENERO, JAMES S.
ARCEBUCHE, PRENCES MICA C.
GALIT, ROCHELLE G.
PONSICA, REGINE P.
REYES, JEAN R.
SAJOYAN, FRANCEN JOY C.
SUBMITTED TO:
ATTY. EMILY SISON ACOMPAÑADO, CPA, DPA, JSD