0% found this document useful (0 votes)
81 views6 pages

AP Grade4 Quarter2 Module Week2

Ang dokumento ay isang self-learning module para sa Araling Panlipunan 4 na nakatuon sa kahalagahan ng likas na yaman sa Pilipinas. Tinalakay nito ang mga isyung pangkapaligiran tulad ng polusyon sa hangin, tubig, at lupa, pati na rin ang mga paraan ng matalinong at di-matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman. Binibigyang-diin din nito ang pananagutan ng bawat mamamayan, pamahalaan, paaralan, simbahan, at pamilya sa pangangalaga ng kalikasan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
81 views6 pages

AP Grade4 Quarter2 Module Week2

Ang dokumento ay isang self-learning module para sa Araling Panlipunan 4 na nakatuon sa kahalagahan ng likas na yaman sa Pilipinas. Tinalakay nito ang mga isyung pangkapaligiran tulad ng polusyon sa hangin, tubig, at lupa, pati na rin ang mga paraan ng matalinong at di-matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman. Binibigyang-diin din nito ang pananagutan ng bawat mamamayan, pamahalaan, paaralan, simbahan, at pamilya sa pangangalaga ng kalikasan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Department of Education

National Capital Region


Schools Division of Paranaque City
Self-Learning Modules
Araling Panlipunan 4 Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
Kahalagahan ng Likas Na Yaman
_____________________________________________________________________
Mga Kasanayang Pampagkatuto
( Most Essential Learning Competencies)
Nasusuri ang kahalagahan ng pangangasiwa at pangangalaga
ng mga likas na yaman ng bansa.
Layunin (Subtask)
1. Natatalakay ang ilang mga isyung pangkapaligiran ng bansa.
2. Naipaliliwanag ang matalino at di- matalinong mga paraan ng pangangasiwa
ng mga likas na yaman ng bansa.
3. Nai-uugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng
bansa.
4. Natatalakay ang mga pananagutan ng bawat mamamamayan sa pangangasiwa
at pangangalaga ng pinag-kukunang yaman ng bansa.
5. Nakapagmumungkahi ng mga paraan ng wastong pangangasiwa ng likas
yaman ng bansa.
Balikan Natin
Ang Pilipinas ay pinagpala sa likas na yaman, nakabatay sa mga likas na yaman
ang uri ng kabuhayan ng mga mamamayan. Malaki ang kapakinabangang pangkabuhayang
ito na matatagpuan sa kanilang kapaligiran, dahil nai-uugnay ng mga tao ang kanilang
kabuhayan sa uri ng kapaligiran at sa mga likas na yaman na makukuha dito
Sa Kapaligiran , May Kabuhayan
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawang pangkabuhayan at ayusin ang mga letra
para mabuo ang salita. Isulat ang tamang sagot sa guhit.

sakasapag
------------------------------------
habihapag
____________

pagnamimi ___________

UNAWAIN NATIN
Ang bansang Pilipinas ay nakakaranas sa kasalukuyan ng iba’t ibang isyung
pangkapaligiran,at ito ay nahahati sa tatlo; isyu sa mga anyong lupa, isyu sa mga anyong tubig,
at isyu sa hangin.
1.Polusyon sa Hangin
Ito ay maruruming usok na sumisira sa kalawakan, laganap sa mga lungsod kung
saan maraming mga sasakyan at pabrika na nagbubuga ng maruming usok. Ang paggamit ng
mga insecticide, pesticide at aerosol spray ay sanhi din ng ng polusyon sa hangin.
2. Global Warming
Ito ay bunga ng nakakapinsalang gawa ng tao tulad ng sistemang kaingin, pag
susunog ng basura at kagubatan,pagkakaroon ng singaw sa hinuhukay na langis. Ang global
warming ay nakakapagpapataas ng lebel ng tubig sa dagat.
3. Polusyon sa Tubig.
Pagtatapon ng iba’t ibang uri ng basura, mga dumi, paggamit ng nakalalasong
kemikal,paggamit ng dinamita at cyanide sa pangingisda , dahilan ito ng pagkasira at
pagkamatay ng mga anyong tubig at yamang nakikita dito.
4. Polusyon sa Lupa
Dumi sa lupa na ang pangunahing dahilan ay ang basurang ginagamit ng tao gaya ng
plastik, papel, metal o mga tinatawag na solid waste, iba pang mga bagay na itinatapon sa
landfill o dumpsite. Ito ay nanggagaling sa mga pabrika,minahan at pagamutan na siyang
nagiging sanhi ng dumi sa lupa.
5.Pagkasira ng Kagubatan/ Deforestration
Ito ang walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan o pagkakaingin, at isa
rin sa malaking suliraning pangkapaligiran ng bansa. Ito ay bunga ng land conversion at ang
pagtira ng tao sa kagubatan or habitation, pagkakaingin or illegal logging na nakakapagdulot
ng landslide at matinding pagbabaha sa iba’t ibang lugar.
Matalino at Di- Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas ng Yaman.
Maraming isyung pangkapaligiran ang kinakaharap ng ating bansa na nakaaapekto sa
ating likas na yaman, at pumipigil din sa pag-ulad ng ating bansa.
MATALINONG PANGANGASIWA
A. YAMANG LUPA
1. Pagpapatigil sa pagkakaingin.at pagtatanim ng puno.
2. Pagtanim ng iba’t ibang pananim,pagkatapos anihin ang unang pananim .
3. Paggamit ng organikong pataba sa pagtatanim.at pagbubungkal ng hindi
tinataniman para mapanumalik ang kalusugan ng lupa.
B. YAMANG TUBIG
1. Pagbabawal na maninirahan malapit sa lugar na daluyan.
2. Pagtatanim ng mga puno ng bakawan sa mga baybayin
3. Pagbabawal sa mangingisda na gumamit ng dinamita at pinong lambat.
4. Paglikha ng batas na magpapanagot sa tao at mga bahay kalakal na naging sanhi ng
polusyon sa dagat.
TANDAAN:
❖ Gawin o isabuhay ang 3R’s:
Reuse- muling paggamit ng bagay na luma.
Reduce- pagbawas sa paggamit ng mga bagay na na hindi nakakabuti sa kapaligiran.
Recycle-pagbubuo ng mga bagay mula sa mga lumang bagay.
DI MATALINONG PANGANGASIWA
A. YAMANG LUPA
1. Tuloy-tuloy at labis na pagkakaingin at pagtapon ng basura sa maling lagayan..
2. Pagtroso nang hindi nagtatanim ng bagong puno.at paggamit ng sobrang kemikal sa
pananim at lupa.
3. Maling pagtapon ng dumi galing sa minahan at pabrika.at pagbuga ng nakalalasong usok
sa hangin mula sa pabrika at sasakyan.
B. YAMANG TUBIG
1. Pagtapon ng basura sa dagat, ilog at sapa.
2. Iligal na pagkuha sa mga koral na pinaninirahan ng isda.
3.Pagtagas ng langis sa dagat mula sa makina ng barko at mga pabrika.
4. Pagtatayo ng mga pabrika, gusali, pook alagaan malapit sa ilog o dagat.
5. Paggamit ng mga iligal na paraan ng pangingisda , dinamita at pinong lambat
Kaugnayanan ng Matalinong Pagangasiwa ng Likas na Yaman sa Pag-unlad ng Bansa.
Ang likas na yaman ang pangunahing pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng mga tao. Isa
ito sa mga dahilan sa pagkakaroon ng masagana at maunlad na kabuhayan sa isang lugar,
Ilan sa mga lugar na naging maunlad dahil sa wastong pangangalaga sa likas na yaman ay ang:
Boracay sa Aklan, Karagatan sa General Santos, Baguio,Ilocos, Palawan at iba pang lugar na
may malagong kalakalan,bunga nito malaki ang tulong nila sa ika-uunlad ng bansa.
Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinag-kukunang-Yaman ng Bansa.
Bilang mabuting mamayan bawat isa sa atin at may pananagutan na dapat gampanan para
mapangasiwaan at mapangalagaan ang mga pinagkukunang yaman na ating bansa.
Pananagutan ng Pamahalaan
1. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman- (DENR) Bumalangkas ng isang
malinaw na batas-Artikulo II, Seksyon 16 ng Saligang Batas ng 1987,.”Dapat
pangalagaan at isulong ng Estado ang Karapatan ng sambayanan sa timbang at
kanais-nais na ekolohiya na tugma sa kalikasan.
2. Coral Resources Development and Conservation Decree.(PD1219/PD1698)
Ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.
3. Republic Act 428- Batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang
yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.
4. PD705 o Selective Logging (PD705). Isa sa mga batas ukol sa selective logging ang
pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulinat kung ano ang dapat
iwanan.
Pananagutan ng Paaralan
Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987) Artikulo XIV- Edukasyon, Siyensya
at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Sec. 1)- “ Pangangalagaan at Itataguyod ng Estado
ang Karapatan sa mataas na uri ng edukasyon. Pananagutan ng paaralan na bigyan ng
kaalaman ang mag-aaral sa lahat ng antas ukol sa tamang paraan ng pangangasiwa ng
yamang likas.
Pananagutan ng Simbahan
Pananagutan ng simbahan na himukin ang kanilang kasapi na magkaroon ng mataas na
pagpapahalaga sa mga likas na yaman, at maipakita sa kanilang paniniwala ang paggalang sa lahat ng
bagay na may buhay.
Pananagutan ng Pamilya
Ang Pamilya ay tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan, ngunit malaki ang tungkulin
nito sa wastong paraan ng pangangalaga sa ating yaman. Tungkulin ng mga magulang na himukin
ang mga anak na pangalagaan ang likas na yaman.
Pananagutan ng Mamamayan
Tungkulin ng bawat mamamayan na isabuhay ang lahat na nalalaman tungkol sa
pangangalaga ng likas na yaman, hikayatin ang bawat isa at magtulungan na magkaroon ng sariling
disiplina para gawin ang tama para sa ikalago at ikabuti ng ating mundong ginagalawan.
Lahng Kayumanggi 4, Ang Bansang Pilipinas
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6

Ilapat Natin Basura Mo Linisin Mo


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin ang isyung pangkapaligiran na
nilalarawan,Isulat ang letra ng tamang sagot sa linya.
A. Polusyon sa Lupa D.Gre C. Polusyon sa Hangin
B.Polusyon sa Tubig E. Pol D. Pagkasira ng Kagubatan/ Deforestration

1.. Maruming usok na sumisira sa kalawakan,maging ang paggamit ng


insecticide , pesticide at aerosol spray___

2.. Pagtapon ng mga dumi sa tubig,paggamit ng nakalalasong kemikal


sa katubigan kagaya ng dinamita at cyanide sa pangingisda.____

3. Pagputol ng mga puno sa kagubatan dahil sa land conversion,


pagkkaingin at illegal logging______.

Gawain Mo, Apektado Ako


Suriin Natin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, Iguhit (bilugan)ang masayang mukha kung
naglalarawan ng matalinong pangangasiwa sa likas na yaman, iguhit ang malungkot na
mukha kung hindi matalinong pangangasiwa ang pinapahayag.
1.Pg1. 1. Pagsasabuhay ng reuse, reduce, recycle.
2. Paglagay ng mga basura sa iisang lagayan.

3.Paggamit ng dinamita, cyanide at pinong lambat sa panigingisda.


Tayain Natin
Sukatin Ko ang Kaalaman Mo
Panuto: Basahin ang mga tanong, Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay isang paraan ng paglilinis ng lupa sa kagubatan sa pamamagitan ng pagsunog at
pagputol ng puno.
A. Pagkakaingin
B. Tree Planting
C. Reforestration
D. Green Revolution
2. Ito ang kahulugan ng 3R’s na makatutulong sa matalinong pangangasiwa ng mga likas na
yaman.
A. Rain, Road, Rice
B. Rest, Repeat, Release
C. Read, Ready, Receive
D. Re-use, Reduce, Recycle
3. Ito ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo bunga ng mapinsalang gawain
ng tao tulad ng pag sunog ng kagubatan at paggamit ng mga napinsalang kemikals.
A. Rain Forest
B. Tree Planting
C. Global Warming
D. Green Revolution
4. Ito ay isa sa mga isyung pangkapaligiran na naging dahilan ng pag baha, at pagguho ng lupa
sa matataas na lugar.
A. Pagputol ng puno.
B. Pagtanim ng puno.
C. Paggamit ng mga organikong pataba.
D. Pag tanim ng iba’t ibang uri ng mga gulay.
5. Ito ay uri ng polusyon na ang pangunahing dahilan ay ang pagtapon ng mga basura,plastik,
metal o iba pang solid waste sa dumpsite o landfill.
A. Polusyon sa Lupa
B. Polusyon sa Tubig
C. Polusyon sa Hangin
D. Palusyon sa Kagubatan.
6. Ito ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pangangalaga ng
ating kalikasan at kapaligiran.
A. Kagawaran ng Turismo
B. Kagawaran ng Kalusugan
C. Kagawaran ng Transportasyon
D. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
7. Ang bawat isa ay may pananagutan sa pangangasiwa ng likas na yaman,tungkulin nito na mabigyan
ng mataas na uri ng edukasyon at tamang kalalaman ang mga bata sa pangangalaga ng kalikasan.
Kaninong pananagutan ito?
A. Pananagutan ng Pamilya
C. Pananagutan ng Paaralan
D. Pananagutan ng Simbahan
E. Pananagutan ng Mamamayan
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman bansa?
I. Pagtanim ng mga puno sa bakanteng lote
II. Paghiwalay ng mga basura na nabubulok at di nabubulok
III. Pagwalis ng mga basura papunta sa mga daluyan ng tubig.
IV. Pagsunod sa batas na itinakda ng pamahalaan tungkol sa pangangalaga ng likas na yaman.
A. I, II at III B. III, I at IV C. I, II at IV D.I, III at IV
9. Ang mga sumusunod ay magiging bunga kung mapangasiwaan ng tama ang ating likas na yaman. I.
Uunlad ang turismo at kabuhayan.
II. Dadami ang tao at mawalan ng kabuhayan ang mga nakatira dito.
III.Madadagdagan ang mga produkto at lalago ang mga negosyo ng isang lugar.
IV.Matugunan ang mga pangangailangan at magkaroon ng masaganang kabuhayan .
A. I, III, IV B. I,II,III C.II, III, IV D.II, I. IV
10. Paano mo maipapakita ang pakikibahagi sa tamang pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa.
I. Sundin ang mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan..
II. Ipaubaya sa mga nakatatanda ang paglilinis ng kapaligiran
III. Ilagay ang mga basura sa tamang lagayan para mapakibangan pa ng iba.
IV. Makibahagi sa mga gawain na nagpapakita ng tamang pangangasiwa ng yamang likas.
A. I.II, III B. I,III,IV C.II,III,IV D.II,IV,I
Kalikasan ay Alagaan Para Umunlad ang Bayan
Likhain Natin
Bilang isang batang mag-aaral sa ika-apat na baitang nakabubuting makiisa tayo sa pangangalaga ng ating
kapaligiran o ano mang uri ng likas na yaman sa ating lugar. Maipapakita ninyo bilang mag-aaral
kung paano makibahagi at makapagbigay ng mungkahi sa gawaing ito sa pamamagitan ng pag
guhit/paggawa ng Poster na may tema” Sa Ikakaununlad ng Likas na Yaman, Tamang
Pangngalaga ng kapaligiran ang Kailangan.”
Paggawa ng Poster
Sundin ang mga sumusunod na na paraan sa pagawa ng Poster
Nakagagawa ng isang Poster na may paksang wastong pangangalaga
Layunin (Goal) ng kapaligaran at likas na yaman.

Gampanin (Role) Malikhaing Pintor


Mga manonood Mga mag-aaral sa ika-apat na baitang at mga magulang
(Audience)
Inaatasan ng guro sa Araling Panlipunan 4 ang mga mag-aaral sa ika-apat
Sitwasyon (Situation) na baitang na gumuhit/gumawa ng isang poster na nag papakita ng
wastong pangangalaga ng kapaligiran o likas na yaman
Produkto (Product) Nakabuo ng isang Poster tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
Pamantayan (Standard) Gagamitin ang rubrik sa ibaba upang maging gabay sa pagbibigay ng
marka sa awtput na natapos ng mga mag-aaral

Sundin ang sumusunod na paraan sa paggawa ng Poster.


➢ 1.Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa, pwedeng gamitin ang lumang krayola, mga
tiratirang pastel, lapis, cardboard, malinis na karton at iba pang gamit na pinaglumaan na
noong nakaraang taon.
➢ 2. Pag- isipang mabuti ang mga gawaing nagpapakita ng tamang pangangasiwa ng
kapaligiran at iba pang likas na yaman na makikita sa inyong lugar.
➢ 3. Isulat sa papel at planuhing mabuti kung paano ito maiguhit at malagyan ng tamang
kapsyon base sa tema.
➢ 4. Lagyan ng magandang kombinasyon ng kulay na naaayon sa tema ng iyong ginawa.
➢ 5. Ilagay o idikit ito sa labas ng inyong bahay, sa mga lugar malapit sa parke o nadadaanan
ng tao para makatawag pansin para masuri.
➢ 6. Kuhaan ng larawan/bidyo ang iyong paggawa ng poster at ang mismong nakapaskil na
gawa. ( ilagay sa facebook/ messenger
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Paggawa ng Poster
Mamarkahan ang inyong gawa ayon sa rubrik na i
Mahusay
MGA KRAYTERYA Pinakamahusay 5 Napakahusay4
3
Lubos na nagpamalas Naging malikhain sa Hindi gaanong naging
Pagkamalikhain ng pagkamalikhain sa paghahanda. maikhain sa paghahanda.
paghahanda.
Buo ang kaisipan, May kaisahan at Konsistent, may kaisahan,
konsistent, kumpleto may sapat na kulang sa detalye at hindi
Organisasyon
ang detalye at detalye at malinaw gaanong malinaw ang
napakalinaw na intensiyon. intensiyon.
Angkop na angkop ang Angkop ang mga Hindi gaanong angkop ang
Kaangkupan sa
mga at larawan sa salita sa larawan ng mga salita at larawan sa
Paksa
paksa. paksa. paksa.
Kabuuang Puntos Kahulugan
14- 15 Pinakamahusay
12- 13 Napakahusay
7 - 11 Mahusay

You might also like