Department of Education
Region x
Division of Bukidnon
District of Don Carlos I
DON CARLOS CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
SCHOOL ID: 126344
A Detailed Lesson Plan in English IV
I. Mga Layunin
Ang mga mag aaral ay inaasahang:
• Nasusuri ang iba't ibang gawaing pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga
oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa likas kayang pang-unlad.
• Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba't ibang hanapbuhay at gawaing
pangkabuhayan na nakatutulong sa pagkakakilanlang Pilipino at likas
kayang pag- unlad ng bansa.
• Naipaliliwanag ang iba't ibang pakinabang pang ekonomiko ng mga likas na
yaman ng bansa.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Pambansang Ekonomiya
b. Sanggunan: Libro ng Araling Panlipunan . YUNIT II
c. Kagamitan: PowerPoint
d. Istratehiya: Inquiry based strategy
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag aaral
a. Panimulang Gawain
"Mangyaring tumayo ang lahat.
Ipinikit ang inyong mga mata at damhin ang
presensya ng Panginoon. Sa pangalan ng (ang mga mag aaral ay tatayo at
Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen." mananalangin)
Makapangyarihang Diyos…………………
"Magandang umaga mga bata!"
“Magandang umaga po, Sir”
"Kumusta kayong lahat ngayon?"
“Mabuti po”
"Ako ay masayang marinig iyan!"
"Okay mga bata, bago kayo umupo,
mangyaring kolektahin ang mga piraso ng
papel sa ilalim ng inyong upuan at ayusin ito (ang mga mag aaral ay kokolektahin
ng maayos." ang mga kalat at aayusin ang upuan,
pagtapos ay mauupo)
b. Munting Balik- Aral
Mga bata, kumpletuhin ang pangungusap batay sa
nakaraang aralin, gamit ang gabay na kahon sa (ang mga mag aaral ay masayang
ibaba. (gawin sa loob ng tatlong minuto) kokumpletuhin ang pangungusap batay
sa nakaraang aralin)
1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Gitnang
Silangang
2. Ang archipelago ay isang anyong lupa na
binubuo ng malalaki at maliit na
3. Ang pilipinas ay binubuo rin ng malawak na
4. Sa kapatagan matatagpuan ang malalaking
taniman ng
5. Maraming magagandang tanawin na dinarayo
ng mga
Opo, Sir tapos na po
Tapos na po oras na ibinigay ko sa inyo.
Makikipalit na po ng iyong papel sa inyong kalapit
(ang mga mag aaral ay
upang tignan ang inyong mga sagot kung ito ay tama.
makikipagpalitan na ng papel)
Mahusay mga bata, palakpakan nyo ang inyong sarili.
(ang mga mag aaral ay papalakpak)
c. Pangganyak Ayusin ang jumbled letters upang
mabuo ang mga
salita. Mayroon kang dalawang minuto sa gawaing
ito.
M A N G Y A
S A L I K
Ano ang nabuo mong mga salita? Sir, ang nabuo ko pong salita ay
YAMANG LIKAS po
Tama, napakahusay mo
Alam nyo ba na ang ating bansa ay biniyayaan ng
mga ya,amg likas. Dito nanggagaling ang mga
pangunahing kailangan ng mga tao at ng bansa.
Malaki ang pakinabang pang-ekonomiko ay ating
bansa sa mga likas na yaman.
Pakinabang pang ekonomiko?
Ano kaya ito?
Mga bata may ideya ba kayo dito?
(ang mga mag aaral ay sasagot)
Kung wala ay makinig kayo dahil iyan ang ating
tatalakayin ngayon.
Handa na ba kayo?
Opo, handa na po
Kung handa na kayo ay simulan na natin ang
talakayan.
Kung handa na talaga ay bigyan ako ng tatlong (ang mga mag aaral ay papalakpak ng
palakpak tatlo)
d. Paglalahad ng paksa
Bago tayo magsimula, kayo muna ay bibigyan ko ng
isang katanungan.
Ano-ano ang likas na yaman ng ating bansa, at mga (ang mga mag aaral ay sasagot)
pakinabang pang-ekonomiko ng mga ito?
Tumpak, bigyan natin sya ng limang palakpak.
Tama dahil ang ating bansa ay may apat na uri ng
likas na yaman. At ito ay ang:
1. Yamang pansakahan
2. Yamang kagubatan o kabundukan
3. Yamang pangisdaan
4. Yamang Mineral
Ano ang ng aba ang ekonomiko?
Ang salitang ekonomiko ay mas kilala sa salitang
"ekonomika" (sa wikang Pilipino) o "ekonomiks" (sa
wikang Ingles).
Ito ay bahagi ng agham panlipunan na tumutukoy sa
pamamahala upang magamit nang mabisa ang mga
pinagkukunang-yaman at matugunan ang sari-
saring pangangailangan ng bawat tahanan,
pagawaan, at maging ng pamahalaan. bahay-
kalakalan
Sa araling ito ay mapapaunlad nyo ang iyong
kaalaman ukol sa pakinabang pang ekonomiko ng
ating bansa na nagmumula sa ating mga likas na
yaman. Ito ay nahahati sa tatlo:
1. Pakinabang sa kalakal at produkto
2. Pakinabang sa turismo
3. Pakinabang sa enerhiya
Pakinabang sa Kalakal at Produkto Ang Pilipinas
ay sagana sa likas na yaman. Kung
kaya, ang mga Pilipino ay karaniwan nang umaasa
rito upang matugunan ang kanyang
mga
pangunahing pangangailangan. Gaya ng pagkain,
kasuotan at tirahan. Maraming produkto ang
nanggagaling sa mga yamang ito.
Ang likas na yaman ng bansa ay nakakatulong sa
pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa
sapagkat;
1. Maraming produkto ang nanggagaling dito gaya
ng isda at iba pang lamang dagat at tubig; mga
prutas at gulay at mga pang-agrikulturang
produkto; mga troso; mga mineral, ginto, pilak at
tanso; at marami pang iba na napagkakakitaan natin
ng malaking halaga.
2. Ang mga produktong ito ay nailuluwas din sa
ibang bansa.
3. Nangangahulugan ito ng karagdagang kita sa ating
kabang-yaman na napakahalagang sangkap sa pag-
angat ng ating ekonomiya.
4. Nakasalalay sa paglago ng ekonomiya ang pag-
unlad ng bansa.
Narito ang ilan sa mga produktong nag-aangat
ng ating ekonomiya:
1. Palay mula sa Gitnang Luzon
2. Magagandang uri ng manga sa Guimaras, Iloilo
3. Strawberry mula sa Baguio
4. Marmol mula sa Romblon
5. Minahan ng ginto sa Paracale Camarines Norte,
Masbate, Baguio at marami pang lugar sa Pilipinas
Sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalawak ang
pakikipagugnayan ng ating bansa sa larangan ng
kalakalan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) o
dating kilala bilang National Statistics Office
(NSO), ang pagluluwas ng produkto sa ibang bansa
ay nagpapasok sa ating kabang yaman ng malaking
halaga ng dolyar. Ito ay nakakatulong sa pag-angat ng
ekonomiya ng bansa.
Mga anak, nais kong pag aralan nyo ang talahanayan
na nagpapakita ng kabuuang datos ng estadistika ng
produksioyon ng mga pananim sa bansa:
Ilan sa mga produktong nag-aangat ng ating
ekonomiya ay ang palay mula sa Gitnang Luzon,
magagandang uri ng manga sa Guimaras, Iloilo,
strawberry mula sa Baguio, marmol mula sa
Romblon, minahan ng ginto sa Paracale Camarines
Norte, Masbate, Baguio at marami pang lugar sa
Pilipinas.
Pakinabang sa Turismo
• Maituturing na likas na yaman ang maraming
lugar at tanawin sa bansa.
• Malakas itong atraksiyon sa mga turista,
buhat sa mga karatig-lalawigan at maging sa
labas ng bansa.
Gaya ng mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan,
bulkan, kagubatan, at maging ang ilalim ng dagat.
• Dinarayo rin ng mga turista ang mga
makasaysayang lugar sa bansa. Bunga nito malaki
ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng
ekonomiya. • Malaking dolyar ang naipapasok ng
mga turista sa
bansa.
Narito ang ilan sa mga paboritong pook pasyalan
ng mga turista:
1. Baguio City, tinaguriang "Summer Capital of the
Philippines" dahil sa malamig nitong klima
2. Tagaytay, kilala rin sa taglay nitong malamig na
simoy ng hangin at mula rito matatanaw ang
bulkang Taal
3. Beach Resort sa Puerto Galera, Mindoro
4. Chocolate Hills sa Bohol
5. Napcan Beach sa El Nido Palawan
6. Tarsier, pinakamaliit na unggoy na kalimitang
kasing laki lamang ng kamao, makikita sa Bohol
7. Isla ng Boracay sa Aklan, dinarayo ng mga turista
dahil as kulay puting buhangin nito
8. Tubatahha Reef Palawan, pinamamahayan ng
magagandang korales at iba't ibang uri ng isda at
lamang tubig
Pakinabang sa Enerhiya
• Ang mga likas na yaman ng bansa ay
pinagkukunan din ng enerhiya.
• Malaking tulong ito sa ating ekonomiya dahil
hindi na natin kailangang umangkat pa ng
maraming krudo o langis.
• Pinatatakbo ang mga planta ng kuryente sa
pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa
talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya at
lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos Norte sa
pamamagitan ng windmill.
• Nariyan rin ang Geothermal Power Plant sa
Tiwi, Albay na nagbibigay sa ating
enerhiyang pang-elektrisidad.
Naunawaan po ba ang ating talakayan? Opo, Sir naunawaan po naming ang mga
tinalakay
May mga katanungan pa po ba kayo patungkol sa
ating ginawang talakayan? Wala po
Kung wala na ay mahusay ang lahat. Bigyan nyo ang (ang mga mag aaral ay papalakpak)
inyong sarili ng sampung palakpak.
E. Generalization
A-Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ito sa iyong sagutang papel. (Mayroon kang 5
minuto sa gawaing ito.)
1. Paano nakakatulong ang mga likas na yaman sa
pag-angat ng ating kabuhayan?
A. Ang mga produktong nakukuha natin dito gaya ng
isda, hipon at iba pang mga lamang dagat at tubig ay
nagbibigay kita sa ating mga maningisda.
B. Ang mga prutas, gulay at mga produktong pang-
agrikultura ay napagkakakitaan ng malaki ng ating
mga magsasaka.
C. Ang mga likas na yaman gaya ng enerhiya mula sa
bulkan, lakas ng hangin ay malaking tulong sa ating
ekonomiya, hindi na natin kailangang umangkat ng
krudo at langis.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
2. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa
pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas na yaman
ng ating bansa, maliban sa isa. Alin ito?
A. Pakinabang sa turismo
B. Pakinabang sa enerhiya
C. Pakinabang sa kalakal at produkto
D. Pakinabang sa mga OFW (Overseas Filipino
Worker)
3. Anong
ang pakinabang pang-ekonomiko
nakukuha natin sa mga planta ng kuryente sa
pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa Talon ng
Maria Cristina, lawa ng Caliraya at iba pang anyong
tubig.
A. Pakinabang sa Enerhiya
B. Pakinabang sa Turismo
C. Pakinabang sa Kalakal at Produkto D. Lahat ng
nabanggit ay tama
4. Sa paanong paraan naituturing na pakinabang
pang- ekonomiko ang mga lugar tulad ng Baguio,
Tagaytay, Isla ng Boracay, Underground River sa
Palawan?
A. Ito ay nagsisilbing atraksiyon sa mga turista mula
sa ibang lalawigan at ibang bansa.
B. Ang mga turista ay nagpapasok sa atin ng
malaking dolyar na nakakatulong sa ating
ekonomiya.
C. Ang mga mamamayan sa paligid ng mga
nabanggit na lugar ay nagkakaroon ng dagdag kita
dahil nakapagtatayo sila ng mga negosyo sa paligid
nito gaya ng hotel, restawran at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit at tama.
5. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ito ang
nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng
bansa. Isa na rito ang pakinabang sa kalakal at
produkto. Alin ang hindi kabilang sa pangkat ng
kalakal at produkto?
A. Mga prutas at gulay
B. Geothermal Energy mula sa Tiwi, Albay
C. Mga isda at lamang dagat
D. Mga troso, mineral at ginto
IV. Ebalwayson ng Pagkatuto
PKP kung ito ay pakinabang sa kalakal at produkto
PT kung pakinabang sa turismo at
PE kung pakinabang sa enerhiya
V. Takdang Aralin
A. Panuto: Isulat sa “Graphic Organizer” ang tatlong pangunahing pakinabang pang
ekonomiyo na naibibigay sa atin ng mga yamang likas.
Tatlong Pangunahing Pakinabang
Pang-ekonomiko
B. Basahin ang mga sumusunod na pakinabang pang ekonimiko na naibibigay sa atin g
mga likas na yaman. Isulat sa patlang ang mga sumusunod:
PKP kung ito ay pakinabang sa kalakal at produkto
PT kung pakinabang sa turismo at
PE kung pakinabang sa enerhiya
1. Taniman ng strawberry sa Baguio
2. Tarsier sa Bohol
3. Windmill sa Ilocos Norte
4. Geothermal Power Plant sa Tiwi, Albay
5. Hundred Island sa Panggasinan
Inihanda ni: Angelo Travis Digal
Student Teacher
Inobserbahan ni: Retchel Pinhay
Araling Panlipunan Subject Teacher