WRITTEN REPORT
I. Panimula
Aralin 2.5: Sosyolohiya ng wika
Ang sosyolohiya ng wika ay isang disiplina na nakatuon sa pag-aaral ng
ugnayan ng wika at lipunan. Mula ito sa larangan ng sosyolinggwistika at
tinatawag ding makro-sosyolinggwistika. Pinag-aaralan nito kung paano
ginagamit ng tao ang wika upang magtulungan, makipag-ugnayan, at bumuo
ng mga alituntunin sa lipunan.
Aralin 2.6: Antropolohikong linggiwistika
Ang antropolohikong linggwistika ay isang sangay ng linggwistika na naglalayong
pag-aralan ang malalim na ugnayan sa pagitan ng wika at kultura. Sa pamamagitan
ng pag-unawa sa kung paano hinuhubog ng wika ang kilos, kaisipan, at pamumuhay
ng isang komunidad, nagkakaroon tayo ng mas malalim na pang-unawa sa mga
aspeto ng pagkakakilanlan ng tao at ang kanilang pakikisalamuha sa lipunan.
Layunin ng papel na ito na suriin ang mga pangunahing aspeto ng antropolohikong
linggwistika at ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan ng
mga tao.
Aralin 2.7: Etnoklinggwistika
Sa larangang ng etnolinggwistika, matatagpuan ang mahalagang pag-aaral
sa ugnayan ng wika at kultura. Sa pamamagitan ng etnolinggwistika,
masusing iniuugnay ang wika at kultura at ang paraan ng paggamit ng iba’t
ibang grupo ng etniko sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay isang
pagsasama ng etnolohiya at linggwistika, na kilala rin bilang kultural ng
linggwistika
II. Nilalaman
Aralin 2.5: Sosyolohiya ng wika
Pagkakaiba ng Sosyolohiya ng Wika at Sosyolinggwistika
- Sosyolohiya ng Wika ay tumutukoy sa epekto ng wika sa
panlipunang organisasyon ng pag-uugali at sa mga saloobin ng
tao patungkol sa wika. Halimbawa, tinitingnan nito kung paano
ang isang grupo ay bumubuo ng identidad batay sa kanilang
wika.
- Sosyolinggwistika, sa kabilang banda, ay tumutukoy sa pag-aaral
kung paano naaapektuhan ng lipunan ang wika. Halimbawa,
kapag napapansin ang pagkakaiba ng pagbigkas o paggamit ng
wika ng iba’t ibang tao sa isang komunidad.
Mga Kontribusyon ni Joshua Fishman
Si Joshua Fishman, isang kilalang iskolar sa wika, ay nag-ambag ng malaki sa
sosyolohiya ng wika. Itinatag niya ang “International Journal of the Sociology
of Language”. Isa sa kanyang pangunahing ideya ay ang papel ng wika sa
pakikipag-ugnayan ng tao sa lipunan, kung saan ginagamit ang wika para
bumuo ng mga social norms.
Mga Halimbawa
1. Sosyolohiya ng Wika:
Ang paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa ay paraan ng pagbubuo
ng pagkakaisa sa kabila ng iba’t ibang katutubong wika sa Pilipinas.
Gayunpaman, may ilang mga pangkat na tumututol dito dahil sa takot na
mawala ang halaga ng kanilang sariling wika.
2. Sosyolinggwistika:
Sa Tagalog, may pagkakaibang naririnig sa paraan ng pagbigkas ng mga
taga-Maynila kumpara sa mga taga-probinsya. Ito ay dulot ng impluwensya
ng kapaligiran at kultura ng bawat rehiyon.
Wika at Kasunduan
Mahalaga ang paggamit ng tamang wika sa mga usapang pangkapayapaan.
Kapag hindi nauunawaan ng mga kasangkot ang wika, tulad ng mga
pangkat-etniko sa Mindanao, maaaring magdulot ito ng pagkalito at
pagkakaiba ng interpretasyon, na maaaring makaapekto sa bisa ng
kasunduan.
Aralin 2.6: Antropolohikong linggiwistika
Ang antropolohikong linggwistika ay nakasentro sa apat na pangunahing
aspeto:
Wika at Kultura,
Wika at Pag-iisip,
Wika sa Kontekstong Panlipunan
Pagbabago ng Wika.
Wika at Kultura
Sa bawat kultura, ang wika ay nagsisilbing pangunahing instrumento
upang ipahayag ang mga tradisyon, paniniwala, at pamumuhay. Ang
mga salitang ginagamit ay sumasalamin sa mga aspeto ng kultura na
nagbibigay ng kahulugan at konteksto sa iba't ibang ritwal at
pamantayan sa buhay.
Wika at Pag-iisip
Sinasaliksik ng mga linggwista ang teorya ng linguistic relativity, na
nagsasabing ang istruktura ng wika ay maaaring makaimpluwensya sa
kung paano nag-iisip at nakikisalamuha ang mga tao sa kanilang
kapaligiran. Ang wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon
kundi may kapangyarihan ding hubugin ang pananaw ng tao sa
mundo.
Wika sa Kontekstong Panlipunan
Ang paggamit ng wika ay nag-iiba batay sa katayuan ng isang tao sa
lipunan, kasarian, edad, at maging sa konteksto ng isang pag-uusap.
Ang mga anyo ng pananalita, pagsasalita, at diyalogo ay nagbabago
batay sa kalagayan at relasyon ng mga nag-uusap.
Pagbabago ng Wika
Hindi permanente ang wika; nagbabago ito sa paglipas ng panahon, na
naapektuhan ng teknolohiya, kultura, at migrasyon. Sa pamamagitan
ng pag-aaral ng pagbabago ng wika, nakikita natin kung paano
nababago ang kahulugan ng mga salita at ang istruktura ng
komunikasyon.
Aralin 2.7: Etnolinggwistika
Etnilinggwistika- ugnayan ng wika at kultura ang tunon ng larang na ito sa
pag-aaral ng wika. Ayon kay Underhill (2012) pag-aaral ito sa relasyon sa
pagitan ng wika at komunidad. Paliwanag ni Underhill, may dalang
konotasyon ang etnik (sa etnolinggwistika) na iba dahil sa mga marhinal na
grupo. Habang ito naman ay maaaring mangangahulugang karaniwang
grupo gaya ng imigrant na grupo. Gayunpaman, sa lente nito higit ang
pagtingin sa pag-aaral ng wika sapagkat ito ay isang larang ng linggwistika
na pag-aaral ng ugnayan ng wika at kultura, at ang paraan ng iba’t ibang
grupo ng etniko na nakikita sa mundo. Ito ang kumbinasyon sa pagitan ng
etnolohiya at linggwistika. Kinikilala rin ito bilang kultural ng linggwistika.
III. Konklusyon
Aralin 2.5: Sosyolohiya ng wika
Ang sosyolohiya ng wika ay isang mahalagang disiplina sa pag-unawa sa
papel ng wika sa lipunan. Binibigyang-pansin nito ang mga dinamiko ng
ugnayan ng wika at lipunan, at kung paano ito nagiging instrumento ng
identidad, pagkakaisa, at pang-unawa.
Aralin 2.6: Antropolohikong linggiwistika
Ang antropolohikong linggwistika ay isang mahalagang disiplina na
nagbibigay-diin sa papel ng wika bilang salamin ng kultura at kasangkapan
ng pag-iisip. Sa pag-aaral nito, nalalaman natin kung paano ang wika ay
hindi lamang ginagamit upang makipag-usap kundi bilang instrumento ng
pagpapahayag ng ating mga paniniwala, pagpapahalaga, at pananaw sa
mundo. Ang ugnayan ng wika at kultura ay nagpapatibay sa
pagkakaintindihan at pagkakaisa ng mga tao sa iba’t ibang lipunan.
Aralin 2.7: Etnolinggwistika
Ang etnolinggwistika ay isang mahalagang larangang nagtutuon sa ugnayan
ng wika at kultura. Ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng
pagpapakahulugan ng wika sa konteksto ng kultura ng mga nagsasalita nito.
Sa ganitong paraan, natututo tayo na maging sensitibo sa kultura at wika
upang mapanatili ang pagkakaisa at respeto sa bawat grupo sa lipunan.
Recommendations:
1. bakit mahalaga na dapat alamin natin ang sosyolohiya ng wika? at
paano ito nakaka apekto sa ating pang araw araw na buhay?
2. Paano naiimpluwensyahan ng wika ang paraan ng pag-iisip at pananaw
ng mga tao sa kanilang kultura at lipunan?
3. Sa iyong palagay, bakit may ugnayan ang wika at kultura?