Fortress College Inc.
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET
ASCO Compound, Kabankalan City, Negros Occidental
Name: _____________________________________________________ Subject: Grade / Score: _____________
Grade & Section: ____________________________________________ Teacher: __________________________________ Date:
Activity Title: Limang tema ng Heograpiya
Learning Target: Natutukoy ang limang tema ng heograpiya.
References: DepEd, Kasaysayan ng Daigdig Grade 8, Pahina 12-13.
Core Value/s: Understanding, Responsiveness LAS 1 Q1 W1
Nagsimula ang salitang Heograpiya sa wikang Griyego na “geo” o daigdig at “graphia” o
paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.
Limang tema ng Heograpiya
1. Lokasyon - tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
a. Absolute na gamit ang mga imaginary line tulad ng longitude at latitude na
bumubuo sa grid.
b. Relatibong lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid. Tulad ng,
anyong lupa, tubig at mga instrukturang gawa.
2. Lugar - tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook.
a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig at likas na yaman.
b. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao
kultura at mga sistemang political.
3. Rehiyon - bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangian.
4. Interaksyon ng tao sa kapaligiran - ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng
kanyang kinaroroonan.
5. Paggalaw - Ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar;
kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng
hangin at ulan.
GAWAIN.
Panuto: Suriin ng mabuti ang mga naisulat sa ilalim at tukuyin kung saang tema ito
nabibilang. Isulat ang titik at ang tamang sagot sa loob ng flower chart.
a. May tropical na klima ang Pilipinas
b. Matatatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, Timog ng Bashi Channel, at Silangan ng
West Philippine Sea
c. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino
dahil napapalibutan ng dagat ang bansa
d. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho.
e. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
PROPERTY OF FORTRESS COLLEGE PREPARED BY: SHABANIE V. LABASAN, LPT
Interaksyon ng tao at
kapaligiran
REHIYON
LOKASYON
PILIPINAS
PAGGALAW LUGAR
FLOWER CHART
WEEK 1 LAS 1
PROPERTY OF FORTRESS COLLEGE PREPARED BY: SHABANIE V. LABASAN, LPT