*MUSIC FADE IN: True Colors Instrumental*
SCENE: HOUSE/KWARTO
FILTER: Black and White
QUEENIE: *nagising mula sa pagkakatulog*
*chineck ang cp* (nagpop-up ang mga hate comments about her)
*bumangon at tumingin sa salamin* *tinitigan ang sarili hanggang sa umiyak*
NANAY: *voiceover* Matagal ka pa ba d’yan, nak? Papasok ka na sa school.
QUEENIE: *nagpunas ng luha at nag-ayos* Opo, Ma. Saglit lang po.
*CONTINUOUS MUSIC: True Colors Instrumental*
SCENE: SCHOOL
FILTER: Black and White
QUEENIE: *dumadaan sa corridor*
MGA GIRLY: *bubungguin si Quennie at pagtatawanan*
GIRLY 1: Ay, napakalampa naman! Kumakain ka ba?
GIRLY 2: Queenie, tumayo ka nga d’yan! Napakatingting mo kasi e.
MGA GIRLY: *umalis at iniwan si Queenie*
QUENNIE: *inayos ang gamit at tumayo, pumasok sa room nang malungkot*
*CONTINUOUS MUSIC: True Colors Instrumental*
SCENE: CLASSROOM
FILTER: Black and White
QUENNIE: *papasok sa room* (may mga extra as students)
*balisa at stress*
TEACHER: *papasok sa room* Good Morning, class! Just as I said last meeting, may grade
recitation tayo sa subject ko.
*bumunot ng index card* Uhm, Miss Queenie. What is Physical Education based on our
discussion before?
QUEENIE: *nanginginig* Ahm, Ma’am Physical Education is….. *Nag-iisip at nalilito*
ANGLE SHOT: QUEENIE’S POV *nahimatay*
*CONTINUOUS MUSIC: True Colors Instrumental*
SCENE: CLINIC
FILTER: Black and White
QUEENIE: *magigising*
TEACHER: Gising ka na pala, ‘nak! Kumusta ang iyong pakiramdam? Bigla ka na lang bumagsak sa
klase kanina. May bumabagabag ba sa’yo?
QUEENIE: Wala po, Ma’am.
TEACHER: Sige na, ‘wag ka matakot magkwento sa’kin.
QUEENIE: Ang totoo po n’yan masyado na po akong nagpapatalo sa insecurities ko. Sa mga
komento nila sa katawan ko. Hindi na po ako nakakain nang maayos at nanghihina na rin po ako.
TEACHER: Ganun ba? Huwag kang mag-alala, ‘nak. Tutulungan kita.
QUEENIE: Talaga po?
TEACHER: *kinuha ang kamay ni Queenie at ngumiti. *
*FILTER: COLORED*
*MUSIC: TRUE COLORS CHORUS*
TRANSFORMATIONAL SCENES
*FILTER: COLORED*
*MUSIC: TRUE COLORS*
CLINIC: *Sinamahan ng teacher si Queenie sa doctor, nagreseta ang doctor ng mg nutritional diets*
BAHAY: *Gumigising si Queenie nang hindi agad tumitingin sa cellphone n’ya bagkus ay nag-
eexercise agad*
CLASSROOM: *Pumapasok si Queenie sa klase ng guro at nakikinig nang mabuti sa mga turo nito.
GROUNDS: *Lumalahok s’ya sa mga exercises sa klase, nakilala nya ang mga bagong kaibigan*
KARINDERYA: *Nakakakita si Queenie ng mga junk foods, ngunit nilalabanan nya ang tukso, at
bumibili nang masusustansyang pagkain.
CLASSROOM: *Kinakausap nya ang guro tungkol sa kanyang mga progress*
CLASSROOM: *Pinagbubulungan s’ya ng mga kaklase ngunit hindi n’ya na sila pinapansin at
sumasama sa mga bagong buong kaibigan*
*MAKALIPAS ANG ANIM NA BUWAN*
*Ipapakita ang mas masayang version ni Queenie kasama ang mga kaibigan*
*Ipapakita na nagpapasalamat s’ya sa guro niya*
VOICEOVER [QUEENIE]: There’s more to life than you thought it was. Life is about how you still
manage to improve yourself despite of less supports. Physical Education might sound challenging,
but it is transformative. It will help you improve physically, emotionally, mentally, socially and
spiritually. First step is always the hardest but trust me with discipline and open mind, it will all be
worth it. I am Queenie and this is my story.
*CREDITS PART*