BAUTISMO(BINYAG) SA MGA BATA'T SANGGOL
Ipagtanggol ang binyag(bautismo) ng simbahang Catholica sa mga bata't sanggol laban sa tuligsa at
atake ng ilang sekta protestante tulad ng Born again, Baptist, INC™, Dating Daan, Sabadista, at iba pa, na
sinasabing ang bautismo natin sa mga bata't sanggol ay mali? dahil wala daw ito sa biblia?, bagkus
contra pa daw ito sa biblia? may mga ginagamit silang ilang verso sa biblia para patunayan ang
akusasyon nila.
ating itatama ang kanilang maling unawa dito at sasagutin ang kanilang argumento tungkol sa ating
bautismo sa simbahang Catholica.
heto ang madalas nilang sinasabi o madalas na argumento....
► OBJECTION #1
[ ANG BAUTISMO NA NAKASULAT SA BIBLIA AY KAILANGAN MUNA TURUAN MUNA NG EBANGHELIO AT
SUMAMPALATAYA MUNA BAGO BAUTISMUHAN.
PAPATUNAYAN NAMING MALI-MALI ANG BAUTISMO NG MGA PARI NYO SA MGA SANGGOL. GANITO
ANG PAHAYAG MULA SA BIBLIA…
Gawa 8:30-31, 35, 37-38 (Ang Dating Biblia–1905)
At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta, at sinabi,
Nauunawa mo baga ang binabasa mo? At sinabi niya, Paanong magagawa ko, maliban nang may
pumatnubay sa aking sinoman? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya. At
binuka ni Felipe ang kaniyang bibig, at pagpapasimula sa kasulatang ito, ay ipinangaral sa kaniya si Jesus.
At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi:
Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios. At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y
kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.
.
NAPAKALINAW NG PAHAYAG MULA SA BIBLIA, BINAUTISMUHAN NI PILIPE AY MATANDANG EUNIKO, AT
HINDI PO SANGGOL,
AT BAGO NYA ITO BINAUTISMUHAN AY TINUTRUAN NYA MUNA NG KASULATAN, AT NAGTURO DIN
TUNGKOL KAY HESUS. AT DUON SAKA NANIWALA O SUMAMPALATAYA ANG EUNIKO. YAN ANG
SINASABI SA BIBLIA TALIWAS SA GINAGAWA NG MGA PARI CATHOLICO.
GANYAN DIN ANG SINASABI NI HESUS, BASAHIN NATIN ANG KANYANG PAHAYAG…
Marcos 16:15-16 (Ang Dating Biblia–1905)
At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat
ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi
sumasampalataya ay parurusahan.
MALINAW ANG SINASABI SA TALATA, “ipangaral ang evangelio sa lahat…Ang sumasampalataya at
mabautismuhan ay maliligtas…”
EH PAANO ANG MGA SANGGOL NYO? BININYAGAN NA AGAD? NA WALANG PANGANGARAL NG
EBANGHELYO, HINDI PA NADOCTRINAHAN ,
EH PAPAANO SILA TUTURIAN EH HINDI PA SILA NAKAKAUNAWA? AT PAPAANO SILANG
MAKASAMPALATAYA? EH WALA PA SILANG MUWANG.
KAYA HINDI LIGTAS ANG MGA SANGGOL NYO SA GINAGAWA NYONG BINYAG SA KANILA. ]
■ RESPONSE:
■ ANSWER (#1) Eh si apostol San Pablo nabautismuhan sya na hindi naturuan, ni hindi din napangaralan
ng ebanghelio, eh bakit walang tutol ang mga iba’t ibang sekta protestante tungkol dito?
.
Kung wala silang tutol sa bautismo ni apostol San Pablo, dapat wala din silang tutol sa pagbautismo sa
mga sanggol , sila ay pwede ding bautismuhan kahit hindi dumaan sa literal pagtuturo ng ebanghelio.
■ ANSWER (#2) Wala kaming tutol sa talatang yan. Ang problema, hindi alam ng mga pastor at ministro
na ang mga sanggol ay sadyang may mga inborn na pananampalataya din...
Matthew 21:16 (New International Version) Do you hear what these children are saying? they asked
him. "Yes," replied Jesus, "have you never read, " 'From the lips of children and infants you have
ordained praise' ?"
Mateo 21:16 (Ang Salita ng Diyos) Kaya sinabi nila kay Jesus: Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?
Sinabi ni Jesus sa kanila: Oo, hindi ba ninyo nabasa: Mula sa bibig ng mga bata at mga sanggol ay
inihanda mo ang wagas na pagpupuri sa iyo?
See? sanggol palang sila nagprapraise(nagsisi puri) na sila. Magagawa ba yan ng walang
pananampalataya? Alam naman natin na ang pagpupuri ay nagpapakita lamang ng pananampalataya.
THEREFORE, pwedeng bautismuhan ang mga sanggol dahil may inborn din sila na pananamapalataya sa
mata ng Dios.
Kaya pasok ang mga bata at sanggol sa talatang (Marcos 16:15-16), so pwede talaga silang
bautismuhan(binyagan).
■ ANSWER (#3) At hindi lang yan, ang mga sanggol ay may inborn din na kakayahan umunawa ng
kasulatan(scriptures), nangangahulugang sila’y naturuan na spiritually ng Dios, tulad ng nangyari kay
Timoteo (2 Timothy 3:14-15 )
2 Timothy 3:14-15 (New American Bible)
[14] “But you, remain faithful to what you have learned and believed, because you know from whom
you learned it,
[15] and that from infancy you have known (the) sacred scriptures, which are capable of giving you
wisdom for salvation through faith in Christ Jesus.
2 Timoteo 3:14-15 (Magandang Balita Biblia)
[14] “Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat
kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo.
[15] Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo
ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.”
malinaw, sanggol palang si Timoteo nakakaunawa na sya ng kasulatan(scriptures).
Mahirap man paniwalaan na ang mga sanggol ay may kakayahang maka-unawa ng kasulatan(scriptures),
Pero iyan ang sinasabi ng biblia na dapat sampalatayahan.
Kaya, pasok ang mga bata’t sanggol sa talatang (Marcos 16:15-16). Kaya pwede silang bautismuhan
(binyagan) dahil biblically sa mata ng Dios ang sanggol ay nakakaunawa na sila ng kasulatan.
■ ANSWER (#4) Alam naman nating pagtinuturuan ay dapat nakakaunawa o nakakaintindi. eh paano
naman ito, nauna ang pag bautismo kesa sa pag-tuturo.
Matthew 28:19-20 (New American Bible)
[19] Go, therefore, and make disciples of all nations, BAPTIZING THEM in the name of the Father, and of
the Son, and of the holy Spirit,
[20] TEACHING THEM to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always,
until the end of the age."
Eh papaano na yan? malinaw ang nakasaad sa talata (Matthew 28:19-20) na nauna pa ang pag bautismo
kesa sa pag-tuturo ng kaalaman sa mga nakakaunawa.
.
Kaya pwedeng pagbautismuhan sa mga sanggol na hindi naturuan ng ebanghelio mula sa matatanda.
dahil muli, ang mga sanggol ay may inborn na kakayahan umunawa ng kasulatan(scriptures),
nangangahulugang sila’y naturuan na spiritually ng Dios, tulad ng nangyari kay Timoteo sa verso (2
Timothy 3:14-15)
■ ANSWER (#5) at heto pah, Dios na mismo ang nagsabi mula sa Old Testament…
Isaiah 3:4 (New International Version) “ And I will give children to be their princes, and babes shall rule
over them.”
Isaias 3:4 (Magandang Balita Biblia) “Ang mamumuno sa kanila'y mga musmos na bata, mga sanggol ang
sa kanila'y mamamahala.”
napakalinaw, mismong Dios ang naglagay sa mga bata’t sanggol para mamuno. Logically, paanong sila
makakapamuno kung wala silang muwang(ulirat)? okaya kung wala silang kakayahang umunawa?
So muli, talagang pwede silang bautismuhan (binyagan) dahil sa mata ng Dios may pagka-unawa ang
mga sanggol.
■ ANSWER (#6) lahat tayo, matanda man o bata’t sanggol ay may mga taglay na talagang
pananamapalataya, ito ay hindi mula sa atin o ni mula man sa ating mga gawa , kundi ito ay galing sa
Dios, kaloob o regalo ng Dios sa atin….
Ephesians 2:8 (New American Bible) "For by grace you have been saved THROUGH FAITH, AND THIS IS
NOT FROM YOU; IT IS THE GIFT OF GOD;"
Efeso 2:8-9 (Ang Salita ng Diyos) "Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa PAMAMAGITAN NG
PANANAMPALATAYA, AT ITO AY HINDI SA INYONG SARILI, ITO AY KALOOB NG DIYOS."
.
See? napakalinaw. Don’t tell me excluded(hindi kasama) dito ang mga sanggol? Na hindi sila nabiyayaan
ng Dios ng pananamapalataya? dahil lang sa walang sanggol binaggit sa verso?
Kung babalikan natin ang sinabi ni Hesus sa (Matthew 21:16) sanggol palang ay may pagpupuri na, at
ang pagpupuring iyoo ay nagpapakita lamang ng pananampalataya. Kaya dito sa (Ephesians 2:8-9) ay
kasama talaga ang mga sanggol na biniyayaan ng Dios ng pananamapalataya.
So muli, pasok ang mga bata’t sanggol sa talatang (Marcos 16:15-16). Kaya pwede silang bautismuhan
(binyagan) dahil sila ay may pananamapalataya na kaloob o regalo ng Dios.
■ ANSWER (#7) Tulad ng nangyari kay Lydia, isang babaeng may pananampalataya sa Dios.. sya ay
nabautismuhan ni apostol San Pablo, pero ang nangyari, pati buong familia ni Lydia ay isinama sa
pagbautismo ni San Pablo.
Acts 16:14-15 (New American Bible)
[14] One of them, a woman named Lydia, a dealer in purple cloth, from the city of Thyatira, a worshiper
of God, listened, and the Lord opened her heart to pay attention to what Paul was saying.
[15] After she and her household had been baptized, she offered us an invitation, "If you consider me a
believer in the Lord, come and stay at my home," and she prevailed on us.
ang tanong? Ang famlia ba ni Lydia ay may pananamapalataya? Pero bakit isinama ni apostol San Pablo
ang kanyang familia sa bautismo?
Tulad din sa Catholicong binyag ng mga sanggol ay batay sa pananamapalataya ng mga magulang.
isa pang bagay na mapapansin natin, binanggit din sa verse [15], “household” na ibigsabihin ay familia,
at normal na ang magkaroon ng bata't sanggol sa isang ng familia. kaya hindi malayong nakapag
bautismo si apostol San pablo ng bata at sanggol sa familia ni Lydia.
.
■ ANSWER (#8) Kung mali at bawal ang bautismo sa mga bata't sanggol, eh bakit pa sinalarawan ni
apostol San Pablo ang nangyari sa kanilang mga ninuno na mga Israelita ay nabautismuhan habang sila'y
tumatawid sa gitna ng hinating dagat ni Moses.
1 Corinthians 10:1-2 (New American Bible)
[1] "I do not want you to be unaware, brothers, that OUR ANCESTORS were all under the cloud and ALL
PASSED THROUGH THE SEA,
[2] AND ALL OF THEM WERE BAPTIZED into Moses in the cloud and in the sea."
1 Corinto 10:1-2 (Filipino Standard Version)
[1] Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang ATING MGA NINUNO ay napasailalim ng ulap, at
SILANG LAHAT AY TUMAWID SA DAGAT,
[2] AT LAHAT AY NABAUTISMUHAN kay Moises sa ulap at sa dagat.
Take Note, alam naman nating lahat na ang mga Israelita na nagsilikas mula sa Egypto ay nasa ibat-ibang
edad, kaya logically tiyak na may mga kasama silang bata't sanggol.
pero sa pagsasalarawan ni apostol San Pablo sa kanyang sulat (1 Corinthians 10:1-2) malinaw na lahat ng
mga Israelita ay nabautismuhan, kasama dito ang tangan-tangan nilang mga bata't sanggol.
may angal pa ba ang ilang mga sekta protestante na tutol sa Infant Baptism sa kabila ng pahayag ni
apostol San Pablo?
► OBJECTION #3
[ BAKIT NYO BINABAUTISMUHAN ANG MGA SANGGOL? WALA SA BIBLIA YAN, HINDI YAN
SINUSUPORTAHAN NG BIBLIA. ]
.
■ SAGOT :
■ ANSWER (#1) ang dahilan kung bakit binabautismuhan(binibinyagan) ng mga Pari ng simbahang
Catholica ang mga bata’t sanngol ay nakabase sa biblia, na sinasabi ni Hesus wag ppigilan ang mga bata,
dahil sila ay kabilang din sa kaharian ng Dios sa langit…
Luke 18:15-16 (New American Bible) [15] People were bringing even infants to him that he might touch
them, and when the disciples saw this, they rebuked them. [16] Jesus, however, called the children to
himself and said, "Let the children come to me and do not prevent them; for the kingdom of God
belongs to such as these.
Matthew 19:14 (New American Bible) but Jesus said, "Let the children come to me, and do not prevent
them; for the kingdom of heaven belongs to such as these."
Sabi ni Hesus, ang mga bata ay kasama o kabilang din sa kaharian ng Dios sa langit.
Ang tanong, anong proceso para sila ay mapabilang sa kaharian ng Dios sa langit??
John 3:5 (New American Bible) Jesus answered, "Amen, amen, I say to you, no one can enter the
kingdom of God without being born of water and Spirit.”
Malinaw, at yang Born of Water and Spirit ay patungkol na sa bautismo yan, proof? Basahin natin…
Mark 1:8 (New American Bible) "I have baptized you with water; he will baptize you with the holy Spirit."
Kaya, kung babalikan natin ang sinabi ni Hesus sa (Luke 18:16), (Matthew 19:14), huwag pigilan ang mga
bata makapasok sa kaharian ng Dios sa langit. Logically, makakapasok lamang sila sa pamamagitan ng
bautismo(binyag).
.
■ ANSWER (#2) ang infant baptism ay parallel ng infant circumcision o pagtutuli sa mga sanggol nuong
Old Testament. Dahil sa Old Testament ay tinutuli na agad ang sanggol.
Genesis 17:12 (New American Bible) “Throughout the ages, every male among you, WHEN HE IS EIGHT
DAYS OLD, SHALL BE CIRCUMCISED, including houseborn slaves and those acquired with money from
any foreigner who is not of your blood.”
Genesis 17:12 (Magandang Balita Biblia) “Lahat ng lalaki na isisilang sa inyong lahi ay TUTULIIN
PAGSAPIT NG IKAWALONG ARAW, kasama rito ang mga aliping isinilang sa inyong sambahayan,
gayundin ang mga aliping binili sa dayuhan.”
Malinaw, 8 days old palang ang sanggol ay tinutuli na. Pero sa New Testament, pinalitan na ito ng
"baptism". ito yung tinatawag na "pagtutuli ni kristo" sa atin.
Colosas 2:11-12 (Magandang Balita Biblia) “Dahil sa pakikipag-isa KAY CRISTO, KAYO'Y TINULI hindi sa
laman kundi sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. ITO ANG PAGTUTULING MULA KAY CRISTO.
[12] SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na
kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya.”
Colossians 2:11-12 (New International Version) [11] “IN HIM YOU WERE ALSO CIRCUMCISED, in the
putting off of the sinful nature, not with a circumcision done by the hands of men but with THE
CIRCUMCISION DONE BY CHRIST, [12] HAVING BEEN BURIED WITH HIM IN BAPTISM and raised with him
through your faith in the power of God, who raised him from the dead.”
See? Malinaw, ang "pagtutuli ni kristo" sa atin ay kalakip ng "bautismo"
Pero ang sabi ng mga Born Again, Baptist, INC at Dating Daan, Sabadista, wala pa daw muwang ang
sanggol at hindi pa nila alam ang ibigsabihin ng bautismo kaya hindi pa daw pwede.
eh pero wait? ang mga sanggol dito sa (Genesis 17:12 ) ay wala ding mga muwang sa "pagtutuli" pero
tinutuli na nila.
.
kaya tulad ng mga sanggol na tinutuli sa Old Testament na walang pang muwang, ay pwede din
tumangap ng bagong pagtutuli ni Cristo Hesus sa pamamagitan ng "bautismo" ayon sa (Colossians 2:11-
12)
ang circumsision sa New Testament hanggang sa kasalukyang panahon ay wala ng tanda, kundi para sa
kalinisan(hygiene) nalang, Dahil pinalitan na ito ng baptism ni Cristo, na tinatawag na "pagtutuli ni
Cristo", at yun ay baustismo sa tubig. kaya kahit sanggol ay pwede na tuliin ni Cristo sa pamamagitan ng
pagbautismo natin sa kanila.
■ ANSWER (#3) Tama lang na bautismuhan namin sa mga bata't sanggol, since isinama sila ng mga
aspostol sa (Acts 2:38-39) na mabibigyan ng biyayang pangako sapamamagitan ng bautismo…
Acts 2:38-39 (New Jerusalem Bible)
[38] 'You must repent,' Peter answered, 'and every one of YOU MUST BE BAPTISED in the name of Jesus
Christ for the forgiveness of your sins, and you will receive the gift of the Holy Spirit.
[39] THE PROMISE THAT WAS MADE IS FOR YOU AND YOUR CHILDREN, and for all those who are far
away, for all those whom the Lord our God is calling to himself.'
Gawa 2:38-39 (Magandang Balita Biblia)
[38] Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo
sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
[39] Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat
taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
► ANSWER (#4) Ang pinaka dahilan talaga kung bakit natin binabautismuhan(binibinyagan) ang mga
bata’t sanggol eh dahil sa “original sin” ito ay namana mula sa mga ating mga magulang, ninuno,
hanggang umabot pabalik kay Adan.
Psalms 51:5, 7 (New Jerusalem Bible) [5] remember, I was born guilty, a sinner from the moment of
conception. [7] Purify me with hyssop till I am clean, wash me till I am whiter than snow.
.
Awit 51:5, 7 (Magandang Balita Biblia) [5] Ako'y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang
ako'y iluwal. [7] Ako ay linisin, sala ko'y hugasan at ako'y puputi nang lubus-lubusan.
Malinaw sa verse [6], sabi ni David sya'y may kasalanan bago pa sya ipanganak, nuong sya ay
ipinagdalang tao palang ay may kasalanan na sya.
At sa verse [7] sinasabing sya’y hugasan o linisin, (para mawala ang kasalanan), ngayon, papaano o
anong proceso linisin ang mga bata’s sanggol mula sa original sin??
Acts 22:16 (New American Bible) Now, why delay? Get up and have yourself BAPTIZED AND YOUR SINS
WASHED AWAY, calling upon his name.'
Gawa 22:16 (Filipino Standard Version) "At ngayon, ano pa'ng hinihintay mo? Tumindig ka, tumawag ka
sa kanyang pangalan at MAGPABAUTISMO, MAGPAHUGAS NG IYONG MGA KASALANAN.’"
Yan po ay patungkol na sa bautismo, kaya ang original sin na dala ng mga sanggol ay malilinis lamang sa
pamamaagitan ng paghugas sa tubig, at yun ay ang bautismo.
► OBJECTION #4
[ISA SA GINAMIT NYO ANG (MATEO 19:14) AT (LUKE 18:16) PARA SUPORTAHAN KAMO ANG MALING
ARAL NINYO NA DAPAT BINYAGAN ANG BATA,
EH INIINTINDI NYO BA YAN NG MAAYOS? HINDI BAUTISMO ANG GINAWA NI HESUS SA MGA BATA ,
KUNDI PINATUNGAN LANG NG KAMAY SA ULO AT PINALANGINAN ANG MGA ITO,
.
BASAHIN MONG MAIIGI ANG TALATA KUNG MAY MABASA KANG BAUTISMO DYAN NA GINAWA NI
HESUS SA MGA BAYA, WALA, KAYA WAG KAYO MAGDAGDAG NG STORYA DYAN SA TALATA.]
SAGOT :
hinahanap mo ang "binuhusan ng tubig" sa kaganapan ni Hesus sa talatang yan, eh gayong naanjan na
mismo ang logic...
alam naming nagpatong sya ng kamay, pero ang tanong ko sayo, ano pa ang sinabi nya???
Luke 18:16 (New American Bible) Jesus, however, called the children to himself and said, "Let the
children come to me and do not prevent them; for THE KINGDOM OF GOD BELONGS TO SUCH AS THESE.
Matthew 19:14 (New American Bible) but Jesus said, "Let the children come to me, and do not prevent
them; FOR THE KINGDOM OF HEAVEN BELONGS TO SUCH AS THESE."
Sabi ni Hesus, ang mga bata ay kasama o kabilang din sa kaharian ng Dios sa langit.
Ang tanong, anong proceso para sila ay mapabilang sa kaharian ng Dios sa langit iyan??
John 3:5 (New American Bible) Jesus answered, "Amen, amen, I say to you, no one can enter the
kingdom of God without being born of water and Spirit.”
malinaw, ibigsabihin ng "born of water and spirit"ay bautismo na yan....
Mark 1:8 (New American Bible) "I have baptized you with water; he will baptize you with the holy Spirit."
.
KAYA kahit pa walang naganap na bautismo sa (Luke 18:16), (Matthew 19:14) pero naanduon ang punto
na si Hesus ay nag-uutos na mapabilang ang mga bata sa kaharian ng Dios sa langit, at yun ay sa
pamamagitan ng bautismo.
► OBJECTION #5
[ ANG ORIGINAL SIN NYO AY IMBENTO LANG YAN PARA MAPAGTAKPAN NYO SA INYONG BINYAG SA
MGA SANGGOL, SA KATUNAYAN ANG ORIGINAL SIN AY CONTRA PA SA BIBLIA, BASAH...
Deuteronomio 24:16 (Ang Dating Biblia-1905)
"Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga
magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan."
Ezekiel 18:20 (Ang Dating Biblia-1905)
"Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o
magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang
kasamaan ng masama ay sasa kaniya." ]
MGA SAGOT :
■ ANSWER (#1) Maling unawa sa verso sa biblia. itama natin ang maling interpretasyon sa dalawang
verson na nagamit.
Ipinapahayag nito kung magparusa man ang Dios dahil sa kasalanan ng magulang o ng anak, yan ay hindi
sa parusang "kamatayan" tulad ng pagkamatay sa sakit, o biglaang pagkamatay, o at iba pang dahilan
pagkamataya na parusa ng Dios...
.Dahil bakit pa tayo paparusahan ng kamatayan ng Dios? eh kung ang kasalanan ng unang tao, nasi Adan
ay katumbas na nito ay kamatayan? na syang nararanasan na ng lahat ng tao? basahin natin...
Roma 5:12 (Filipino Standard Version) "Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa
sanlibutan, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito'y naranasan ng lahat
ng tao ang kamatayan, sapagkat ang lahat ay nagkasala."
■ ANSWER (#2) sa versong ginamit (Deuteronomio 24:16) at (Ezekiel 18:20) ay hindi ito contra sa
original sin, dahil sa mga versong pinapahayag na hindi paparusahan ng kamatayan ang kasalanan ng
dahil sa Ama o ng Anak, vice versa, kundi ang kasalanan ng mga ninuno ay daladala lamang sa ilang
henerasyon....
Numbers 14:18 (New American Bible) 'The LORD is slow to anger and rich in kindness, forgiving
wickedness and crime; yet not declaring THE GUILTY GUILTLESS, BUT PUNISHING CHILDREN TO THE
THIRD AND FOURTH GENERATION FOR THEIR FATHERS' WICKEDNESS.'
Bilang 14:18 (Magandang Balita Biblia) ‘Si Yahweh ay hindi madaling magalit, mahabagin at handang
magpatawad. Subalit hindi niya ipinagwawalang-bahala ang kasamaan, sapagkat ANG KASALANAN NG
MGA MAGULANG AY KANYANG SISINGILIN HANGGANG SA IKATLO AT IKAAPAT NA SALINLAHI.’
Yan ay kasalanan na magmula sa mga magulang,ninuno, pabalik hanggang kila Adan ay mananatili
hanggang ilang salin-lahi (henerasyon), Wala din ito pinagkaiba sa versong ito...
Lamentation 5:7 (New Jerusalem Bible) “Our ancestors sinned; they are no more, and we bear the
weight of their guilt."
Panaghoy 5:7 (Ang Dating Biblia-1905) "Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming
pinasan ang kanilang mga kasamaan."
Malinaw, ilang salin-lahi (henerasyon) naipasa ang kasalanan, pero HINDI ito paparusahan ng
kamatayan, yan ang tinutukoy sa (Deuteronomio 24:16) at (Ezekiel 18:20) na pinipresentang verso ng
mga sekta macontra lang nila ang orginal sin na hindi naman naunawaan ang ginagamit nila.
.
■ ANSWER (#3) kaya tama ang sinasabi ni David, (patungkol sa original Sin) kung saan sya ay
pinanganak na may kasalanang taglay...
Psalms 51:5, 7 (New Jerusalem Bible)
[5] remember, I was born guilty, a sinner from the moment of conception.
[7] Purify me with hyssop till I am clean, wash me till I am whiter than snow.
Awit 51:5, 7 (Magandang Balita Biblia)
[5] Ako'y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal.
[7] Ako ay linisin, sala ko'y hugasan at ako'y puputi nang lubus-lubusan.
Malinaw sa verse [6], sabi ni David sya'y may kasalanan bago pa sya ipanganak, nuong sya ay
ipinagdalang tao palang ay may kasalanan na sya.
At sa verse [7] sinasabing sya’y hugasan o linisin, (para mawala ang kasalanan), ngayon , papaano o
anong proceso linisin ang mga bata’s sanggol mula sa original sin??
Acts 22:16 (New American Bible) Now, why delay? Get up and have yourself BAPTIZED AND YOUR SINS
WASHED AWAY, calling upon his name.'
Gawa 22:16 (Filipino Standard Version-FSV) "At ngayon, ano pa'ng hinihintay mo? Tumindig ka,
tumawag ka sa kanyang pangalan at MAGPABAUTISMO, MAGPAHUGAS NG IYONG MGA KASALANAN.’"
Yan po ay patungkol na sa bautismo, kaya ang original sin na dala ng mga sanggol ay malilinis lamang sa
pamamaagitan ng paghugas sa tubig, at yun ay ang bautismo.
.
► OBJECTION #6
[ ANG BAUTISMO SA MGA SANGGOL AY IMBENTO LAMANG, ATING TUNGHAYAN SA KANILANG AKLAT
NA PINAMAGATANG, (“The Question Box”, pahina 243-244) AY GANITO ANG NAKASULAT:
“ Si San Cipriano at ang mga Obispo ng Ikatlong Konsilyo sa Kartago (253) ay nagturo na ang mga sanggol
ay dapat bautismuhan sa lalong madaling panahon matapos maipanganak. Ang pagbabautismo sa
kanila ay hindi dapat ipagpaliban hanggang sa ikawalong araw, gaya ng ginagawa ng iba. Ang Konsilyo ng
Milevis (416) ay itinuro ang pangangailangan ng Bautismo ng Sanggol, at ang doktrinang ito ay inulit sa
mga Konsilyo na Luterano, Vienne, Florencia at Trento.”
MALINAW NA PO SA ATIN, MULA NGA SA KANILA ANG ARAL NANG PAGBIBINYAG, AT ITO AY SINIMULAN
LAMANG NI SAN CIPRIANO KASAMA ANG MGA OBISPO. AT MALINAW NA ITO AY PINAKALAT MULA SA
IBAT IBANG KONSILYO. ]
SAGOT :
■ ANSWER (#1) Totoong idiniklara ng ilang obispo ang pag bautismo sa mga bata’t sanggol nuong (253
A.D) sa konseho ng kartago ay para official kilalanin ito bilang bahagi ng bautismo, (hindi lang sa
matanda, kundi sa mga bata’t sanggol din.)
PERO? HINDI sinasabi jan sa referencia na pinalitan na ang bautismo sa matatanda at nagsimula na din
ang pagbautismo sa mga sanggol, hindi ganyan ang sinabi jan.
At lalong hindi din sinabi jan na ang bautismo ng sanggol ay imbento lang sa panahong iyan.
Dahil daang taon bago mag (253 A.D) ay paniniwala at gawain na talaga ito ng sinaunang Christiano .
heto ilan sa sinunang Christiano na namuhay sa panahong bago pa mag (253 A.D) , sila ang mga testigo
sa kasaysayan nuon, ang kanilang sulat na manuscripto ang magpapatotoo sa panahon nila at kahit
msimo sila ay nabautismuhan nuong pagkabata. Basahin natin…
.
❶ Aristides of Athens, Christian apologist
“And when a child has been born[baptized] to one of them[ie Christians], they give thanks to God; and if
moreover it happen to die in childhood, they give thanks to God the more, as for one who as passed
through the world without sins” (Apology, 15 [A.D. 140])
❷ St. Polycarp, bishop of Smyrna
“Polycarp declared, ‘Eighty and six years have I served Him, and He never did me injury: how then can I
blaspheme my King and Saviour?” (Martyrdom of Polycarp, 9[A.D. 156])
Take Note: 86 years pinaglilingkuran nya (ang Dios), kung bibilangin pabalik ang panahon, ang bilang ng
taon ay tatama sa kanyang pagkabata, at sa panahong iyan sya ay nabinyagan, dahil papaanong
makakapag-umpisa sya maglilingkod sa Dios kung hindi sya nabinyagan.
❸ St. Irenaeus, bishop of Lugdunum
“He [Jesus] came to save all through himself; all, I say, who THROUGH HIM ARE REBORN[BAPTIZED] IN
GOD: INFANTS, AND CHILDREN, AND YOUTHS, and old men. Therefore he passed through every age,
becoming an infant for infants, sanctifying infants; a child for children, sanctifying those who are of that
age . . . [so that] he might be the perfect teacher in all things, perfect not only in respect to the setting
forth of truth, perfect also in respect to relative age” (Against Heresies [Link] [A.D. 189]).
❹ Polycrates, bishop of Ephesus
“I, therefore, brethren, who have lived sixy-five years in the Lord” (Fragment in Eusebius’ Church
History, V:24:7 [A.D. 190]).
Take Note: 65 yrs. namuhay kasama ang panginoon, kung bibilangin pabalik ang panahon, ang bilang ng
taon ay tatama sa kanyang pagkabata, at sa panahong iyan sya ay nabinyagan, dahil papaanong nyang
sasabihing mamumuhay sya kasama ang panginoon kung hindi sya nabinyagan.
❺ St. Hippolytus, early Christian theologian
“Baptize first the children, and if they can speak for themselves let them do so. Otherwise, let their
parents or other relatives speak for them” (The Apostolic Tradition 21:16 [A.D. 215]).
❻ Origen, early Christian theologian
“Every soul that is born into flesh is soiled by the filth of wickedness and sin. . . . In the Church, baptism
is given for the remission of sins, and, according to the usage of the Church, BAPTISM IS GIVEN EVEN TO
INFANTS. If there were nothing in infants which required the remission of sins and nothing in them
pertinent to forgiveness, the grace of baptism would seem superfluous” (Homilies on Leviticus 8:3 [A.D.
248]).
❼ Origen, early Christian theologian
“The Church received from the apostles the TRADITION OF GIVING BAPTISM EVEN TO INFANTS. The
apostles, to whom were committed the secrets of the divine sacraments, knew there are in everyone
innate strains of [original] sin, which must be washed away through water and the Spirit”(Commentaries
on Romans 5:9 [A.D. 248]).
Sa mga pahayag na ito ng mga sinaunang Christiano na bago pa ang konseho sa kartago (253 A.D), ay
sinasagawa ng mga sinaunang Christiano ang bautismo sa mga bata’t sanggol.
Yan ang dahilan kung bakit pagdating ng Konseho sa Kartago nuong (253 A.D) ay isinama na ito ng mga
Obispo nuon para official na kilalanin na ang bautismo sa mga sanggol ay bahagi ng baustimo ng buong
iglesia(simbahang Catholica)
■ ANSWER (#2) Kahit sa ibang refrencia, sinasbing ang bautismo ay ginagawa din sa mga bata’t sanggol.
“ Baptism was occasionally administered to infants from the earliest days of the church” (Source: World
History. by Obrien, page 144)
“ in many instances Christians rescued exposed infant, baptized them, and brought them up with the aid
of community funds." (Source: Will Durant – a secular Historian [Christ and Ceasar, 1943] )
.
Kaya malinaw na hindi imbento sa ikatlong konseho sa kartago (253 A.D) ang pagbinyag sa mga sanggol.
kundi bago pa man ang konseho , at bago pa mag (253 A.D) ay marami ng nagpatunay na ang bautismo
ay isinasagawa ng mga sinaunang Christiano sa mga bata’t sanggol.