0% found this document useful (0 votes)
68 views5 pages

Sample Script

A group of women and one man, Davie, take an exam to become certified women. During the exam, many struggle with questions about their gender and sexuality. When the results are announced, Davie fails for not being a natural born woman and for mocking the exam. However, the group unites in protest by knocking on their desks, and in the end all pass together.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
68 views5 pages

Sample Script

A group of women and one man, Davie, take an exam to become certified women. During the exam, many struggle with questions about their gender and sexuality. When the results are announced, Davie fails for not being a natural born woman and for mocking the exam. However, the group unites in protest by knocking on their desks, and in the end all pass together.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

LICENSE

LICENSE
by:
Honneluv Labanan
Diane Dela Cruz
Jizzly Ann Mae Moreto
Cristine Tabungar
Aljo Gaw
Lara Mae Sumayod
Aira Mae Sabangan
Jude Myles Concrenio
John Edward Balago

BLUEPILLAR PRODUCTIONS
LICENSE

SCENE 1

EXT. HALLWAY – DAY

Iba’t ibang babae ang nakatayo sa labas ng isang silid. Habang paparating ang isang bakla, gumawa ng
pila ang kababaihan. Bagama’t kinakabahan, ang bakla ay pumila na rin. Dahil sa kaba, nangangamba
ang bakla na siya ay hindi makakasali sa pagsusulit. Habang papasok sa silid, isa isa sa mga babae ay
tumatanggap ng papel. Isang babae ang nauuna sa bakla. Nguya ng nguya ito habang inaayos ang
mukha, nakatingin sa isang maliit na salamin. Kinausap ito ng bakla.

BAKLA: Gusto ko po talagang maging babae, tulungan mo akong makakuha ng exam paper.

Tiningnan lang ng babae ang bakla. Naghintay ang bakla sa labas ng silid.

CUT SCENE: Isang babae ang tumatanggap ng papel, gayundin ang babaeng pinakausapan ng bakla.
Dahan-dahang bumalik ito sa proktor, ngumingiti na para bang nang aakit, humihingi ng isa pang papel.

BABAE: Sir? pwede ba akong kumuha ng isa pa?

SIR: Sige kumuha ka lang, kahit ilan pa yan.

Habang nakatayo sa harap ng lamesa ng proktor, naglakad ng kaunti ang babae at nagmasid-masid.
Bahagyang lumingon ito sa bakla, para bang nagsasabing “pumasok ka na”. Naintindihan ito ng bakla
kaya’t dahan-dahan siyang pumasok sa silid at umupo. Umupo ang babae malapit sa upuan ng bakla at
binigay ang papel.

SCENE 2

EXT. ROOM – DAY

Hindi nagtagal at nagsimula na ang pagsusulit. Isinulat nila ang kanilang Basic Information at nagpatuloy
sa mga tanong. Hindi nakapagsagot agad ang bakla dahil sa unang tanong na “Are you a natural born
female?” Ngunit rinig na rinig niya ang iba na nagsulat ng tsek. Huminga siya ng malalim at hindi na niya
muna ito sinagotan at pumunta agad sa susunod na tanong. Ang pangalawang tanong naman ay “Are
you purely in love with men only?” Sinagutan ito ng bakla ng makapal na tsek at rinig niya padin ang
sunod-sunod na pagsulat ng tsek.

CUT SCENE: Lahat ay abala sa pagsasagot. Makikita sa silid na iilan sa mga nagsasagot ay nahihirapan
at may mga pagdududa.

Sa kalagitnaan ng pagsusulit, may maririning silang umiiyak na babae na malapit sa kanya. Tumayo ang
proktor at nilapitan ang babaeng umiiyak. Hindi lumingon ang bakla sa babae dahil sa kaba. Ibinaba niya
nag kanyang ulo upang sabihing siya’y abala parin sa pagsasagot ngunit sa katotohanan siya ay palihim
na nakikinig at kinakabahan.

SIR: Ano ang problema?

GIRL 2: S..sir… sa number 2, pwede bang I admire both men and women?

Dahan-dahang inilapit ng proktor ang kanyang mukha sa babae at sabay na nagsalita ng nakakakaba

SIR: Are you...a woman?

BLUEPILLAR PRODUCTIONS
LICENSE

Biglang aalis ang babae na nangingiyak ngiyak, nahihiya, at nang-hihinayang.

SCENE 3

Sumunod ang pangatlong tanong, “What is your reproductive system?” Maririnig ng bakla ang sunod-
sunod na tunog ng pagguhit. May mga agresibo at nakakarindi pakinggan. Kinagat ng bakla ang kanyang
kuko at ang kanyang mga kilay ay nagtatagpo. Paulit-ulit niyang iniisip na gusto niyang maging babae,
kaya dahan-dahan siyang lilingon sa kanyang katabi, kukopya siya ng sagot. Napansin ng bakla na ang
kanyang katabi ay isang surgeon base sa nameplate nito.

Hindi nagtagal ay nabigla ang bakla dahil sa proktor, nagsalita ito ng malakas.

SIR: What are you doing?

Lubos na kinakabahan ang bakla dahil nararamdaman niya ang matinding presensiya ng proktor,
bumibilis and kanyang paghinga, mayroong namumuong mga butil ng pawis sa kanyang mukha, ipinikit
niya ang kanyang mga mata dahil sa lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib. Nabigla siya at naibukas niya
ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng papel na matinding pinunit. Mula pala ito sa babaeng
nasa likod niya.

GIRL 3: Pagod na akong pilitin ang sarili ko! Ayoko nang maging ganito, hindi ako babae!

Walang makikitang emosyon ang proktor na maglalakad pabalik sa kanyang mesa upang kunin ang
telepono. Ang babae ay hindi mapakali. Hinahawakan niya ng napakahigpit ang kanyang bolpen habang
nakatitig lamang sa papel. Di nagtagal ay dumating ang isang ginang na siya palang ina ng babae.
Pagpasok ng ginang sa silid, hinahanap niya kung nasaan ang kaynang anak at pagkatapos ay kumuha ito
ng papel mula sa lamesa ng proktor, dali-daling siyang naglakad patungo sa kanyang anak at hinampas
ang papel sa mesa ng kanyang anak.

GINANG: Sagutin mo yan! Hindi ka lalabas dito hangga’t di mo to natatapos, rinig mo ba ako?!

Nangingiyak-ngiyak at nagpipigil ang babae dahil sa galit. Lumingon ang ginang at ngumiti sa proktor na
para bang nahihiya.

GINANG: Babae po ang anak ko.

Lumabas na ang ginang at nagpatuloy pa rin ang lahat sa pagsusulit. Sumunod naman ang pang-apat na
tanong, “Are you capable of becoming pregnant and of forming a family?” Matapos kumalma ang bakla,
may napansin siyang parang nagdadasal. Nasa kanyang unahan ay isang babaeng nakatingin sa itaas,
magkahawak ang mga kamay, nagsasalita ng taimtim at mahinhin.

GIRL 4: Diyos ko, bigyan niyo po sana ako ng pagkakataong magka-anak.

Nagmasid-masid ang bakla, bahagya siyang lumilingon sa kanyang kaliwa’t kanan. Napansin niyang may
ibang nagsusulat sa exam paper, gumagawa ng iba pang sagot sa mga tanong. May iba namang
natatawa sa kani-kanilang sagot, tsek ng tsek sa papel. Nagugulumihan ang bakla, nahulog ang kanyang
bolpen. Natataranta siya dahil papatapos na ang oras. Sa kanyang pagpulot ng bopen ay may naisip
siyang ideya. Sa halip na isang tsek ang kanyang ilalagay sa checkbox ay ginuhitan niya ito ng syringe.

Biglang tumunog ang orasan, hudyat na tapos na ang pagsusulit.

BLUEPILLAR PRODUCTIONS
LICENSE

Ipinasa nilang lahat ang kani-kanilang papel sa unahan. Nakaupo silang lahat at hinihintay ang resulta ng
kanilang pagsusulit. Isa-isa silang tatawagin ng proktor upang ipaalam ang resulta.

SIR: Dina, Aya, Vanesse, Nika, Theresa, Vicki and Lani, you are now a certified, socially-accepted, norm-
abiding, naturally normal woman.

Kinabahan ang ibang babae na hindi natawag. Nangangamba sila nab aka hindi sila nakapasa.

SIR: Maria, you are naturally-born female, purely loves men only, and has a reproductive organ of a
female, bit you are not capable of bearing a child. You failed.

Mangiyak-ngiyak si Maria ng malaman niya ito

SIR: Shaira, you are born female, you do not purely love men at dinungisan mo pa ang papel. What a
stupid brat. You failed!

Nakatingin lang si Shaira sa kanyang hawak na bolpen na parang pinaglalaruan, wala siyang pakialam sa
sinasabi ng proktor.

SIR: Davie Domas Montilla. where the hell did you get this paper? You don’t belong here. You are not
naturally-born female. Mahal mo ang mga lalaki? Unnatural! You just even copied your answer in
number 3, the reproductive organ of a woman tha you do not originally have. And… number 4,
ginuhitanhehmo pa talaga ng syringe? Is this a mockery? Anong ibig mong sabihin nito? Heh! Science
wont save you! You failed!

Nakatingin lang si Davie sa kanyang mesa, nahihiya, kinakabahan, naiinis, habang nakikinig sa sinasabi ng
proktor. Nang matapos itong magsalita ay tumingin siya sa proktor na parang naiinis. Kinalantog niya sa
kanayang mesa ang kanyang kamao. Hindi ito masyadong malakas, paulit-ulit niya itong ginagawa
hanggang isa – isa silang gumagawa na nito.

SIR: What are you doing?

Ginawa rin ito ni Shaira.

SIR: Tumigil kayo 

Sasali na rin si Maria

SIR : Stop !

Hanggang silang lahat na ay gumagawa na rin. Naging maingay ang silid dahil dito.

SIR: Stop that! Stop that! Stooop!

Cut scene: black background

Davie Voice Over: Davie, you are openly certified, personally-empowered, humanity-abiding, naturally-
hearted woman.

Everyone you have passed the exam.

END

BLUEPILLAR PRODUCTIONS
LICENSE

SITTING ARRANGEMENT GUIDE

Proctor

Extra (Dina) Extra (Aya) Nagprapray


(Maria)

Nagmamark Extra (Nika) Extra


han X (Theresa)

Pokis Gay (Davie) Doctor (Vicki)

Extra (Lani) Tomboy Bi (Cristel)


(Shaira)

BLUEPILLAR PRODUCTIONS

You might also like