KASUNDUAN SA PAGPAGPAPA-ALAGA NG HAYOP
SA MGA KINAUUKULAN NITO,
Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong ika-___ ng __________,2011,
dito sa ____________________________________________________, nina G./Gng./Bb.
________________________________________________, may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan sa
__________________________________________________ na siyang tatawaging, MAY-ARI, dito kina
G./Gng./Bb. ____________________________________________, Pilipino, may sapat ng gulang, at
naninirahan sa ________________________________________ na siyang tatawaging TAGAPAG-ALAGA NG
HAYOP.
P A G P A P A T U N A Y:
Na ang MAY-ARI ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng
____________________________________.
Na ang MAY-ARI ng HAYOP at TAGAPAG-ALAGA nito ay nagkasundo sa pagpapa-alaga ng nasabing
hayop sa ilalim ng patakaran at alituntunin gaya ng mga sumusunod:
1. Na ang pagpapaalagang ito ay sang-ayon sa kasunduan na mgakakaroon ng hatian sa magiging anak ng
pinapaalagaang hayop.
2. Na ang TAGAPAG-ALAGA ay inaatasan na ipaalam agad sa MAY-ARI ng HAYOP kung ano man ang mangyari
dito sa lalong madaling panahon.
3. Na ang TAGAPAG-ALAGA ay inaasahang aalagaang mabuti ang nasabing hayop at kung anu man ang
mangyari dito dahil sa kapabayaan ng TAGAPAG-ALAGA ay mananagot sa MAY-ARI ng HAYOP sang-ayon sa
kanilang magiging usapan, maliban na lamang kung ito ay isang di inaasahang pangyayari.
4. Na ang kasunduang ito ay mananatili at ipagpapatuloy maliban na lamang sa ilang kadahilan sa desisyon
ng MAY-ARI ng HAYOP.
At sa katunayan ng lahat ng ito, ang magkabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong ika-
______ ng ___________, 2011, dito sa _____________________________________________ sa tulong ng
Poong Maykapal.
NILAGDAAN:
______________________________ ___________________________
MAY-ARI NG HAYOP TAGAPAG-ALAGA ng HAYOP
Nasaksihan nina:
___________________________________ ____________________________