100% found this document useful (4 votes)
2K views37 pages

Music 5 LAS Quarter 3

Uploaded by

Josephine Acio
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (4 votes)
2K views37 pages

Music 5 LAS Quarter 3

Uploaded by

Josephine Acio
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

5

MUSIC
Ikatlong Markahan

Mga Gawaing Pagkatuto

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheets in MAPEH - Music
(Grade V)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.

Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, PhD, CESO V
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD, CESO V
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
OIC, Schools Division Superintendent : EDUARDO C. ESCORPISO JR., EdD, CESO IV
OIC, Assistant Schools Division Superintendent : GEORGANN G. CARIASO
OIC, Chief Education Supervisor : MARCIAL Y. NOGUERA
Development Team
Writers: MAGDALENA N. ARANETA, MT-II (BCS), MEREDITH B. SALENGUA, T-I (BCS),
NILO B. CASTILLA, T-II (BNSHS), JENNY R. REDONDO, T-II (BNSHS)

Content Editor & PRECIOSA G. RIVERA, EPS-MAPEH, JAMES RICHARD C. CABUGAO, Principal I
Language Editor (DES), JOELITO E. BODINO, Principal I (CES), EULALIA R. GORDO, HT3 (BNSHS)

Illustrators: DONALD C. BATIN, T-II (BNSHS)


Layout Artists: ERIC JOHN B. VALONES, ITO (BNSHS)

Regional Quality Assurance Team: MARIA DE CARMEN T. CATALON, MT II (SCSSC) MARIE B.


PASCUAL, MT II (SSCS) SDO Santiago City, OLIVE L. BENITEZ, MT I, (SFES) SDO Isabela,

Focal Persons: PRECIOSA G. RIVERA, EPS-MAPEH


EVANGELINE D. CASTILLO, EPS- Learning Resource Management
DENIS M. AGBAYANI, Education Program Supervisor-MAPEH, CLMD
RIZALINO G. CARONAN, EPS- Learning Resource Management, CLMD

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

i
Table of Contents

Compentency Page number


Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Recognizes the design or structure of simple musical
form:
1. Unitary (one section) ..................... Page 2 – 7
2. Strophic (same tune with 2 or more
sections and 2 or more verses)
(MU5FO-IIIa-1)
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Ang Mag-aaral ay Lilikha ng Awit na may Apat na ..................... Page 8 – 11
Linyang Anyong Unitary
(MU5FO-IIIb-2)
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Ang mag-aaral ay lilikha ng Apat na linyang Awit sa
Anyong Strophic na may Dalawang Section at ..................... Page 12 – 16
Dalawang Verse.
(MU5FO-IIIc-d-3)
Kasanayang Pampagkatuto at koda
Describes the following vocal timbres: soprano, alto, ..................... Page 17 - 23
tenor and bass (MU5TB-III-e)
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Describes the following vocal timbres:
1. Soprano
2. Alto ..................... Page 24 – 27
3. Tenor
4. Bass o Bajo
(MU5TB-IIIe-2)
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Identifies aurally and visually different instruments ..................... Page 28 – 34
in rondalla, drum and lyre band (MU5TB-IIIf-3)
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Creates music using available sound sources ..................... Page 35 – 37
(MU5TB-IIIg-5)

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 1


MUSIC 5
Pangalan: ___________________________ lebel: _________________
Seksyon: ____________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO
Ang mga Anyo (Form) ng Musika

Unang Linggo

Panimula (Susing Konsepto)


Isa sa mga elements ng musika ay ang FORM o ANYO. Ito ay tumutukoy kung ilang
bahagi at aling bahagi ang inuulit sa awit.
Sa pag-aaral at pag-unawa sa konsepto ng anyo ay nagsisimula sa pinakamaliit na
bahagi o ideya ng musika na tinatawag na motif. Ito ang nagsisilbing pundasyon o batayan
ng komposisyon dahil kadalasang lumalabas nang paulit-ulit sa bahagi ng awitin. Ang bawat
note ay hindi magiging makahalugan at makabuluhan kung ito ay tutugtugin nang paisa-isa.
Kung ang mga note ay aawitin o tutugtugin nang magkakasunod-sunod o sama-sama, ito ay
maaaring maging isang ideya na tinatawag sa musika na motif. Ang motif ay maaaring
melodic o rhythmic. Melodic motif kung mayroon na itong tono o may angkop na pitch
name and bawat notes. Ang rhythmic motif ay walang angkop na pitch name ang bawat notes.
Ang mga unang notes ng Bahay Kubo ay isang halimbawa ng melodic motif.

Bu - hay ku - bo

Pag-aralan ang iba pang halimbawa ng motif sa ibaba.

A. Rhythmic Motif B. Melodic Motif

Twin - kle twin - kle

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 2


Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Recognizes the the design or structure of simple musical forms:


1. Unitary (one section)
2. Strophic (same tune with 2 or more sections and 2 or more verses)
(MU5FO-IIIa-1)

Ang mga awitin at musika ay binubuo ng maraming linya o pattern ng melody at


rhythm.
Isa sa pinakamahalagang kakayahan na dapat taglayin ng isang kompositor ay ang
kaalaman sa pag-aayos ng mga pattern ng musika. Ang paglalagay ng pattern nang paulit-
ulit at mga contrast ay mga pangunahing prinsipyo sa konsepto ng anyo sa musika. Ang
paglalagay ng paulit-ulit na pattern ay nagpapakita ng pagkakaisa ng ideya. Samantalang ang
paglalagay ng magkakaibang pattern ay nagpapakita naman ng iba’t ibang ideya.

Ang Anyong Unitary at Strophic

Maraming uri ng anyo sa musika na maaaring gawing basehan sa paglikha ng isang


awit o musika. May mga simpleng anyo ng musika tulad ng unitary at strophic. Ang unitary
ay isang anyo ng musika na iisa lang ang bahaging inuulit. Narito ang isang halimbawa ng
unitary.

Isa pang simpleng anyo ng musika ay ang strophic. Ang isang awitin o musika ay
maituturing na may anyong strophic kung ito ay mayroong iisang melody na naririnig nang
paulit-ulit sa bawat taludtud ng buong kanta. Kahit magbago ang mga titik ng awit, ang
melody nito ay mananatiling pareho lamang sa buong awit.

Ang bawat taludtod na may isang melody ay tinatawag na A. Kung ang melody ay
inuulit ng ikalawang beses sa ibang taludtod, ito ay may anyong AA. At kung ang melody ay
inuulit ng ikatlong beses sa ibang taludtod, ito ay may anyong AAA.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 3


Ang ganitong uri ng anyo ay mapapansin o matatagpuan sa mga katutubong awitin, awiting
bayan, himno, awiting pansimbahan at sa mga awiting pamasko. Narito ang mga halimbawa
ng awitin na may anyong strophic.

Gawain 1

Panuto: Mag-isip ng awit na angkop sa uri ng mga awit sa baba. Tukuyin ang anyo ng
musika ng bawat isa. Isulat sa malinis na papel ang pamagat at anyo ng mga awitin na napili
mo. Awitin mo ang mga ito sa harapan ng iyong mga kasama sa bahay tulad ng mga
magulang, mga kapatid, at iba pa.

1. Isang awiting pambata 3. Isang awiting pamasko


2. Isang katutubong awit 4. Isang awiting pangsimba

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 4


Bahagyang Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Mahusay pang
(4) (3) (2) Paunlarin
(1)
1. Natukoy ang form ng
kantang inawit
2. Maayos ang pagkakaawit
3. Angkop ang paggamit ng
kilos at tinig sa pag-awit
4. Masining ang pagkakaawit

Gawain 2
Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Ang pinakamaliit na ideya ng musika ay tinatawag na motif.
_________________
2. Hindi lahat ng sining ay may anyo (form)
__________________
3. Ang anyong strophic ay may anyong AAA
__________________
4. Ang mga awitin ay binubuo ng melodic at mga rhythmic pattern.
__________________
5. Ang motif ay binubuo ng melodic o rhythmic pattern.
__________________

Gawain 3
Panuto: Pagmasdan at pag-aralan ang mga awitin sa ibaba. Tukuyin kung ito ay unitary o
strophic. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1
.
.
.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 5


2
.
.
.

3
.
.
.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 6


4
.
.
.

5
.
.

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.


1 4
__________________________ _____________________
. .
.2 __________________________ .5 _____________________
. .
.3 __________________________ .
.
.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 7


Repleksiyon

Marami ka bang natutunan sa araling ito? Ikuwento mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga


sumusunod na katanungan. Isulat sa malinis na papel ang iyong tugon sa mga katanungan.

1. Aling bahagi ng aralin ang naging madali para sa iyo? Bakit kaya ito naging
madali para sa iyo?
2. Aling bahagi naman ng aralin ang punong-puno ng hamon? Bakit mo ito nasabi?
3. Anong mga aralin ang nais mo pang malaman na hindi nakasama sa araling ito?

Mga Sanggunian
Curriculum Guide 2016
MELC 2020
Halinang Umawit at Gumuhit – Batayang Aklat, p. 52-55
Hazel P. Copiaco at Emilio S. Jacinto Jr.

[Link]

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Gamitin ang rubriks sa pagbibigay ng puntos.

Gawain 2
1. TAMA 4. TAMA
2. MALI 5. TAMA
3. TAMA

Gawain 3
1. motif 4. motif
2. motif 5. strophic
3. strophic

Inihanda ni:

MAGDALENA N. ARANETA
Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 8


MUSIKA 5

Pangalan: ___________________________ Lebel: _________________


Seksyon: ___________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO
Anyong Unitary

Ikalawang Linggo

Panimula (Susing Konsepto)

Ang mga pagsasanay at gawaing aralin dito ay inaasahang magbibigay ng


mahahalagang kasanayan na makatutulong sa mga mag-aaral na mahubog ang mabilis at
masiglang pag-iisip. Humihikayat sa paglikha ng mga sariling musika na magbibigay
pakinabang sa pagtuklas ng bago. Pagkatuto ng mahusay sa sariling-gawa at pagbibigay
kasiglahan sa kapaligiran na makatutulong sa malusog na pag-unlad sa sarili, sa kapwa at
pamayanan.

Tandaan lamang ng mag-aaral ang mga pinag-aralan tungkol sa istruktura o disenyo


ng anyong unitary upang makagawa ng sariling awit.

Kasanayan Sa Pagkatuto at Koda

Makaliilikha ng awit na may apat na linyang anyong unitary


(Creates a 4-line unitary song.) (MU5FO-IIIb-2)

Gawain 1

Panuto: Suriin ang iskor ng awit na “Sayaw at Awit”. Awitin ito. (Maaring i-down load ang
awit upang mapakinggan.)

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 9


Gabay na Tanong

1. Ano ang napansin sa inawit?


2. Ilang linya ang awit?
2. Ano ang anyo ng awit?

Gawain 2

Panuto: Lumikha ng tulang may apat na linya. Pumili sa mga sumusunod na pamagat para sa
paksa ng komposisyon:

a. Ang Aking Pangarap


b. Ang Matalik Kong Kaibigan
k. Ang Punong Kahoy

_________________________

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

Panuto: Gamitin ang Rubrik sa pamantayan. Lagyan ng tsek ang angkop na kahon.

Napakahusay Mahusay Di-gaanong


Kasanayan (5 puntos) (3 Puntos) mahusay
(2 Puntos)
1. Nakagawa ng apat na linya
2. Maayos ang pagkasunod
sunod ng mga salita
3. Akma sa napiling paksa

Gawain

(Ang gawain ay maaaring para sa indibiduwal, pares o grupo ayon sa gabay ng


magulang at tagapag-alaga.)

Panuto: Gumawa ng sariling awit na may apat na linya sa anyong unitary.


Gamitin ang nilikhang tula mula sa gawain 2 para sa lyrics nito.
Lumikha ng sariling himig gamit ang grand staff o maaaring pumili ng himig
na ilalapat mula sa awiting pambayan sa inyong lugar.

(Hal. Leron-Leron Sinta (Tagalog), Manang Biday (Ilokano), Asa Kahep a


Mahanebneb (Ivatan), Ili-Ili Tulog Anay (Visayan)at iba pang katulad nito)

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 10


Gabay na tanong:

1. Ano ang pakiramdam mo na nakalikha ka ng sariling awiting may apat na linya sa anyong
unitary?
2. Paano mo ito naisagawa?
3. Ano ang iyong isinaalang-alang sa paglikha?

Bigyang marka ang iyong ginawa. Lagyan ng tsek (✓) ang angkop na kahon.

Napakahusay Mahusay Di-gaanong mahusay


Kasanayan
(5 puntos) (3 Puntos) (2 Puntos)
1. Nakagawa ng himig
2. Maayos/Akma na nailapat
ang himig sa lyrics nito
3. Naawit ng maayos ang
ginawang himig.

Gawain 4

Panuto: Magsaliksik ng tatlo hanggang limang halimbawa ng awit na may apat na linyang
anyong unitary mula sa mga awiting pambayan (Folk songs). Maaring kumuha sa internet o
kaya sa alin mang sangguniang mayroon. Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang katangian ng mga awiting nasaliksik na naglalarawang ito ay anyong


unitary?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

2. Ano ang mga dapat tandaan sa pagkilala ng mga awiting nasa anyong unitary?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 11


Repleksiyon

Gabay na tanong:

Ano ang kahalagahan at kasanayang nalinang sa pagkilala at paglikha ng awit na may apat na
linyang anyong unitary?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Mga Sanggunian

Curriculum Guide 2016


K to 12 Most Essential Learning Competencies, with corresponding CG codes
[Link]
Halinang Umawit Batayang Aklat –Ikalimang Baitang .2016,
Kagawaran ng Edukasyon
[Link]./[Link]
[Link]/[Link]

Susi sa Pagwawasto (Hindi na kinakailangan sa tema ng mga gawain)

Inihanda ni:

MAYLA U. RAMOS
Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 12


MUSIKA 5
Pangalan: ___________________________________________ Lebel: _____________
Sekyon: ___________________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO

Panimula (Susing konsepto)

Ang mga gawain sa araling ito ay maipapamalas ng mag-aaral ang sigla sa pagkilala
ng mga tradisyonal na awit at pagtuklas ng mga bagong awitin, paglikha ng sariling awit na
maibabahagi sa kapwa at sa pamayanan.

Sundin lamang ang mga pamantayan sa mga nakaraang leksyon upang maging gabay
sa paglikha ng sariling awitin.

Ang awit na nasa anyong strophic ay binubuo ng dalawa o higit pang verse na inuulit
ang tono o tugtog sa bawat verse. (Ang anyong musikal na inaawit mula sa unang verse
hanggang sa matapos ang huling verse na may parehong tono.)

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Makalilikha ng apat na linyang awit sa anyong strophic na may dalawang seksyon at
dalawang verse (MU5FO-IIIc-d-3).
(Creates a 4-line strophic song with 2 sections and 2 verses).

Gawain 1

Panuto: Ang awiting “Paru-Parung Bukid” ay halimbawa ng awit na nasa anyong strophic.
Suriin, sanayin at awitin ito. Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 13


Gabay na Tanong
a. Ano ang napansin sa inawit?
b. Ano ang pagkakaiba nito sa anyong unitary?

Rubrik
Bigyang marka ang iyong ginawa. Lagyan ng tsek (/) ang angkop na kahon

Di-Gaanong
Napakahusay Mahusay
Kasanayan Mahusay
(3 Puntos) (2 Puntos)
(1 puntos)
1. Naaawit ng ayon sa tono
2. Nabigkas ng maayos ang
mga lyrics
[Link] ang himig sa titik
habang inaawit
4. Pangkalahatang Pagtanghal

Gawain 2

Ang awiting “Bahay Kubo” ay isa pang halimbawa ng awiting nasa anyong Strophic.

Panuto: Suriin ang tsart ng awit at subuksang awitin mag-isa. Palitan ang mga salita o
parirala na may pamagat na “Ang Kalusugan” at awitin ayon sa tonong “Bahay Kubo”.
Sanayin at iparinig sa mga miyembro ng pamilya.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 14


BAHAY KUBO

ANG KALUSUGAN

I. Ang Kalusugan,
Dapat alagaan,
Kumain ng masustansya,
Mga gulay at prutas.

II. Kamay ay hugasan,


Maligo araw-araw,
Matulog ng sapat,
Sa Kalusugan ito ang dapat.

Gawain 3
Panuto: Gumawa ng sariling awit na nasa anyong strophic na dalawang verse at may apat na
linya. Gamitin ang pamagat na “COVID-19 Pandemic” bilang patnubay. Bigyang marka ang
iyong sarili at lagyan ng tsek ang angkop na kahon.

Napakahusay Mahusay Di- Gaanong


Kasanayan (3 puntos) (2 puntos) Mahusay
(1 puntos)
1. Nakagawa ng apat na linyang
lyrics bawat verse
2. Nakagawa ng sariling dalawang
verse
3. Nakagawa ng sariling himig

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 15


4. Akma ang titik sa himig
Gabay na Tanong

1. Ano ang pakiramdam mo na nakalikha ka ng sariling awitin sa anyong strophic na


may apat na linya, dalawang section at dalawang verse?

2. Ano ang mga isinaalang-alang mo sa paglikha ng awit?

Gawain 4

Panuto: Magsaliksik ng mga iba pang halimbawa ng awitin sa anyong strophic na may apat
na linya, dalawang seksyon at dalawang verse. Maaring kumuha sa internet o kaya sa alin
mang sangguniang mayroon. Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Paano mo masasabi na ang mga awiting iyong nasaliksik ay nasa anyong strophic?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

2. Bakit mahalaga na makilala ang mga awiting nasa anyong strophic?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Repleksiyon
Gabay na Tanong

1. Ano ang kahalagahan at kasanayang nalinang sa pagkilala at paglikha ng awit na may


anyong strophic?

2. Paano mo gagamitin ang mga kasanayan at leksyon na natutuhan sa pang araw-araw


na pamumuhay? Paano makakatulong sa iyo ang mga natutuhan bilang indibiduwal?

Mga Sanggunian

Curriculum Guide 2016


K to 12 Most Essential Learning Competencies, with corresponding CG codes
[Link]
Halinang Umawit Batayang Aklat –Ikalimang Baitang .2016,
Kagawaran ng Edukasyon
[Link]./[Link]
[Link]/[Link]

Susi sa Pagwawasto (Hindi na kinakailangan sa tema ng mga gawain)

Inihanda ni:

MAYLA U. RAMOS

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 16


Manunulat

MUSIC 5
Pangalan: ___________________________ Lebel: ________________
Seksyon: ____________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO
Vocal Timbres

Ikatlo at Ika-apat na Linggo

Panimula (Susing Konsepto)


Sa karaniwang grupo ng mang-aawit o chorale group ay maririnig natin ang iba’t ibang
timbre ng tinig. Soprano at alto ang dalawang tinig ng babae, tenor at bass naman ang
dalawang tinig ng lalaki. Kung children’s choir ang pag- uusapan, ang mga batang babae at
lalaki ay magkatulad lamang ng timbre ng tinig. Ito ay maaaring soprano at alto.

Mga Timbre ng Tinig Katangian

Soprano manipis, matinis at mataas na tinig ng


babae, batang babae at batang lalaki
[Link]

Alto mababa at pahaw (husky) na tinig ng


babae at batang lalaki
[Link]
[Link]

Tenor mataas na tinig ng lalaki


[Link]
[Link]

Bass makapal, malaki at mababang tinig ng


lalaki
[Link]

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 17


Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Describes the following vocal timbres: soprano, alto, tenor and bass.
(MU5TB-IIIe-2)

Upang lalo nating maunawaan ang aralin, ating simulan ang mga sumusunod na gawain.

Gawain 1
Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na Kodaly hand signal at awitin and tinutukoy nito.

Gawain 2
Panuto: Suriin ang mga awiting makabayan tulad ng “Bayan Ko” at “Pilipinas kong Mahal”.
Sagutin ang sumusuod na tanong.
a. Sa dalawang awit na nabanggit, kaninong tinig ang mataas?
b. Kaninong tinig naman ang mababa sa dalawang awitin na inyong
narinig?

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 18


Gawain 3
Panuto: Ilagay sa tamang kahon ang mga katangian ng timbre ng tinig bilang paglalarawan.

mababa at pahaw (husky) na tinig


ng babae at batang lalaki Bass

mataas na tinig ng lalaki

Alto

manipis, matinis at mataas na tinig


ng babae at batang lalaki

Tenor
makapal, malaki at mababang tinig
ng lalaki

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 19


Gawain 4
Panuto: Pakinggan ang mga sumusunod na awitin sa youtube at tukuyin ang timbre ng mga
mangaawit at katangian nito. Punan ang kahon na nasa ibaba.
1. Dadalhin kita sa aking palasyo- Regine Velasques
2. Wala na bang pag-ibig- Jaya
3. The Prayer- Adrea Bocelli
4. Be My Lady- Martin Nivera

MANGAAWIT KATANGIAN URI NG TIMBRE

1. Regine Velasquez

2. Jaya

3. Andrea Bocelli

4. Martin Nivera

Repleksiyon
Ano ang tawag sa mataas na boses ng lalaki?
Ano naman ang tawag sa manipis, mataas na boses ng babae o batang lalaki?
Anong tawag sa pahaw at mababaw na tinig ng babae?
At ano ang tawag sa makapal, malaki at mababaw na tinig ng lalaki?.

Mga Sangunian
Learning Material - DepEd Portal

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Performance Rubric
4 Ang mag-aaral ay nagawang awitin ang mga nota na ipinapakita sa larawan
gamit ang Kodaly hand signal na may 0 na mali.
3 Ang mag-aaral ay nagawang awitin ang mga nota na ipinapakita sa larawan
gamit ang Kodaly hand signal na may 1-2 na mali.
2 Ang mag-aaral ay nagawang awitin ang mga nota na ipinapakita sa larawan
gamit ang Kodaly hand signal na may 3-4 na mali.
1 Ang mag-aaral ay nagawang awitin ang mga nota na ipinapakita sa larawan

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 20


gamit ang Kodaly hand signal na may 5 at higit pa na mali.

Gawain 2
1. A. Soprano at Tenor
B. Alto at Bass

Gawain 3

BASS- makapal, malaki at mababang TENOR- mataas na tinig ng lalaki


tinig ng lalaki

ALTO- mababa at pahaw (husky) na SOPRANO- manipis, matinis at


tinig ng babae at batang lalaki mataas na tinig ng babae at batang
lalaki

Gawain 4

MANGAAWIT KATANGIAN URI NG TIMBRE


1. Regine Velasquez Mataas, manipis at matinis soprano
na boses
2. Jaya Mababa at pahaw na boses alto
3. Andrea Bocelli Mataas na boses lalaki tenor
4. Martin Nivera Makapal at, Malaki at bass
mababa na boses lalaki

Inihanda ni:

Jenny R. Horiondo
Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 21


Music 5
Pangalan: ___________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: __________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Ang mga Vocal Timbres

Ikalimang Linggo

Panimula (Susing Konsepto)

May apat na uri ng boses o tinig na ginagamit sa pag-awit. Ito ay naaayon sa


pinakamababa at pinakamataas na nota na naaabot ng isang boses.

Soprano – tinig ng babae na may mataas, matining, manipis at magaan na boses.


Alto – tinig ng babae na may mababa, mabigat, makapal, at di gaanong mataas na boses.
Tenor – tinig ng lalakin na may mataas at magaan na boses.
Bass o Bajo – tinig ng lalaki na may mababa, makapal, at malalim na boses.

Ang tinig ng mga kilalang mang-aawit tulad nila Regine Velasquez, Mariah Carey,
Whitney Houston, at Rachelle Gerodias ay soprano. Samantalang alto naman ang tinig nila
Aiza Seguerra, Karen Carpenter at Jaya. Ang mga kilalang lalaking mang-aawit tulad nila
Gary Valenciano, Jed Madela, at Bruno Mars ay may tinig na tenor. Sina Jonathan Zaens,
Nonoy Zuniga, at Jun Francis Jaranilla ay mga halimbawa naman ng may tinig na bass o
bajo.

Kasanayang Pampagkatuto at koda:

Describes the following vocal timbres:


1. Soprano
2. Alto
3. Tenor
4. Bass o Bajo (MU5TB-IIIe-2)

Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa patlang na inilaan.

1. Narinig kong umawit si Nena kahapon at ang boses nya ay napakababa at


napakakapal. Ang boses ni Nena ay isang halimbawa ng __________.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 22


2. Si Joshua ay isang lalaki ngunit ang boses nya ay mataas at magaan. Ang boses ni
Joshua ay isang halimbawa ng __________.

3. Bata pa lang si Harley ay sadyang mababa, mabigat at malalim na ang kanyang boses.
Ang boses ni Harley ay isang halimbawa ng __________.

4. Napasigaw si Girly at sobrang tinis at taas ng kanyang boses. Ang boses ni Girly ay
isang halimbawa ng __________.

Gawain 2

Panuto: Piliin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

A B
_____1. Tinig ng babae na may mataas, A. Alto
matining, manipis at magaan na boses.

_____2. Tinig ng lalaki na may mababa, B. Tenor


makapal, at malalim na boses.

_____3. Tinig ng lalakin na may mataas at C. Bass o Bajo


magaan na boses.

_____4. Tinig ng babae na may mababa, D. Soprano


mabigat, makapal, at di gaanong mataas na
boses.

Gawain 3

Panuto: Sa kahon ay ang mga halimbawa ng mga kilalang mang-aawit sa larangan ng


industrya na nabanggit Sa itaas. Isulat ang kani-kanilang pangalan ayon sa antas ng kanilang
timbre.

Regine Velasquez Aiza Seguerra Jaya


Jonathan Zaens Nonoy Zuniga Jed Madela
Gary Valenciano Mariah Carey
Soprano:
1.
2.

Alto:
1.
2.

Tenor:
1.
2.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 23


Bass o Bajo:
1.
2.

Gawain 4

Panuto: Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga kilalang may tinig ng

Soprano:
1.
2.

Alto:
1.
2.

Tenor:
1.
2.

Bass o Bajo:
1.
2.

Repleksyon

Ang timbre ay ang kalidad ng tunog na nagdudulot ng pagkakaiba ng tinig ng mga tao, hayop
at mga instrumento.

Mga Sanggunian

MAPEH 5 Textbook
[Link]

Susi sa pagwawasto

Gawain 1

1. Alto
2. Tenor
3. Bass o Bajo
4. Soprano

Gawain 2

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 24


1. D
2. C
3. B
4. A
Gawain 3

Soprano:
1. Regine Velasquez
2. Mariah Carey

Alto:
1. Aiza Seguerra
2. Jaya

Tenor:
1. Jed Madela
2. Gary Valenciano

Bass o Bajo:
1. Jonathan Zaens
2. Nonoy Zuniga

Inihanda ni:

Meredith B. Salengua
Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 25


MUSIC 5
Pangalan: ___________________________ Lebel: ________________
Seksyon: ____________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO
Ang Rondalla at ang Bandang Drum at Lyre

Ika-anim na Linggo

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Rondalla
Ang Rondalla ay kilala bilang Filipino String Band. Ito ay isa sa mga
impluwensiyang nakuha natin mula sa mga taga-Espanya noong ika-18 siglo. Ang salitang
rondalla ay mula sa salitang Espanyol na ronda na nangangahulugang harana o serenade. Ito
ay binubuo ng mga orihinal na instrumento tulad ng banduria, octavina, laud, gitara, bajo de
uñas, double base, mandolin, at ngayon ay sinasabayan na rin ng drum set. Sa kalaunan,
nakabuo ang mga Pilipino ng mga instrumenting gaya ng mga dala ng taga-Espanya mula sa
mga kahoy na matatagpuan sa Pilipinas gaya ng Molave, Yakal, Narra, at Kamagong.

Ang mga Instrumento ng Rondalla

Ang rondalla sa Pilipinas ay binubuo ng anim na uri ng instrumentong may kuwerdas


na tinutugtog sa pamamagitan ng pick maliban sa bajo de uñas. Sa ngayon, double base ang
ginagamit ng ating mga rondalla sa Pilipinas.

1. Ang banduria ay may katawan na hugis


peras. Ito ay may labing-apat na
kuwerdas at isang butas na tumataginting
ang tunog. Ang banduria ay kadalasang
ginagamit upang tugtugin ang melody ng
awit o musika.

2. Ang piccolo banduria ay kahawig ng


banduria. Ito ay mayroon ding katawan
na hugis peras na may labing-apat na
kuwerdas subalit mas maliit ito kung
ihahambing sa banduria. Dahil sa mas
maliit ang katawan ng piccolo, higit na
mas mataas ang tunog nito kaysa sa
banduria.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 26


3. Ang hugis ng laud ay tulad din ng piccolo
banduria at banduria na may mahabang
leeg. Ang tinig o timbre nito ay mas
mababa ng isang oktaba (octave) kaysa sa
banduria.

4. Ang octavina ay may katawang tulad


nang sa gitara. Binubuo din ito ng labing-
apat na kuwerdas at tinutugtog sa
pammagitan ng pick. Ang tinig o timbre
ng instrumentong ito ay mas mababa ng
isang oktaba kaysa sa banduria.

5. Ang gitara na ginagamit sa rondalla ay


may anim na kuwerdas. Ito ang
instrumentong ginagamit upang tugtugin
ang mga chords o tatluhang kuwerdas na
pang saliw sa musika.

6. Ang pinakalamalaking instrumento sa


rondalla ay ang bajo de unas. Ito ay may
apat na makakapal na kuwerdas na
tinutugtog sa pamamagitan ng paggamit
ng bow. Ito ang katangiang instrumento
sa rondalla na walang frets. Ito rin ang
nagbibigay ng mababang tunog sa bawat
kanta o musika na ating naririnig.

Maaring pakinggan ang mga sumusunod na tunog ng bawat instrumento sa rondalla.


(#CD-audio)

Ang Bandang Drum at Lyre

Ito ay isang pangkat ng mga instrumentong percussion na kasamang nagmamartsa o


naglalakad ng mga color guard. Ang konsepto ng bandang drum at lyre sa Pipilinas ay
hango sa mga bandang drum at bugle.

Ang mga Instrumento ng Bandang Drum at Lyre

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 27


1. Ang snare drum ay isang uri ng drum na
may dalawang ulunan at may kalansing.
Napapatunog ito sa pamamagitan ng
pagpalo ng ulunan ng isang patpat.

2. Ang bass drum o bombo ay madaling


napapansin sa banda. Ito ay ang
pinakamalaking drum na naglilikha ng
napakababang tunog kapag ito ay
pinapalo. Ito ay ginagamit upang
markahan ang wastong kumpas ng bawat
musika. Ito rin ang instrumentong
nagbibigay hudyat ng simula at wakas ng
pagmartsa ng banda.

3. Ang tenor drum ay isang lipon ng drum


na binubuo ng dalawa, tatlo, apat, lima
hanggang anim na drum. Ang timbre nito
ay higit na mas mataas kaysa sa bass
drum. Ito ay pinapalo gamit ang
pamukpok na yari sa kahoy.
4. Ang cymbals o pompiyang ay gawa sa
maninipis na haluang metal o alloy na
hugis plato. Ito ay walang eksaktong
tono. Napapatunog ito sa pamamagitan
nang paghampas ng patpat sa ibabaw nito
o sa pamamagitan nang paghampas nito
sa isa’t isa.
5. Ang bell lyre ay ang pinakapangunahing
instrumento ng mga bandang drum at
lyre. Ito ay hango sa instrumentong
glockenspiel na gawa sa metal. Ito ay
hinahawakan nang patayo habang
hinahampas ng metal na pamalo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


*Identifies aurally and visually different instruments in: rondalla, drum and lyre
band. (MU5TB-IIIf-3) *(Audio will be given to pupils during the face-to-face instructions)

Gawain 1
Panuto: Pakinggan sa Youtube ang tunog ng bawat instrumento ng rondalla. Ilarawan ang
tunog o timbre ng bawat instrumento. Maaaring pumili ng kasagutan sa mga sumusunod.

mas matinis at manipis ang tunog matinis at tumataginting ang tunog


mababa at malambing ang tunog mababa at malaki ang tunog
malambing at katamtaman ang tunog

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 28


1. Banduria
2. Octavina
3. Gitara
4. Bajo de unas (double bass)
5. Piccolo banduria
Gawain 2

Panuto: Mula sa talaan sa ibaba pumili ng isang pares ng instrumento na iyong


paghahambingin. Sa isang papel, isulat ang pagkakaparehas at pagkakaiba ng dalawang
instrumentong napili.
1. Banduria at piccolo banduria
2. Bajo de unas at gitara
3. Bass drum at tenor drum

Gawain 3

Panuto: Pangkatin ang sumusunod na mga instrumento kung saan sila nabibilang. Isulat ang
inyong sagot sa isang papel.

banduria snare drum bajo de unas octavina


cymbals piccolo banduria bass drum bell lyre
tenor drum gitara

Rondalla Bandang Drum at Lyre

Gawain 4

Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang sumusunod na mga pangungusap.


1. Ang Rondalla ay kilala rin bilang Filipino String Band.
2. Ginagamit ang Rondalla bilang saliw sa mga awiting bayan o mga folk song.
3. Ang Rondalla ay binubuo ng limang uri ng instrumentong kuwerdas.
4. Ang bandang drum at lyre ay hindi nawawala sa mga parada at prusisyon.
5. Ang bandang drum at lyre ay binubuo ng instrumentong kuwerdas at perkasyon.

Gawain 5

Panuto: Punan ang table ng tamang impormasyon.


Tungkulin sa
Rondalla instruments Pangalan Bilang ng strings
Rondalla

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 29


Repleksiyon

Paano nakakatugtog nang maayos ang mga kasapi ng rondalla/drum at lyre?


Ano ang susi upang maging maganda ang kanilang pagtugtog?
Sa palagay mo, kaya mo bang maging epektibong miyembro ng rondalla/drum at lyre?

Susi sa Pagkatuto
Gawain 1
1. Matinis at tumataginting ang tunog
2. Mababa at malambing ang tunog
3. Malambing at katamtaman ang tunog
4. mababa at malaki ang tunog
5. mas matinis at manipis ang tunog

Gawain 2 (answers may vary)


Gawain 3

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 30


Rondalla instruments Drum at Lyre Band
Banduria Cymbals
piccolo banduria snare drum
octavina tenor drum
bajo de unas bass drum
gitara bell lyre
Gawain 4

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali

Gawain 5

Rondalla Tungkulin sa
Pangalan Bilang ng strings
instruments Rondalla

Gitara 6 Pansaliw - melodiya

Bajo de unas 4 Pansaliw - ritmo

tumutugtog ng
melodiya ng mas
Octavina 14
mababa ng isang
oktaba

Bandurria 14 tumutugtog ng
melodiya

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 31


Inihanda ni:

ALGERICA EMMALYN N. BALDOVINO


Manunula

MUSIC 5
Pangalan: ___________________________ lebel: ________________________
Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________________

GAWAING PANGKATUTO
Creates music using available sound sources

Ikat-pito at Ika-walong Linggo

Panimula (Susing Konsepto)


Marunong ka bang tumugtog ng instrumento? Anong instrumento ang kaya mong
tugtugin? Sa panahon ngayon, maraming mga bagay ang ginagawang instrumento. Maaring
gamiting instrumento o panghalili ang mga bagay sa paligid na may tunog. Alam mo ba na
ang pinakamagandang tunog ay ang ating boses? Kaya nitong gayahin ang ano mang uri ng
tunog, mapa-instrumento, boses ng hayop, at marami pang tunog musika na maaaring ilapat
sa isang awitin. Sa kasalukuyan isa sa kinahuhumalingan ng kabataan ngayon ay ang
tinatawag na “human beatbox”.

Ang Pilipinas ay mayaman sa mga instrumento. Bawat katutubong kultura


(indigenous culture) ay may sariling instrumento na sumasalamin sa kanilang buhay.
Ginagamit nila ang kanilang mga instrumento upang sabayan ang kanilang mga awit, sayaw,
rituwal at mga gawaing espirituwal.

Nakarinig o nakapanuod ka na ba ng katutubong instrumento? Kung wala kang


maalala, isipin mo ang mga araw na ikaw ay nanood ng palabas o “festival” sa inyong bayan.
Nakatitiyak ako na mayroon kang napanood dito na sinasariwa ang nakaraan at kadalasan ay
may mga pagtatanghal na nagpapakita ng paggamit ng katutubong instrumento, mapa-awit,
sayaw, o dula.

Ang mga instrumentong aking tinutukoy ay napapangkat ayon sa paraan ng pagtugtug


nito.

A. Aerophones o Instrumentong de-ihip—ito ay mga instrumentong hinihipan ng hangin


upang tumunog. Maari mong makita ang mga halimbawa ng instrumentong de-ihip sa
baba. Hanapin lamang sa Google at youtube.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 32


• List of aerophones in the Philippines
• Youtube: Leo Rojas-Circle of life

B. Chordophones o Instrumentong de-kwerdas—ito ay mga instrumentong napatutunog


sa pamamagitan nang pagkalabit sa mga kuwerdas gamit ang isang bow o mga daliri.
• Philippine chordophones instruments
• Youtube: Philippine Music, Traditional Instruments-tboli tribe(Lemuhen)

C. Idiophones—ito ay mga instrumento na tumutunog kapag ang buong katawan ng


instrumento ay nanginginig ng mabilis(vibrate). Kadalasan ang mga instrumento nito
ay pinupukpok at kinikiskis.
• Youtube: IDIOPHONES (improvised instruments; Balafon, slit drum and
Rasp)

D. Membranophones—ito ay mga instrumento na gawa sa kahoy na bilugan na walang


laman sa loob. Ang mga ito ay natatakpan nang nakaunat na pinatuyong balat ng
hayop.
• Youtube: Water-Bottle Membranophone Exploratorium Teacher Institute

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Creates music using available sound sources (MU5TB-IIIg-h-5)

Gawain 1
Panuto: Gumawa ng instrumento ng membranophone na katulad ng napanood sa ginawang
halimbawa sa Youtube. (Water-Bottle Membranophone Exploratorium Teacher Institute).
Patunugin ito katulad ng nasa video. Sa mga walang internet, maaari kayong gumawa ng
inyong sariling instrumento tulad ng malaking latang wala ng laman. Takpan ito ng makapal
na plastic at patunugin.

Rubrik

Napakahusay Mahusay Bahagyang Kailangan


Pamantayan Mahusay Pang
(4) (3) (2) Paunlarin
(1)
1. Malikhain ang gawang
instrument

2. Napatunog ng maayos ang


gawang instrumento katulad
ng nasa video.

Gawain 2.
Panuto: Gamitin ang rubriks sa ibaba.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 33


A. Gumawa ng sariling instrumento na kabilang sa pangkat ng instrumentong ating napag-
aralan gamit lamang ang mga recycable na kagamitan.

B. Maaaring kumuha ng mga gamit sa bahay na may iba’t ibang timbre ang tunog. Maaaing
mababa gaya ng drum, matinis gaya ng plato at iba pa. Lumikha ng isang ritmo at sabayan ito
ng napili mong awit.

Rubrik
Bigyang marka ang iyong ginawa. Lagyan ng tsek (✓) ang angkop na kahon

Napakahusay Mahusay Bahagyang Kailangan


Pamantayan Mahusay Pang
(4) (3) (2) Paunlarin
(1)
1. Malikhain ang gawang
instrumento. Mahusay
ang paggamit ng nakalap
na materyales, kulay:
Malinis ang gawa.
2. Maayos ang
pagkakasaliw sa awiting
napili.
3. Angkop ang paggamit ng
kilos at tinig sa
pagtatanghal.
4. Masining ang
pagtatanghal.

Repleksiyon

Ikaw ba ay nasiyahan sa araling ito? Maaari mo bang isalaysay ang iyong karanasan
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan? Isulat ang iyong sagot sa
malinis na papel.

1. Aling bahagi ng aralin ang naging madali para sa iyo?


2. Alin naman ang naging mahirap?
3. Paano mo napagtagumpayan ang bahaging mahirap para sa iyo?

Mga sanggunian
Halinang Umawit at Gumuhit 5, Batayang aklat, pp 72-77
CG Music 5
MELC Music 5
[Link]
[Link]

Susi sa Pagwawasto

• Gawain 1 gamitin ang rubrik

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 34


• Gawain 2 gamitin ang rubrik

Inihanda ni:

NILO B. CASTILLA
Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 35

You might also like