IKATLONG MARKAHANG PASUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN VI (SPED)
Pangalan:__________________________________________________________ Marka: ______________
I. Piliin ang LETRA ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang. (Gumamit ng
MALALAKING LETRA)
______1. Ano ang pangunahing suliranin ng bansa pagkatapos ng digmaan?
A. Hanapbuhay C. Negosyo
B. Imprastruktura D. Sakit sa isip, katawan at katauhan
______2. Bakit labis naapektuhan ang lupaing pang-agrikultura ng Pilipinas pagkatapos ng
digmaan?
A. dahil hindi lamang naapektuhan ang mismong lupain kundi nasira pati patubig at
irigasyon
B. dahil naubos ang mga produktong pang-agrikultura sa buong panig ng bansa
C. dahil walang anumang halaman ang maaaring tumubo sa mga lupaing
naapektuhan ng digmaan
D. dahil maaari na lamang itong pagtayuan ng mga gusali
______3. Upang makabangon mula sa mga suliraning dulot ng digmaan, ano ang unang
binigyang pansin ng pamahalaan?
A. Pagpapatayo at pagsasaayos ng mga nasirang gusali
B. Pagpapagamot sa mga Pilipinong labis na naapektuhan ng digmaan
C. Pagsuporta sa mga magsasaka at mangingisda na makapagsimula muli
D. Pagpapalakas sa turismo ng bansa
_______4. Ito ay isang kasunduan na nabigay ng kapangyarihan sa Estados Unidos na
humawak ng mga lupain upang gawing base militar sa Pilipinas?
A. Kasunduan sa Paris C. Military Bases Agreement
B. Laurel-Langley Agreement D. Mutual Defense Treaty
_______5. Ilang taon mananatili ang base militar ng Amerikano sa Pilipinas?
A. 66 taon B. 79 taon C. 89 taon D. 99 taon
_______6. Alin sa mga sumusunod ang lugar na ginawang base militar ng mga Amerikano?
A. Abra B. Dumaguete C. Pangasinan D. Zamabales
_______7. Isa sa mga naamyendahang karapatan sa pamumuno ni Pang. Roxas ay ang
Parity Rights, ano ang isinasaad nito?
A. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa Pilipinas na aabot sa $100,000,000
B. Pagtangkilik sa mga produktong galing sa Amerika
C. Pagpapaigiting ng ekonomiya ng bansa
D. Pagbibigay ng karapatan sa mga Amerkiano na linangin ang likas yaman ng bansa
_______8. Bakit tinangkilik ng mga mambabatas na Pilipino ang Parity Rights?
A. Dahil napaniwala silang malaki ang maitutulong ng Amerika sa pag-angat ng
ekonomiya ng bansa
B. Dahil malaki ang maiaambag nito sa pagpapatayo ng mga bagong gusali
C. Dahil makakatulong ito upang magkaroon ng libreng edukasyon ang mga
kabataang Pilipino
D. Dahil mapapangalagaan nito ang likas yaman ng bansa
________9. Ano ang HINDI magandang naidulot ng Parity Rights?
A. Nagkaroon ng malayang kalakalan sa panig ng Estados Unidos lamang
B. Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas
C. Nasira ang buong likas yaman ng bansa
D. Limitado ang produkto ng Amerika na pumasok sa ating bansa
_______10. Ito ay isang kaugalian ng mga Pilipino kung saan mas tinatangkilik nila ang
produkto ng ibang bansa kaysa sa produkto ng kanilang sariling bansa.
A. Bahala Na Habit C. Ningas Kugon
B. Colonial Mentality D. Mañana Habit
_______11. Bakit niyakap ng mga Pilipino noon ang colonial mentality?
A. Dahil mas magaganda ang produkto ng Amerika
B. Dahil sa pagpasok ng maraming produkto galing Amerika
C. Dahil mas mura ang produkto ng Amerika
D. Dahil mas matibay ang produkto ng Amerika
_______12. Ang mga sumusunod ay epekto ng colonial mentality maliban sa ____.
A. niyakap ng mga Pilipino ang kultura ng Estados Unidos.
B. dumami ang pinasok na produktong Amerikano sa ating bansa.
C. naging maunlad ang ating kultura at ekonomiya
D. madaling nakalimutan ng mga Pilipino ang hirap na dinanas nila noong sila ay
sinakop ng mga Amerikano.
_______13. Ang Amerika ay nagbigay ng tulong pinansyal na umabot sa $100,000,000 sa
Pilipinas at sila’y binigyan ng karapatan na linangin ang likas na yaman ng
Pilipinas. Anong kasunduan ito?
A. Bell Trade Act C. Parity Rights
B. Military Bases Agreement D. Rehabilitation Act
_______14. Ito ay pagpapatuloy ng Bell Trade Act kung saan isinaayos ang mga tulay, daan
at iba pang istruktura sa Pilipinas.
A. Laurel-Langley Agreement C. Parity Rights
B. Military Bases Agreement D. Rehabilitation Act
_______15. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng soberanya?
A. Pinakamataas na kapangyarihan ng estado o bansang mag-utos at
pasunurin ang mga tao
B. Nagtataguyod sa kabutihan ng mga pinuno ng pamahalaan
C. Isinasakatuparan ang kabutihan ng ng mga partido politikal ng bansa.
D. Nagpapatatag ng kapangyarihang makipag-ugnayan sa ibang bansa
_______16. Paano masasabing palagian o permanente ang soberaniya ng isang bansa?
A. Kung ang pinuno ng isang bansa ay hindi natitinag ng anumang digmaan.
B. Ang kapangyarihan ng estado ay pangmatagalan at magpapatuloy
hanggang hindi nawawala ang estado.
C. Ang kapangyarihan ng estado ay nananatiling hawak ng pinuno nito.
D. Kung wala pang ibang pinuno na papalit sa pamamahala sa isang bansa.
_______17. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng taong
naninirahan sa teritoryong nasasakupan nito.
A. Konstitusyon C. Panloob na Soberanya
B. Panlabas na Soberanya D. Soberanya
_______18. Sino ang pangunahing may hawak ng kapangyarihan sa panloob na
soberanya?
A. Gobernador B. Mayor C. Pangulo D. Senador
_______19. Bakit mahalaga ang panloob na soberanya?
A. dahil dito nakasalalay ang kaayusan at kaunlaran ng isang bansa.
B. dahil dito makikita ang kagalingan ng pangulo sa pamumuno
C. dahil mapapaganda nito ang turismo ng isang bansa
D. dahil mapapagaan nito ang buhay ng mga mamamayan
_______20. Ito ay ang kapangyarihan ng estado na makapagsarili at hindi pinakikialaman ng
ibang bansa.
A. Konstitusyon C. Panloob na Soberanya
B. Panlabas na Soberanya D. Soberanya
_______21. Paano maipapakita ng isang bansa na ito ay may panlabas na soberanya?
A. Ang estado ay may kalayaang itaguyod ang lahat ng gawain at naisin tungkol sa
ekonomiya, edukasyon, buwis at hanapbuhay.
B. Maaari itong magpatupad ng batas para sa mamamayan nito.
C. Ang estado ay may kapangyarihang disiplinahin ang mga mamamayan nito.
D. Maaaring gumawa ng mga ordinansa ang mga opisyal para sa kapayapaan ng
kanilang lugar.
_______22. Bakit mahalaga ang panlabas na soberanya?
A. dahil mapapaganda nito ang sistema ng pamumuno
B. dahil mas magiging makapagyarihan ang mga pinuno ng bansa
C. dahil maiiwasan ang pagkontrol ng ibang bansa
D. dahil mas mapapatupad ang batas sa bansa
_______23. Ang Pilipinas bilang isang bansang malaya at may soberanya, paano natin
pinipili ang mga pinuno ng bansa?
A. Sa pamamagitan ng halalan o eleksiyon
B. Pinipili ng pangulo ang mga susunod na mamumuno sa bansa
C. Isinasalin ang pamumuno o ipinamamana sa mga anak ang pamamahala
sa bansa
D. Nanggagaling sa mayayaman na angkan ang susunod na mamumuno
________24. Ang bawat mamamayan ng bansang may soberanya ay may karapatan. Isa
na rito ang karapatang makapag-aral. Anong programa ng ating pamahalaan
ang nagpapatibay nito?
A. Pagpapatayo ng mga pribadong paaralan
B. Pagpapatayo ng pampublikong paaralan
C. Pagbibigay ng allowance sa mga kabataang Pilipino
D. Pagpapababa ng tuition fee sa mga unibersidad
________25. Dahil sa soberanya, may karapatan ang ating pamahalaan na gumawa at
magpatupad ng batas. Ano ang kahalagahan ng isang batas?
A. Ipinapakita nito ang kahusayan ng mga namumuno sa ating bansa.
B. Kailangan ito upang maging mapayapa ang ating bansa.
C. Nagpapatunay ito na ang isang bansa ay makapangyarihan.
D. Kailangan ito upang maging kaaya-aya an gating bansa.
________26. Upang mapangalagaan ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa, nabuo
ang ahensya nito. Ito ay ang ___________.
A. DENR B. DFA C. DSWD D. PNP
________27. Aling ahensya ng bansa ang nangangalaga at nangangasiwa ng ating likas na
yaman?
A. DENR B. DFA C. DSWD D. PNP
________28. Ano ang programang sinimulan ni Manuel A. Roxas upang mapayabong ang
ekonomiya ng bansa?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas C. Rice Tenancy Act
B. Green Revolution D. United Nations
________29. Ito ay isang programa ni Carlos Garcia kung saan hinikayat niya ang mga
Pilipino na tangkilikin ang sariling produkto at unahin ang kapakanan ng kapwa
Pilipino.
A. Agricultural Land Reform C. Filipino First Policy
B. Austerity Program D. Rice Tenancy Act
________30. Upang dumami ang produksyon ng pagkain at mapakain ang maraming
Pilipino, itinatag ni Ferdinand Marcos ang _________.
A. Bangko Sentral ng Pilipinas C. Rice Tenancy Act
B. Green Revolution D. United Nations
________31. Sino ang pangulo nang ideklara ang Proclamation 1081 o Batas Militar?
A. Carlos P. Garcia C. Ferdinand E. Marcos
B. Diosdado P. Macapagal D. Sergio Osmeña
________32. Paano pinaunlad ni Pang. Elpidio Quirino ang ekonomiya ng bansa sa panahon
ng kanyang administrasyon?
A. Siya ay nanghikayat ng mga mamumuhunan.
B. Kanyang ipinagtibay ang industriyalisasyon.
C. Bumuo siya ng mga estratehiya upang mapaangat ang ekonomiya.
D. Humigi siya ng tulong mula sa Estados Unidos.
________33. Siya ay kilala bilang may akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law).
C. Carlos P. Garcia C. Ferdinand E. Marcos
D. Diosdado P. Macapagal D. Sergio Osmeña
________34. Ano ang layunin ng Austerity Program ni Pang. Carlos P Garcia? Layunin nito na
____________.
A. mamuhay ang mga Pilipino ng simple at matipid.
B. mapaangat ang ekonomiya ng bansa
C. mabigyang pansin ang kalagayang pangkalusugan ng mga mamamayan
D. magkaroon ng kapayapaan sa buong panig ng bansa
________35. Sa administrasyong ito inilunsad ang pagsasaliksik ukol sa makabagong sistema
ng pagsasaka at sa bagong uri ng binhi na tinatawag na Masagana. Sino ang
pangulong nanguna rito?
A. Elpidio Quirino C. Manuel A. Roxas
B. Ferdinand E. Marcos D. Ramon Magsaysay
________36. Sa kabuuan, naging matagumpay ba ang programang pangkaunlaran ni
Elpidio Quirino?
A. Oo, dahil naipatupad nang maayos ang bawat programang ipinanukala niya.
B. Oo, dahil maraming Pilipino ang umangat ang buhay.
C. Hindi, dahil laganap ang katiwalian sa pamahalaan.
D. Hindi, dahil walang pagbabago sa estdao ng pamumuhay ng mga Pilipino
________37. Sa pangkalahatan naging maayos ang pamumuno ni Pang. Marcos sa kanyang
unang termino subalit sa kanyang ikalawang termino, kanyang idineklara ang
Batas Militar. Bakit?
A. sapagkat dumanas ng matinding krisis pampulitika at pang-ekonomiya ang bansa
B. dahil hindi na sumusunod sa kanya ang mga mamamayan nito
C. dahil umusbong and terorismo sa bansa
D. sapagkat lumaganap ang karahasan sa bansa
________38. Isa sa mga suliranin noong panahon ng Ikatlong Republika ay ang agrikultura ng
bansa. Paano ito nabigyang solusyon?
A. Paglikha ng miracle rice
B. Pagpapatupad ng pantay na hatian sa pagsasaka
C. Pagpapatayo ng patubig at irigasyon
D. B at C
________39. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing suliraning kinahaharap natin sa
kasalukuyan?
A. Kakulangan sa edukasyon C. limitadong NFA rice
B. Kahirapan D. pagbabaha sa Maynila
_________40. Ano-ano ang mga programa ni Pang. Duterte upang mabawasan o kaya
naman tuluyang mawala ang droga sa Pilipinas?
A. 4Ps C. Oplan Tokhang
B. Anti-Terrorists Attack D. Pederalismo
_________41. Dahil sa nangyaring kaguluhan sa Marawi City, ilang taon ang ibinigay na
extensyon sa pagpapatupad ng Batas Militar sa buong Mindanao?
A. 1 taon B. 2 taon C. 3 taon D. 4 taon
_________42. Isa pa sa kinahaharap na suliranin ng kasalukuyang administrasyon ay ang
suliranin sa basura. Ano-ano ang mga programa para ito ay masolusyonan?
A. Solid Waste Management C. Pagrerecycle
B. Pag-iwas sa paggamit ng plastic D. Muling paggamit ng reusable materials
_________43. Noong panahon ng Ikatlong Republika, talamak na ang katiwalian sa
pamahalaan. Paano ito nakaapekto sa kasalukuyan?
A. Maraming mga proyekto ang mababa ang kalidad ng paggawa dahil kinukuha ng
mga contractor ang tamang budget para rito.
B. Dumarami ang porsyento ng mahihirap sa ating bansa.
C. Walang natatapos na programa ang ating pamahalaan.
D. Karamihan ng mga namumuno sa pamahalaan ay yumayaman.
_________44. Ang terorismo o rebelyon ay nangyari na rin sa panahon ng Ikatlong Republika.
Paano ito naiba sa terorismo sa kasalukuyan?
A. Mas marami ang sumasapi sa rebelyon noong Ikatlong Republika
B. Sa kasalukuyan, mas pinalakas ang kanilang armas at kasanayan sa pakikipaglaban.
C. Mas malalaki ang pondo na natatanggap ng mga terorista noong panahon ng
Ikatlong Republika
D. Binibigyan ng amnestiya ang mga terorista sa kasalukuyan.
_________45. Dahil tayo ay binigyan ng pagkakataong lumaya mula sa mga mananakop,
paano mo ito mapapangalagaan?
A. Suportahan ang mga batas ng bansa.
B. Tangkilikin ang produkto ng ibang bansa.
C. Mahalin at suportahan ang mga bagay na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan.
D. Laging manuod ng mga Pilipinong penikula.
II. Gawin ang mga sumusunod.
46-47. Sa iyong palagay, makakatulong ba ng Bell Trade Act sa pag-unlad at pagbangon ng ating
bansa? Bakit oo? Bakit hindi?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________
48-49. Magbigay ng dalawang patakaran o programa ng iyong napiling pangulo sa Ikatlong
Republika at ipaliwanag ang bawat isa.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________
50. Kung iyong susuriin ang isinasaad ng Parity Rights at Military Bases Agreement, kanino ito
pumapabor? Sa Amerika ba o sa Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________