0% found this document useful (0 votes)
261 views116 pages

M-618 T

Thesis
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
261 views116 pages

M-618 T

Thesis
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Maligayang Pagdating sa Estados Unidos

Isang Patnubay para sa mga Bagong Imigrante

M-618-T (rev. 09/15)


Maligayang Pagdating sa
Estados Unidos
Isang Patnubay para sa mga Bagong
Imigrante
U.S. GOVERNMENT OFFICIAL EDITION NOTICE

Use of ISBN Prefix


This is the Official U.S. Government edition of this publication and is herein
identified to certify its authenticity. Use of the 0-16 ISBN prefix is for U.S.
Government Publishing Office Official Editions only. The Superintendent
of Documents of the U.S. Government Publishing Office requests that any
reprinted edition clearly be labeled as a copy of the authentic work with a
new ISBN.
The information presented in Welcome to the United States: A Guide for New Immigrants
is considered public information and may be distributed or copied without
alteration unless otherwise specified. The citation should be:
U.S. Department of Homeland Security, U.S. Citizenship and Immigration
Services, Office of Citizenship, Welcome to the United States: A Guide for New
Immigrants, Washington, DC, 2015.
U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) has purchased the right
to use many of the images in Welcome to the United States: A Guide for New Immigrants.
USCIS is licensed to use these images on a non-exclusive and non-transferable
basis. All other rights to the images, including without limitation and
copyright, are retained by the owner of the images. These images are not in
the public domain and may not be used except as they appear as part of this
guide.
This guide contains information on a variety of topics that are not within the
jurisdiction of U.S. Department of Homeland Security (DHS)/USCIS. If you
have a question about a non-DHS/USCIS issue, please refer directly to the
responsible agency or organization for the most current information. This
information is correct at the time of printing, however, it may change in the
future.
Talahanayan ng Nilalaman
Maligayang Pagdating sa Estados Unidos Isang Patnubay para sa mga
Bagong Imigrante. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1
Mga Kagawaran at Ahensya ng Pamahalaang Pederal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2
Ang Estados Unidos Ngayon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3
Mga Pederal na Piyesta Opisyal. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4
Makipag-ugnayan sa USCIS. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

Tungkol sa Patnubay na Ito . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7


Saan Makakakuha ng Tulong. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8
Mga Online na Sanggunian ng USCIS. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

Ang Inyong mga Karapatan at Responsibilidad bilang isang


Permanenteng Residente. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13
Ang Inyong mga Karapatan at Responsibilidad. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14
Pagpapanatili ng Inyong Permanent Resident Status . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16
Kung Ikaw ay Isang Conditional Resident (Kondisyonal na Residente). . . . . . . .19
Paghahanap ng Legal na Tulong . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21
Mga Konsekuwensya ng Gawaing Kriminal para sa mga
Permanenteng Residente . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24

Paninirahan sa Estados Unidos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 27


Kumuha ng Social Security Number. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 28
Maghanap ng Lugar na Matitirahan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Maghanap ng Trabaho. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 35
Pangangalaga sa Bata. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 41
Transportasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 43

Pag-iingat sa Inyong Pera. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 47


Personal na Pangangasiwa sa Pera. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 48
Pagbabayad ng mga Buwis. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 51
Protektahan ang Inyong Sarili at ang Inyong Pera. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 53

Pag-unawa sa Edukasyon at Pangangalagang Pangkalusugan . . . . . . . . . . . . . . 57


Pagbibiyahe sa Estados Unidos. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 58
Mataas na antas ng Edukasyon: Mga Kolehiyo at Pamantasan. . . . . . . . . . . . . . . 65
Edukasyon para sa mga Wastong Gulang . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 67
Matuto ng Ingles . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 68
Pangangalagang Pangkalusugan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 69
Ibang Pederal na Programa sa mga Benepisyo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 72
Panatilihing Ligtas ang Inyong Tahanan at Pamilya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 75
Maghanda. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 76
Manatiling may Kaalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 78
Pagtugon sa isang Emergency. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 79

Kaalaman Tungkol sa Estados Unidos. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 83


Kami ang mga Taong-Bayan: Ang Tungkulin ng Mamamayan sa Estados Unidos. . 84
Paano Nagsimula ang Estados Unidos. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .85
Paglilikha ng “Isang Mas Mahusay na Kapisanan”. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 87
Paano Gumagana ang Pamahalaang Pederal. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 90
Ang Lehislatibong Sangay: Kongreso . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 91
Ang Ehekutibong Sangay: Ang Pangulo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 93
Ang Sangay Panghukuman: Ang Korte Suprema. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 93
Estado at Pamahalaang Lokal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 94
Danasin ang Estados Unidos. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 95

Pagiging isang Mamamayan ng Estados Unidos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 97


Bakit Magandang Maging Isang Mamamayan ng Estados Unidos?. . . . . . . . . . . 98
Naturalisasyon: Pagiging isang Mamamayan ng Estados Unidos. . . . . . . . . . . . 100
Kayo Ay Nasa Landas Na. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 107
Maligayang Pagdating sa
Estados Unidos
Isang Patnubay para sa mga
Bagong Imigrante
Maligayang Pagbati sa inyong pagiging permanenteng residente ng Estados Unidos
ng Amerika! Binabati namin kayo sa ngalan ng Pangulo ng Estados Unidos at
ng mga mamamayan ng Amerika at hinahangad namin para sa inyo ang bawat
tagumpay rito.
Ang Estados Unidos ay may mahabang kasaysayan sa pagtatanggap ng mga
imigranteng mula sa lahat ng dako ng daigdig. Itinuturing ng Amerika na mahalaga
ang mga kontribusyon ng mga imigrante, na patuloy na pinauunlad ang bansang
ito at pinangangalagaan ang pamana nito bilang isang bansa ng kalayaan at
oportunidad.
Habang nagtatrabaho ka upang makamit ang iyong mga layunin, gumugol ng oras
upang makilala ang bansa, kasaysayan nito, at ang mga tao. Ngayon ay karapatan
at responsibilidad na niyong hubugin ang kinabukasan ng Estados Unidos, at
siguruhin ang kaniyang patuloy na pagtatagumpay.
Mga nakasisiyang oportunidad ang naghihintay sa inyo habang sinisimulan ninyo
ang inyong buhay bilang isang permanenteng residente nitong kahanga-hangang
bansang ito. Maligayang Pagdating sa Estados Unidos!
U.S. Citizenship and Immigration Services

1
Mga Kagawaran at Ahensya ng
Pamahalaang Pederal
Kung mayroon kayong tanong at hindi alam kung aling departamento ang
makakasagot nito, tumawag sa 1-800-FED-INFO (or 1-800-333-4636). Kung
mayroon kayong diperensya sa pandinig, tumawag sa 1-800-326-2996.
Pwede rin ninyong bisitahin ang [Link] para sa mga pangkalahatang
impormasyon tungkol sa mga kagawaran at ahensya ng pamahalaang pederal.

U.S. Department of Education (ED) [Kagawaran ng U.S. Department of Housing and Urban Development (HUD)
Edukasyon] [Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad na Panlunsod]
Telepono: 1-800-USA-LEARN Telepono: 202-708-1112
Telepono: 1-800-872-5327 Para sa mga may diperensya sa pandinig: 202-708-1455
Para sa mga may diperensya sa pandinig: 1-800-437-0833 [Link]
[Link]
U.S. Department of Justice (DOJ) [Kagawaran ng Katarungan]
U.S. Equal Employment Opportunity Commission (EEOC) Telepono: 202-514-2000
[Komisyon para sa Pantay na Pagkakataon sa Empleyo] [Link]
Telepono: 1-800-669-4000
Para sa mga may diperensya sa pandinig: 1-800-669-6820 U.S. Department of Treasury [Kagawaran ng Pananalapi]
[Link] Internal Revenue Service (IRS) [Palingkurang Rentas Internas]
Telepono: 1-800-829-1040
U.S. Department of Health and Human Services (HHS) Para sa mga may diperensya sa pandinig: 1-800-829-4059
[Kagawaran ng mga Palingkurang Pangkalusugan at Pantao] [Link]
Telepono: 1-877-696-6775
[Link] Selective Service System (SSS)
Telepono: 1-888-655-1825
U.S. Department of Homeland Security (DHS) Telepono: 847-688-6888
Telepono: 202-282-8000 Para sa mga may diperensya sa pandinig: 847-688-2567
[Link] [Link]

U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) Social Security Administration (SSA) [Pangasiwaang Social
[Pagkamamamayan at Pang-imigranteng Paglilingkod ng Security]
Estados Unidos] Telepono: 1-800-772-1213
Telepono: 1-800-375-5283 Para sa mga may diperensya sa pandinig: 1-800-325-0778
Para sa mga may diperensya sa pandinig: 1-800-767-1833 [Link] or [Link]/espanol
[Link]
U.S. Department of State (DOS) [Kagawaran ng Estado]
U.S. Customs and Border Protection (CBP) [Adwana at
Telepono: 202-647-4000
Proteksyon sa Hangganan ng Estados Unidos] Para sa mga may diperensya sa pandinig: 1-800-877-8339
Telepono: 202-354-1000 [Link]
[Link]

U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE)


[Pagpapatupad ng Imigrasyon at Adwana sa Estados Unidos]
[Link]

2 
Ang Estados Unidos Ngayon

Washington
Montana North Minnesota Vermont Maine
Dakota
Oregon Michigan
Idaho Wisconsin New Hampshire
South Indiana New
Dakota York Massachusetts
Wyoming Rhode Island
Iowa Pennsylvania Connecticut
Nebraska New Jersey
Nevada Ohio Delaware
Utah Illinois Maryland
Colorado Washington, DC
California Missouri
Kansas Virginia West Virginia
Kentucky
North
Tennessee Carolina
Arizona New Oklahoma Arkansas
Mexico
Georgia South Carolina
Alabama
Texas

Florida
Alaska Louisiana Mississippi

Hawaii

Kasama rin sa Estados Unidos ang mga teritoryo ng Guam, American, Samoa, ang
U.S. Virgin Islands, at ang mga Commonwealth ng Northern Mariana Islands at
Puerto Rico, na hindi nakikita sa mapang ito.

3
Mga Pederal na Piyesta Opisyal
Sarado ang karamihan sa mga tanggapan ng pamahalaang pederal tuwing piyesta
opisyal. Kung matataon nang Sabado ang isang piyesta opisyal, ipinagdiriwang
ito nang Biyernes bago ang Sabadong iyon. Kung matataon nang Linggo ang
piyesta opisyal, ipinagdiriwang ito nang Lunes na kasunod ng Linggo na
iyon. Maraming pinagtatrabahuhang hindi panggobyerno ang nagbibigay rin
sa mga empleyado nito ng mga araw na walang pasok. Ipinagdidiriwang ng
pamahalaang pederal ang mga sumusunod na piyesta opisyal.

Bagong Taon Ika-1 ng Enero

Kaarawan ni Martin Luther King, Jr. Ikatlong Lunes sa Enero

Presidents’ Day [Araw ng mga Pangulo] Ikatlong Lunes sa Pebrero

Memorial Day Huling Lunes sa Mayo

Araw ng Kalayaan Ika-4 ng Hulyo

Araw ng Manggagawa Unang Lunes sa Setyembre

Columbus Day Ikalawang Lunes sa Oktubre

Veterans Day [Araw ng mga Beterano] Ika-11 ng Nobyembre

Thanksgiving Day [Araw ng


Ikaapat na Huwebes sa Nobyembre
Pasasalamat]

Araw ng Pasko Ika-25 ng Disyembre

4 
Makipag-ugnayan sa USCIS
Bisitahin ang website ng USCIS sa [Link] at sa [Link],
isang sanggunian para sa mga bagong imigrante.
Tawagan ang Customer Service sa 1-800-375-5283 o 1-800-767-1833 (para sa
mga may diperensya sa pandinig).
Upang makakuha ng mga form, bisitahin ang webiste ng USCIS o tumawag sa
Forms Line ng USCIS sa 1-800-870-3676.

5
6 
Tungkol sa Patnubay na Ito
Ang patnubay na ito ay naglalaman ng pangunahing impormasyon upang tulungan kang makapanirahan sa
Estados Unidos at malaman kung ano ang kakailanganin ninyo at ng inyong pamilya para sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ibinubuod rin dito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong legal na katayuan at tungkol
sa mga ahensya at organisasyong nagbibigay sa iyo ng mga dokumento o mahahalagang serbisyo na maaari
mong kailanganin.

7
Bilang isang permanenteng residente kailangang simulan ninyong pag-aralan
ang tungkol sa bansang ito, ang mga mamamayan, at ang sistema ng pamahalaan
nito. Gamitin ang pamatnubay na ito upang malaman ang tungkol sa inyong mga
karapatan at responsibilidad at upang maunawaan ang pamamalakad ng mga
pamahalaang pederal, pang-estado at lokal. Malalaman mo rin ang tungkol sa
mahahalagang kaganapan sa kasaysayan na humubog sa Estados Unidos, gayundin ang
kahalagahan ng pakikisalamuha sa inyong komunidad at mga suhestiyon kung paano
gawin ito.
Ang pamatnubay na ito ay naghahatid ng isang pangkalahatang kabuuran ng mga
karapatan, responsibilidad, at pamamaraang may kaugnayan sa mga permanenteng
residente. Upang makakuha ng karagdagang partikular at detalyadong impormasyon,
dapat kayong sumangguni sa mga batas, regulasyon, form, at sa patnubay ng
U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) [Pagkamamamayan at Pang-
imigranteng Paglilingkod ng Estados Unidos]. Kailangan ninyong sumangguni nang
madalas sa mga detalyadong mapagkukunan ng impormasyong ito para sa inyong
partikular na tanong o kasong ukol sa pagiging imigrante. Makikita ninyo ang
impormasyong ito website ng USCIS [Link]. Maaari kang makakuha ng mga
form ng USCIS sa website o sa pamamagitan ng pagtawag sa Forms Line ng USCIS sa
1-800-870-3676. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Customer Service
sa 1-800-375-5283 o 1-800-767-1833 (para sa mga may diperensya sa pandinig).

Saan Makakakuha ng Tulong


Matutulungan kayo ng pamatnubay na ito sa inyong pagsisimula ngunit hindi nito
masasagot ang lahat ng inyong mga katanungan tungkol sa pamumuhay sa Estados
Unidos. Para sa karagdagang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa
tanggapan ng pamahalaang pang-estado, pambayan o panlalawigan upang malaman
ang mga umiiral na serbisyo o upang sumangguni sa mga lokal na organisasyon
na tumutulong sa mga bagong imigrante. Mahahanap ninyo ang mga tanggapan at
organisasyong ito sa pamamagitan ng paggamit sa mga libreng impormasyon na
inilalarawan sa ibaba.

Ang Aklatang Pambayan


Libre at bukas para sa lahat ang mga aklatang pambayan
sa Estados Unidos. May mga aklatan sa halos lahat ng
komunidad. Matutulungan kayo ng mga tauhan ng
aklatan na makakuha ng impormasyon sa maraming
paksa, at mabibigyan nila kayo ng kard para sa aklatan
na magagamit ninyo upang manghiram ng mga bagay
tulad ng mga aklat, DVD, at iba pang mapagkukunan
ng impormasyon nang walang bayad. Ang karamihan
sa mga aklatan ay may mga peryodiko para sa inyong
pagbabasa at mga kompyuter na magagamit ninyo para
maghanap sa Internet.

8 
Ang ibang aklatan ay nag-aalok ng libreng mga klase sa pagkokompyuter, pagtuturo
ng Ingles at iba pang programa para sa mga bata at mga nasa hustong gulang na.
Itanong sa kawani ng aklatan ang tungkol sa mga serbisyong iniaalok sa inyong
komunidad. Upang makahanap ng aklatang malapit sa inyo, bisitahin ang
[Link].

Ang Libro ng Telepono


Ang inyong lokal na “libro ng telepono” (direktoryo ng telepono)
ay naglalaman ng mahalagang impormasyon tungkol sa pederal,
pang-estado, at lokal na mga serbisyong pangkomunidad. Ang libro
ng telepono ay may impormasyong pangkagipitan, lokal na mapa,
at impormasyon tungkol sa kung paano makakakuha ng serbisyo ng
telepono. Ang white pages ay naglilista ng mga numero ng telepono
ng mga indibidwal at ang yellow pages ay naglilista ng mga numero
ng telepono at mga address ng mga negosyo at organisasyon. Maaari
rin kayong dumayal sa 411 sa inyong telepono upang makakuha ng
isang partikular na numero ng telepono kahit saan sa Estados Unidos.
Maaaring may bayaran kayo kapag tumatawag sa 411.

Ang Internet
Ang Internet ay makakapag-ugnay sa inyo sa maraming pinagkukunan ng
impormasyon, kabilang ang mga website ng pederal, pang-estado,
at lokal na ahensiya ng pamahalaan. Karamihan sa mga website
ng pamahalaan ay nagtatapos sa “.gov”. Kung wala kang
kompyuter sa bahay, maaari kang gumamit nito sa inyong
aklatang pambayan. Magagamit ninyo ang Internet
upang maghanap ng trabaho, humanap ng pabahay,
kumuha ng kaalaman tungkol sa mga paaralan para sa
inyong mga anak, at mahanap ang mga organisasyong
pangkomunidad at mga sanggunihang makakatulong
sa inyo. Maaari rin ninyong gamitin ang Internet
upang malaman ang tungkol sa mahahalagang balita at
kasalukuyang kaganapan, makatuklas ng impormasyong
tungkol sa buhay sa Amerika, kasaysayan at pamahalaan
ng Estados Unidos, at inyong lokal na komunidad.
Upang mahanap ang mga sangguniang para sa mga bagong
imigrante, bisitahin ang [Link].

9
MGA DAPAT
TANDAAN Bilang isang imigrante, dapat ninyong malaman na may mga manlolokong tao na
gumagawa ng mga pekeng website na mukhang mga pampamahalaang website
upang lituhin kayo at pagsamantalahan. Tandaan, ang opisyal na webiste ng U.S.
Citizenship and Immigration Services ay [Link].

Mga Organisasyon sa Komunidad at sa Simbahan na


Tumutulong sa mga Imigrante
May mga organisasyon sa maraming komunidad na nagbibigay ng tulong na libre
o tulong kapalit ng mababang halaga para sa mga imigrante. Makakatulong sa
inyo ang mga organisasyong ito na magkaroon ng kaalaman tungkol sa inyong
komunidad at ang mga serbisyong makukuha mo bilang isang imigrante. Pwede
ninyong hanapin ang mga organisasyong ito sa pamamagitan ng paghahanap
sa Internet, sa direktoryo ng telepono sa inyong lugar, pagtatanong sa aklatang
pambayan at pagtatanong sa ahensya ng serbisyong panlipunan ng pamahalaang
panglokal.

Mga Online na Sanggunian ng USCIS


Ang USCIS ay may iba't-ibang makakatulong na sanggunian online. Ang mga
sangguniang ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga paksang ukol sa
pandarayuhan, panahon ng pagpoproseso, lagay ng kaso, mga singil at iba pang
benepisyo.

MGA ONLINE NA SANGGUNIAN


Kung gugustuhin ninyo: Bisitahin ang:

Tingnan ang lagay ng inyong kaso, tingnan ang mga


panahon ng pagpoproseso, mag-sign up para sa mga pag-
[Link]
a-update ng estado, o hanapin ang pinakamalapit ninyong
tanggapan ng USCIS

Tingnan ang mga kasalukuyang halaga ng singil sa


[Link]/fees
pagsusumite

Magpaiskedyul ng libreng appointment para sa INFOPASS


[Link]
sa isang Opisyal ng USCIS

10 
Karagdagang Impormasyon para sa mga Bagong Imigrante
Maligayang Pagdating sa Estados Unidos: Isang Patnubay para sa mga Bagong Imigrante ay makukuha sa iba
pang wika sa [Link]/newimmigrants.

11
12 
Ang Inyong mga Karapatan at
Responsibilidad bilang isang Permanenteng
Residente
Bilang isang permanenteng residente, kayo ay inaasahan na ituring ang Estados Unidos bilang inyong inang-
bayan at galangin at sundin ang mga batas ng bansa. Ang ibig sabihin rin ng pagiging permanenteng residente
ay mayroon kayong mga bagong karapatan at responsibilidad.
Ang pagiging isang permanenteng residente ay isang pribilehiyo, hind isang karapatan. Maaaring bawiin sa
inyo ng pamahalaan ng Estados Unidos ang inyong katayuang permanenteng residente, alinsunod sa ilang mga
kondisyon. Kailangan ninyong pangalagaan ang iyong katayuang permanenteng residente kung gusto ninyong
manirahan at magtrabaho sa Estados Unidos, at maging isang mamamayan sa hinaharap.
Sa bahaging ito, malalaman inyo kung ano ang kahulugan ng pagiging isang permanenteng residente, at ang
dapat ninyong gawin upang mapangalagaan ang inyong katayuang permanenteng residente.

 13
13
Ang Inyong mga Karapatan at
Responsibilidad
Ang mga ginagawa ninyo ngayon bilang isang permanenteng residente ay
makakaapekto sa inyong pagiging isang mamamayan ng Estados Unidos sa
hinaharap. Ang paraan upang maging isang mamamayan ng Estados Unidos ay
tinatawag na naturalisasyon.

Bilang isang permanenteng residente, kayo ay may karapatang:


●● Permanenteng makapanirahan saanman sa Estados Unidos.
●● Magtrabaho sa Estados Unidos.
●● Magkaroon ng pag-aari sa Estados Unidos.
●● Pumasok sa pampublikong paaralan.
●● Mag-aplay sa inyong estado o teritoryo ng lisensiya para sa pagmamaneho.
●● Pumasok sa mga ilang sangay ng sandatahang lakas ng Estados Unidos.
●● Makatanggap ng Social Security, Supplemental Security Income (SSI), at mga
benepisyong Medicare kung kwalipikado kayo para sa mga ito.
●● Mag-aplay para maging isang mamamayan ng Estados Unidos sa oras na
kwalipikado na kayo.
●● Humiling ng mga visa para sa inyong asawa at mga walang-asawang
anak upang manirahan sa Estados Unidos.
●● Lumabas at pumasok muli sa Estados Unidos alinsunod sa
mga ilang kondisyon.

Bilang isang permanenteng residente, dapat ninyong:


●● Sundin ang lahat ng mga batas ng pamahalaang
pederal, estado at panglokal.
●● Bayaran ang buwis sa mga pamahalaang pederal,
estado at panglokal.
●● Magparehistro sa Selective Service (sandatahang lakas
ng Estados Unidos), kung kayo ay isang lalaking nasa
pagitan ng 18 at 26 taong gulang. Tingnan ang pahina
18 para sa mga instruksyon.
●● Panatilihin ang inyong kalagayang pandayuhan.
●● Magdala sa lahat ng oras ng pagpapatunay ng inyong katayuan
bilang isang permanenteng resident.
●● Palitan ang inyong bagong address online o sa pamamagitan ng pagsulat sa
USCIS sa loob ng 10 araw tuwing lilipat kayo ng tirahan. Tingnan ang pahina
19 para sa mga instruksyon.

14 
Ano Ang Inyong Magagawa
Bilang isang permanenteng residente, marami kayong mga karapatan at kalayaan. Bilang kapalit, mayroon kayong ilang
responsibilidad. Ang isang mahalagang responsibilidad ay ang makihalubilo sa inyong komunidad. Dapat ninyo ring
matutunan ang tungkol sa kultura, kasaysayan at pamahalaan ng Amerika. Magagawa ninyo ito sa pamamagitan ng pagkuha
ng mga klase para sa nasa hustong gulang at sa pagbabasa ng mga lokal na peryodiko.

Ang mga permanenteng residente ay binibigyan ng isang may-bisang Permanent Resident


Card (Form I-551) [Kard ng Permanenteng Residente] bilang pagpapatunay ng kanilang
legal na katayuan sa Estados Unidos. Tinatawag ito ng ibang tao na, “Green Card”. Kung kayo
ay lilipad tungo sa Estados Unidos at kung kayo ay tatanggapin bilang isang permanenteng
residente, babayaran lang ninyo ang singil sa pagsusumite ng Form-485, Application to
Register Residence or Adjust Status. Babayaran ninyo ang singil
na ito online sa pamamagitan ng USCIS Electronic Immigration
System (USCIS ELIS) sa [Link]/uscis-elis. Pakitandaan
na hindi ninyo matatanggap ang inyong Permanent Resident
Card hanggang sa mabayaran ninyo ang singil ng USCIS para sa
mga imigrante. Kung kayo ay naging permanenteng residente sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng inyong katayuan habang kayo
ay nasa Estados Unidos, babayaran lang ninyo ang Form-485,
Aplikasyon to Register Residence o ang singil sa pagsusumite ng
Adjust Status at hindi ang singil ng USCIS para sa mga imigrante.
Kailangang may taglay kayong pagpapatunay sa inyong katayuan
bilang imigrante kung kayo ay isang permanenteng imigrante
na 18 taong gulang pataas. Kailangan ninyo itong ipakita sa isang opisyal ng imigrasyon o
opisyal sa pagpapatupad ng batas kapag hiniling niya ito. Ang inyong Permanent Resident
Card ay maaaring may-bisa sa loob ng 10 taon, at kailangan ninyong i-renew ito bago
mapaso o kung magbabago ang inyong pangalan. Upang mapalitan o ma-renew ang inyong
Permanent Resident Card, kailanganin ninyong mag-file ng Form I-90, Application to
Replace Permanent Resident Card (Aplikasyon Upang Mapalitan ang Kard ng Permanenteng
Residente). May bayad para sa pag-file ng Form I-90. Maaari ninyong makuha ang form
na ito online sa [Link] o sa pamamagitan ng pagtawag sa Forms Line ng USCIS sa
1-800-870-3676. Kung ikaw ay isang kondisyonal na permanenteng residente (CR) sa dahil
sa kasal o pagnenegosyo, ikaw ay nabigyan ng kard na may-bisa sa loob ng dalawang taon.
Huwag gamitin ang Form I-90 upang mag-apply para sa ekstensyon o pagpapa-renew ng
inyong katayuan Sa halip, kailangan mong mag-file ng kahilingang alisin ang mga kondisyon
bago mapaso ang iyong card. Tingnan ang pahina 19 para sa mga instruksyon sa kung
paano alisin ang mga kondisyon sa inyong katayuan bilang permanenteng residente.
Ipinapakita sa inyong Permanent Resident Card na kayo ay may permisong manirahan at
magtrabaho sa Estados Unidos. Maaari rin ninyong gamitin ang inyong Permanent Resident
Card upang muling makapasok sa Estados Unidos matapos magbiyahe sa ibang bansa. Kung
kayo ay nasa labas ng Estados Unidos ng mas matagal sa 12 buwan, kakailanganin ninyong
magpakita ng mga karagdagang dokumento para makapasok muli sa bansa bilang isang
permanenteng residente. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga dokumentong ito,
tingnan ang pahina 17.

15
Pagpapanatili ng Inyong Permanent
Resident Status
Kapag natanggap na ninyo ang katayuan bilang permanenteng residente,
magpapatuloy kayong sa pagiging permanenteng residente maliban kung magbago
ang inyong katayuan alinsunod sa batas sa imigrasyon ng Estados Unidos. Ang isang
paraan sa kung paano mawawala sa inyo ang inyong katayuan bilang permanenteng
residente ay ang pag-aabanduna rito. Inaabanduna ninyo ang inyong katayuan bilang
permanenteng residente sa pamamagitan ng pag-alis sa Estados Unidos upang
manirahan sa ibang bansa, na may pagbabalak na talikdan ang inyong katayuan bilang
permanenteng residente. Makikita sa inyong pagkilos ang inyong tunay na saloobin.
May ilang bagay na maaari ninyong gawin upang mabawasan ang posilibidad
na ipalagay ng pamahalaan ng Estados Unidos na inabanduna ninyo ang inyong
katayuan:
●● Huwag lumisan sa Estados Unidos sa loob ng mahaba-
habang panahon maliban kung maipapakita ng mga
kaganapan na ang iyong pag-alis para sa pansamantalang
dahilan lamang (halimbawa, upang mag-aral, kumuha
ng pansamantalang trabaho, o upang mag-alaga sa isang
kamag-anak). Kung mawala kayo sa loob ng isang taon
o mas matagal, hindi mo na magagamit ang inyong
Permanent Resident Card upang makapasok sa Estados
Unidos.
●● Kung may mangyayari na magpapaantala sa inyong
pagbabalik, maging handang ipaliwanag ang (mga dahilan)
ng pagkaantala.
●● Mag-file ng pederal, pang-estado, at kung angkop, lokal na income tax return.
●● Magparehistro sa Selective Service kung kayo ay isang lalaking sa pagitan ng 18 at
26 taong gulang.
●● Ibigay ang inyong bagong address sa USCIS sa loob ng 10 araw ng bawat paglipat.

Pag-ingatan ang Mahahalagang Dokumento


Itago sa isang lugar na ligtas sa mahahalagang dokumento na mula sa bansang
pinagmulan. Kabilang sa mga halimbawa ng mahahalagang dokumento ang: pasaporte,
sertipiko ng kapanganakan, sertipiko ng kasal, sertipiko ng diborsyo, mga diplomang
nagpapakita na kayo ay nagtapos sa mataas na paaralan o kolehiyo, at/o mga
sertipikong nagpapakita na kayo ay may mga espesyal na pagsasanay o kakayahan.

16 
Panatilihin ang Inyong Katayuan sa Imigrasyon
Naniniwala ang ilang imigrante na maaari silang manirahan sa ibang bansa at
mapanatili ang kanilang katayuan bilang permanenteng residente basta't sila ay
babalik sa Estados Unidos ng kahit isang beses sa isang taon ngunit mali ang
pagpapalagay na ito. Ang pagbibiyahe sa Estados Unidos ng isang beses sa isang
taon ay maaaring hindi sapat upang mapanatili ang inyong katayuan. Maaaring
magbiyahe sa labas ng Estados Unidos ang mga permanenteng residente, at ang
pansamantala at maikling biyahe ay karaniwang hindi makakaapekto sa inyong
katayuan bilang permanenteng residente. Kung kayo ay aalis ng bansa sa loob ng
napakahabang panahon o ipaalam sa ibang paraan na hindi ninyo intensyong
gawing permanente ninyong tahanan ang Estados Unidos, maaaring ipagpalagay
ng gobyerno ng Estados Unidos na inyong inabanduna ang inyong katayuan bilang
permanenteng residente. Maaari rin itong mangyari kapag nagbiyahe kayo na
magtagal ng mula anim na buwan hanggang isang taon, kung may ebidensya na
hindi kayo nagbabalak gawing inyong permanenteng tahanan ang Estados Unidos.
Maaari ninyong gamitin ang inyong Permanent Resident Card bilang dokumento
sa pagbibiyahe, sa inyong pagbabalik sa Estados Unidos kung hindi kayo naglagi sa
ibang bansa sa loob ng isang taon o mahigit. Kung sa palagay ninyo ay mananatili
kayo sa labas ng Estados Unidos ng higit sa 12 buwan, dapat kayong mag-apply
ng permiso sa muling pagpasok bago umalis ng bansa sa pamamagitan ng
pagsusumite ng Form I-131, Aplikasyon for a Travel Document [Aplikasyon para
sa Dokumento sa Pagbibiyahe]. Mayroon kayong babayaran upang makapag-file
ng Form I-131. Maaari ninyong makuha ang Form I-131 sa [Link] o sa
pamamagitan ng pagtawag sa Forms Line ng USCIS sa 1-800-870-3676.
Ang permiso para sa muling pagpasok ay may-bisa hanggang dalawang taon. Maaari
ninyong ipakita ang permiso para sa muling pagpasok, sa halip ng isang visa o inyong
Permanent Resident Card sa daungan ng pagpasok. Ang pagkakaroon ng permiso
para sa muling pagpasok ay hindi gumagarantiya na kayo ay tatanggapin sa Estados
Unidos kapag kayo ay bumalik, ngunit magagawa nitong mas madaling ipakita na
kayo ay babalik mula sa isang pansamantalang pagbisita sa ibang bansa. Kung gusto
ninyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa internasyonal na pagbibiyahe kapag
permanenteng residente, mangyaring bumisita sa [Link].
Dapat rin ninyong malaman na—kung inabanduna man ninyo ang inyong katayuan
bilang permanenteng residente o hindi—ikaw ay kailangang sumailalim sa ganap
na inspeksyon para sa imigrasyon bilang isang aplikante na papasok, kailanman
na kayo ay nagtagal sa ibang bansa nang hindi bababa sa 181 na araw, o sa ibang
sitwasyon, batay sa pagkakatukoy sa batas ng imigrasyon.

17
Mag-file ng mga Tax Return [Pahayag ng Buwis sa Kita]
Bilang isang permanenteng residente, kailangan ninyong mag-file ng mga
income tax return at ipaalam ang inyong kinikita sa Internal Revenue Service
(IRS) [Palingkurang Rentas Internas] at sa kagawaran ng buwis ng inyong
estado, lungsod o pamahalaang lokal, kung kinakailangan. Kung
hindi kayo mag-file ng inyong income tax return habang kayo
ay naninirahan sa labas ng Estados Unidos para sa anumang
tagal na panahon, o kung sinulat ninyo sa inyong pahayag
ng buwis sa kita na kayo ay isang “non-immigrant”,
maaaring magdesisyon ang pamahalaan ng Estados
Unidos na tinalikdan na ninyo ang inyong katayuan
bilang permanenteng residente.

Magparehistro para sa Selective Service


Dapat magparehistro sa Selective Service ang lahat ng
lalaking sa pagitan ng 18 at 26 taong gulang. Ang mga
lalaking nakatanggap ng kanilang pang-imigranteng
visa o nasaayos ang kanilang katayuan sa ganoong edad ay
maaaring awtomatikong nairehistro sa Selective Service. Kung
ito ang sitwasyon, dapat ay nakatanggap kayo ng impormasyon
sa koreo na nagsasad na kayo ay nakarehistro. Kung hindi kayo
nakakatiyak kung kayo ay nakarehistro, makipag-usap sa isang taong mula
sa Selective Service, na maaaring sumuri sa iyong mga tala. Maaari rin ninyong
tingnan ang website ng Selective Service sa [Link]. Kapag nagparehistro
kayo, sinasabi ninyo sa pamahalaan na nakahanda kayong maglingkod sa
sandatahang lakas ng Estados Unidos. Ang Estados Unidos ay walang draft para sa
militar sa ngayon, ngunit ang mga kalalakihang mula 18 hanggang 26 ay inaatasan
pa ring magparehistro. Ang ibig sabihin nito ay ang mga permanenteng residente
at ang mga mamamayan ng Estados Unidos ay hindi kailangang maglingkod sa
sandatahang lakas maliban kung gusto nila.
Maaari kayong magparehistro sa tanggapan ng koreo ng Estados Unidos o sa
Internet. Upang magparehistro para sa Selective Service sa Internet, bisitahin ang
website ng Selective Service: sa [Link] Upang makipag-usap sa isang tao
mula sa Selective Service, tumawag sa 847-688-6888. Ito ay hindi isang libreng
tawag.
Makakakuha rin kayo ng impormasyon sa website ng USCIS sa [Link].

18 
Ibigay ang Inyong Bagong Address sa USCIS
Dapat ninyong abisuhan ang USCIS kung magbabago kayo ng address. Ihain ang
Form AR-11, Pagbabago ng Address sa loob ng 10 araw ng inyong paglilipat. Para
sa impormasyong ukol sa pagsusumite ng pinalitang address, magpunta sa website
ng USCIS sa [Link]/addresschange o tumawag sa Customer Service sa
1-800-375-5283. Kayo ay dapat magpaalam sa USCIS tuwing kayo ang magpapalit
ng address.
Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ang USCIS sa 1-800-375-5283 o
bisitahin ang [Link].

Kung Ikaw ay Isang Conditional


Resident (Kondisyonal na Residente)
Maaaring kayo ay nasa Estados Unidos bilang isang kondisyonal na permanenteng
residente (CR). Kayo ay isang CR kung ikaw kasal nang mas maikli sa dalawang taon
sa iyong asawang mamamayan ng Estados Unidos o permanenteng resident sa araw
na iginawad ang inyong katayuan bilang permanenteng residente. Kung mayroon
kayong mga anak, ang mga ito ay maaari ring mga
CR. Tingnan ang Form I-751, Petition to Remove the
Conditions on Residence [Petisyon na Alisin ang mga
Kondisyon sa Paninirahan], para sa mga instruksyong
ukol sa proseso ng pag-file para sa mga bata. Ang ilang
mga imigranteng investor ay mga CR din.
Ang isang CR ay may mga karapatan at responsibilidad
na katulad ng isang permanenteng resident. Ang mga
kondisyonal na permanenteng residente ay dapat mag-
file ng alinman sa Form I-751, at ang mga imigranteng
investor ay dapat mag-file ng Form I-829, Petition
by Entrepreneur to Remove Conditions [Petisyon ng
Negosyante na Alisin ang mga Kondisyon], sa loob ng
dalawang taon pagkaraan ng petsa na ang mga ito ay
ginawaran ng katayuang kondisyonal na permanenteng residente. Ang petsang ito
ay karaniwang ang petsa ng pagtatapos ng inyong Permanent Resident Card. Dapat
ninyong i-file ang mga form na ito sa loob ng 90 na araw bago ang dalawang-
taong anibersaryo mula noong matanggap ninyo ang inyong kondisyonal na
permanenteng paninirahan. Kung hindi ninyo ito gagawin, maaaring mawala ang
inyong katayuan sa pagiging imigrante.

19
Pagsusumite ng Form I-751 na Kasama ang Inyong Asawa
Kung kayo ay isang CR at pumunta kayo rito dahil sa inyong kasal sa isang
mamamayan o permanenteng residente, kayo at ang inyong asawa ay dapat mag-
file ng Form I-751 nang magkasama, upang maalis ninyo ang mga kondisyon sa
inyong katayuan bilang permanenteng residente.
Kung minsan, hindi na ninyo kailangang mag-file ng Form I-751 kasama ang
inyong asawa. Kung nabuwag na ang inyong kasal sa inyong asawa, o kung
inabuso ka ng inyong asawa, maaari kayong mag-file ng Form I-751 nang
mag-isa. Maaari rin kayong mag-file ng Form I-751 nang mag-isa kung ang
pagpapauwi mula sa Estados Unidos ay magreresulta sa labis na paghihirap. Kung
hindi kayo nag-a-apply kasama ang inyong asawa, maaari kayong mag-file ng
Form I-751 anumang oras pagkatapos ninyong maging CR.

Paghaharap ng mga USCIS na Form I-751 at I-829


Sino: Conditional permanent resident [Kondisyonal na permanenteng residente]

Bakit: Ang katayuan bilang kondisyonal na permanenteng residente ay napapaso, dalawang taon pagkatapos ng petsang
kayo ay naging CR.

Kailan: Sa paghaharap upang maging isang kondisyonal na permanenteng residente na kasama ng kanilang asawa, dapat
mag-file ng Form I-751. Ang mga imigranteng investor ay dapat mag-file ng Form I-829. Kailangang i-file ang dalawang form
na ito sa loob ng 90 na araw bago mapaso ang katayuan bilang permanenteng residente. Karaniwang nakasulat sa inyong
Permanent Resident Card ang petsa ng pagkapaso.

Saan makakakuha ng form: Maaari ninyong makuha ang form na ito sa Forms Line ng USCIS sa 1-800-870-3676.

Saan ipapadala ang form: Ipadala ito sa isang USCIS service center. Ang mga address ng mga service centers ay nasa mga
instruksyon para sa form.

Magkano ito: Kinakailangan kayo magbayad kayo para makapag-file ng Form I-751 o Form I-829. Bago ninyo isumite ang
form, tingnan ang kasalukuyang halaga ng pag-file sa USCIS sa [Link]/fees.

Kung nag-file kayo sa tamang panahon ng Form I-751 o Form I-829, sa karaniwan ay padadalhan kayo ng USCIS ng isang
sulat paalala tungkol sa pagpapahaba ng hanggang 12 buwan ng inyong katayuan bilang CR. Sisiyasatin ng USCIS ang inyong
Aplikasyon sa panahong iyon.

20 
Kung Kayo ay Biktima ng Karahasan sa Tahanan
Kung kayo ay isang biktima ng karahasan sa tahanan, makakakuha kayo ng tulong sa pamamagitan ng National Domestic
Violence Hotline sa 1-800-799-7233 o 1-800-787-3224 (para sa mga may diperensya sa pandinig). Makakakuha rin ng
tulong sa wikang Espanyol at mga iba pang wika.

Ang Violence Against Women Act [Batas sa Laban sa Karahasan sa Kababaihan] ay nagpapahintulot sa mga inabusong asawa
at mga anak ng mga mamamayan ng Estados Unidos at mga permanenteng residente na gumawa ng “sariling-petisyon,” o
mag-file ng kanilang sariling petisyon upang maging permanenteng residente. Tingnan ang [Link] o tawagan ang
National Domestic Violence Hotline para sa karagdagang impormasyon.

MGA DAPAT
TANDAAN Magtabi ng ilang kopya ng mga form na ipinadala ninyo sa USCIS at mga iba pang mga
tanggapan ng pamahalaan. Magpadala ng mga kopya, huwag mga orihinal. Minsan,
nawawala ang mga form kung kaya't maiiwasan ang mga problema kapag may mga
kopyang nakatabi.

Paghahanap ng Legal na Tulong


Kung kailangan ninyo ng tulong sa isang problemang nauukol sa imigrasyon,
pwede kayong kumonsulta sa isang lisensyadong abogadong pang-imigrasyon.
Kontakin ang bar association sa inyong lugar para matulungan kayong maghanap
ng isang kwalipikadong abogado.
May mga estado na nagsesertipika ng mga espesyalista
sa batas sa imigrasyon. Ang mga abogadong ito ay
pumasa sa mga pagsusulit upang mapatunayan na
mayroon silang natatanging kaalaman tungkol sa
batas sa imigrasyon. Ang mga sumusunod na estado
ay kasalukuyang naglilista ng mga sertipikadong
espesyalista sa kanilang mga website ng bar sa estado:
California, Florida, North Carolina, at Texas. Paalala:
Nakasalalay sa iyo ang pagkuha o hindi pagkuha ng
isang abogado. Ang USCIS ay hindi nag-eendorso o
nagrerekomenda ng sinumang partikular na abogado.

21
Kung kailangan ninyo ng tulong sa isang problemang nauukol sa imigrasyon, ngunit
wala kayong sapat na perang pambayad sa abogado, may ilang mapagpipiliang
mababa ang singil o libre. Pag-isipang humingi ng tulong mula sa isa sa mga
sumusunod na dako:
●● Isang Kinikilalang Organisasyon: Mga organisasyong kinikilala ng Board of
Immigration Appeals (BIA) [Kalupunan ng Pang-imigranteng Pag-aapela]. Para
maging kinikilala ang isang organisasyon, kailangang mayroon itong sapat na
kaalaman at karanasan para maghatid ng mga serbisyo sa mga imigrante. Ang
isang kinikilalang organisasyon ay maaaring sumingil o tumanggap ng maliliit
na kabayaran lamang para sa mga naturang serbisyo. Para sa listahan ng mga
organisasyong ito na kinikilala ng BIA, bisitahin ang [Link]/eoir/
recognition-accreditation-roster-reports.
●● Isang Kinikilala na Kinatawan: Mga taong konektado sa mga organisasyong
kinikilala ng BIA. Mababang halaga lamang ang pwedeng singilin o tanggapin
nitong mga kinatawan para sa kanilang mga serbisyo. Para sa listahan ng mga
kinatawang may-akreditasyon ng BIA, bisitahin ang [Link]/eoir/
recognition-accreditation-roster-reports.
●● Isang Kuwalipikadong Kinatawan: Mga taong naghahatid ng mga libreng
serbisyo. Kailangang nalalaman nitong mga kinatawan ang mga batas na nauukol
sa imigrasyon at ang mga panuntunan sa pagsasanay sa korte. Kabilang sa mga
halimbawa ng mga kwalipikadong kinatawan ay mga estudyante ng abogasya,
ang mga nakapagtapos ng abogasya, at mga taong mabuti ang pagkatao na may
kaugnayang pansarili o propesyonal sa inyo (kamag-anak, kapitbahay, pari,
katrabaho, kaibigan).
●● Libreng Taga-bigay ng Legal na Tulong: Ang Kagawaran ng Hustisya ay may
listahan ng kinikilalang, libreng tagahatid ng legal na tulong para sa mga taong
sumasailalim sa mga paglilitis na nauugnay sa imigrasyon. Ito ay isang listahan ng
mga abogado at organisasyon na maaaring handang kumatawan sa mga imigrante sa
mga pagdinig sa harapan ng mga hukumang pang-imigrasyon. Ang mga abogado at
organisasyong nasa listahang ito ay sumang-ayong tumulong sa mga imigrante nang
walang bayad (pro-bono) sa mga pagdinig lamang na nauukol sa imigrasyon. Hindi
ka maaaring tulungan ng ilan sa kanila tungkol sa inyong iba pang mga problemang
hindi nauugnay sa kaukulang isyu gaya ng mga petisyon sa visa, naturalisasyon, atbp.
Makikita ang listahan sa [Link]/eoir/free-legal-services-providers.
●● Pro Bono Program [Programang Walang Bayad]: Karaniwang makukuha sa
bawat tanggapan ng USCIS sa inyong lugar ang mga listahan ng mga kinikilalang
organisasyon at kanilang mga kinatawan na pro bono (walang-bayad).
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghahanap ng mga legal na serbisyo,
mangyaring bumisita sa [Link]/legaladvice.

Mag-ingat sa Pandaraya sa Imigrasyon


Maraming mga nagtatrabaho para sa imigrasyon ay totoong kwalipikado at tapat, at
kaya nilang maghatid ng mahusay na serbisyo sa mga imigrante, ngunit, may ilang
taong nananamantala sa mga imigrante.

22 
Bago kayo magdesisyong magpatulong sa mga bagay na nauukol sa imigrasyon, at
bago magbayad ng pera, kailangan kayong magsaliksik para makapagdesisyon nang
tama tungkol sa kung anong klaseng legal na tulong ang kailangan ninyo. Protektahan
ang inyong sarili upang hindi kayo maging biktima ng pandaraya sa imigrante.
Mahalagang bagay na dapat tandaan:
●● Walang pribadong organisayon o taong naghahatid ng tulong para sa mga
problema sa imigrasyon ang may espesyal na koneksyon sa USCIS. Usisaing
mabuti ang mga taong gumagawa ng mga pangakong hindi kapani-paniwala
o nagsasabing mayroon silang espesyal na kaugnayan sa USCIS. Huwag
pagkatiwalaan ang mga taong nangangako ng mga resulta o ng mas mabilis na
pagproproseso. Kung kayo ay hindi kwalipikado para sa isang pang-imigranteng
benepisyo, hindi ito mababago ng pagkakaroon ng
isang abogado o tagapayo na pang-imigrasyon.
●● May ilang mga tagapayo, ahensya ng paglalakbay,
mga tanggapan ng real estate at mga taong
tinatawag na “mga notaryo publiko” na naghahatid
ng mga serbisyong pang-imigrasyon. Tiyaking
usisain kung ano ang kanilang mga kwalipikasyon
at tingnan ang mga kopya ng kanilang sulat sa akreditasyon na galing sa BIA o
ang kanilang sertipiko sa bar. May ilang mga taong hindi kwalipikadong maghatid
ng mga serbisyong pambatas na nagsasabing kwalipikado daw sila. Maaaring
makagawa ang mga taong ito ng mga pagkakamaling makakapaglagay sa panganib
sa iyong katayuan bilang imigrante at magdulot ng malaking problema para sa iyo.
●● Kumuha ng isang nakasulat na kontrata kung kukuha kayo ng isang tagapayo
o abogado na pang-imigrasyon. Kailangang nakasulat ang kontrata sa Ingles
at sa sarili ninyong wika (kung hindi Ingles ang inyong katutubong wika).
Kailangang nakalista sa kontrata ang lahat ng serbisyong gagawin para sa inyo at
kung magkano ang mga ito. Humiling ng mga reperensya bago kayo pumirma sa
kontrata.
●● Iwasan ang magbayad ng pera para sa mga serbisyo. Tiyaking humingi ng resibo
para sa inyong binayad. Tiyaking nasa inyo ang mga orihinal na dokumento.
●● Huwag na huwag pipirma sa isang form o Aplikasyon na blangko. Tiyaking
naiintindihan ninyo ang inyong pinipirmahan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano protektahan ang inyong
sarili upang hindi maging biktima ng pandaraya sa imigrante, bisitahin ang
[Link]/avoidscams.
Humingi ng tulong kung dinaya kayo ng isang tagapayo sa imigrasyon. Tawagan ang
abogadong pangdistrito ng inyong estado o pamahalaang panlokal, departamento ng
mga isyu ng konsyumer, o ang departamento ng kapulisan sa inyong lugar. Maaari rin
kayong makipag-ugnayan sa Federal Trade Komisyon upang iulat ang di-awtorisadong
pagsasanay sa batas na pang-imigrasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa
[Link].

23
Mga Konsekuwensya ng Gawaing Kriminal para sa
mga Permanenteng Residente
Ang Estados Unidos ay isang lipunang sumusunod sa batas. Kailangang sundin ng mga permanenteng residente
ang lahat ng batas. Maaari kayong magkaroon ng mga mabigat na problema kung kayo ay isang permanenteng
residente na may ginawang krimen sa Estados Unidos o nahatulang may ginawang krimen. Maaari kayong
palabasin ng bansa, hindi na muling papasukin sa Estados Unidos kapag umalis kayo ng bansa, mawala ang
inyong katayuan bilang permanenteng residente, at, sa ilang sitwasyon, mawala ang inyong kwalipikasyon para
sa pagiging mamamayan ng Estados Unidos.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga krimen na


maaaring makaapekto sa inyong katayuan bilang
pemanenteng residente ang:
●● Isang krimen na binigyang-kahulugan na isang
aggravated felony, na nagbibilang sa mga krimen
ng karahasan na mga felony na pinarurusahan ng
isang-taong pagkabilanggo;
●● Pagpatay ng tao;
●● Panggagahasa;
●● Sekswal na karahasan sa bata;
●● Labag sa batas na pagbebenta o paghahatid ng mga droga, baril, o tao; at
●● Krimeng “moral turpitude,” na karaniwan ay isang krimen na may tangkang magnakaw o mandaya, isang
krimeng may pisikal na pananakit o nagbanta ng pananakit, isang krimen na ang malubhang pisikal na
pananakit ay resulta ng kapabayaan; o isang krimeng sekswal.

Mayroon ring malubhang konsikuwensya para sa inyo bilang permanenteng residente kung kayo ay:
●● Magsinungaling para makatanggap ng benepisyong pang-imigrante para sa inyo o para sa ibang tao;
●● Magsabing isa kayong mamamayan ng Estados Unidos kung hindi pala;
●● Bumoto sa isang halalang pederal o sa isang halalang panglokal kung saan mamamayan ng Estados Unidos
lamang ang puwedeng bumoto;
●● Isang “palainom na tao” o isang lasenggo o taong malimit na gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot;
●● Kasal sa higit sa isang tao nang magkasabay;

24 
●● Hindi sinusustentuhan ang inyong pamilya o hindi nagbabayad ng sustento sa
anak o sa asawa na tulad ng iniuutos;
●● Naaresto dahil sa karahasan sa tahanan (ang karahasan sa tahanan ay kapag may
isang taong nanakit o nang-agrabyado sa isang miyembro ng pamilya, kasama na
ang paglabag sa isang kautusan sa proteksyon [protection order]);
●● Magsinungaling o magharap ng mga pekeng dokumento upang makakuha ng
pampublikong benepisyo o manloko ng anumang ahensya ng pamahalaan;
●● Hindi nag-file ng tax return kapag kinakailangan;
●● Sadyang hindi nagrehistro sa Selective Service kung kayo ay isang lalaki na may
gulang na mula 18 hanggang 26 taon; at
●● Tinulungan ang isang tao na hindi mamamayan ng Estados Unidos na labag sa
batas na pumasok sa Estados Unidos kahit na ang taong iyon ay isang malapit na
kamag-anak at kahit ikaw ay hindi binayaran.
Kung kayo ay may ginawang krimen o nahatulang gumawa ng krimen, kailangang
kumonsulta muna kayo sa isang mapagkakatiwalaang abogadong pang-imigrasyon
o sa isang organisasyon sa inyong komunidad na nagbibigay ng serbisyong legal
para sa pandarayuhan bago kayo mag-apply sa iba pang benepisyong pandayuhan.
Tingnan ang pahina 21 para sa impormasyon sa kung paano makakahanap ng
legal na tulong.

25
26 
Paninirahan sa Estados Unidos
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa inyong pagaadjust sa buhay sa Estados
Unidos. Malalaman ninyo kung paano kukuha ng Social Security number, maghanap ng matitirhan, maghanap
ng trabaho, maghanap ng tulong para sa pangangalaga ng bata, at magbiyahe sa Estados Unidos.

 27
27
Kumuha ng Social Security Number
Bilang permanenteng residente, ikaw ay kwalipikadong makakuha ng Social
Security number, na isang numerong itinakda para sa iyo ng pamahalaan ng Estados
Unidos. Tinutulungan nito ang pamahalaang malaman kung magkano ang mga
kinikita ninyo at ang mga benepisyong maaari ninyong
matanggap. Ginagamit din ang inyong numero sa
Social Security ng mga pinansyal na institusyon at iba
pang ahensya, gaya ng mga paaralan, upang matukoy
kayo. Maaaring hingin sa inyo ang inyong Social
Security number kapag kayo ay nagrenta ng bahay o
bumili ng bahay.
Ang Social Security ay isang programa ng pamahalaan
ng Estados Unidos na nagkakaloob ng mga benepisyo
para sa ilang manggagawang retirado at sa kanilang
pamilya, ilang manggagawang may kapansanan at ang
kanilang pamilya, at ilang mga kamag-anak ng mga
manggagawang namatay. Ang pangalan ng kagawaran
ng pamahalaan na tagapangasiwa ng Social Security ay
ang Social Security Administration (SSA) [Pangasiwaan ng Social Security].
Hanapin ang tanggapan ng Social Security na pinakamalapit sa inyo sa
pamamagitan ng:
●● Pagtingin sa website ng SSA, [Link]. Para sa Espanyol, bisitahin
ang [Link]/espanol. Limitado rin ang impormasyon sa website
na ito na mababasa sa iba pang wika.
●● Tumawag sa 1-800-772-1213 o sa 1-800-325-0778 (para sa may diperensya sa
pandinig) mula 7 a.m. at 7 p.m. Mabibigyan kayo ng tagasalin sa inyong wika na
wala kayong babayaran.

Kung Hindi Kayo Marunong Magsalita ng Ingles


Mabibigyan kayo ng tanggapan ng Social Security ng isang tagasalin sa inyong wika na wala
kayong babayaran para tulungan kayong mag-apply ng inyong Social Security number. Kapag
tumawag kayo sa tanggapan ng Social Security, sabihin sa taong sumasagot sa telepono na
hindi kayo nagsasalita ng Ingles. Kukuha sila ng tagasalin sa inyong wika na magsasalin para
sa inyo sa telepono. Matutulungan rin kayo ng isang tagasalin sa inyong wika kapag pumunta
kayo sa tanggapan ng Social Security.

Ang website ng Social Security Administration [Pangasiwaang Social Security] ay naglalaman


ng kapaki-pakinabang na impormasyon para sa mga taong baguhan sa Estados Unidos. Ang bahaging “Ibang Wika” ng
website ay may impormasyon tungkol sa Social Security sa ilang wika. Bisitahin ang [Link]; para sa Espanyol,
tingnan ang [Link]/espanol.

28 
Hindi ninyo kailangang sagutin ang isang aplikasyon form o magpunta sa tanggapan
ng Social Security upang kunin ang inyong Social Security number kung ang lahat ng
mga sumusunod na kondisyon ay naaangkop sa inyo:
●● Humiling kayo ng inyong Social Security number o Social Security card nang kayo
ay nag-apply para sa immigrant visa;
●● Nag-apply kayo para sa immigrant visa noong Oktubre 2002 o pagkatapos; at
●● Kayo ay 18 taong gulang o mas matanda nang dumating sa Estados Unidos.
Sa ganitong sitwasyon, ang impormasyong kailangan upang makapagtalaga sa inyo
ng Social Security number ay ipinadala ng Department of State and Homeland
Security [Kagawaran ng Estado at para sa Kapanatagan ng Bansa] sa Social Security
Administration [Pangasiwaang Social Security]. Ang SSA ay magtatalaga sa iyo ng isang
Social Security number at ipapakoreo ang inyong Social Security card, sa kaparehong
address sa pagpapakoreo sa Estados Unidos kung saan ang USCIS ay nagpadala ng
iyong Permanent Resident Card. Dapat mong kunin ang inyong Social Security card
sa loob ng tatlong linggo pagkatapos ninyong makarating sa Estados Unidos. Kung
hindi mo matatanggap ang inyong card sa loob ng tatlong linggo pagkatapos mong
makarating sa Estados Unidos, makipag-ugnayan kaagad sa SSA. Makipag-ugnayan
rin sa SSA kung magbago ang inyong address sa pangkoreo pagkatapos ninyong
makarating ngunit bago ninyo matanggap ang inyong Social Security card.
Dapat kayong magpunta sa isang tanggapan ng Social Security upang kumuha ng
Social Security number kung may alinman sa mga sumusunod na kondisyon ang
naaangkop sa inyo:
●● Hindi kayo humingi ng inyong Social Security number o card sa Social Security
noong nag-apply kayo para sa immigrant visa;
●● Nag-apply kayo para sa inyong immigrant visa bago ang Oktubre 2002; o
●● Kayo ay wala pang 18 taong gulang nang dumating kayo sa Estados Unidos.
Tutulungan kayo ng isang kinatawan ng Social Security na makapag-apply para sa
Social Security number. Dalhin ang mga sumusunod na dokumento kapag nagpunta
kayo sa tanggapan ng Social Security upang mag-apply:
●● Sertipiko ng kapanganakan o mga ibang dokumento tulad ng inyong pasaporte na
ipinapakita kung kailan at saan kayo ipinanganak.
●● Isang dokumentong nagpapakita sa inyong katayuan sa imigrasyon, kabilang ang
inyong pahintulot upang makapagtrabaho sa Estados Unidos. Ito ay maaaring ang
inyong Permanent Resident Card o pasaporte na may selyo ng immigration o visa
label.
Ang inyong numero ng Social Security ay ipapadala sa inyo sa koreo. Dapat mong
matanggap ang inyong Social Security card mga dalawang linggo pagkatapos makuha
ng SSA ang lahat ng dokumentong kailangan para sa inyong aplikasyon. Kung
kailangan berepikahin ng SSA ang anuman sa inyong mga dokumento, maaaring mas
magtagal ang pagtanggap ninyo sa inyong Social Security number.

29
Maghanap ng Lugar na Matitirahan
Makakapamili kayo kung saang lugar sa Estados Unidos ninyo gustong tumira.
Maraming mga tao ang nakikituloy sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak sa
kanilang unang pagdating. Ang iba ay tumitira sa sarili nilang bahay.
Sa Estados Unidos, ibinabayad ng karamihan sa mga tao ang 25 porsiyento ng
kanilang kita para sa pabahay. Narito ang ilang opsyon sa pabahay na maaari mong
isaalang-alang.

Pagrerenta ng Tirahan
Makakapagrenta ng mga apartment at bahay. Mahahanap ninyo ang mga ito sa iba't-
ibang paraan:
●● Maghanap ng mga karatula na “Apartment Available” o “For Rent” sa
mga mga gusali.
●● Magtanong sa mga kaibigan, kamag-anak at mga katrabaho kung may
alam silang mga lugar na marerentahan.
●● Maghanap ng mga karatulang “For Rent” sa mga pampublikong lugar,
gaya ng sa mga bulletin board sa inyong aklatang pambayan, mga
tindahan, at mga sentrong pangkomunidad.
●● Magsaliksik ng mga lugar na maaaring rentahan sa Internet. Kung wala
kang kompyuter sa bahay, maaari kang gumamit nito sa inyong aklatang
pambayan.
●● Maghanap sa mga yellow pages ng direktoryo ng telepono sa ilalim ng
“Property Management.” Ang mga kompanyang ito ay nagpaparenta ng
mga apartment at bahay. Maaari kayong singilin ng mga kumpanyang
ito bilang pagtulong upang makahanap kayo ng matitirahan.
●● Tumingin sa seksyon ng “Classifieds” ng peryodiko. Hanapin ang mga
pahinang naglilista sa “Apartments for Rent” at “Homes for Rent.” Ang
mga ito ay may impormasyong tungkol sa pagrerenta ng mga bahay at
apartment.
●● Tawagan ang isang lokal na ahente ng tirahan sa inyong lugar.

Tumawag sa 311 para sa Impormasyong ukol sa mga Serbisyong Panglungsod o Pambayan


Sa maraming mga lungsod at bayan, maaari kayong tumawag sa 311 upang makahanap ng
mga pampamahalaang serbisyong hindi pang-emergency. Halimbawa, maaari kayong
tumawag sa 311 upang magtanong tungkol sa pangongolekta ng basura o magpaabot ng
kahilingang kumpunihin ang inyong bangketa. Ang ilang mga lugar ay hindi nag-aalok ng mga
serbisyo ng 311. Tawagan ang inyong panglungsod o pambayang pamahalaan upang
malaman kung mayroong 311 sa inyong lugar.

30 
Ano ang Inyong Maaasahan Kapag Kayo ay Nagrerenta ng Tirahan
Binabalangkas ng bahaging ito ang iba-ibang hakbang na maaari ninyong masagupa bago
makalipat sa inyong bagong tahanan. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang
[Link] o, para sa Espanyol, tingnan ang [Link].
Pag-a-apply para Makapagrenta: Ang mga tanong nagrerenta sa mga bahay ay
tinatawag na mga nangungupahan [tenant]. Bilang
nangungupahan, ikaw ay malamang na nagrerenta
ng bahay nang direkta mula sa maylupa [landlord] o
sa pamamagitan ng tagapangasiwa ng lupa [property
manager] (isang taong nag-aalaga sa property). Maaaring
may pasagutan sa iyo ang isang landlord o property
manager na aplikasyon sa pagrerenta, na nagbeberepika
kung ikaw ay may perang pambayad ng renta.
Maaaring hilingin sa aplikasyon form ang inyong
Social Security number at ang katunayan na kayo ay
nagtatrabaho. Maaari ninyong gamitin ang inyong
Permanent Resident Card kung wala pa kayong Social
Security number, o maaari kayong magpakita ng pay
stub mula sa inyong trabaho upang mapatunayan na
kayo ay nagtatrabaho. Maaari rin kayong singilin ng
maliit na halaga para sa aplikasyon.
Kung wala pa kayong trabaho, maaaring kakailanganin ninyo ng taong kasamang lalagda
sa kasunduan sa pagrenta. Ang taong ito ay tinatawag na “co-signer”. Kung hindi ninyo
mababayaran ang renta, ang co-signer ang may-pananagutan sa pagbabayad nito.
Paglalagda sa isang Lease o Kasunduan sa Pag-upa: Lalagda kayo sa isang kasunduan
sa pag-upa o “lease” kung ang landlord ay sumang-ayon na magpa-upa sa iyo. Ang
kasunduan ng pag-upa ay isang legal na dokumento. Kapag lumagda kayo sa isang
kasunduan sa pag-upa, sumasang-ayon kayo na bayaran ang inyong renta sa tamang oras
at manatili sa loob ng partikular na tagal ng panahon. Karamihan sa mga kasunduan sa
pag-upa ay para sa isang taon. Makakahanap rin kayo ng pabahay para sa mas maikling
panahon, tulad ng isang buwan. Maaaring kailanganin mong magbayad ng mas maraming
pera para sa maikling kasunduan sa pag-upa.
Kapag lumagda kayo sa kasunduan sa pag-upa, sumasang-ayon kayong pananatilihing
malinis at maayos ang inyong tirahan. Pwede kayong singilin ng karagdagan kung nasira
ninyo ang lugar na nirerenta ninyo. Maaaring nakasulat rin sa kasunduan ng pag-upa kung
ilang tao ang pwedeng tumira sa tirahan.
Pagbabayad ng Security Deposit [Depositong Pangseguridad]: Ang mga
nangungupahan ay karaniwang nagbabayad ng Depositong pangseguridad bago makalipat
sa bahay. Karaniwang katumbas sa 1 buwang renta ang depositong ito. Ibabalik sa inyo
ito kapag malinis at nasa mabuting kondisyon ang tirahan sa panahon ng inyong pag-alis.
Kung hindi, pwedeng hindi ibalik sa inyo ng kasero ang bahagi o lahat ng inyong deposito
para gamiting pambayad sa mga pagpapalinis o pagpapakumpuni.

31
Inspeksyunin ang bahay o apartment bago kayo lumipat dito. Sabihin sa landlord ang
anumang mga problemang matuklasan ninyo. Kausapin ang inyong landlord bago kayo
umalis para malaman ninyo kung ano ang mga kailangan ninyong ayusin para ibalik sa
inyo ang lahat ng inyong security deposit.
Pagbabayad sa Mga Iba Pang Gastos sa Pag-upa: Para sa ilang mga bahay o apartment,
kasama ang bayad sa renta ang gastos para sa utilities (gaas, elektrisidad, pagpapainit,
tubig, at pagkuha ng basura). Para sa mga ibang pagpapaupa, kailangang bayaran ninyo
ng hiwalay ang mga ito. Tanungin sa landlord kung kasama na sa renta ang utilities kapag
naghahanap kayo ng tirahan. Kung kasama ang utilities, tiyaking ang impormasyong
ito ay nasa inyong kasunduan sa pag-upa bago ninyo lagdaan ito. Kung hindi kasama
sa renta ang utilities, dapat ninyong alamin kung magkano ang mga ito bago lumagda
sa kasunduan. Mas malaki ang babayaran sa utilities sa tag-init (para sa air condition) o
sa taglamig (para sa pagpapainit). Available rin ang insurance para sa mga nagrerenta,
na minsan ay tinutukoy bilang insurance ng mga nangungupahan. Pinoprotektahan
ng insurance na ito ang mga personal na pag-aari, nag-aalok ito ng proteksyon laban sa
pananagutan, at maaaring sagutin nito ang karagdagang gastusin sa araw-araw kung ang
tahanan na inyong nirerentahan ay sira o may mga kasiraan.
Katapusan ng Lease [Kasunduan ng Pag-upa]: Ang katapusan ng kasunduan sa pag-upa
ay tinatawag na “pagwawakas sa inyong kasunduan sa pag-upa.” Kung kailangan ninyong
wakasan ang inyong kasunduan sa pag-upa ng mas maaga kaysa sa inyong inaasahan,
maaari ninyong kailanganing bayaran ang renta hanggang sa katapusan ng kasunduan
kahit pa hindi kayo nakatira doon. Maaari ring hindi ibalik sa inyo ang inyong security
deposit kung umalis kayo bago matapos ang kasunduan ng pag-upa. Bago kayo umalis,
bigyan ang inyong landlord ng nakasulat na abiso na nagsasabi sa kaniya na handa na
kayong umalis. Ang karamihan ng mga landlord ay humihiling ng abisong hindi baba
sa 30 araw bago sa petsang balak ninyong umalis. Bago ninyo lagdaan ang kasunduan sa
pag-upa, tiyakin na nauunawaan ninyo ang mga takdain nito at itanong kung anong uri
ng mga paabiso ang kailangan ninyong iparating sa landlord bago kayo makalipat.

Pagpapatugon sa Inyong Landlord sa mga Pangangailangan sa Pagkukumpuni sa Bahay


Kailangang panatilihin ng mga landlord na ligtas sa panganib at nasa mabuting kondisyon ang bahay o apartment na inyong
nirerenta. Kung kailangan ninyong magpakumpuni ng bahay:
●● Una, kausapin ang inyong kasero. Sabihin sa kaniya ang tungkol sa problema at na kailangan ninyong magawa ito. Kung hindi
tumugon ang inyong landlord, sulatan siya upang sabihin sa kaniya ang tungkol sa problema. Magpanatili ng kopya ng sulat.
●● Kung hindi pa rin tutugon ang inyong landlord sa kahilingan ninyo, tumawag sa Tanggapan ng Pabahay [Housing Office] sa
inyong lugar. Karamihan sa mga pamahalaang panlungsod o panlokal ay may mga tauhang nag-iinspeksyon ng mga bahay
para alamin kung may mga problema ang mga ito. Hilingin sa Tanggapan ng Pabahay na magpadala ng isang inspektor upang
bisitahin ang inyong bahay. Ipakita sa inspektor ang problema.
●● Panghuli, kung hindi aayusin ng inyong landlord ang (mga) problema, maaari kayong magsampa ng kaso laban sa inyong
landlord.

32 
MGA DAPAT Kung kayo ay lilipat, kailangan ninyong sabihin sa U.S. Postal Service kung lilipat
TANDAAN kayo ng tirahan para maipadala sa inyong bagong address ang mga sulat. Upang
baguhin ang inyong address online, bisitahin ang [Link]/umove o
magpunta sa inyong lokla na tanggapan ng koreo. At, huwag kalimutan mag-file ng
Form AR-11, Pagpapalit ng Address, sa USCIS. Tingnan ang pahina 19 para sa mga
instruksyon.

Alamin ang Inyong mga Karapatan: Hindi Pinahihintulutan ang Diskriminasyon sa


Pabahay
Ang mga landlord ay hindi pwedeng tumangging magparenta sa inyo batay sa kung sino kayo. Isang paglabag sa batas kung
tatanggihan kayo ng mga landlord dahil sa inyong:
●● lahi o kulay;
●● Ang inyong pinagmulang bansa;
●● relihiyon;
●● kasarian;
●● Isang kapansanan; o
●● Ang inyong kalagayang pampamilya.

Kung sa palagay ninyo ay tinanggihan kayo sa pabahay para sa anuman sa mga dahilang ito, makipag-ugnayan sa U.S.
Department of Housing and Urban Development (HUD) sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-669-9777 o 1-800-927-9275
(para sa may diperensya sa pandinig). Maaari rin kayong magharap ng reklamo sa bahagi ng “Fair Housing (Patas na Pabahay)”
ng [Link]. Ang impormasyon ay makukuha sa ilang wika.

Pagbili ng Bahay
Para sa maraming tao, ang pagmamay-ari ng bahay ay bahagi ng “American Dream”.
Maraming maidudulot na pakinabang ang pagmamay-ari ng bahay ngunit marami rin
itong kasamang responsibilidad.
Matutulungan kayo ng mga ahente ng real estate na makahanap ng bahay na mabibili.
Magtanong sa inyong mga kaibigan o katrabaho o tumawag sa isang ahensya ng real
estate sa inyong lugar para sa mairerekomenda nilang ahente. Humiling ng ahente na
kabisado ang lugar kung saan ninyong gustong bumili ng bahay. Maraming paraan
upang makapaghanap ng real estate, gaya ng paghahanap sa Internet, paghahanap ng
tirahan sa seksyong “Classifieds” sa peryodiko, o paghahanap ng mga karatulang “For
Sale” sa mga komunidad na gusto ninyo.

33
Kailangang mangutang ang karamihan ng mga tao para pambayad sa bahay.
Tinatawag itong “mortgage.” Pwede kayong kumuha ng mortgage mula sa isang
lokal na bangko sa inyong lugar o mula sa isang kompanya na nag-aalok
ng mortgage. Ang pagkuha ng mortgage ay nangangahulugang
nangungutang kayo ng pera na may takdang interes sa tiyak na
tagal ng panahon.
Puwedeng ibawas sa inyong buwis sa kita na pang-pederal
ang binabayaran ninyong interes sa inyong mortgage.
Kailangan rin ninyong bumili ng insurance na
pambahay para makatulong sa pagbayad ng anumang
maaring masira sa inyong bahay sa hinaharap.
Karaniwang binabayaran ng insurance ang mga
nasira na resulta ng masamang panahon, sunog, o
pagnanakaw. Kakailanganin rin ninyong magbayad ng
buwis pang-ari-arian batay sa halaga ng inyong bahay.
Matutulungan kayo ng isang ahente ng real estate o ng isang
abogado ng real estate na makahanap ng mapagkukunan ng
mortgage at insurance. Matutulungan rin niya kayong sagutan
ang mga form para sa pagbili ng inyong bahay. Hindi kayo dapat
singilin ng isang ahente ng real estate sa pagbili ng bahay, ngunit, maaaring may
kailangan kayong bayaran para sa abogado ng real estate dahil sa pagtulong nito
sa inyong sagutan ang mga form. Kakailanganin ring ninyong magbayad para
makakuha ng mortgage at para makapag-file sa estado ng mga legal form. Ang mga
bayad na ito ay tinatawag na “closing costs”. Kailangang sabihin sa inyo ng inyong
ahente ng real estate o ng nagpapautang ng mortgage kung magkano ang mga
babayaran ninyo bago ninyo lagdaan ang mga panghuling form para sa pagbili ng
inyong bahay. Para sa tulong sa paghahanap ng ahente ng real estate, paghahanap
ng mauutangan, at pagpili ng insurance, bisitahin ang bahaging “Buying a Home
(Pagbili ng Bahay)” ng [Link].

MGA DAPAT Protektahan ang inyong sarili mula sa panloloko sa pagpapautang at mga
TANDAAN nagpapautang na naniningil ng napakataas na interes sa mga mortgage. Maaaring
subukan ng ibang nagpapautang na pagsamantalahan kayo, gaya ng pagsingil sa
iyo ng mas malaki dahil bago kayo sa bansang ito. May mga batas na pumoprotekta
sa inyo laban sa pandaraya, mga gastos na hindi kinakailangan, at diskriminasyon
sa pagbili ng bahay. Para sa karagdagang impormasyon tungkkol sa pandaraya sa
pagpapautang at sa pagpigil dito, bisitahin ang bahaging “Buying a Home” ng
[Link].

34 
Karagdagang Impormasyon tungkol sa Pagbili o Pagrenta ng Bahay
Bisitahin ang bahaging, “Buying a Home” sa website ng U.S. Department of Housing and Urban Development’s (HUD) sa
[Link]. Pwede rin kayong makipag-usap sa isang tagapayo sa pabahay sa pamamagitan ng pagtawag sa HUD sa
1-800-569-4287. Ang impormasyon ay nasa Ingles at Espanyol.

Para sa iba pang makakatulong na impormasyon, bisitahin ang Federal Citizen Information Center sa
[Link]

Maghanap ng Trabaho
Maraming paraan ng paghahanap ng trabaho sa Estados Unidos. Para madaragdagan
ang inyong mga pagkakataong makahanap ng trabaho, puwede kayong:
●● Magtanong sa inyong mga kaibigan, kapitbahay, kapamilya, o sa mga ibang
tao sa inyong komunidad tungkol sa mga bakante sa trabaho o mga lugar na
mabuting pagtrabahuhan.
●● Maghanap ng mga trabaho sa Internet. Kung ginagamit ninyo ang kompyuter sa
aklatan sa inyong lugar, pwede kayong tulungan ng mga tauhan ng aklatan para
magsimulang maghanap ng trabaho.
●● Maghanap ng mga karatulang nagsasabing “Help Wanted” sa mga bintana ng
mga negosyo sa inyong lugar.
●● Pumunta sa Employment office o Human Resources office ng mga negosyo sa
inyong lugar para magtanong kung mayroon silang mga bakanteng trabaho.
●● Pumunta sa mga ahensya ng komunidad na tumutulong sa dayuhan na
makahanap ng trabaho o ng mga programa ng pagsasanay para makapagtrabaho.
●● Tumingin sa mga bulletin board ng mga aklatan, grocery, mga sentrong
pangkomunidad sa inyong lugar para sa mga notisya tungkol sa mga bakanteng
trabaho.
●● Magtanong sa kagawarang para sa mga serbisyong nauukol sa empleyo para sa
inyong estado o lokalidad.
●● Tumingin sa seksyon ng “Classifieds” ng peryodiko sa ilalim ng “Employment.”

35
MGA DAPAT Habang naghahanap kayo ng trabaho, maaari kayong makasagupa ng mga scam
TANDAAN sa trabaho. Bagama't maraming tanggapang nagbibigay ng trabaho ang lehitimo at
matulungan, ang iba ay maaaring hindi ganito ang serbisyo, magpaskil ng mga paso
na o pekeng trabaho, o sumingil nang malaki para sa mga serbisyo na maaaring
hindi humantong sa isang trabaho. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin
ang [Link]/jobscams.

Pag-a-apply sa Trabaho
Hihilingin sa inyo ng karamihan ng mga pinagtatrabahuhan na sagutan ang isang
aplikasyon na pangtrabaho. Ito ay isang form na tinatanong ang inyong address,
edukasyon, at mga karanasan sa trabaho. Maaari ring humingi ito ng impormasyon
tungkol sa mga taong nakatrabaho o pinagtrabahuhan ninyo noong nakaraan. Ang
mga ito ay tinatawag na “references”at maaaring tawagan sila ng pinag-aaplayan
ninyo ng trabaho para magtanong tungkol sa inyo.
Kailangan kayong gumawa ng isang “resumé” na nakatala ang inyong mga
karanasan sa trabaho. Ipinapakita ng resume sa inyong pinag-aaplayan ng trabaho
ang inyong mga nakalipas na trabaho, ang inyong edukasyon o pagsasanay, at ang
inyong mga kakayahan sa trabaho. Kapag nag-apply kayo para sa trabaho, dalhin
ang inyong “resume.”
Ang magandang “resume” ay:
●● May pangalan inyo, address, numero ng telepono, at
email address;
●● Naglilista sa nakaraang trabaho ninyo at kasama ang
mga petsang nagtrabaho kayo;
●● Ipinapakita kung ano ang natapos ninyong
edukasyon;
●● Nagpapakita ng anumang espesyal na mga
kakayahang taglay ninyo; at
●● Madaling basahin at walang mga mali.
Magtanong sa mga ahensya ng serbisyong panlokal sa inyong lugar upang malaman
kung matutulungan nila kayong gumawa ng inyong “resume.” Matutulungan rin
kayo ng mga pribadong negosyo, pero naniningil sila para sa serbisyong ito. Para sa
karagdagang impormasyon tungkol sa pag-a-apply ng trabaho, bisitahin ang www.
[Link].

36 
Ano ang mga Benepisyo?
Karagdagan sa inyong sahod, nagbibigay ng mga benepisyo para sa mga empleyado ang ilang mga nagpapatrabaho o
employer. Pwedeng kabilang sa mga benepisyo ang:
●● Pangangalagang pangmedikal
●● Pangangalaga para sa mga ngipin
●● Pangangalaga para sa mga mata
●● Life insurance
●● Retirement plan

Maaaring binabayaran ng mga pinagtatrabahuhan ang mga ilan sa o lahat ng gastos para sa mga benepisyong. Kung ikaw ay
inalok ng trabaho, itanong ang mga benepisyong inaalok ng employer sa mga empleyado.

Ang Inteview para sa Trabaho


Maaaring gustuhin kayong makita ng mga employer upang pag-usapan ang
tungkol sa trabaho. Tatanungin nila kayo tungkol sa mga trabaho ninyo sa nakaraan
at tungkol sa inyong mga kakayahan. Pwede kayong maghanda para sa interview,
pwede kayong magsanay na sumagot ng mga tanong tungkol sa inyong dating
trabaho at inyong mga kakayahan kasama ng isang kaibigan o kamag-anak. Pwede
rin kayong magtanong sa employer sa pagtatapos ng interview. Magandang
pagkakataon ito upang madagdagan ang nalalaman ninyo tungkol sa trabaho.
Maaari ninyong itanong kung:
●● Paano ba dumadaan ang isang karaniwang araw kapag ito ang posisyon?
●● Paano ako sasanayin o ipapakilala sa paggawa ng trabaho?
●● Saan kategorya kasama ang trabaho sa buong organisasyon?
●● Paano nila ilalarawan ang lugar na pinagtatrabahuhan?
●● Ano ang itinuturing ninyong mga positibong aspeto at mahihirap na aspeto ng
posisyong ito?
Sa panahon ng interview, maaaring maraming itanong sa inyo ang isang employer,
ngunit may ilang mga tanong na hindi pwedeng itanong ang mga employer.
Walang sinuman ang maaaring magtanong sa inyo ng tungkol sa inyong lahi,
kulay, kasarian, katayuang-sibil, relihiyon, bansang pinagmulan, edad, o anumang
kapansanang maaaring taglay ninyo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa
proseso ng pag-i-interview para sa trabaho, bisitahin ang [Link].

37
Alamin ang Inyong mga Karapatan: Ang mga Empleyado ay Protektado ng mga Batas Pederal
Ang Estados Unidos ay may ilang batas pederal na magbabawal sa mga employer na mandiskrimina laban sa mga taong
naghahanap ng trabaho at nagpoprotekta laban sa paghihiganti at iba pang uri ng diskriminasyon sa trabaho.
●● Ipinagbabawal na Civil Rights Act ang diskriminasyong batay sa lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, kasarian, o
pagiging buntis.
●● Ipinagbabawal ng Age Discrimination in Employment Act ang diskriminasyong batay sa edad.
●● Ipinagbabawal ang Americans with Disabilities Act at ng Rehabilitation Act ang diskriminasyong batay sa pagkakaroon ng
●● Ipinagbabawal ng Equal Pay Act ang diskriminasyong batay sa kasarian.
●● Ipinagbabawal ng Genetic Nondiscrimination Act ang diskriminasyong batay sa genetic na impormasyon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga proteksyong ito, bisitahin ang website ng U.S. Equal Employment
Opportunity Commission sa [Link] o tumawag sa 1-800-669-4000 at sa 1-800-669-6820 (para sa may diperensya
sa pandinig).

Ang mga iba pang batas ay tumutulong na panatilihing walang-panganib ang mga lugar ng trabaho, nagkaloob ng bakasyon
sa trabaho sa mga pagkakataong may kagipitan sa pamilya o medikal na emergency, at magkaloob ng mga pansamantalang
panustos sa mga manggagawang walang-trabaho. Bisitahin ang website ng U.S. Department of Labor sa [Link] para sa
karagdagang impormasyon tungkol sa mga karapatan ng mga manggagawa.

Maliban dito, pinoprotektahan ng mga batas pederal ang mga empleyado mula sa diskriminasyong batay sa pinagmulang
bansa o katayuan ang pagiging mamamayan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga proteksyong ito, tawagan
ang Office of Special Counsel for Immigration-Related Unfair Employment Practices ng Department of Justice sa
1-800-255-7688 o sa 1-800-237-2515 (para sa mga may diperensya sa pandinig). Kung hindi kayo marunong magsalita ng
Ingles, may mga tagasalin na tutulong sa inyo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang [Link]/crt/osc.

Ano ang Inyong Maaasahan Kapag Kayo ay Matanggap sa


Trabaho
Sa unang araw ninyo sa inyong bagong trabaho, pasasagutan kayo ng mga ilang
form. Kabilang sa mga ito ang:
●● Form I-9, ang Employment Eligibility Verification Form [Form sa
Pagpapatotoo ng Pagiging Kwalipikado sa Pagtatrabaho]: Alinsunod sa
batas, dapat patotohanan ng lahat ng employer na ang mga bagong tanggap na
empleyado ay kwalipikadong magtrabaho sa Estados Unidos. Sa inyong unang
araw ng trabaho, kakailanganin ninyong sagutan ang Seksyon 1 ng Form I-9.
Hindi ka dapat pasagutan ng Seksyon 1 hanggang wala ka pang natatanggap na
trabaho. Sa loob ng tatlong araw ng negosyo, kailangan mong ibigay sa inyong
employer ang mga papeles na nagpapakita sa niyong pagkatao at pahintulot sa
pagtatrabaho. Makakapili kayo kung anong (mga) dokumento ang ipapakita
bilang katunayan ng inyong karapatang magtrabaho sa Estados Unidos,

38 
kailangan lamang na ang dokumento ay nakalista sa Form I-9. Bibigyan kayo ng
inyong employer ng listahan ng mga dokumentong maaari nilang tanggapin.
Kabilang sa mga tinatanggap na dokumento ang iyong Permanent Resident Card
o isang walang-kabawalan na Social Security card kasama ng isang lisensya sa
pagmamaneho na inisyu ng estado. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin
ang I-9 Central sa [Link]/I-9Central.
●● Form W-4, Employee’s Withholding Allowance Certificate [Sertipikong
Nauukol sa Pagbawas sa Sinasahod ng Empleyado]: Kailangang ibawas ng
inyong employer sa inyong suweldo ang mga buwis pederal at ipadala ito sa
pamahalaan. Tinatawag itong withholding tax. Iniaatas ng Form W-4 sa inyong
employer na mag-withhold ng mga tax at tintulungan ka nitong matukoy ang
tamang halagang dapat i-withhold upang hindi agad dapat bayaran ang inyong
bayarin sa tax sa katapusan ng taon.
●● Iba pang form: Baka kakailanganin ninyong sagutan ang isang tax withholding
form para sa estadong tinitirahan ninyo at iba pang form para makatanggap
kayo ng mga benepisyo.
Pwede kayong sumahod nang lingguhan, tuwing dalawang linggo, o isang beses
sa isang buwan. Makikita sa inyong paycheck ang mga halagang binawas para sa
mga buwis pederal at estado, Social Security, at anumang mga benepisyo ng pagka-
empleyado na binabayaran ninyo. May mga ilang employer na diretsong pinadadala
sa bangko ang inyong sahod; tinatawag itong direct deposit.

Pagkumpirma sa Inyong Kwalipikasyong Magtrabaho


Ang E-Verify ay isang Internet-based na system na ginagamit ng mga employer
upang maghambing ng impormasyon mula sa Form I-9, Employment Eligibility
Verification ng empleyado, sa mga tala sa USCIS at Social Security Administration
(SSA) upang kompirmahin na ang empleyado ay may-awtorisasyong magtrabaho sa
Estados Unidos. Dapat lumahok ang ilang employer sa E-Verify; ang ibang employer
ay boluntaryong lumalahok. Upang madagdagan ang nalaman tungkol sa E-Verify,
bisitahin ang [Link]/e-verify.

Upang Kumpirmahin ang Inyong Kwalipikasyon nang Mag-isa


Ang Self-Check ay isang libreng, Internet-based na aplikasyon na maaari ninyong
gamitin upang tingnan ang inyong kwalipikasyon sa pagtatrabaho kung kayo ay
nasa Estados Unidos at mas matanda sa edad 16. Pagkatapos ninyong ilagay ang
kinakailangang impormasyon, ihahambing ng Self Check ang impormasyong iyon
sa iba-ibang database ng pamahalaan upang matukoy ang inyong kwalipikasyong
magtrabaho sa Estados Unidos. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin
ang [Link]/selfcheck o, para sa Espanyol, [Link]/selfcheck/
Espanol.

39
Pagsasalita ng Ingles sa Trabaho
Kung kayo ay hindi marunong magsalita ng Ingles, pagsikapan ninyong matuto nito sa
lalong madaling panahon. Makakahanap kayo sa inyong komunidad ng mga klaseng
tinuturo ang Ingles na walang-binabayaran o maliit lamang ang binabayaran, sa
kadalasan sa mga paaralang pampubliko o kolehiyong pang-komunidad sa inyong lugar.
Makakatulong sa inyo sa inyong trabaho, sa inyong komunidad, at sa inyong pang-araw-
araw na pamumuhay ang inyong pagtutong magsalita ng Ingles. Tingnan page 68 ang
pahina 68 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral ng Ingles.
Kung sinasabi ng inyong employer na dapat kayong magsalita
ng Ingles sa trabaho, kailangan niyang ipakita na kinakailangang
magsalita ng Ingles sa trabaho para maisagawa ninyo ng tama ang
inyong trabaho. Dapat ring sabihin sa inyo ng inyong employer
na kinakailangang marunong kayong magsalita ng Ingles
bago niya kayo bigyan ng trabaho. Kung hindi maipapakita ng
inyong employer na kinakailangang nagsasalita kayo ng Ingles
para isagawa ang inyong trabaho, maaaring lumalabag siya sa
isang batas pederal. Kung kailangan ninyo ng tulong o iba pang
impormasyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa U.S. Equal
Employment Opportunity Commission (EEOC) [Komisyon para
sa Pantay na Pagkakataon sa Empleo]. Tumawag sa 1-800-669-4000 o sa
1-800-669-6820 (para sa may diperensya sa pandinig) o bisitahin ang [Link].

Mga Drug Test at Pagsusuri sa Background


Para sa ilang trabaho, maaari kayong atasang magpasuri upang matiyak na hindi kayo
gumagamit ng mga gamot na ipinagbabawal ng batas. Kinakailangan sa mga ilang
trabaho ang background check, isang imbestigasyon ng inyong mga ginawa noong
nakaraan at ng inyong situwasyon sa kasalukuyan.

Proteksyon ng Pamahalaang Pederal para sa mga Manggagawang Imigrante


Maraming imigrante (kabilang na ang mga permanenteng residente) at lahat ng mamamayan ng Estados Unidos ay protektado laban sa
diskriminasyon sa trabaho. Iniuutos ng batas pederal na hindi puwedeng mandiskrimina laban sa inyo ang mga employer dahil sa inyong
katayuan sa imigrasyon. Hindi maaaring gawin ng mga employer ang:
●● Pagkaitan kayo ng trabaho, o sisantihin dahil sa inyong katayuan sa imigrasyon o dahil hindi kayo isang mamamayan ng Estados Unidos.
●● Iutos sa inyong ipakita ang inyong Permanent Resident Card o tanggihan ang inyong papeles sa awtorisasyon sa pagtatrabah.
●● Tumanggap ng mga manggagawang walang papeles.
●● Magpakita ng diskriminasyon laban sa inyo dahil sa inyong pinagmulang lipi o bansang pinagmulan.
●● Paghigantihan ang kahit sinong empleadong nagrereklamo tungkol sa mga pagtratong binabanggit sa itaas.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa inyong mga karapatan o upang magharap ng reklamo, tawagan ang Office of Special
Counsel for Immigration-Related Unfair Employment Practices ng Department of Justice sa 1-800-255-7688 o sa 1-800-237-2515
(para sa mga may diperensya sa pandinig). Kung hindi kayo marunong magsalita ng Ingles, may mga tagasalin na tutulong sa inyo. para
sa karagdagang impormasyon: Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang [Link]/crt/osc.

40 
Pangangalaga sa Bata
Huwag ninyong iiwanan sa bahay ang mga maliit na bata nang walang
nagbabantay sa kanila. Kung kayo ay may trabaho at ang inyong mga anak ay hindi
pa pumapasok sa paaralan, kinakailangan ninyong maghanap ng magbabantay
sa inyong mga anak habang kayo ay nasa trabaho. Minsan, kailangan ang may
nagbabantay sa mga batang nag-aaral na. Kailangan ninyong maghanap ng
magbabantay sa inyong mga anak kung kayo o ang ibang kapamilya ay hindi
makakabantay sa kanila. Kung hindi ay maaaring magkaroon ito ng malubhang
parusa ng batas. Para sa karagdagang impormasyong ukol sa mga batas at
pamatnubay sa inyong estado, makipag-ugnayan sa inyong lokal na ahensya sa mga
serbisyo sa proteksyon ng kabataan.

Paghahanap ng Pangangalaga ng
mga Bata
Isang mahalagang desisyon ang pagpili ng
magbabantay sa inyong mga anak. Sa inyong
pagdedesisyon, isaalang-alang ninyo kung anong
klaseng pagbabantay ang kailangan at kung magkano
ito. Pagsikapang maghanap ng maiiwanan ng inyong
anak na malapit sa inyong bahay o trabaho.
Marami kayong mapagkukunan ng tulong para
makahanap ng isang mahusay na magbabantay
sa inyong (mga) anak. Magtanong sa mga ibang
magulang, mga kaibigan, at mga katrabaho kung sino
ang nagbabantay sa kanilang mga anak. Ang ilang mga estado ay may childcare
referral agency na makapagbibigay sa inyo ng mga programa para sa pangangalaga
sa mga bata na lisensyado ng estado. Ang mga programang lisensyadong sa
pangangalaga sa mga bata ay nakakatugon sa mga kautusang itinakda ng estado
para sa proteksyon ng inyong mga anak. Pwede rin ninyong tawagan ang lokal na
distrito ng paaralan upang makahanap ng mga lugar kung saan ang ibang bata sa
inyong kapitbahayan ay nakakatanggap ng pangangalaga.

MGA DAPAT
TANDAAN
Kung kailangan ninyo ng tulong upang makahanap ng magandang pangangalaga sa
bata sa inyong lugar, bisitahin ang [Link]/Topics/[Link]

41
Mga Uri ng Pangangalaga sa Bata
Mayroon kayong mga mapagpipilian kapag namimili ng magbabantay sa inyong anak, gaya ng:
●● Pupunta sa inyong bahay ang tagapag-alaga para bantayan ang inyong mga anak. May kamahalan ang ganitong klase
ng serbisyo, dahil ang anak lamang ninyo ang binabantayan. Ang kalidad ng pagbabantayay depende sa kung sino ang
kukunin ninyo.
●● Ang inyong anak ay binabantayan sa bahay ng ibang tao kabilang ang mga iba pang bata. Mas mura ito kaysa mga
ibang klaseng pangangalaga ng mga bata. Ang kalidad ng pagbabantay ay depende sa kung sino ang nagbabantay sa
inyong anak at kung ilang bata ang binabantayan sa bahay nila.
●● Mga daycare center na nasa mga paaralan, mga simbahan, o mga iba pang organisasyong panrelihiyon, at iba pang
lugar. Malimit na may maraming nagbabantay sa mas maraming grupo ng bata. Kailangang natutugunan ng mga
daycare center ang mga pamantayan ng estado at malimit na kailangang may espesyal na pagsasanay at karanasan
ang mga tauhan nito.
●● Ang mga Paunang mga Programang tinatawag na, “Early Head Start” at “Head Start,” ay mga programang pinopondohan
ng pamahalaang pederal para sa mga pamilyang mababa ang kinikita. Ang mga programang ito ay nagkakaloob ng
mga serbisyong pangangalaga at edukasyon sa maliliit na bata upang ihanda ang mga ito para sa pag-aaral. Upang
madagdagan ang nalaman tungkol sa mga programang ito, tumawag sa U.S. Department of Health and Human Services
sa 1-866-763-6481 o bisitahin ang [Link]
May ilang mga nagkakaloob ng pangangalaga ng mga bata at nagbabantay nang buong araw o sa mga ilang oras lamang,
depende sa mga pangangailangan ng mga magulang. Kailangan ring isaalang-alang ang bayad sa pagpili ng tagapag-
alaga. Tingnan kung kwalipikado kayong makatanggap ng tulong para sa pangangalaga ng mga bata mula sa pamahalaang
pederal o estado. Maraming mga estado ang nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga magulang na mababa ang
kita, na nagtatrabaho o kalahok sa mga pagsasanay para makapagtrabaho o mga programang pang-edukasyon. Para
sa karagdagang impormasyon tungkol sa pampederal o pang-estadong tulong sa pangangalaga ng bata, bisitahin ang
bahaging, “Education and Child Care [Pag-aarala at Pangangalaga ng Bata]” ng [Link].

Paano Ninyo Malalaman Kung Mahusay ang Nagkakaloob ng


Pangangalaga ng mga Bata?
Isipin ninyo ang mga pangunahing katanungan ito kapag pumunta kayo sa isang
programa para sa pangangalaga ng mga bata.
●● Masaya ba ang mga bata kapag kasama ng mga tauhan?
●● Mayroon bang mga laruan na nababagay para sa gulang ng mga bata?
●● Naaangkop ba ang ginagawa ng mga bata?
●● Kinausap ba ng tauhan ang inyong anak nang nandoon kayo?
●● Malinis at maayos ba ang lugar?
●● Mayroon bang curriculum o routine para sa mga bata?
Tiyaking humingi ng mga reperensya para makausap ninyo ang ibang magulang
tungkol sa programa.

42 
MGA DAPAT Tiyakin ninyong lisensyado o may-akreditasyon ang nagkakaloob ng pangangalaga
TANDAAN ng mga bata o ng programa para sa pangangalaga ng mga bata na ginagamit ninyo.
Ang ibig sabihin ng “lisensyado” ay natutugunan ng programa ang pinakamababang
pamantayan para sa kaligtasan at pag-aalaga na itinakda ng estado. Ang
“accredited” na programa ay nakakatugo sa mas mataas na mga pamantayan kaysa
yaong mga kinakailangan para sa lisensyang mula sa estado.

Transportasyon
Maraming paraan para makapagbiyahe sa Estados Unidos.
Maraming lungsod ang may iba-ibang uri ng pampublikong
transportasyon, gaya ng mga bus, tren o mga streetcar.
Ang sinuman ay maaaring sumakay sa pampublikong
transportasyon para sa kaunting halaga. Sa mga ibang
lugar, pwede kayong bumili ng isang card na maaaring
gamitin para sa ilang sakay sa mga tren o bus. Pwede
rin kayong magbayad ng pasahe para sa bawat isang
pagsakay. Ang mga taxicab o “taxi”, ay mga kotseng
may driver na maghahatid sa inyo sa lugar na gusto
ninyong puntahan. Mas mahal ang mga taxi kaysa mga
ibang pampublikong transportasyon.

Pagkuha ng Lisensya sa Pagmamaneho


ng Sasakyan
Labag sa batas ang magmaneho ng sasakyan nang walang lisensiya.
Kailangan kayong mag-apply para sa lisensiya kung gusto ninyong
makapagmaneho. Maari ninyong kunin ang lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan
sa estadong inyong tinitirahan.
Itanong sa tanggapan ng estado na nag-iisyu ng mga lisensiya sa pagmamaneho
upang malaman kung paano makakakuha nito. Ang mga tanggapang ito ay may
magkakaibang pangalan sa bawat estado. Ang ilang pangkaraniwang pangalan
ay Department of Motor Vehicles [Kagawaran ng mga Sasakyang De-motor],
,Department of Transportation [Kagawaran ng Transportasyon], Motor Vehicle
Administration [Pangasiwaan ng Sasakyang De-motor], o Department of Public
Safety [Kagawaran ng Pampublikong Kaligtasan]. Maaari ninyong makita ang
mga tanggapang ito direktoryo ng telepono o para sa karagdagang impormasyon,
bisitahin ang [Link]/Topics/Motor_Vehicles.shtml.
Ang ilang permanenteng residente ay mayroon nang lisensya sa pagmamaneho
ng sasakyan na mula sa ibang bansa. Maaari ninyong ipagpalit ito para sa lisensya
na mula sa inyong estado. Magtanong sa tanggapan sa inyong estado kung pwede
ninyong gawin ito.

43
Kailangan Ko Bang Bumili ng Kotse?
Ang pagmamay-ari ng isang kotse ay isang maginhawang paraan ng pagbibiyahe. Sa
Estados Unidos, kailangan mo ring magbayad para sa insurance ng sasakayan at iparehistro
ang iyong sasakyan at plaka nito. Pwedeng maging mahirap magmaneho sa ilang mga
lungsod dahil sa dami ng mga sasakyang nasa kalsada. Pag-isipan muna ninyo ang lahat ng
mga pagkakagastahan at mga kabutihan bago kayo magdesisyong bumili ng kotse. Para sa
karagdagang impormasyon ukol sa pagbili ng kotse, bisitahin ang bahaging, “Travel and
Recreation [Pagbibiyahe at Pagliliwaliw]” ng [Link].

10 Bagay na Dapat Tandaan para sa Ligtas na Pagmamaneho sa Estados Unidos


1. Magmaneho sa kanan ng kalsada.

2. Palaging dalhin ang inyong lisensya sa pagmamaneho at insurance card.

3. Palaging gamitin ang inyong seatbelt.

4. Gamitin ang naaangkop na mga seatbelt at mga car safety seat para sa mga bata.

5. Gamitin ang mga signal ng kotse para ipakita kung kayo ay kakaliwa o kakanan.

6. Sundin ang lahat ng mga batas at signal pantrapiko.

7. H
 uminto sa tabi ng kalsada kung kailangang palampasin ang isang sasakyan na pang-emergency—kotse ng pulis, trak ng
bumbero, o ambulansya.

8. Huwag lalampasan ang isang school bus kapag kumikislap ang mga pulang ilaw nito.

9. Huwag magmamaneho kung kayo ay nakainom o nakagamit ng pinagbabawal na gamot.

10. Mag-ingat nang husto kapag nagmamaneho at may hamog, yelo, ulan o niyebe.

MGA DAPAT
TANDAAN
Ang lisensya sa pagmamaneho ay ginagamit sa Estados Unidos bilang
identipikasyon. Magandang ideyang kumuha nito kahit na wala kayong pag-aaring
kotse o kahit na hindi madalas magmaneho nito.

44 
Pwede kayong magpaturong magmaneho kung kayo ay hindi marunong
magmaneho. Maraming distrito ng paaralang pampubliko ang naghahandog ng
mga klaseng “driver education”. Pwede rin kayong maghanap sa ilalim ng “Driving
Instruction [Pag-aaral ng Pagmamaneho]” sa yellow pages na direktoryo ng
telepono.

MGA DAPAT
TANDAAN Hindi kinaugalian sa Estados Unidos ang hitchhiking [nakikisakay sa daan]. Ito ay
labag sa batas sa maraming lugar. Para sa mga dahilang pangkaligtasan, huwag
kayong makisakay sa mga estranghero at huwag magpapasakay ng mga estranghero
sa daan.

45
46 
Pag-iingat sa Inyong Pera
Maaaring maging malaki ang epekto ng pag-iingat sa inyong pera, sa inyong magiging kinabukasan sa Estados
Unidos. Tinatalakay ng seksyong ito ang personal na pananalapi, pagbabayad ng buwis at mga paraan sa kung
paano ninyo mapoprotektahan ang inyong sarili at ang inyong pera.

 47
47
Personal na Pangangasiwa sa Pera
Pagkakaroon ng Account
Sa Estados Unidos, ang dalawang uri ng pinansyal na institusyong nag-aalok ng mga
personal na account ay ang mga bangko at kooperatiba [credit union].
Ang bank account ay isang ligtas na lugar para paglagyan ng inyong pera. Ang mga
bangko ay may ibat-ibang mga klase ng account. Ang pinakakaraniwan ay ang
checking at savings account. Pwede kayong magbukas ng isang account para sa
inyong sarili o ng isang pinagsamahang account na kasama ang inyong asawa o ibang
tao. Pwede kayong singilin ng bayad ng mga bangko para sa ilang mga serbisyo nila.
Ang kooperatiba ay isa pang lugar kung saan maaaring mapangalagaan ang inyong
pera. Maaaring may kooperatiba ang inyong employer na maaari ninyong salihan,
o maaari kayong makasali sa ganito, depende sa kung saan kayo nakatira. Ang mga
kooperatiba ay nagkakaloob sa karamihan ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng mga
bangko, pero marami ang naghahatid ng karagdagang serbisyo. Ikumpara ang mga
serbisyo, singil, oras na sinasaklaw, at lokasyon ng mga pinansyal na institusyon bago
kayo magbukas ng account, para makapamili ng lubos na nakakatugon sa inyong mga
pangangailangan.
Kapag nagbukas kayo ng isang bank account, hihingan kayo ng pagpapatunay sa
inyong pagkatao. Pwede ninyong gamitin ang inyong Permanent Resident Card
o ang inyong lisensya sa pagmamaneho. Kakailanganin rin ninyong magbigay ng
kaunting pera sa pinansyal na institusyon—na tinatawag na “deposit”—para ilagay
sa inyong bagong account. Kapag kumuha kayo ng pera mula sa inyong account, ang
transaksyong ito ay tinatawag na “withdrawal.” Pwede kayong mag-withdraw ng pera
sa pamamagitan ng pagsulat ng tseke, pagpunta sa isang automated teller machine
(ATM), o sa paglalagay ng impormasyon sa inyong pinansyal na institusyon.

MGA DAPAT
TANDAAN Maraming tindahan ang naghahatid ng mga serbisyo sa pagpapalit ng tseke sa
pera at pagpapadala ng pera sa ibang bansa, pero may dagdag na bayad ang mga
ito. Alamin kung mas mura ang singil ng inyong bangko o kooperatiba para sa mga
serbisyong ito.

Panatilihing Ligtas ang Inyong Pera


Hindi ligtas na magdala ng malaking halaga o mag-iwan ng pera sa inyong tahanan, maaari itong manakaw o mawala. Kung
maglalagay kayo ng pera sa isang bangko o kooperatiba na miyembro ng Deposit Insurance Corporation (FDIC) o naka-
insure sa National Credit Union Administration (NCUA), protektado ang inyong pera hanggang sa halagang $250,000. Kapag
pumipili ng pinansyal na institusyon, tiyakin na ito ay miyembro ng FDIC o na naka-insure ito sa NCUA. impormasyon, bisitahin
ang [Link] o [Link].

48 
Paggamit sa Iyong Account
Pwede kayong makakuha ng pera simula sa inyong account sa pamamagitan
ng paggamit ng isang personal na tseke, ATM, o debit card. Tiyakin ninyong
kayo lamang, at kang inyong kasamang account holder (kung mayroon) ang
makakakuha ng pera sa inyong account.
Mga Personal na Tseke: Kayo ay makakatanggap ng mga personal na tseke kapag
nagbukas kayo ng checking account. Ang mga tsekeng ito ay mga form na
sinusulatan ninyo para pambayad sa anuman. Sinasabi ng mga tseke sa inyong
pinansyal na institusyon na bayaran ang tao o negosyo na sinulat ninyo sa tseke.
Itago ang mga tsekeng ito sa isang ligtas na lugar at itanong sa inyong pinansyal na
institutsyon kung paano mag-o-order ng mga bagong tseke kapag naubos na ang
supply ninyo.
Mga ATM Card: Pwede kayong humingi sa inyong pinansyal na institusyon ng
ATM card. Ang ATM card ay isang maliit na plastic card naka-link sa iyong account.
Gamitin ang card na ito upang kumuha ng cash o magdeposito ng pera sa inyong
account sa isang ATM. Sa karaniwan, wala kayong babayarang singil para sa
paggamit ng ATM ng inyong pinansyal na institusyon. Malamang ay sisingilin kayo
kapag gumamit kayo ng ATM na pag-aari o pinapatakbo ng ibang pinansyal na
[Link] kayo ng mga tauhan
ng pinansyal na institusyon kung paano gamitin ang ATM card at bibigyan kayo ng
isang espesyal na numero, na tinatawag na PIN (“personal identification number”)
para gamitin sa ATM. Mag-ingat kapag ginagamit ang mga ATM. Huwag ibigay
kaninoman ang inyong PIN o ATM card dahil maaari niyang gamitin ito upang
kumuha ng pera sa iyong account
Mga Debit Card: Maaari kayong bigyan ng inyong pinansyal na institusyon ng
debit card para gamitin para sa inyong checking account. Kung minsan, pwede
ring gamitin ang inyong ATM card bilang debit card. Huwag ibigay kaninoman ang
inyong PIN o debit card dahil maaari niyang gamitin ito upang kumuha ng pera sa
iyong account Maaari ninyong gamitin ang inyong debit card bilang pambayad sa
binili sa tindahan at awtomatikong ibabawas ang pera sa inyong checking account
upang mabayaran ang pera.
Mga Cashier at Certified na Tseke: Ito ay mga tsekeng ginagawa ng mga pinansyal
na institusyon kapag hiniling mo. Magbibigay kayo ng pera sa pinansyal na
institusyon at gagawa sila ng tseke para sa halagang iyon na nakapangalan sa tao o
negosyo na babayaran ninyo. Maaaring maningil ang mga pinansyal na institusyon
para sa mga ganitong tseke. Magtanong sa inyong pinansyal na institusyon tungkol
sa ibang opsyon na maaari ninyong piliin.

49
MGA DAPAT
TANDAAN Maingat na pangasiwaan ang inyong account upang hindi kayo makaipon ng mga
singil para sa overdraft. Nagkakaroon ng overdraft kapag wala kayong sapat na
pera sa inyong account upang mapondohan ang isang pagbabayad o withdrawal.
Magtanong sa inyong pinansyal na institusyon upang malaman ang tungkol sa
inyong mga opsyon at mga singilin.

Mga Credit Card


Ang mga credit card ay nagbibigay-daan sa inyong makabili at bayaran ang mga ito sa ibang pagkakataon. Ang mga bangko,
kooperatiba, tindahan, at mga gasolinahan ay ilan sa mga negosyong pwedeng magbigay sa inyo ng credit card. Tatanggap
kayo ng bill sa pamamagitan ng koreo bawat buwan para sa mga binili na gamit ang credit card. Wala kayong babayarang
interes kung bayaran ninyo ang buong halaga ng bill kapag natanggap ninyo ito. Sisingilin kayo ng interes at malamang ng
karagdagang butaw kung hindi ninyo bayaran ang buong halaga o kung atrasado ang inyong pagbayad. Ang ilang credit card
ay masyadong mataas ang halaga ng interes, kaya suriin ang iba-ibang opsyon sa credit card upang malaman kung alin
ang pinakanababagay sa iyo. Ang mga credit card ay maaaring tawaging charge card, ngunit magkaiba ang dalawang ito. Sa
charge card, kailangan mong bayaran ang balanse nang buo bawat buwan, ngunit sa credit card, maaaring hindi mo bayaran
ang balanse nang buo.

Mag-iingat sa pagbibigay sa ibang tao ng inyong numero ng credit card, lalong-lalo na sa telepono o sa Internet. Tiyakin
ninyong kilala at pinagkakatiwalaan ninyo ang tao o negosyo na humihingi ng inyong numero.

MGA DAPAT
TANDAAN Tingnang maigi ang inyong credit card bill sa bawat buwan para matiyak ninyong
tama ang lahat ng mga singil. Tawagan kaagad ang kompanya ng credit card kung
mayroon kayong makitang singil na hindi ninyo ginawa. Karaniwang hindi ninyo
kailangang bayaran ang mga singil na hindi ninyo ginawa kung kaagad ninyong
ipagbibigay-alam ito sa kompanya ng credit card.

Ilista ninyo ang mga numero ng lahat ng inyong mga account at debit card,
ATM card, at credit card. Isulat rin ninyo ang mga numero ng telepono ng mga
kompanyang ito. Itago itong impormasyon sa isang ligtas ng lugar. Kung mawala o
manakaw ang inyong wallet, matatawagan ninyo ang mga kompanya at kanselahin
ang lahat ng inyong mga card. Mahahadlangan nito ang paggamit ng ibang tao sa
iyong mga card sa paraang labag sa batas.
Upang madagdagan ang nalaman tungkol sa personal na pangangasiwa sa pera,
bisitahin ang [Link].

50 
Ang Inyong Credit Rating
Sa Estados Unidos, napakahalaga ng paraan ng inyong pangangasiwa sa inyong credit. May mga organisasyong tumutukoy
sa inyong credit score o credit rating. Nakasalalay ang inyong credit score o rating sa kung paano kayo magbayad ng mga bill,
kung ilang loan ang inyong makuha, kung ilang credit card ang mayroon kayo, at iba pang bagay. Mahalagang-mahalaga itong
credit rating kapag gusto ninyong bumili ng bahay, o kotse, o mangutang. Ito ang mga ilang bagay na magagawa ninyo para
magkaroon ng mabuting credit rating.
●● Bayaran sa oras ang inyong mga utang.
●● Panatilihing mababa ang balanse ng inyong credit card at bayaran ang kahit minimum na halaga sa bawat buwan.

Alinsunod sa batas pederal, makakakuha kayo ng libreng credit report minsan sa isang taon. Kung gusto ninyong
makatanggap ng kopya ng inyong credit rating report, tawagan ang 1-877-322-8228 o bisitahin ang
[Link].

Pagbabayad ng mga Buwis


Ang mga buwis ay perang ibinabayad ng mga tao sa mga pamahalaang pederal,
estado at lokal. Ang mga buwis ang pambayad sa mga serbisyong ipinagkakaloob
ng pamahalaan. Mayroong ibat-ibang klase ng buwis, tulad ng buwis sa kita
(income tax), buwis sa benta (sales tax, buwis sa pag-aari (property tax).
Income Tax: Binabayad ang buwis sa mga pamahalaang pederal, karamihan ng mga
estado at mga ilang pamahalaang lokal. Ang “taxable income” ay ang perang galing
sa mga suweldo, sariling hanapbuhay, mga tip, at ang pagbebenta ng ari-arian.
Binabayaran ng karamihang tao ang kanilang mga buwis sa pamamagitan ng
pagbawas sa kanilang suweldo. Ang halaga ng buwis na kailangan ninyong
bayaran ay depende sa kung magkano ang inyong kita. Mas mababa
ang mga buwis para sa mga taong mababa ang kita. Ang sinumang
kumikita, naninirahan sa Estados Unidos, at sinusunod ang ilang mga
panuntunan, ay kailangang mag-file ng tax return at bayaran ang
mga buwis na kailangan nilang bayaran.
Ang Internal Revenue Service (IRS) [Palingkurang Rentas Internas]
ay ang ahensya ng pamahalaang pederal na nangongolekta ng
buwis. Ang mga taxpayer ay nagfa-file ng Form 1040, U.S. Individual
Income Tax Return, sa IRS taon-taon. Sinasabi sa pamahalaan ng
inyong tax return kung magkano ang inyong kinita at kung magkanong
buwis ang binawas sa inyong suweldo. Tatanggap kayo ng refund kung
masyadong malaki ang nabawas sa inyong suweldo. Kung hindi wasto ang
naibawas sa inyong suweldo para sa buwis, aatasan kayo ng IRS na bayaran ito.

51
Mga buwis para sa Social Security at Medicare: Ang mga buwis pederal
ay binabawas sa iyong suweldo. Ang Social Security ay nagkakaloob ng mga
benepisyo para sa ilang manggagawang retirado at sa kanilang pamilya; ilang
manggagawang may kapinsanan at kanilang pamilya; at ilang mga kamag-anak ng
mga manggagawang namatay. Binabayaran ng mga buwis para sa Medicare ang
mga serbisyong pangmedikal para sa karamihan ng mga taong mas matanda sa 65
taong gulang. Sa karamihan ng mga kaso, kailangan
kayong nakapagtrabaho sa kabuuang 10 taon (o 40
quarter) sa buong buhay ninyo para makatanggap ng
mga benepisyo galing sa Social Security para sa mga
manggagawang retirado at mga benepisyo galing sa
Medicare. Makakatanggap ng benepisyo batay sa kinikita
ang isang manggagawa na may kapansanan o namatayan
ang kanyang pamilya kahit wala pang 10 taon ang
kanyang pagtatrabaho.
Mga Sales Tax: Ang mga sales tax ay mga buwis ng
estado at ng pamahalaang lokal. Dinaragdag ang mga
buwis na ito sa halaga ng ilang mga bagay na binibili.
Binabatay ang sales tax sa halaga ng bagay na binibili.
Ang kitang nakokolekta mula sa mga sales tax ay nakakatulong sa pagbabayad ng mga
serbisyo ng estado at pamahalaang lokal, gaya ng mga kalsada, pulisya, at bumbero.
Mga Property Tax: Ang mga property tax ay ang mga sinisingil na buwis ng estado
at ng pamahalaang lokal sa inyong bahay at lupa. Sa karamihan ng mga lugar,
nakakatulong ang mga property tax sa pagtustos sa mga paaralang pampubliko at mga
iba pang serbisyo.

Ang Inyong W-2 Form: Statement sa Suweldo at Buwis


Ang W-2 ay isang form ng pamahalaang pederal kung saan nakatala ang inyong mga kita at
ang mga buwis na binayaran ninyo para sa nakaraang taon ng buwis. Ang taon ng buwis ay
mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ng bawat taon. Alinsunod sa batas, kailangan kayong
padalhan ng inyong employer ng isang W-2 form bago mag-Enero 31 ng bawat taon.
Makakatanggap kayo ng W-2 form para sa bawat trabaho ninyo. Kailangan kayong
magpadala sa IRS ng isang kopya ng inyong W-2 form kasama ng inyong pampederal na
income tax return. Kung kayo ay naninirahan sa isang estadong naniningil ng buwis,
kailangan ninyong magpadala ng kopya ng inyong W-2 kasama ng inyong pang-estadong income tax return.

Pagkuha ng Tulong Na Nauukol sa Inyong Mga Buwis


Bilang isang permanenteng residente, kinakailangan kayong mag-file sa bawat taon
ng pampederal na income tax return. Sinasakop nito ang inyong mga kita mula Enero
hanggang Disyembre ng nakalipas na taon. Kailangan ninyong mag-file bago mag
Abril 15. Makakakuha kayo ng libreng tulong para sa inyong tax return sa isang IRS
Taxpayer Assistance Center.

52 
May mga Taxpayer Assistance Center sa lahat ng dako ng Estados Unidos. Para
malaman kung saan ang Taxpayer Assistance Center sa inyong lugar, tingnan ang
[Link]/localcontacts/[Link]. Upang makakuha ng tulong sa telepono,
tumawag sa IRS at sa 1-800-829-1040 o sa 1-800-829-4059 (para sa may
diperensya sa pandinig). Para sa isang listahan ng kasalukuyang [Link].

Ano ang Ginagawa para sa Atin ng Pamahalaan


Ang mga buwis ay pambayad para sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaang pederal sa mga mamamayan ng
Estados Unidos. Ang mga ilang halimbawa ng mga serbisyong ito ay:
●● Pinananatiling ligtas at malayo sa panganib ang ating bansa;
●● Ginagamot at iniiwasan ang mga sakit sa pamamagitan ng mga pananaliksik;
●● Pinag-aaral ang mga kabataan at mga taong nasa hustong gulang;
●● Pagtatayo at pagpapatuloy ng mga kalsada at mga highway;
●● Paghahatid ng mga serbisyong medikal para sa mga residenteng nakakatanda at mababa ang kinikita; at
●● Pagkaloob ng biglaang tulong kapag nagkaroon ng mga sakunang pangkalikasan, tulad ng mga bagyo, baha, o lindol.

Protektahan ang Inyong Sarili at ang


Inyong Pera
Iwasan ang Identity Theft
Ang kahulugan ng “identity theft” ay ninakaw ng ibang tao ang inyong personal
na impormasyon, tulad ng inyong Social Security number o bank account number.
Magagamit nila ito para kumuha ng pera mula sa inyong mga account o magbukas
ng credit card sa inyong pangalan. Ang identiy theft ay isang mabigat na krimen.
Protektahan ang inyong sarili sa pamamagitan ng:
●● Pagtiyak na kilala at pinagkakatiwalaan ninyo ang mga tao at mga negosyo na
pinagbibigyan ninyo ng inyong personal na impormasyon, lalo na sa telepono o
sa Internet.
●● Pag-iwan ng inyong Social Security card sa bahay o sa isang lugar na ligtas.
Huwag ninyong dinadala ito.
●● Pagdadala lamang ng mga dokumentong pantukoy ng pagkatao o mga credit
card na kailangan ninyo sa panahong iyon. Iwanan ang mga iba sa bahay sa
isang lugar na ligtas.

53
●● Pagpunit o pag-shred ng mga papel o mga form na naglalaman ng inyong
personal na impormasyon bago ninyo itapon sa basurahan ang mga ito.
●● Pagpili ng mga natatanging password para sa bawat account. Huwag gumamit ng
magkakaparehong password dahil maaari nitong mailagay sa panganib ang inyong
personal na impormasyon.
Upang maprotektahan ang inyong sarili laban sa identity theft, tumawag sa ID Theft
Hotline ng Federal Trade Commission sa 1-877-438-4338 o bisitahin ang
[Link]/features/feature-0014-identity-theft.

“Phishing” at Iba pang Scam


Ayon sa Federal Trade Commission (FTC), ang “phishing” ay kapag may hindi
kilalang pinagmulan ang nagpadala ng email o isang pop-up na mensahe sa inyon
na nagpapahayag na mula sa isang negosyo o organisasyon kung saan ka nauugnay,
gaya ng isang bangko, online na serbisyo sa pagbabayad, at kahit pa nga ahensya
ng pamahalaan. Maaaring kasama sa mensahe ang mga link sa mga website na
humihiling na i-update ninyo ang inyong accout o personal na impormasyon. Ang
mga link sa email na ito ay nakakonekta sa isang website na mukhang lehitimong
site ng organisasyon, ngunit hindi totoo ang website. Ginawa ng mga scammer ang
website upang nakawin ang inyong pagkakakilanlan upang maaari silang bumili o
gumawa ng mga krimen sa ngalan ninyo.
Alamin ang tungkol sa mga scam sa telepono na pumupuntirya sa mga indibidwal,
kabilang na sa mga imigrante. Maaaring tumawag sa iyo ang isang scammer at hingan
ka ng pera at takutin ka. Malamang ay mayroon silang impormasyon tungkol sa iyo
at at maaaring magmukhang opisyal ang kanilang numero ng telepono. Hindi
kayo kailanman tatawagan ng mga ahensya ng pamahalaan upang humingi
ng pera o takutin ka. Kung makatanggap kayo ng ganitong tawag, ibaba
ang telepono at tawagan ang opisyal na numero para sa masuri ng
ahensya ng pamahalaan o ng negosyo kung ito ay isang scam.
Upang makaiwas na ma-scam, narito ang ilang bagay na dapat
tandaaan:
●● Kung makatanggap kayo ng email o pop-up na mensaheng
humihingi ng inyong personal o pinansyal na impormasyon,
huwag sumagot.
●● Huwag ipamahagi ang inyong account number o password sa
telepono maliban kung kayo ay tumatawag sa isang kompanyang
alam ninyong mapagkakatiwalaan. Kung mayroon kayong mga
tanong tungkol sa isang kompanya, magtanong sa inyong lokal na
tanggapan para sa proteksyon ng mamimili o sa Better Business Bureau.
●● Suriin ang mga credit card at bank account statement sa sandaling matanggap
ninyo ang mga ito at tingnan ang mga singil na walang awtorisasyon.

54 
●● Kung mayroon kayong computer, gumamit ng software na anti-virus at anti-
spyware, gayundin ng firewall. I-update nang regular ang mga ito.
●● Mag-ingat kapag nagbubukas ng mga attachment o nagda-download ng mga
file mula sa mga email. Kung hindi ninyo alam kung sino ang nagpadala ng
mensahe sa inyo, huwag buksan ang (mga) attachment o huwag i-download
ang (mga) file.
●● Kung pinagsususpetsahan ninyong mapandaya ang isang email o website, iulat
ang impormasyong ito sa totoong bangko, kompanya, ahensya ng gobyerno.
Kung naniniwala kayong na-scam kayo, maaari kayong magharap ng reklamo
sa pamamagitan ng website ng FTC sa [Link] Upang
madagdagan ang nalalaman tungkol sa kung paano maiiwasan ang mga online na
scam at kung paano mapangasiwaan ang mga mapanlokong scam, bisitahin ang
[Link].

55
56 
Pag-unawa sa Edukasyon at
Pangangalagang Pangkalusugan
Ang edukasyon ay makakatulong sa iyo at inyong pamilya para kumunekta sa inyong komunidad. Ang
bahaging ito ay naglalarawan ng mga paaralan sa loob ng Estados Unidos para sa mga bata, kabataan, at
matatanda. Ang bahagi ding ito ay tumatalakay sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan at nagbibigay
ng mga mapagkukunan upang kayo at ang inyong pamilya ay manatiling napapaalalahanan.

 57
57
Pagbibiyahe sa Estados Unidos
Upang matiyak na lahat ng mga bata ay handa upang magtagumpay, ang Estados
Unidos ay nagbibigay ng libreng pampublikong edukasyon mula kindergarten
hanggang ika-12 na baitang para sa lahat ng mga estudyante sa Estados Unidos. Ilan
din sa mga komunidad ay nag-aalok ng pagkakataon para sa mga bata na sing-bata
ng tatlong taong gulang upang mag-aral sa preschool. Sinasabi sa inyo ng bahaging
ito kung paano magpatala ng inyong mga anak, kung paano ang mga paaralan sa
Estados Unidos nagsasagawa, at paano tutulungan ang inyong anak para matuto.
Karamihan sa mga pampublikong paaralan sa Estados Unidos ay coeducational. Ang
coeducational ay nangangahulugan na magkakasama-sama ang mga batang babae
at lalaki sa klase, gayunpaman, mayroong ilang mga paaralan na nagtatala ng isang
kasarian lamang. Karamihan sa mga paaralan ay bahagi ng isang distritong pampaaralan
na mayroong maraming mga paaralan, kabilang ang magkakaibang mga paaralan para
sa mga bata sa magkakaibang mga edad. Ang mga edad ng mga estudyante sa paaralan
ay maaaring nagbabago mula sa komunidad tungo sa komunidad.

Ipatala ang Inyong Anak sa Paaralan


Isa sa pangunahing mga bagay na dapat nyong gawin ay ang pagpapatala sa
inyong anak sa paaralan. Tawagan o puntahan ang lokal na tanggapan
ng distrito ng paaralan sa inyong lugar para malaman ninyo kung
anong paaralan ang papasukan ng inyong anak. Sa kasalukuyan,
lahat ng mga estado at ang Distrito ng Columbia ay may
sapilitang mga batas sa pagdadalo sa paaralan. Ang
sapilitang pagdadalo sa paaralan ay nangangahulugan na
lahat ng mga bata na nasa pagitan ng partikular na mga
gulang ay kailangang dadalo sa paaralan. Sa karamihang
mga estado, ang mga batas na ito ay sumasaklaw sa
lahat ng mga batang may gulang na 5 hanggang 16.
Magtanong sa lokal na distrito ng paaralan o kagawaran
ng edukasyon sa inyong estado upang malaman ang
kinakailangang gulang sa inyong estado para sa pagpasok
sa paaralan.
Maaari ninyong papag-aralin ang inyong anak sa isang
pampubliko o pribadong paaralan. Libre ang mga pampublikong
paaralan at hindi nagtuturo ng tungkol sa relihiyon. Ang estado
ay nagdidesisyon kung ang inyong anak ay natututo sa paaralang
pampubliko, ngunit ang mga local na distrito ng paaralan, mga punong guro, mga
guro, at mga magulang ang magpapasya kung paano tuturuan ang inyong anak.
Ang charter ng mga paaralan ay isang natatanging uri ng paaralang pampubliko na
nagpapatakbong mag-isa sa local na distritong paaralan Ang inyong local at mga
pagbubuwis sa estado, at ilan sa inyong pagbubuwis pederal, pagbabayad para sa
mga pampublikong paaralan.

58 
Ang mga pribadong paaralan ay isa pang paraan na maari nyong turuan ang
inyong anak. Pribadong paaralan ay pag-aari at pinapatakbo ng mga grupo na
independiyenteng ng pamahalaan, kabilang ang mga grupo ng relihiyon at hindi-
relihiyoso. Mag-aaral sa pangkalahatan ay dapat magbayad ng babayarin (tinatawag na
matrikula) para pumasok sa pribadong paaralan. Sa ilang mga kaso, ang mga pribadong
paaralan ay maaring mag-aalok ng tulong pinansyal para sa mga estudyante na hindi
makapagbayad ng matrikula. Sa ibang mga kaso, ang mga pampublikong pondo ay
maaaring magagamit sa pamamagitan ng mga voucher para sa mga estudyante na
pumapasok sa pribadong paaralan. Ilang mga pribadong paaralan ay coeducational,
samantalang ay iba naman ay para lamang sa mga lalaki o para lamang sa mga babae.
Ilang mga estado ay may kinakailangan sa paglilisensya o pagrirehistro para sa mga
pribadong paaralan, at maraming mga pribadong paaralan ang pumipili na maging
kinikilala ng isang kapisanan ng tagapagkikilala. Upang matutunan ang tungkol sa mga
pribadong paaralan, sumangguni sa kagawaran ng edukasyon sa inyong estado.
Ang pagtuturo sa inyong anak sa bahay ay isa pang opsyon. Ito ay tinatawag na
homeschooling. Ang mga kinakailangan para sa homeschooling ay iba kaysa estado
tungo sa estado. Ang mga magulang na interesado sa homeschooling ay dapat makipag-
ugnayan sa kagawaran ng edukasyon sa estado para makakuha ng dagdag pang
impormasyon.
Karamihan sa mga batang Americano ay nasa pampublikong paaralan na nasa tinatayang
13 taon, mula kindergarten hanggang ika-12 na baitang. Karamihan sa mga paaralan,
ang inyong anak ay ilalagay sa isang klase (tinatawag na baitang) base sa dalawang mga
bagay: edad at bahagdan ng nakaraang edukasyon. Sa ilang mga kaso, ang paaralan ay
maaaring magbibigay sa inyong anak ng isang pagsusulit upang malaman ang baitang
ng bahagdan at klaseng itinalaga.

PAANO ANG TYPICAL U.S. NA PAARALAN NAITATAG


Paaralan Mga Baitang Gulang

Kindergarten at mga Baitang Mga batang 5 hanggang 11 taong


Elementarya o Sekundaryang Paaralan
1 hanggang 5 o 1 hanggang 6 gulang

Junior o Middle School [Kalagitnaang Baitang 6 hanggang 8 Gulang ng mga Kabataan


Paaralan] 7 hanggang 8, o 7 hanggang 9 11 hanggang 14

Mga Nakababatang nasa 14 hanggang


Secondary o High School Baitang 9 hanggang 12
18 taong gulang (at hanggang
[Secondariang Paaralan] o 10 hanggang 12
21 gulang sa ilang mga kaso)
Mga Pampubliko at Pribadong Kolehiyong
Pangkomunidad, Dalawang-taon o mga Lahat ng Karapat-dapat na mga
Postsecondary o Mataas na Edukasyon
Apat-na-Taong Kolehiyo o Pamantasan, Nakatatanda ay Maaaring Dumalo
mga Paaralan ng Hanapbuhay

59
Narito ang listahan ng mga sagot sa katanungan na madalas tinatanong ng mga
magulang sa mga pampublikong paaralan:

Gaano katagal ang taon ng pasukan?


Ang taon ng pasukan ay karaniwang nagsisimula sa Agosto o Setyembre at nagwawakas
sa Mayo o Hunyo. Sa mga ibang lugar, ang mga bata ay pumapasok sa paaralan ng
buong taon. Ang mga bata ay pumapasok sa paaralan mula Lunes hanggang Biyernes.
Maraming mga paaralan ay nag-aalok programa bago o pagkatapos ng mga regular na
oras ng paaralan para sa mga bata na ang mga magulang ay nagtatrabaho. Maaari kang
singilin ng bayad para sa mga bago- o mga programang pagkatapos-pag-aaral, ngunit
ang ilang mga natatanging serbisyo sa pagtuturo ay maaaring maging magagamit ng
libre sa inyong distrito ng paaralan.

Saan ko ipapatala ang aking anak?


Tawagan o puntahan ang local na tanggapan ng distrito ng paaralan sa inyong lugar
para malaman ninyo kung anong paaralan ang papasukan ng inyong anak.

Anong mga dokumento ang kailangan ko para ipatala


ang aking anak?
Kailangan ninyo ang mga talaang medikal ng inyong anak
at pagpapatunay na nabigyan siya ng mga imunisasyon (na
tinatawag ring “shots”) para proteksiyon niya laban sa
sakit. Kailangan nyo din ng patunay ng pagkakakilanlan,
tulad ng sertipiko ng kapanganakan, at patunay na kayo ay
nakatira sa katulad ng komunidad ng paaralan. Kung nawala
ninyo ang mga dokumentong ito, magtanong sa mga
tauhan ng paaralan kung paano kayo makakakuha ng mga
bagong dokumento. Upang maiwasan ang mga pagkaantala,
gawin ito bago mo subukang ipatala ang inyong anak.

Paano kung hindi nagsasalita ng Ingles ang aking anak?


Kung ang inyong anak ay hindi nagsasalita ng Ingles, ang distrito ng paaralan
ay susuriin ang mga kasanayan ng inyong anak sa wika. Ang paaralan pagkatapos ay
magbibigay sa inyong anak ng mga serbisyo ng kanyang kailangan para matuto ng
Ingles at upang lumahok sa mga pang-akademikong programa para sa kanyang antas
ng baitang. Ang distrito ng paaralan ay responsable para sa pagbibigay sa inyong anak
ng tamang mga serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong anak
sa wika, at para sa iyo sa wikang maaari ninyong maunawaan ang tungkol sa mga
serbisyong matatanggap ng inyong anak. Maari ninyong tawagan ang paaralan ng
inyong anak upang itanong ang tungkol sa prosesong ito. Bilang karagdagan para sa mga
serbisyong wika sa loob ng regular na araw ng paaralan, ilang mga paaralan ay nag-aalok
ng mga programa at pagtuturo upang matulungan ang mga estudyante na umunlad ang
Ingles sa labas ng paaralan. Sasabihin sa inyo ng paaralan ng inyong anak kung anong uri
ng karagdagang tulong ang inaalok nila sa mga estudyanteng nag-aaral ng Ingles.

60 
Paano kung may kapansanan ang aking anak?
Lahat ng mga estudyante sa Estados Unidos ay may karapatang tumanggap ng libreng
pampublikong edukasyon, may kapansanan man ito o wala. Kung ang inyong anak ay may
kapansanan, siya ang makatanggap ng libre at natatanging edukasyon at kaugnay na mga
serbisyo. Ang inyong anak ay ilalagay sa isang regular na silid sa paaralan kung naaangkop
para sa kanyang mga pangangailangan. Minsan ang inyong anak ay maaaring mangailangan
ng espesyal na edukasyon o mga kaugnay na serbisyo sa labas ng regular na silid-aralan.
Maaari kayong makilahok kapag ang kawani ng paaralan ay gumawa ng mga indibidwal na
mga desisyon tungkol sa kung paano pinakamahusay na maturuan ang inyong anak. Ang
paaralan ay responsable para sa pakikipag-ugnayan sa inyo tungkol sa mga pagpapasya sa
isang wika na maaari ninyong mauunawaan. para sa karagdagang impormasyon kung paano
i-access ang mga serbisyo at iba pang mga mapagkukunan, bumisita sa [Link]

Ang anak ko ay hindi pa pumapasok sa paaralan bago siya dumating sa Estados


Unidos. Gaano katagal siyang mag-aaral ng libre sa paaralang pampubliko?
Sa karamihan ng mga estado, mga mag-aaral ay maaaring pumasok sa pampublikong paaralan
ng libre hangga't sila ay nakapagtapos sa mataas na paaralan o maabot ang pinakamataas na
edad, na kadalasan ay edad 21. Kung ang estudyante ay nasa ilalim ng edad 22, sila ay maaaring
magpatala sa mataas na paaralan at magpupursige sa isang regular na diplomang pang mataas
na paraalan. Kung ang estudyante ay hindi pa nakapagtapos sa mataas na paaralan sa edad na
22, sya ay maaaring magpatala sa Adult Secondary Education (ASE) na mga pag-aaral. Ang mga
pag-aaral na ASE ay makatutulong ihanda ang mga estudyante upang makamit ang kinikilalang
katumbas sa diplomang pang mataas na paaralan (tulad ng isang General Educational
Development [GED] na sertipiko) sa halip na isang regular na diplomang pang mataas na
paaralan.. Tawagan ang tanggapan ng inyong lokal na distrito ng paaralan o kagawaran ng
edukasyon sa estado, o mananaliksik sa online, upang malaman kung saan ang GED o iba pang
nag-aalok ng patuturo ng equivalency na mataas na paaralan.

Paano makakapunta sa paaralan ang aking anak?


Ang mga bata sa Estados Unidos ay maaring minsa'y
maglalakad papunta sa paaralan. Kung ang paaralan
ay masyadong malayo o hindi ito ligtas para lakarin,
sila ay maaaring sumakay sa school bus o sumakay sa
pampublikong transportasyon, tulad ng subway o tren.
Maraming mga pampublikong paaralan ay may libreng
mga bus na sumusundo at naghahatid sa mga bata sa
hintuan ng bus malapit sa inyong tahanan. Ang ibang
mga pampublikong paaralan ay naghahandog sa mga
karapat-dapat na mga estudyante ng mga passes upang
maaari silang sumakay sa pampublikong transportasyon
ng libre o sa pinababang halaga. Upang malaman kung
maaaring sumakay ang inyong anak sa bus papunta sa
paaralan o makakatanggap ng isang pass sa pampublikong transportasyon, makipag-ugnayan sa
tanggapan ng inyong local na distrito ng paaralan. Kung mayroon kayong isang kotse, maaari
din ninyong i-set up ito kasama ang iba pang mga magulang sa inyong lugar upang ibahagi ang
pagmamaneho sa inyong mga anak papunta sa paaralan.

61
Programa ng Pagkain sa Paaralang Pederal
Upang mapabuti ang pag-aaral, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nagbibigay ng malusog na may mababang-halaga o
libreng pagkain sa higit sa 26 milyong mga bata sa bawat araw ng paaralan. Pakikilahok sa School Breakfast Program at sa
National School Lunch Program na binabatay sa kinikita ng pamilya at dami. Ang Special Milk Program ay nagkakaloob ng
gatas sa mga batang hindi kalahok sa ibang mga programang pagkain sa paaralang pederal Para sa higit pang impormasyon
tungkol sa mga ito sa Estados Unidos Mga programa sa Kagawaran ng Agrikultura, pumunta sa [Link]/cnd.

Ano ang kakainin ng anak ko sa paaralan?


Ang mga bata ay maaaring magbaon ng kanilang
tanghalian o bumili sa kantina ng paaralan. Ang
pamahalaan ng Estados Unidos ay nagkakaloob rin
ng libre o murang almusal at tanghalian para sa mga
batang karapat-dapat na hindi kayang bumili ng
pagkain sa paaralan. Tawagan o puntahan ang paaralan
ng inyong anak para malaman kung kasali ito sa mga
programang pagkain sa paaralang pederal Kausapin ang
mga tauhan ng paaralan para malaman kung puwedeng
makasali ang inyong mga anak sa programang ito.

Sino ang magbabayad para sa mga aklat at


mga gawaing pampaaralan?
Ang mga paaralang pampubliko ay karaniwang nagkakaloob ng mga libreng aklat.
Ang mga estudyante sa karaniwan ang bumibili ng kanilang mga kagamitan sa
paaralan, tulad ng mga papel at lapis. Kung hindi ninyo mababayaran ang mga
kagamitang ito, tumawag sa paaralan ng inyong anak. May ilang mga paaralan na
maaaring maningil ng maliit na halaga para sa mga kagamitan o gawaing natatangi,
tulad ng ekskursiyon. Maraming paaralan ang nag-aalok ng isports at mga
musikang programa pagkatapos ng mga regular na oras ng pasukan. Maaaring singilin
kayo ng bayad para makasali ang inyong anak sa mga programang ito.

Ano ang matututunan ng aking anak?


Ang bawat estado ay may itinatakdang mga pamantayang akademiko para sa mga
paaralan. Ang mga pamantayan ay binabalangkas kung ang lahat ng mga estudyante
ay dapat makaalam at kung ano ang antas sila ay inaasahang magtatanghal. Ang
mga local na distrito ng paaralan ang nagpapasya kung paano dapat ituturo ang
impormasyong ito. Karamihan sa mga paaralan ay itinuturo ang Ingles, matematika,
araling panlipunan, agham, at edukasyong pisikal. Sining, musika, at mga wikang
dayuhan ay paminsan-minsan ding, nag-aalok.

62 
Paano tatasahin ang gawa ng aking anak?
Ang mga guro ay nagtatalaga ng mga puntos (tinatawag din na mga grado) Ang mga
grado ay kadalasang binabase sa araling-pambahay, aralin sa klase, mga pagsusulit,
pagdalo, at asal sa klase. Ang inyong anak ay makatatanggap ng isang report card ng
maraming beses sa isang taon. Ang ilang mga paaralan ay pinapadala ang report card
ng inyong anak diretso sa inyo. Ang report card ay nagsasabi sa inyo kung paano
ang inyong anak gumagawa sa bawat paksa. Ang mga paaralan ay magkakaiba ang
pamamaraan sa paggrado sa mga estudyante. Ang ibang mga paaralan ay gumagamit
ng mga gradong titik, na may A o A+ para sa pinakamagaling na gawa, at D or F
para sa pinakamahina o bumabagsak na paggawa. Ang iba ay gumagamit ng gradong
numero o mga salita tulad ng “pinakamagaling”, “mahusay” o “nangangailangan
ng pagpapabuti” upang pagsamasamahin ang pagganap ng inyong anak. Sa maming
mga grado, ang mga estudyante ay kumukuha din ng mga pagsusulit alinsunod sa
pinagbabatayan, na alin ang mga paaralan ay nagsasagawa upang tasahin ang mga
estudyante. Magtanong sa kawani kung paano ang mga estudyante sa paarlan ng
inyong anak gina-gradohan at tinatasa.

Paano ko makakausap ang guro ng aking anak?


Karamihan sa mga paaralan ay may regular na kapulungan ng
magulang para makita ninyo ang teacher ng inyong anak. Maaari din
ninyong i-schedule ang mga pagtitipon upang mag-uusap kasama
ng mga guro o mga tagapagpatakbo ng paaralan tungkol sa kung
paano gumagawa ang inyong anak sa paaralan. Kung kayo ay hindi
nakakapagsalita o nagkakaintindi ng Ingles, ang distrito ng paaralan
ay maghahandog ng isang may kalidad na tagapagsaling-wika para sa
naturang mga pagtitipon. Ang distrito ng paaralan ay kinakailangan
ding magbigay sa inyo ng impormasyon sa iba pang mga usapin
paaralan sa wikang naiintindihan ninyo.

Paano kung hindi pumasok sa paaralan ang aking anak?


Ang pagiging nasa paaralan ang higit na mahalaga. Ang mga magulang
ay dapat magpadala ng isang sulat sa guro o tumawag sa paaralan
upang ipaliwanag kung bakit wala sa paaralan ang kanilang anak.
Kung ang inyong anak ay lalabas sa paaralan, sabihan ng maaga ang guro. Ang mga
estudyante karaniwang dapat humabol sa mga gawaing nakaligtaan. Tanungin ang
paaralan ng inyong anak kung anong uri ng impormasyon ang kailangan ninyong
ibigay kung ang inyong anak ay hindi nakapasok.

63
Ano Ang Inyong Magagawa
Ang karamihang ng mga paaralang pampubliko at paaralang pribado ay may Parent Teacher Association (PTA) [Asosasyon
ng mga Magulang at Guro] o Parent Teacher Organization (PTO) [Organisasyon ng Mga Magulang at Guro]. Ang mga
organisasyong ito ay tumutulong sa mga magulang na malaman ang tungkol sa mga nangyayari sa paaralan ng kanilang anak
at kung paano sumali sa mga gawaing pampaaralan. Sa karamihan ng mga paaralan, kahit sino ay maaaring sumali, kahit
mga lolo't lola. Tinutulungan rin ng mga PTA/PTO ang mga paaralan sa pamamagitan ng pagtatangkilik ng mga natatanging
gawain at sa pagkakaloob ng mga boluntaryo para tumulong sa mga silid-aralan.
Maaaring makibahagi kahit kayo ay hindi nagsasalita o nakakaintindi ng Ingles. Maraming paaralan ang may mga likas na
impormasyong para sa mga magulang na may limitadong kaalaman sa Ingles. Hayaang malaman ng paaralan na kayo ay
nangangailangan ng serbisyo ng tagapagsaling-wika upang kayo ay makasali. Tawagan o puntahan ang tanggapan ng paaralan
para malaman ninyo kung kailan ang mga pagpupulong ng PTA/PTO at kung paano kayo makakasali dito. Maaari din ninyong
kausapin ang guro ng inyong anak at itanong kung mayroong paraan ng kayo ay maaring magboluntaryo o makibahagi.

Paano kung ang aking anak ay nasasangkot sa gulo?


Maraming mga paaralan ay may listahan ng mga panuntunan o isang polisiya ng
pagdidisiplina na ang mga estudyante ay dapat sumunod, madalas ay tinatawag na isang
alituntunin ng pag-uugali. Magtanong ng paaralan ng inyong anak tungkol sa patakaran
sa disiplina o alituntunin ng pag-uugali. Ang paaralan ay maaring dumisiplina sa mga
estudyanteng lumalabag sa mga tuntunin sa pamamagitan ng pag-aatas sa kanila na
manatili pagkatapos ng pasukan o pagbabawal sa kanila sa pagsali sa mga isports o iba
pang mga aktibidad sa paaralan. Ang pisikal na pagpaparusa sa Estados Unidos ay hindi
pinapayagan sa mga paaralan sa nakararaming mga estado.
Ang mga bata ay maaaring suspindihin o patalsikin sa paaralan kung sila higit na
hindi nagpapakatino at madalas na lumalabag sa mga tuntunin ng paaralan. Kung ang
inyong anak ay pinatalsik, siya ay hindi na maaaring pumasok sa parehong paaralan.
Kakailanganin ninyong makipagkita sa tauhan ng paaralan para malaman ninyo kung
paano papapasuking muli sa paralan ang inyong anak.

Ligtas ba ang anak ko sa loob ng paaralan?


Ang karamihan ng mga pampublikong paaralan sa Amerika ay ligtas na mga lugar para
matuto. Kapag kayo ay nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng inyong anak, kausapin ninyo
ang isang guro, tagapayo ng paaralan, punong-guro, o ibang tagapamahala.

Paano Ihinto ang Pananakot


Ang pananakot ay di kanaisnais, agresibong pananalita o pisikal na pag-uugali sa mga
bata na may edad mag-aaral. Ang pananakot ay nagyayari sa loob o pagkatapos ng mga
oras ng paaralan. Habang ang karamihang naiulat na mga pangyayari ng pananakot sa
gusali ng paaralan, ang pananakot ay nangyayari din sa mga lugar kagaya ng palaruan,
sa bus o sa Internet. Upang matutunan ng higit pa kung paano maiwasan ang
pananakot o tugunan ito, bisitahin ang [Link].

64 
Mataas na antas ng Edukasyon:
Mga Kolehiyo at Pamantasan
Pagkatapos ng mataas na paaralan, ang mga batang may sapat na gulang ay maaring
magpatuloy sa kanilang edukasyon sa isang dalawahang-taon na pang komunidad
at pang teknolohiyang kolehiyo, isang apatang-taon
sa kolehiyo o sa isang pamantasan. Ang mga ito ay
tinatawag na postsecondary na mga institusyon o mga
institusyon ng mas mataas na edukasyon. Karaniwan,
ang unang apat na mga taon ng postsecondary
na edukasyon ay tinatawag na undergraduate na
edukasyon, at pag-aaral ng higit pa sa bachelor's
degree graduate studies. May paherong pampubliko at
pribadong institusyon ng mas mataas na edukasyon. Sa
pangkalahatan, ang mga pampublikong kolehiyo at mga
pamantasan ay maaaring mas mababa ang gastos kaysa sa
mga pribadon, lalo na para sa mga residente ng estado
kung saan ang kolehiyo o pamatasan ay matatagpuan.
Ang mga nakatatanda ay maaari ding pumili na pumasok
sa paaralan upang matutong gumawa sa mga tiyak na trabaho, tulad ng pagkukumpuni
ng nga computer o bilang isang katulong sa pangangalagang pangkalusugan.
Ang mga nasa mas mataas na edukasyong pumili ng tiyak na paksang pag-aaralan ng
mabuti (ang paksang ito ay tinatawag nilang major) Ang pagpili ng major ay tumutulong
na sila ay ihanda para sa pag-iempleyo o higit pang edukasyon para sa larangan na iyon.

MAS MATAAS NA EDUKASYON


Uri ng Degree Uri ng Paaralan Taon ng Pag-aaral
Kolehiyong Pangkomunidad/Paaralang Anim na Buwan hanggang Dalawang
Sertipiko
Teknikal Taon

Associate’s Kolehiyong Pangkomunidad Dalawang taon

Apatang-Taon na Kolehiyo o
Bachelor’s Apat na taon
Pamantasan

Master’s Pamantasan Dalawang taon

Doctorate Pamantasan Dalawa hanggang Walong Taon

Propesyonal Nagdadalubhasang Paaralan Dalawa hanggang Limang Taon

65
Ang kolehiyo o pamantasang edukasyon ay maaaring mahal, ngunit mayroong mga
programa na tutulong sa inyong bayaran ang halaga ng edukasyon. Karamihan sa mga
estudyante ay umuutang o nag-a-apply para sa scholarship o pinansiyal na tulong
upang makatulong na mababayaran ang pag-aaral. May mga paaralan na nagkakaloob
ng pinansiyal na tulong na tinatawag na scholarships. Maari kayong bumisita sa
tanggapan ng tulong pinansyal sa paaralan upang higit pang malaman ang tungkol sa
scholarships. Ang ilang Scholarship at gawad ay limitado sa mga mamayan ng Estados
Unidos, mga nasyonalidad ng Estados Unidos, mga permanenteng residente, o iba
pang karapat-dapat na mga mamamayan na hindi mamamayan ng Estados Unidos
Ang pamahalaan ng Estados Unidos nagkakaloob din ng pinansiyal na tulong sa mga
estudyante. Upang malaman ng higit pa ang tungkol sa pinansyal na tulong, tingnan
ang nasa ibaba o bumisita sa [Link].

Tulong na Pinansyal ng Pamahalaang Pederal para sa mga


Estudyante
Ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nagkakaloob ng pinansyal na tulong upang
tulungan ang mga estudyanteng magbayad para sa kanilang gastusin na pang
edukasyon sa mga karapat-dapat na mga kolehiyo, paaralang teknikal, paaralang
bokasyonal, o graduate school. Ang tulong na pinansyal ng pederal ay sumasaklaw sa
mga gastos tulad ng matrikula, mga bayarin, silid at pagkakasera, panustos na aklat,
at transportasyon. Ang pagbibigay sa mga estudyante nitong tulong na pananalapi ay
binabatay sa kanilang pangangailangang pananalapi, hindi sa kanilang mga natanggap
na marka sa pag-aaral. Mayroong tatlong uri ng pederal na tulong:
●● Grants: perang hindi ninyo kailangang bayaran.
●● Work Study: perang kinikita ninyo habang kayo ay nasa paaralan.
●● Loans: perang hinihiram ninyo ngayon ngunit kailangan ninyong bayaran sa
hinaharap ng may kasamang interes.
Para sa karagdagang impormasyon sa tulong na mga programang pinansyal ng pederal,
tumawag sa 1-800-433-3243 or visit the U.S. Website ng Kagawaran ng Edukasyon sa
[Link]/resources. Makukuha rin ang impormasyon sa Espanyol.

Mag-ingat sa Financial Aid Fraud


Mag-ingat kapag naghahanap kayo ng impormasyon tungkol sa pinansiyal na tulong sa
. estudyante. Iwasan ang mga alok na anyong napakaganda upang maging totoo o
nangangako sa inyo ng mga resulta na kapalit ng pera. Bawat taon, ang mga pamilya ay
nawawalan ng maraming milyong dolyar sa scholarship fraud Kung kayo ay biktima ng
pandaraya o para sa higit pang impormasyon, tumawag sa Federal Trade Commission sa
1-877-382-4357 o 1-866-653-4261 (para sa mga kapansanan sa pandinig) Maaari din
kayong bumisita sa kanilang website sa [Link]/articles/0082-scholarship-and-financial-aid-scams.

66 
Edukasyon para sa mga Wastong
Gulang
Pag-aaral ay hindi kailangang magtapos kapag ikaw ay naging isang nakatatanda. Sa
Estados Unidos, hinihimok ang mga tao na matuto habang-buhay. Kung kayo ay
16 taong gulang o mas matanda pa at hindi nakumpleto ang high school, maaari
kayong magpatala sa mga klase ng Adult Secondary Education (ASE). Ang mga
klaseng ito ay maghanda sa inyo upang makakuha ng kinikilalang katumbas ng
diploma ng mataas na paaralan (tulad ng General Educational Development [GED]
certificate).
Ang GED ay isang sertipiko certificate ay ang pinaka-kilala na katumbas ng diploma
ng mataas na paaralan, bagaman maaaring mangailangan ng ilang mga estado na
mangangailangan na kayo ang kumuha ng isa pang pagsusulit na ay katulad sa
GED o matugunan ang ibang mga kinakailangan upang makakuha ng pagkapareho
diploma ng mataas na paaralan o sertipiko. Isang pagkakapareho sa diploma sa
mataas na paaralan o katunayan (tulad ng GED) ay nagpapakita na kayo ay natuto na
ng nasa antas-pang mataas na paaralan na kaalamang akademiko at mga kasanayan.
Upang makamit ang GED, kailangan ninyong pumasa sa mga pagsubok sa apat na
iba't ibang mga bahagi: pagdadahilan sa pamamagitan ng sining wika (pagbasa at
pagsusulat), araling panlipunan, agham, at matematikang pagdadahilan. Karamihan
sa mga tagapag-empleyo sa Estados Unidos ay itinuturing ma isang kredensiyal ng
GED na kapantay ng isang regular na diploma ng mataas na paaralan. Sa maraming
bahagi, ang paghahanda ng mga klase ng GED ay libre o mababa ang halaga.
Hanapin sa Internet ang para sa GED at iba pang kursong edukasayon na pang
nakakatanda, o tawagan ang tanggapan ng inyong lokal na distrito ng paaralan para
sa impormasyon.
Maraming mga nakatatanda ang kumukuha ng mga
klase higit ang tungkol sa isang paksa na kinahihiligan
nila o para madagdagan ng mga bagong kakayahan
na makakatulong sa kanila sa trabaho. Maraming mga
sistema sa pampublikong paaralan at mga kolehiyo
sa local na komunidad ang nag-aalok ng malawak na
mga klase para sa nakatatanda. Karaniwan, ang mga
klase ay mayroong mababang mga bayarin at maaaring
magpatala ang kahit sino. Magtanong sa inyong local
na paaralan o kolehiyo ng komunidad para malaman
ninyo kung anong mga klase ang maaari ninyong
pasukan, magkano ang mga ito, at kung paano
magpatala.

67
Matuto ng Ingles
Maraming lugar na kung saan maaari ninyong matutunang magsalita, magbasa at
magsulat ng Ingles. Maraming mga bata at mga nakatatanda ang nagpatala sa mga
klase sa Ingles bilang pangalawang wika (ESL). Ang mga klase sa ESL ay makatulong
sa mga taong hindi marunong ng Ingles ay natututo sa wika. Ang mga klaseng ito ay
tinatawag ring English for Speakers of Other Languages (ESOL) [Ingles para sa mga
Tagawika ng Ibang Linggwahe] o mga klase sa literacy sa Ingles.
Ang mga batang hindi marunong ng Ingles ay matututo sa paaralan. Ang lahat ng mga
paaralang pampubliko sa America ay nagkakaloob ng tulong at nagtuturo sa lahat ng
mga estudyanteng kailangan matuto ng Ingles.
Ang mga nakatatanda na hindi maunawaan ang Ingles ay maaaring magpatala sa
isang klase ng ESL na inaalok sa isang pampublikong pang-nakatatanda at programa
sa edukasyon ng komunidad o sa isang pribadong paaralan ng wika. Ang paaralan
ng inyong anak ay maaaring mag-alok ng mga serbisyong pang-literacy sa pamilya,
pagsasanay para sa mga magulang ng di nagsasalita ng Ingles. Tumawag sa paaralan ng
inyong anak upang malaman kung ito ay iniaalok nitong mga programa.
Ang mga distrito ng paaralan at mga kolehiyo sa komunidad ay madalas nag-aalok
sa nakatatanda sa publiko at mga programang pang edukasyon sa mga local na
komunidad. Ang mga programang ito ay maaaring magbigay ng mga klase sa ESL
kasama ng pagtuturo mula sa mga local na boluntaryo. Malimit na libre ang mga
programang ito, o maaaring maliit lamang ang inyong babayaran. Maaaring sa araw
o sa gabi ang mga klase. Tawagan ang kolehiyong pangkomunidad o tanggapan ng
distrito ng paaralan sa inyong lugar para malaman ninyo ang iniaalok nilang klase
sa ESL.
Ang karamihan ng mga malaking lungsod ay mayroong mga pribadong wika na nag-
aalok ng klaseng pang-ESL sa araw o gabi. Ang halaga para sa mga klase sa pribadong
wika ay madalas ibinabase sa bilang ng oras ng pagtuturo, at sila sa pangkalahatan ay
higit pang mahal kaysa pampublikong paarala. Maaari ninyong hanapin sa Internet
para sa paaralang pang-pribadong wika sa inyong lugar.
May ilang organisasyon ng komunidad, mga aklatan at mga grupong relihiyoso
na nag-aalok din ng libre o mas murang ESL na klase. Suriin sa inyong local na
pampublikong aklatan, social service na ahensya, o lugar ng pagdadasa. Ang
sangguniang librarian sa local na aklatan ay maaaring sabihin sa iyo ang tungkol sa
mga programa ng ESL at ipapakita sa iyo kung saan makikita ang mga aklat ESL, tape,
CD, at software ng computer aklatan.
Upang makahanap ng pinakamalapit na programa ng ESL, pumunta sa
[Link] Maaari din kayong mag-aral online sa pamamagitan ng
pagbisita sa [Link].

68 
Tumawag sa 211 para sa Impormasyon sa mga Serbisyong Panlipunan
Matatawagan ninyo ang 211 sa maraming estado upang makakuha ng tulong sa paghahanap ng mga serbisyong kailangan
ninyo. Tumawag sa 211 para malaman ninyo kung saan kayo maaring magpatala sa mga klase sa ESL sa inyong pook.
Tumawag sa 211 kung kailangan ninyo ng tulong maghanap ng pagkain, pabahay, at iba pang mga serbisyong panlipunan. Ang
ibang mga estado at mga probinsya ay hindi pa nag-aalok ng mga serbisyong 211. Upang makita kung ang 211 ay makukuha
na sa inyong lugar, bumisita sa [Link].

Pangangalagang Pangkalusugan
Sa pangkalahatan, ang mga tao sa Estados Unidos ay nagbabayad sa kanilang
pangangalagang medikal ito man ay direkta o sa pamamagitan ng paseguro. Ang
pangangalagang medikal ay mahal, kung kaya't ito ay kapakipakinabang upang gumana
para sa isang tagapag-empleyo na nag-aalok sa inyo ng health insurance o bumili ng
health insurance sa inyong sarili. Ito ay mahalaga na kayo at ang inyong pamilya ang
kumuha ng health insurance sa lalong madaling panahon.
Maaaring magbigay ng health insurance bilang isang benepisyo
sa kanilang mga empleyado. Ilang mga tagapag-empleyo
ay nagbabayad ng lahat ng halaga ng inyong buwanang
pangangalagang pangkalusugan habang ang iba ay
nagbabayad lamang ng bahagi ng halaga. Tinatawag na
“premium” itong buwanang bayad. Maaaring kailangan
ninyong bayaran ang bahagi ng premium. Sa karaniwan,
binabawas ng pinagtatrabahuhan sa suweldo ng
empleyado ang kanyang bahagi sa premium. Ang ilang
mga tagapag-empleyo ay pinapayagan din kayong
bumili ng paseguro para sa inyong pamilya. Malamang
ay kailanganin ninyon magbayad ng higit pa para sa
coverage.
Kung kayo ay may health insurance, ang mga doktor
ay maaaring ipadala ang kanilang mga pagsisingil sa
kompanya ng inyong health insurance. Ang kompanya ng
health insurance ay maaaring bayaran ang ilan o lahat ng mga
babayaring ito. Madalas kayo ay dapat magbayad ng halaga sa doktor
o sa tagapaghatid ng serbisyo sa bawat oras na inyong ginamit sa inyong mga
serbisyong pangkalusugan. Ito ang tinatawag kung minsan na “co-payment”.
Kung kayo ay walang health insurance, ilan sa mga doktor ay ay aasahan kayong bayaran
ang buong halaga ng pangangalaga sa inyo. Maaaring makakakuha kayo ng pederal o
tulong na serbisyong pangangalagang pangkalusugan ng estado. Ang mga estado ang
naghahadog ng ilang uri ng mga tulong sa mga mababang-kinikita na mga bata, mga
kababaihang buntis, at mga taong namumuhay sa kapansanan. Ang ilang mga estado ay
may karagdagang pinondohan ng estado na mga programa sa pagtulong.

69
Kung kailangan ninyo ng agarang medikal na pangangalaga, maaari kayong
pumunta sa emergency room ng pinakamalapit na ospital upang tumanggap
ng paggagamot. Karamihan sa mga ospital na may emergency departments ay
hinihiling ng batas pederal na ituring ang bawat isa na may agarang kundisyong
medical kahit na ang tao ay hindi nakakapagbayad, subalit, ang mga tagapaghatid ng
pangangalagang pangkalusugan ay maaaring magbigay ng isang sisingilin para sa
mga serbisyong medical na inihahandog.
Sa paggawa ng mga desisyon tungkol sa inyong kalusugan, ito ay mahalagang
malaman kung saan kukuha ng pinakabago, pinaka mapagkakatiwalaan na
impormasyon. Para sa isang malawak na mga pagkukunan ng may kinalaman sa
kalusugan na mga usapin, bumisita sa [Link].

Health Insurance Marketplace


Ang Health Insurance Marketplace (o health insurance exchange) ay isang paraan
upang makahanap ng may kalidad na health insurance na nababagay sa inyong
badyet at naaabot ang inyong pangangailangan. Ito ay makakatulong kung kayo ay
walang murang paseguro mula sa inyong tagapag-empleyo o kung kayo ay hindi
kwalipikado para sa coverage sa ilalim ng Medicare, Medicaid, o Children's Health
Insurance Program (CHIP). Ang Marketplace ay pinapayagan kayo na ikumpara ang
ilang mga uri ng pribadong plano ng health insurance, kunin ang kasagutan sa mga
tanong, alamin kung kayo ay karapat-dapat para sa isang pinansyal na suporta para
matulungan kayo sa pagbabayad sa halaga ng inyong coverage, at magpatala sa isang
planong pangangalagang pangkalusugan na naaabot ang inyong pangangailangan.
Ang mga permanenteng residente at ilang ibang tao na may naaayon sa batas na
estado sa imigrasyon ay maaaring kwalipikado para sa Marketplace insurance. Para
sa pinaka sariwang impormasyon, bumisita sa [Link].

Ang paghahanap ng Low-Cost Health Care Facility


Kadalasan sa mga komunidad ay may isa lamang na pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan na naghahandog ng libre o
murang mga serbisyo. Ito minsan ay tinatawag na mga klinika o mga sentrong pangkalusugan ng komunidad. Upang mahanap
ang ganitong uri na pagkukunang malapit sa inyo, hanapin sa Internet o magtanong sa isang naninilbihan sa mga dayuhan na
organisasyon kung may alam silang isang mura o libre na pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan sa inyong lugar.

Ang Estados Unidos Department of Health and Human Services na pondo para sa pangangalagang pangkalusugan pasilidad
sa maraming mga lokasyon sa kabilang bansa ay naghahandog na pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa mga
dayuhan. Upang makahanap ng doktor malapit sa inyo, bumisita sa [Link]

70 
Mga Programang Pangkalusugan ng Pederal at Estado
Medicare: Ang medicare ay isang programang health insurance para sa mga taong nasa
65 taong gulang o mas matanda, mas bata sa 65 taong gulang na may ilang kapansanan,
o may end-stage na sakit sa bato. Ang medicare ay nagbabayad ng pangunahing
pangagalaga at mga tiyak na serbisyo kung kayo ay may sakit o nasaktan. Para sa
karagdagang impormasyon kung paano magpatala sa Medicare, bumisita
sa [Link]/MedicareEligibility/[Link]. INSURAN
CE
HEALTH
RE
MEDICA
Ang Medicare ay maraming bahagi, kabilang ang Bahagi A, Bahagi B, at 1-800-MED
ICARE (1
-800-633
-4227)

Bahagi D. IARY

SAMPLE
BENEFIC
NAME OF
E
JOHNCLDAIOM NUMBER SEX
RE MALE DATE
●● Ang Bahagi A ay ang hospital insurance na tumutulong sa pasaklaw sa MEDICA
0 0 0 -0 0 -0 0
0 0 -A IVE
EFFECT
-2007
TITLED TO A ) 01-01 007
pangangalagang inpatient, bihasang pasilidad sa pagna-nars, hospisyo, IS EN
HO S P ITA L (PA R T
T B) 0 1-01-2
L (PAR E
at pangangalagang pangkalusugan sa tahanan. Karamihan sa mga tao ay MEDICA JOHN DO
SIGN
hindi nagbabayad ng premium sa Bahagi A dahil binayaran sila ng buwis HERE

sa Medicare habang nagtatrabaho. Kung kayo ay hindi karapat-dapat


para sa premium-free Bahagi A, maaari kayong bumili ng Bahagi A kung
naabot na ninyo ang ilang mga kundisyon.
●● Ang Bahagi B ay medical insurance na tumutulong sa mga sinasakupang serbisyo, tulad ng
mga serbisyo ng doktor, pangangalagang outpatient, at matibay na medikal na kagamitan,
mga serbisyong kalusugang pantahanan, at iba pang mga serbisyong medikal pati na rin
ang ilang mga serbisyong pangpamigil. Para sa Bahagi B, kayo ay nagbabayad ng buwanang
premium.
●● Ang Bahagi D ay pagsasaklaw sa nireresetang gamot na tumutulong masakop ang mga
gastos ng tiyak ng mga iniresetang gamot ng doktor para sa paggagamot. Ang pagpapatala sa
isang Bahagi D na plano ng medicare ay boluntaryo, at kayo ay magbabayad ng buwanang
premium para sa pagsasakop na ito.
Ang mga permanenteng residente ay maaaring makakuha ng Bahagi A, Bahagi B, at Bahagi D ng
Medicare kung nakakatugon sila sa mga tiyak na kondisyon. Ang mga permanenteng residente
na nasa 65 taong gulang o mas matanda ay awtomatikong maipatala sa Bahagi A na Medicare
kung sila ay nagsisimula ng makakuha ng mga benepisyo sa pagriretiro sa Social Security. Kung
wala pa kayong 65 pero karapat-dapat para sa ibang mga dahilan, tawagan ang tanggapan ng
Social Security na malapit sa inyo para sa impormasyon tungkol sa pagpapatala. Sa pangkalahatan,
kailangan ninyong magtrabaho sa Estados Unidos ng 10 taon (o 40 quarters) sa loob ng kurso
ng inyong buhay upang makatanggap nitong mga benepisyo sa Bahagi A na Medicare nang hindi
nagbabayad ng isang premium. Para sa karadagang impormasyon tungkol sa Medicare at sa pag-
download ng Medicare &You—ang opisyal na Medicare handbook ng pamahalaang Estados Unidos
—bumisita sa [Link]. Makukuha rin ang impormasyon sa Espanyol.
Ang Medicaid: Medicaid ay isang magkaanib na programang pederal-estado para sa
mga residenteng mababa ang kinikita. Ang bawat estado ay may kanilang sariling mga
pamatnubay para sa Medicaid. Binabayaran ng Medicaid ang mga serbisyong medikal, tulad
ng mga pagpapatingin sa doktor, pagpapareseta ng mga gamot, at pagpapaospital. Ang mga
permanenteng residente na pumasok sa Estados Unidos bago ang Agosto 22, 1996, ay maaaring
makatanggap ng Medicaid kung naabot nila ang ilang mga kondisyon. Ang mga pirmihang
naninirahan na pumasok sa Estados Unidos noong Agosto 22, 1996 ay maaaring makatanggap ng

71
mga benepisyong Medicaid kung sila ay naninirahan sa Estados Unidos ng limang taon o
mas matagal at naabot nila ang ilang mga kondisyon. Para sa karagdagang impormasyon
tungkol sa mga serbisyong Medicaid sa inyong estado, bumisita sa [Link].
Children’s Health Insurance Program (CHIP): Ang inyong mga anak ay maaaring
makakuha ng libre o murang halaga na pangangalagang kalusugan sa
pamamagitan ng isang CHIP ng estado kung naabot nila ang ilang mga
kondisyon. Kung ang inyong kinikita ay napakataas upang karapat-
dapat kayo para sa Medicaid, ang ilang mga estado ay mayroong
isang programang health insurance para sa mga sanggol, mga bata, at
kasibulang edad. Binabayaran ng insurance ang mga pagpapatingin
sa doktor, pagrireseta ng mga gamot, pangangalaga sa ospital at iba
pang mga serbisyong pangangalagang pangkalusugan. Karamihang
mga estado, ang mga batang 18 taong gulang o mas bata pa na walang
heath insurance at naaabot ang ilang mga limit ng kinikita ng pamilya
ay karapat-dapat na tumanggap ng pangangalagang pangkalusugan.
Ang mga bata ay makatatanggap ng libre o murang pangangalagang
pangkalusugan ng hindi naaapektuhan ng katayuan ng kanilang mga
magulang sa imigrasyon

Para sa karagradang impormasyong tungkol sa Medicaid at CHIP


Ang bawat estado ay may kaniya-kaniyang mga panuntunan sa Medicaid at CHIP, kung kaya't mahalaga na alamin ang tungkol
sa programa sa inyong estado. Para sa impormasyon, tumawag sa 1-877-543-7669 o bumisita sa [Link]

Ibang Pederal na Programa sa mga


Benepisyo
Kayo o ang mga myembro ng inyong pamilya ay maaring karapat-dapat para sa iba pang
mga benepisyong pederal, depende sa inyong katayuan sa imigrasyon, haba ng panaho
sa Estados Unidos Upang matutunan ng higit pa tungkol sa mga serbisyo na maaring
inyong makukuha, bumisita sa [Link].

Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP)


Ang ilang mga imigrante, kabilang ang mga bata, ay maaring karapat-dapat para sa
Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP) Ang SNAP ang nagkakaloob sa
inyo ng may pondo upang matulungan kayong bumili ng pagkain sa mga tindahan ng
grocery. Ang ilang mga estado ay may kani-kanilang pinopondohan ng estado na mga
programang may magkakaibang panuntunan para sa mga karapat-dapat na imigrante na
nagbabago mula sa isang estado sa estado. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa
SNAP at mga kinakailangan para maging karapat-dapat, bumisita sa [Link]/
snap. Ang impormasyon tungkol sa SNAP ay makukuha sa 36 magkakaibang mga wika
sa [Link]/documents-available-other-languages.

72 
Mga Serbisyo Para sa Nakaligtas sa Karahasang Pantahanan
Ang mga imigrante at kanilang mga anak na mga nakaligtas sa karahasang pantahanan
ay maaring karapat-dapat para sa mga benepisyong pederal at mga serbisyo, tulad ng
pabahay ng mga sinaktang mga kababaihan o SNAP. Para sa higit pang impormasyon
tungkol sa mga ito sa U.S. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga
serbisyong ito, bumisita sa [Link]/violence-against-women.

Temporary Assistance for Needy Families (TANF)


Ang Temporary Assistance for Needy Families ay isang programang pederal na
nagbibigay ng tulong at mga pagkakataong makapagtrabaho para sa nararapat na mga
pamilyang mababa ang kinikita. Magkakaiba ang mga programa sa bawat estado, at
ang ibang mga estado ay may sariling programa na pinondohan ng estado. Para sa
karagdagang impormasyon at kinakailangan para maging karapat-dapat, bumisita sa
[Link]/programs/ofa/programs/tanf.

Tulong para sa mga Imigranteng May Kapansanan


Ang mga imigranteng may kapansanan ay maaring karapat-dapat para sa Medicaid,
SNAP, at Supplemental Security Income. Para sa impormasyon tungkol sa
Supplemental Security Income, bumisita sa [Link]/ssi.

One-Stop Career Centers


Tinutustusan ng pamahalaang pederal ang mga career
centers na naghahandog ng mga training referral, career
counseling, mga listahan ng trabaho, at mga iba pang
serbisyong kaugnay sa pagtatrabaho. Ang mga klase sa
ESL at mga kasanayan sa pagtatrabaho ay iniaalok sa mga
imigrante sa iilan dito sa mga center.
Para makatagpo ng isang One-Stop Career Center na
malapit sa inyo, bumisita sa [Link] o
[Link].

73
74 
Panatilihing Ligtas ang Inyong Tahanan
at Pamilya
Ang mga emergency ay hindi inaasahang mga kaganapan na maaaring maging sanhi ng pinsala sa mga tao at
ari-arian. Ang mga emergency ay nangyayari kahit kanino sa magkaibang oras. Sinasabi sa inyo ng seksyong ito
kung paano ninyo maaaring mapaghandaan ang mga emergencies at kung paano makakuha ng tulong kung
mangyayari.

 75
75
Maghanda
Maghanda para sa mga emergency bago pa mangyayari. Para sa impormasyon kung paano
maghanda para sa isang emergency, bumisita sa [Link]. Ito komprehensibong
website ay nagbibigay ng impormasyon sa kung paano maghahanda para sa isang
emergency upang maaari ninyong panatilihing ligtas ang iyong bahay at pamilya.
Narito ang ilang mga bagay na inyong magagawa sa paghahanda:
●● Tiyaking ang inyong mga pinto ay mayroong mahusay na mga kandado at panatilihing
nakakandado sa lahat ng panahon. Huwag ibibigay ang mga susi sa inyong bahay sa
mga estranghero. Kung ang estranghero ay kumakatok sa inyong pinto, tanungin kung
sino sila at ano ang kanyang kailangan bago pa magbubukas ng pinto.
●● Ang mga alarmang pang-usok ay nakakalikha ng malakas na tunog kung mayroon usok
sa inyong bahay o apartment. Tiyakin ninyong mayroon kayong mga alarmang pang-
usok sa kisameng malapit sa mga silid at sa bawat palapag ng inyong bahay. Suriin ang
alarma bawat buwan upang matiyak na ito ay gumagana. Palitan ang mga baterya sa
mga alarmang pang-usok kahit isang beses sa isang taon.
●● Alamin kung nasaan ang ospital at mga himpilan ng pulis at bombero na pinakamalapit
sa inyo. Sinupin ang lahat ng mahahalagang mga numero ng teleponong malapit sa
inyong telepono na madali ninyong mahagilap sa mga kaganapang emergency.
●● Alamin kung nasaan ang mga pangunahing balbula para sa gas, elektrisidad, at tubig
sa inyong tahanan. Tiyaking alam ninyong isara ang mga ito ng pakamay. Kung
hindi ninyo alam kung paano hanapin ang mga ito, magtanong sa inyong landlord,
kompanya ng local utility, o mga kapitbahay.
●● Maghanda ng isang disaster kit na kinabibilangan ng
isang flashlight, nabibitbit na radyo, mga ekstrang
baterya, kumot, kagamitang pang first-aid, at sapat
na de-lata o nakabalot na pagkain at tubig sa bote
na tatagal ng kahit tatlong araw. Tiyaking maglakip
ng lagayan ng basura, toilet paper, at pagkain ng
hayop kung kinakailangan. Itago ang lahat ng mga
bagay sa isang lugar kung saan ito ay madali ninyong
matagpuan.
●● Magsanay kasama ang inyong pamilya kung paano
makaalis sa inyong bahay sakaling mayroong sunog o ibang emergency. Tiyakin
ninyong alam ng inyong mga anak ang tunog ng alarmang pang-usok at kung ano ang
kanilang gagawin kung marinig nila ito. Magplano ng isang lugar upang magkikita-
kita ang inyong pamilya kung kailangan ninyong lisanin ang inyong bahay. Pumili ng
isang dako sa labas ng inyong bahay at isa pang lugar sa labas ng inyong paligid, kung
sakaling hindi kayo makakabalik sa bahay. Hilingin sa isang kaibigan o kapamilya na
nakatira sa ibang lugar kung maaaring siya ang tatawagan ng mga tao kung kayo ay
nawalay sa isang emergency. Tiyaking alam ng lahat na tatawagan ang taong ito at ang
kanyang numero ng telepono.

76 
●● Itanong ang tungkol sa mga planong pang emergency sa paaral ng inyong anak.
Tiyakin na ang alam ng inyong anak ang gagawin sa pagkakataon ng isang emergency
at saan kayo ay maaaring magkikita o siya. Dapat alam ng inyong anak ang inyong
numero ng telepono at address.

Ano Ang Inyong Magagawa


Upang tulungan na panatilihing ligtas ang inyong paligid, alamin ang inyong mga kapitbahay.
Kausapin sila kung paano harapin ang isang emergency sa inyong lugar. Kung kayo ay
mayroong mga kapitbahay na may mga kapansanan, tingnan kung sila ay nangangailangan
ng tulong sa pagkakataon ng isang emergency.
Maraming mga purok na may Neighborhood Watch, na nagtuturo sa mga residente kung
paano tulungan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagtutukoy at pag-uulat ng
kahinahinalang mga aktibidad sa kanilang paligid Kung mayroong Neighborhood Watch sa inyong lugar, kayo ay maaaring
magboluntaryo para lumahok. Kung nais ninyong mag-umpisa ng isang Neighborhood Watch, tumawag sa inyong local police
department. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa [Link].
Tinutulungan ninyo ang inyong komunidad at bansa kung kayo ang tumutulong para sa iba na maging ligtas. Maaaring
higit pa kayong maging bahagi sa inyong komunidad sa pamamagitan ng local Citizen Corps Council. Para sa karagdagang
impormasyon, bumisita sa [Link].

First Aid
Alamin kung paano makatulong sa ilang mga sitwasyong emergency, katulad pag ang isang
tao ay dumudugo o nabubulunan. Ito ay tinatawag na first aid. Maaari ninyong makuha ang
first-aid training class sa pamamagitan ng inyong local na Red Cross. Tawagan ang inyong
local na tanggapan ng Red Cross o ang National Safety Council upang magtanong tungkol
sa mga pagtuturo sa inyong lugar. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.
[Link] or [Link]/learn/Safety-Training/Pages/[Link].
Itabi ang isang first-aid kit sa inyong tahanan, sa trabaho, at sa inyong sasakyan. Ang
first-aid kit ay may mga kagamitang magagamit ninyo para sa maliliit na mga sugat o
para sa pananakit, tulad ng mga bendahe, antiseptic, mga pamunas, gamot, instant ice
packs, at mga guwantes. Kayo ay makakabili ng first-aid kit sa inyong local na botika.

Poison Control
Maraming bagay sa inyong bahay ang nakakalason kung malulon ang mga ito. Maaaring
ito ay kabibilangan ng mga produktong panlinis, gamot, pintura, alcohol, mga
cosmetics, at gayun din mga halaman. Ilayo ang mga bagay na ito sa mga batang paslit.
Kung may nakalunok ng isang nakalalasong sangkap, tumawag kaagad sa Poison
Control Center sa 1-800-222-1222. Makakakuha kayo ng tulong 24 oras isang araw,
pitong araw sa isang linggo. Dalhin ninyo ang nakalalasong sangkap kung kayo ay
tatawag upang masabi ninyo sa operator kung ano ito. Kung kayo ay hindi nagsasalita
ng Ingles, sabihan ang operator para may tutulong sa inyo na tagapagsalin. Ang mga
tawag sa Poison Control Center ay kumpidensyal at libre.

77
Manatiling may Kaalaman
Ang Department of Homeland Security (DHS) ay kinikilala na lahat ay nagbabahagi
ng responsibilidad para sa kaligtasan ng bansa at dapat batid ang mga itinataas
ng mga panganib ng isang pag-atakeng terorismo sa Estados Unidos. Ang DHS ay
may isang sistema na tumutulong sa mga tao na maintindihan ang mga panganib
sa pag-atakeng terorismo o anumang ibang banta sa kaligtasan ng bansa. Ang
sistemang ito ay tinatawag na The National Terrorism Avisory System (NTAS).
Ang mga alerto sa NTAS ay ibinibigay kung mayroong mapagtitiwalaang
impormasyon na mayroong pagbabanta Ang dalawang uri ng mga alerto ay:
●● Alerto ng Napipintong Pagbabanta: Ang alertong ito ay nagbababala sa isang
mapagkatitiwalaan, tiyak, at bantang nagbabadya ng terorismo laban sa Estados
Unidos.
●● Pinaangat na Alerto ng Pagbabanta: Ang alertong ito ay pagbabala ng isang
mapagkakatiwalaang bantang terorismo laban sa Estados Unidos.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa [Link]/alerts.
Kung nais ninyong makatanggap ng mga mobile updates, bumisita sa
[Link]/NTASAlerts.
Ang pamahalaang U.S. ay maaring gamitin ang NTAS upang magbigay ng
impormasyon sa publiko sa kaganapan ng isang emergency. Ang Secretary of
Homeland Security ay maaring gamitin ang sistemang ito upang maibigay ang
agarang impormasyon sa publiko kung ang pag-atakeng terorismo ay nagaganap.
Ang Estado at pamahalaang local ay maaari ding gamitin ang NTAS upang maibigay
ang impormasyong pang-emergency sa publiko.

MGA DAPAT Kung ang terorista ay umatake, merong natural na kalamidad, o ibang emergency
TANDAAN
na pangyayari, pakinggan kung ano ang sinasabi ng local na awtoridad sa inyo na
inyong gagawin. Makinig sa radyo at telebisyon para sa mga panuntunan Tiyaking
mayroon kayong telebisyon o radyo sa bahay na gumagana sa pamamagitan ng
baterya kung sakaling pansamantalang mawalan ng elektrisidad sa inyong lugar.

78 
Ano Ang Inyong Magagawa
Ang DHS ay tumutulong sa bansa na matuto tungkol sa mga posibleng panganib upang ang mga residente ay maging handa
sa pagtugon sa loob ng isang pag-atakeng terorismo o natural na kalamidad. Ang DHS ang nagbibigay ng impormasyong
tutulong sa inyo na ang inyong pamilya, ang inyong tahanan, at ang inyong komunidad ay ligtas. Tumawag sa 1-800-BE-READY
o bumisita sa [Link].

Makakakuha kayo ng patnubay na may pamagat na Are You Ready? Isang In-Depth Guide to Citizen Preparedness ng, na
naglalaman ng mga kaalaman kung paano maging ligtas ang inyong pamilya, inyong bahay, at ang iyong komunidad. Maaari ninyong
kunin ang patnubay mula sa Federal Emergency Management Agency sa pagbibisita sa [Link]/are-you-ready-guide. Kayo ay
maaari ding kumuha ng mga materyales mula sa website ng DHS sa [Link]/publications.

Pagtugon sa isang Emergency


Emergency na Tulong sa Pamamagitan ng Telepono
Sa Estados Unidos, matatawagan ninyo ang 911 sa alinmang telepono para humingi
ng tulong kapag may emergency. Ang 911 ay ginagamit lamang sa mga pagkakataon
ng emergency. Turuan ang inyong pamilya tungkol sa kung paano at kailan dapat
ang hindi dapat tumawag sa 911. Ang mga halimbawa ay inilista sa ibaba.
Tawagan ang 911 para:
●● Ipagbigay-alam na may sunog;
●● Isumbong ang isang krimen na kasalukuyang
nangyayari;
●● Hiling para sa emergency na tulong medikal;
●● Pag-uulat tungkol sa tumatagas na gas; at
●● Isumbong ang mga kahinahinalang gawain, tulad
ng mga hiyaw, mga paghingi ng saklolo, o mga
putok ng baril.
Huwag tumawag sa 911 para:
●● Magtanong ng mga direksiyon;
●● Humingi ng impormasyon tungkol sa mga serbisyong pampubliko;
●● Magtanong kung nakakulong ang isang tao;
●● Ipagbigay-alam ang mga situwasyong hindi emergency;
●● Humingi ng impormasyon tungkol sa pagkontrol ng hayop;
●● Kumausap sa isang kagawad ng pulisya.

79
Tumawag sa 911 para lamang sa mga malulubha, mga banta sa buhay na
emergency lamang. Ang pagtawag sa 911 para sa hindi tamang dahilan ay maaaring
makahadlang na matulungan ang mga ibang taong nangangilangan ng tulong.
Kung kayo ay may katanungan para sa pulis, tawagan ang hindi pang emergency na
numero para sa departamento ng pulis na nakalista sa inyong phone book.
Anong Mangyayari Kapag Tumawag Ako sa 911?
●● Ang mga tawag sa 911 ay malimit na sinasagot sa
loob ng 12 segundo. Maaaring paghintayin kayo. Sa
oras na sumagot ang tagapamahala, pansamantala
wala kayong maririnig sa telepono nang mga ilang
segundo. Huwag ninyong ibababa ang telepono.
Hintayin ninyong magsalita ang tagapamahala.
●● Kung kayo ay hindi nagsasalita ng wikang Ingles,
sabihin ninyo sa tagapamahala ang wikang inyong
ginagamit sa pagsasalita. Isang tagapagsalin ag
dadating sa linya.
●● Ang tagapamahala ng 911 ay magtatanong sa inyo
ng mga katanungan upang malaman kung ano at
nasaan ang emergency. Manatiling kalmado at sagutin ang mga itinatanong
sa inyo. Sikapin ninyong manatili sa telepono na kausap ang tagapamahala
hanggang nasagot ninyo ang lahat ng mga katanungan.

Tagapagpatupad ng Batas sa Estados Unidos


Sa Estados Unidos, mayroong pederal, estado, at local na nagpapatupad ng batas para protektahan ang publiko. Sa
inyong komunidad, ang mga opisyal na nagpapatupad ng batas ay ang pulis o ang sheriff. Alamin ang numero ng telepono
sa himpilan ng pulis na pinakamalapit sa inyo at itabi ito sa may telepono. Tandaan ninyo na ang tungkulin ng pulis ay
protektahan kayo at ang inyong pamilya laban sa panganib. Huwag kayong matakot magsumbong ng isang krimen, lalo na
kapag kayo ang biktima. May mga kriminal na pinagsasamantalahan ang mga imigrante dahil sa akala nila ay hindi kayo
magsusumbong sa pulis. Kung kayo ay pahihintuin ng opisyal ng pulis:
●● Huwag kayong matakot.
●● Maging magalang at matulungin.
●● Sabihin ninyo sa pulis kung hindi kayo marunong magsalita ng Ingles.
●● Kung kayo ay nasa kotse, huwag kayong bababa ng kotse hanggang sinabi sa inyo ng pulis na kayo ay bumaba.
●● Panatilihing nakikita ng pulis kung saan ang inyong mga kamay. Huwag ninyong ipasok ang inyong mga kamay sa inyong
mga bulsa o sa ibang mga lugar sa loob ng kotse.

80 
Pagtulong sa Natural na Sakuna
Ang mga natural na sakuna ay maaaring tumama kahit
anong oras at kahit saan. Ang natural na sakuna ay
dumadating sa magkakaibang mga porma, tulad ng
buhawi, bagyo, pagbaha, o lindol. Sa kaganapang kayo
ay apektado ng isang natural na sakuna, ang daan sa
pagtulong sa nasakuna at pinagkukuhanan sa
[Link] sa pamamagitan ng
pagtawag sa 1-800-621-FEMA (3362) or
1-800-462-7585 (para sa may kapansanan sa
pandinig).

If You See Something, Say Something™


Hinihiling ng mga opisyal ng pamahalaang pederal
ang lahat ng mga taong naninirahan sa Estados Unidos na tumulong labanan ang
terorismo. Magkaroon ng kamalayan sa inyong kapaligiran, lalo na kapag kayo
ay nagbibiyahe sa mga pampublikong bus, tren at eroplano. Kung may makita
kayong naiwang bagay na kahina-hinala, tulad ng porpolyo, backpack, balutang-
papel, ipagbigay-alam ito kaagad sa pinakamalapit na pulis o iba pang awtoridad.
Huwag ninyong bubuksan o gagalawin ang bagay na ito. Para sa karagdagang
impormasyon, bumisita sa [Link].

81
82 
Kaalaman Tungkol sa Estados Unidos
Ang Estados Unidos ay isang kinatawan ng demokrasya, at ang mga mamamayan ay nagsisilbi ng isang
mahalagang tungkulin sa pamamahala ng bansa. Sa bahaging ito, matutunan ninyo kung paano ang mamamayan
humuhubog sa pamahalaan ng Estados Unidos, paano ang Estados Unidos natuklasan at lumaki, at paano
pinapatakbo ang aming pamahalaan.

 83
83
Kami ang mga Taong-Bayan: Ang
Tungkulin ng Mamamayan sa Estados
Unidos
Sa Estados Unidos, ang pamahalaan ay kinukuha ang kanyang kapangyarihang
mamahala mula sa mga tao. Mayroon tayong isang pamahalaan na mula sa tao, at
para sa taong-bayan. Ang mga mamamayan sa Estados Unidos ang humuhubog ng
kanilang pamahalaan at kanyang mga polisiya, kaya kailangan nilang malaman ang
mga mahalagang pampublikong isyu at dapat makisali sa kanilang mga komunidad.
Bumoboto ang mga mamamayan ng U.S. sa isang malayang halalan para piliin ang
mga mahalagang opisyal ng pamahalaan, tulad ng pangulo, pangalawang pangulo,
mga senador at mga kinatawan. Maaaring tawagan ng mga mamamayan ang
kanilang mga hinalal na opisyal para ipahayag ang kanilang opinyon, humingi ng
impormasyon, o magpatulong sa mga partikular na isyu.
Nababatay ang ating pamahalaan sa ilang mga importanteng kahalagahan: kalayaan,
oportunidad, pagkakapantay-pantay, at katarungan. Nagkakaisa ang mga Amerikano
sa mga kahalagahang ito, at ang mga kahalagahang ito ang nagbibigay sa atin ng
pagkakakilanlan bilang isang bansa.
Pinoprotektahan ng pamahalaan sa Estados Unidos ang mga karapatan ng bawat
tao. Ang Estados Unidos ay binubuo ng mga taong mula sa ibat-ibang karanasan,
kultura, at relihiyon. Isinaayos ng ating pamahalaan na ang mga batas ay isinaayos
upang ang lahat ng mga mamamayan mula sa magkakaibang karanasan at may
magkakaibang paniniwala ay may magkakatulad na mga karapatan. Walang
sino man ang napaparusahan o nasasaktan dahil sa pagkakaroon ng opinyon o
paniniwala na iba o salungat sa ibang mga tao.

Ng, Sa Pamamagitan, at Para sa mga Taong-Bayan: Ano ang Demokrasya?


Ang salitang ibig sabihin ng “demokrasya” ay “Pamahalaan sa pamamagitan ng mga taong-bayan.” Ang demokrasya ay
maaring may ibat-ibang anyo sa ibat-ibang bansa. Sa Estados Unidos, ang ating demokrasya ay ang tinatawag na kinatawang
demokrasya. Ang ibig sabihin nito ay ang taong-bayan ang pumipili ng mga opisyal ng pamahalaan bilang kinatawan para sa
kanilang mga pananaw at kapakanan.

84 
Paano Nagsimula ang Estados Unidos
Ang mga unang mananakop at mga dayuhan na
dumating sa Estados Unidos ay tumakas mula sa hindi
patas na pagtrato sa kanila, lalo na ang pag-uusig na
relihiyon, sa kanilang sariling mga bansa. Naghahanap
sila ng kalayaan at mga bagong oportunidad. Ngayon,
maraming tao ang pumupunta sa Estados Unidos dahil
rin sa parehong mga dahilan.
Bago ito naging isang hiwalay at malayang bansa,
ang Estados Unidos ay binuo ng 13 nasasakupan na
pinamahalaan ng bansang Great Britain. Ang mga tao
naninirahan sa nasasakupan ay walang nasabi kung
aling batas ang ipinasa o paano sila pinamahalaan. Lalo
nilang tinutulan ang pagbayad ng buwis na walang
pangangatawan. Ang ibig sabihin nito ay nagbabayad
ng buwis ang mga tao, pero wala silang karapatang
sabihin kung paano pinatatakbo ang kanilang
gobyerno.
Noon 1776, maraming tao ang naniniwala na ang
polisiyang ito ay hindi makatarungan at kailangan
nilang mamahala ng kanilang sarili. Naglabas ng
Declaration of Independence [Pahayag ng Pagsasarili] ang mga kinatawan ng
sinasakupan. Ipinahayag nito ang mahalagang dokumentong ito ng malaya at may
kasarinlan, at hindi na pinamumunuan ng Great Britain. Si Thomas Jefferson ang
sumulat ng Deklarasyon ng Kalayaan. Siya ang naging pangatlong pangulo ng
Estados Unidos.
Ang Deklarasyon ng Kalayaan ay pinagtibay noong Hulyo 4, 1776. Ang mga
Amerikano ay nagdiriwang sa ika-4 ng Hulyo bawat taon bilang Araw ng Kalayaan
dahil ito ang kaarawan ng ating bansa.
Kinailangang ipaglaban ng Estados Unidos ang kanyang kalayaan mula sa bansang
Great Britain sa Digmaang Rebolusyonaryo. Si Heneral George Washington ang
nanguna sa mga Sundalong Kontinental ng Rebolusyong Amerikano. Kilala siya
bilang “Ama ng Ating Bansa.” Kalaunan, siya ang naging unang pangulo ng Estados
Unidos.

85
Matapos nanalo ang mga mananakop sa digmaan, sila ay naging mga estado. Ang
bawat estado ay may sariling pamahalaan. Ang mga tao sa mga estadong ito ay
ginustong lumikha ng isang pamahalaang magbubuklod sa mga estado bilang isang
bansa. Sa kasalukuyan, ang pamahalaang sentral na ito, ang ating pamahalaang
pambayan, ay tinatawag na pamahalaang pederal. Ang Estados Unidos ngayon ay
binubuo na ng 50 estado, ang District of Columbia (isang natatanging lugar na
tahanan ng pamahalaang pederal); ang mga teritoryo ng Guam, American Samoa, at
ng U.S. Virgin Islands; at ang Commonwealths of the Northern Mariana Islands at
Puerto Rico.

Ang Estados Unidos at ang Orihinal na Labintatlong Nasasakupan

Itinatag ang labintatlong nasasakupan ayon sa pagkakasunod-sunod: Virginia, Massachusetts, Maryland, Connecticut, Rhode
Island, Delaware, New Hampshire, North Carolina, South Carolina, New Jersey, New York, Pennsylvania, at Georgia.

86 
“Ang Lahat ng Tao ay Nilikhang Pantay-pantay”
Kabisado ng maraming Amerikano ang mga salitang ito na mula sa Deklarasyon ng Kalayaan:

“Pinaninindigan naming ang katotohanang ito ay hindi na kailangang patunayan, na ang lahat ng tao ay nilikhang pantay-
pantay, na sila ay pinagkalooban ng Lumikha ng mga natatanging Karapatang di-maipagkakait, na kabilang sa mga ito ang
Buhay, Kalayaan at ang Paghahangad ng Kaligayahan.”

Ang ibig sabihin nito ay lahat ng tao ay ipinanganak na may mga pare-parehong pangunahing karapatan. Ang pamahalaan ay
hindi lumikha nitong mga karapatang ito, at walang pamahalaang makakabawi ng mga karapatang ito.

Paglilikha ng “Isang Mas Mahusay na


Kapisanan”
Sa maraming taon pagkatapos ng Rebolusyong Amerikano, sinubukan ng mga
estado ang ibat-ibang paraan sumali sa isang pamahalaang sentral, subalit ang
pamahalaang ito ay masyadong mahina. Noong 1787, ang mga kinatawan mula
sa mga estado ay nagtipon sa Philadelphia, Pennsylvania, para bumuo ng isang
bago, mas malakas na pamahalaang sentral. Ang pulong na ito ay ang tinawag na
Constitutional Convention. Pagkatapos ng maraming pagdidebate, ang mga pinuno
ng mga estado ay gumawa ng isang dokumentong inilalarawan itong bagong
pamahalaan. Ang dokumento ay tinawag na Konstitusyon ng Estados Unidos.
Ipinaliwanag ng Konstitusyon kung paano isasaayos ang bagong pamahalaan, kung
paano pipiliin ang mga opisyal ng pamahalaan, at kung anong mga karapatan ang
igagarantiya ng bagong pamahalaang sentral sa mga mamamayan. Ngayon, ang
Konstitusyon ay nananatiling isa sa pinakamahalagang mga dokumento sa kasaysayan ng
Amerika.

Ang Watawat ng Estados Unidos


Ang watawat ng Estados Unidos ay binago sa paglipas ng ating kasaysayan. Ngayon ay
mayroon na itong 13 stripes na kumakatawan sa orihinal na 13 sinasakupan ng America.
Mayroon itong 50 bituin, isa para sa bawat estado. Ang pambansang awit ng Estados Unidos,
na tinatawag na “The Star-Spangled Banner” ay isinulat tungkol sa ating watawat. Ang watawat
ay tinatawag ding “Old Glory” o “Stars and Stripes.”

87
Ang mga miyembro ng
Constitutional Convention ay
lumagda sa Konstitusyon noong
Setrembre 17, 1787, at pagkatapos
ay dapat itong pagtibayin ng 13
na mga estado. Sa palagay ng
mga ilang tao ay hindi sapat ang
ginawang Konstitusyon para
protektahan ang mga karapatan
ng bawat tao. Ang estado ay
pinayagang pagtibayin ang
Konstitusyon kung ang isang
listahan ng bawat karapatan ay
idadagdag dito. Pinagtibay ng
estado ang Konstitusyon noong
1788 at ito ay nauwing epektibo
noong 1789. Ang mga pagbabago
sa Konstitusyon ay tinatawag na
mga susog. Ang unang 10 na mga
susog sa Konstitusyon ay idinagdag noong 1791. Ang 10 na mga susog ay inilista
ang bawat karapatan. Tinawag ang mga ito na Bill of Rights.
Ang Estados Unidos ay isang bansang pinamamahalaan ng mga batas. Binabatay
sa mga batas na ito ang mga desisyon ng mga opisyal ng pamahalaan. Kinikilala
ang Konstitusyon bilang ang kataas-taasang batas ng bansa dahil ang bawat
mamamayan, kabilang ang lahat ng opisyal ng pamahalaan, at ang bawat bagong
batas ay kailangang ipagtanggol ang kanilang mga prinsipyo. Ginagamit ang mga
batas ng pantay-pantay sa lahat. Limitado ang mga kapangyarihan ng pamahalaang
pederal. Ang mga kapangyarihang hindi ipinagkaloob ng deretso sa pamahalaang
pederal ng Konstitusyon ay hinahawakan ng mga estado.

“Kaming mga Taong-Bayan”


“Kaming mga Taong-Bayan” ang unang tatlong salita sa Konstitusyon ng Estados Unidos. Nag-uumpisa ang Kontitusyon sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag kung bakit ito sinulat at kung ano ang nais nitong tuparin. Ang seksyong ito ay tinatawag na
preamble. Ang preamble sa Konstitusyon ay nagsasabing:

“Kami, ang Taong-Bayan ng Estados Unidos, Upang humubog ng isang mas ganap na Bansa, magtatag ng Katarungan, tiyakin
ang Kapanatagan sa bansa, magkaloob para sa karaniwang depensa, magtaguyod ng pangkalahatang Kapakanan, at tiyakin
ang mga Biyaya ng Kalayaan sa aming mga sarili at ang aming Salinlahi, nagtatalaga at magtatag nitong Konstitusyon para sa
Estados Unidos ng Amerika.”

88 
Ang Bill of Rights: Ang Unang 10 mga Susog
Ginawa ang mga unang pagbabago sa Konstitusyon para protektahan ang bawat
mamamayan at takdaan ang kapangyarihan ng pamahalaan. Nakalista sa Bill of Rights
ang mga mahahalagang kalayaang pinangako sa mga Amerikano. Kabilang sa ilang
mga karapatan ay:
●● Kalayaan sa pagsasalita: Kayo ay malayang mag-isip at magsalita hangga't
gusto ninyo.
●● Kalayaan sa pananampalataya: Kayo ay malayang isagawa ang alinmang
relihiyon o hindi pagsasagawa ng isang relihiyon.
●● Kalayaan ng paglalathala: Ang pamahalaan ay hindi pwedeng
makapagpasya kung ano ang nakasulat o iniulat sa media.
●● Kalayaran sa Pangangalap o Pagtitipon sa mga Pampublikong Lugar:
Kayo ay malayang magpulong pulong kasama ang iba pang tao sa isang
mapayapang paraan.
●● Kalayaang para Tumutol sa mga Ginagawang Pagkilos ng Pamahalaan at
Humihiling ng Pagbabaho: Kayo ay malaya upang hamunin ang pagkilos
ng pamahalaan na hindi niyo sinasang-ayunan.
Sa karamihang mga kaso, ang Bill of Rights ay pumuprotekta sa inyong karapatang
humawak ng armas. Ang Bill of Rights ay gumagarantiya din ng naaangkop na
pagpapalakad Ang naaangkop na pagpapalakad ay isang tiyak na pamamaraang
legal na dapat sundin kung kayo ay inakusahan ng isang krimen. Ang mga opisyal
ng pulis at mga sundalo ay hindi maaring pahintuin at kapkapan ang isang tao na
walang pahintulot mula sa isang korte. Kung kayo ay inakusahan ng isang krimen,
kayo ay ginagarantiyahan ng matulin na hustisya sa isang huradong binubuo ng
mga taong kagaya sa inyo. Ginagarantiyang bibigyan kayo ng legal na kinatawan at
maaring tumawag ng saksi para tumistigo para sa inyo. Kayo ay protektado din mula
sa pagmamalupit at hindi karaniwang mga pagpaparusa

Pagbabago ng Constitution
Ang Konstitusyon ng Estados Unidos ay tinatawag na isang “living document” dahil ang mga Amerikano, sa pamamagitan
ng kanilang mga kinatawang pang-estado at pambansa, ay maaaring baguhin ito kapag kinakailangan. Ang mga pagbabago
ay tinatawag na mga susog. Ito ay isang mahaba at mahirap na proceso na baguhin ang Konstitusyon, at ito ay sinusugan
lamang ng 27 beses. Maliban sa Bill of Rights, ang ilang mga mahalagang susog ay ang Ikalabintatlo, na ipinagbabawal ang
pang-aalipin; at ang Ikalabing-apat, na ginagarantiya ang pantay-pantay na proteksiyon ng batas sa lahat ng mamamayan.

89
Paano Gumagana ang Pamahalaang
Pederal
Ang orihinal na 13 nasasakupan ay napailalim noon sa ganap na kapangyarihan ng
hari ng bansang Great Britain. Sa kanilang bagong pamahalaang sentral, gustong
iwasan ng mga Amerikano na mapunta ang lahat ng kapangyarihan sa isang
opisyal ng pamahalaan o katungkulan sa pamahalaan. Lumikha ang Konstitusyon
ng tatlong sangay para sa pamahalaang pederal, para balanse ang kapangyarihan.
May mga magkakahiwalay na tungkulin ang tatlong sangay. Ito ay tinatawag
nating sistema ng nagsusuri at nagtitimbang. Nangangahulugan ito na wala ni isang
sangay ng pamahalaan ang maaring maging masyadong malakas dahil ito ay
binabalansebalanse sa pamamagitan ng iba pang dalawang mga sangay.

Ang Pamahalaang Pederal


Ang tatlong sangay ng pamahalaang pederal ay:

Ang Lehislatibong Sangay Ang Ehekutibong Sangay Ang Sangay Panghukuman


ng kongreso ng Estados Unidos at tang pangulo, pangalawang pangulo, ang Korte Suprema ng Estados Unidos
kanilang mga tanggapan at mga kagawaran ng pamahalaang at mga korte ng pederal sa lahat ng
pederal dako ng bansa

90 
Ang Lehislatibong Sangay: Kongreso
Ang mga mamamayan ng Estados Unidos ay bumoboto sa isang malayang halalan
para pumili ng mga taong kakatawan sa kanila sa Kongreso ng Estados Unidos.
Tungkulin ng Kongreso ang gumawa ng mga batas para sa ating bansa. Ang
Kongreso ay binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng Senado.

Ang mga Kinatawan ng Estados Unidos


Bumoboto ang mga mamamayan ng bawat estado para pumili ng mga miyembro
ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Mayroong 435 na miyembro ang Kapulungan
ng mga Kinatawan na binansagang “the House.” Ang bilang ng mga kinatawan
para sa bawat estado ay binabatay kung ilang tao ang ninirahan sa estadong iyan.
Ang mga estado ay hinahati sa mga distrito. Binoboto ng mga taong naninirahan
sa bawat distrito ang kanilang kinatawan sa Kapulungan. Ang bawat kinatawan ay
manunungkulan ng dalawang taon, tapos may panibagong pagkakataon na naman
ang mga mamamayan para sila ay iboto o ang ibang taong kakatawan sa kanila.
Walang takdang panahon ang panunungkulan sa Kongreso ng mga Kinatawan.
Mayroong limang mga karagdagang delegado
sa Kapulungan; Ang mag ito ay District of
Columbia, ang Commonwealth of the Mariana
Islands, at ang mga teritoryo ng Guam,
American Samoa, at U.S. Virgin Islands.
Ang isang residenteng komisyonado ang
kumakatawan sa Puerto Rico.
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ang
gumagawa ng mga batas, at mayroong ilang
mga natatanging tungkulin. Ang Kapulungan
ng mga Kinatawan lamang ang maaaring:
●● Magpasok ng mga batas na nauukol sa mga
buwis.
●● Magdesisyon kung ang isang opisyal ng pamahalaan na pinaratangan ng krimen
laban sa bansa ay dapat dalhin sa isang paglilitis sa Senado. Tinatawag itong
“impeachment.”

91
Ang Senado ng Estados Unidos
Mayroong 100 na mga senador sa Senado ng Estados Unidos. Bumoboto ang
mga mamamayan sa bawat estado ng dalawang Senador na kakatawan sa kanila sa
Kongreso. Ang mga Senador ay nanunungkulan ng anim na taon, at pagkatapos
ang mga tao ay may panibagong pagkakataon na muling ihalal yaong mga senador
o upang bumoto para sa ibang taong kakatawan sa kanila. Ang mga senador ay
maaaring manungkulan sa Kongreso sa habang panahon. Ang mga senador ang
gumagawa ng mga batas, ngunit sila din ay may natatanging mga tungkulin.
Ang Senado lamang ang:
●● Magsabi ng oo o hindi sa anumang mga kasunduan ng Pangulo sa mga ibang
bansa o sa mga organisasyon ng mga bansa. Ang mga ito ay tinatawag na treaties.
●● Ipagtibay man o hindi ang mga napili ng Pangulo para sa mga nakatataas na
tungkulin, tulad ng mga mahistrado ng Korte Suprema o mga opisyal para
mamahala ng mga kagawarang pederal, tulad ng Kagawaran ng Edukasyon o ang
Kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao.
●● Magsagawa ng paglilitis para sa isang opisyal ng pamahalaan na na-impeach ng
Kapulungan ng mga Kinatawan.

Ang mga Opisyal ng Pamahalaang Naglilingkod sa mga Tao


Sa Estados Unidos, lahat ng tao ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang mga inihalal na kinatawan at mga senador.
Bisitahin ang [Link] o [Link] upang makilala ang inyong kinatawan o senador. Maaari ninyong tawagan
ang 202-224-3121 at hilinging ikonekta kayo sa tanggapan ng inyong kinatawan o senador. Ito ay hindi isang libreng tawag.
Maaari kayong sumulat sa inyong kinatawan o senador para magtanong o upang ibigay ang inyong opinyon tungkol sa batas at
ang pederal na pamahalaan, o kung mayroon kayong suliranin at pangangailangan ang tulong ng mga benepisyong pederal.

Para sulatan ang inyong Kinatawan: Para sumulat sa inyong senador:

Kagalang-galang na (isulat ang buong pangalan ng Kinatawan) Kagalang-galang na (isulat ang buong pangalan ng Senador)
Opisina ng mga Kinatawan ng Estados Unidos United States Senate
Washington, DC 20515 Washington, DC 20510

Maaari ninyong bisitahin ang mga website ng Kongreso upang matuto ng higit pa tungkol sa kasalukuyang mga aktibidad sa
Kapulungan ng Senado at ang tungkol sa inyong kinakatawan, kabilang ang kanilang mga address ng website.
●● Para sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, ang [Link].
●● Para sa Senado, bumisita sa [Link].

92 
Ano Ang Inyong Magagawa
Matuto tungkol sa inyong kinatawan at mga senador at kung ano ang kanilang ginagawa upang kakatawanin kayo sa kongreso.
Ito ay inyong magagawa sa pamamagitan ng paghahanap ng mga kuwento tungkol sa mga ito sa inyong lokal na pahayagan
at pagbisita sa kanilang mga website. Lahat ng mga senador at mga kinatawan ay may lokal na mga tanggapan sa kanilang
sinasakupang mga komunidad. Maaari ninyo itong mahanap na nakalista sa phone book o sa pamamagitan ng paghahanap
sa kanila sa pangalan sa Internet. Kung kayo ay pupunta sa Washington, DC, puwede kayong mamasyal ng walang bayad sa
Kapitolyo ng Estados Unidos, kung saan nagtratrabaho ang mga Kinatawan.

Ang Ehekutibong Sangay: Ang Pangulo


Ang Pangulo ang namumuno sa sangay ng ehekutibo at sya ang responsable upang
panindigan at ipatupad ang mga batas ng bansa. Ang Pangulo ay may maraming
iba pang mga tungkulin, tulad ng pagtatakda ng mga pambansang polisiya,
pagmumungkahi ng mga batas sa Kongreso, at pagpipili ng mga nakatataas na
opisyal at mga miyembro ng Korte Suprema. Ang pangulo ay pinuno din ng militar
ng Estados Unidos at tinatawag itong punong komandante.
Ang mga tao ay bumuboto sa mga halalan para sa pangulo at pangalawang pangulo
tuwing apat na taon. Ang pangulo ay manunungkulan sa tanggapan sa loob ng
terminong dalawang apatang-taon. Ang pangalawang pangulo ay nagiging pangulo
kung ang pangulo ay namatay, nagbitiw, o hindi na makapagtrabaho.
Kayo ay maaaring matuto tungkol sa pangulo sa pamamagitan ng pagbisita sa
website para sa White House at sa bahay at opisina ng pangulo
[Link].

Ang Sangay Panghukuman: Ang Korte


Suprema
Ang Konstitusyon ang lumikha sa Korte Suprema, ang pinakamataas na hukuman
sa Estados Unidos. Mayroong siyam na hukom sa Korte Suprema. Tinatawag silang
mga mahistrado. Pangulo ang pumipili ng mga mahistrado sa Korte Suprema, at
maaari silang manungkulan hanggang kaya nila. Maaring hindi sang-ayunan ng Korte
Suprema ang mga batas ng estado at mga batas pederal kung ipawalang-saysay ng
mga ito ang Konstitusyon. [Link] ding ibang mga korte sa pederal, tulad ng Mga
Korte sa Distrito ng Estados Unidos Mga Korte Sirkito ng mga Pag-aapila ng Estados
Unidos.
Upang matutunan pa ng higit ang Korte Suprema ng Estados Unidos, bumisita sa
[Link].

93
Estado at Pamahalaang Lokal
Bilang karagdagan para sa pamahalaang pederal, ang bawat estado ay may sariling
konstitusyon at sariling pamahalaan. Ang bawat estado ay mayroon ding tatlong
sangay: lehislatibo, ehekutibo, at hudikatura.
Ang namumuno sa sangay ehekutibo ng estado ay tinatawag na gobernador. Ang
mga mamamayan ng bawat estado ay bumuboto sa halalan para pumili ng kanilang
gobernador at ng kanilang mga kinatawan sa batasan ng estado. Ang batasan ng
estado ang gumagawa ng mga batas na naaangkop sa bawat estado. Ang mga batas
na ito ay hindi maaaring sumalungat sa Konstitusyon ng Estados unidos. Bawat
hudikaturang sangay ng estado ay maninindigan sa mga batas ng estadon iyon.
Ang bawat estado ay mayroon ding mga pamahalaang
lokal. Mayroong mga lungsod o mga pamahalaang
probinsya ang bawat estado, o minsan ay nama’y
parehas na meron nito. Nagkakaloob at namamahala sila
ng maraming mga serbisyo sa inyong komunidad,
tulad ng mga paaralang pampubliko at mga aklatan,
mga departamento ng pulis at ng bombero, patubig,
gas at elektrisidad na mga serbisyo. Ang mga nasa lokal
na komunidad ay karaniwang bumubuto para sa mga
opisyal ng lokal na pamahalaan, ngunit may iilang
mga lokal na opisyal ang hinihirang. May ibat-ibang
uri ng pamahalaang panglokal. Ang ilan sa mga ito ay
pinamumunuan ng isang alkalde bilang kanilang pinuno;
ang iba ay may lungsod o sangguniang panlalawigan. Ang mga lokal na komunidad
ay mayroon ring mga sangguniang pampaaralan, mga grupo ng mamamayan na
inihalal o hinirang para mangasiwa sa mga paaralang pampubliko.

Ang mga Magagawa Ninyo


Maraming mga pagpupulong ng lokal na pamahalaan na bukas publiko at ang mga ito'y isinasagawa sa gabi upang kahit
sino ay maaaring dumalo. Halimbawa, maaari kayong pumunta sa pulong ng sangguniang panlungsod o pagpupulong ng
pampaaralang lupon upang matutunan ng higit pa ang tungkol sa nangyayari sa inyong komunidad. Ang mga pagkakataon ng
pagpupulong at mga lokasyon ay madalas inililista sa lokal na pahayagan o sa website ng lokal na pamahalaan. Ilan sa mga
pulong ng lokal na pamahalaan ay naka-broadcast sa isang lokal na cable channel sa telebisyon.

94 
Danasin ang Estados Unidos
Maaari ninyong matutunan ng higit pa ang tungkol sa Estados Unidos sa
pamamagitan ng pagbisita sa mga pambansa nating liwasan, kung saan ay isinali
ang ilan sa pinaka nakamamangha at makasaysayang mga lugar ng ating bansa.
Maaari ninyong maranasan ang inyong Amerika
sa mga pambansang liwasan tulad ng:
●● Yellowstone National Park, kasama ang
pinakamalaking pagkolekta ng geysers
sa buong daigdig, kabilang ang ating
Matandang Pananampalataya.
●● Ang Independence National Historical Park,
tahanan ng Bulwagan ng Kalayaan at Liberty
Bell.
●● Ang Mammoth Cave National Park, na
naglalaman ng pinaka mahabang sistemang
yungib sa buong daigdig.
●● Ang Denali National Park and Preserve,
tahanan ng pinakamatayog sa hilagang
Amerika, ang Mount McKinley.
Ang National Park System ay kinabibilangan ng higit pang 400 na pambansang
monumento, makasaysayang mga lugar, mga dalampasigan at higit pa. Ang mga
pambansang liwasan ay natatagpuan sa bawat estado, ang Distrito ng Columbia, at
ang limang teritoryo ng U.S.
Upang matutunan at iba pa ang tungkol sa mga pambansang liwasan, bumisita sa
website ng National Park Service sa [Link].

95
96 
Pagiging isang Mamamayan ng
Estados Unidos
Ang pagiging isang mamamayan ng Estados Unidos ay magbibigay sa mga permanenteng residente ng mga
bagong karapatan at pribilehiyo. Ang pagkamamamayan ang magbibigay din ng mga bagong responsibilidad.
Ang seksyon na ito ay tumatalakay sa mga dahilan upang isaalang-alang ang maging mamamayang ng Estados
Unidos at inilalarawan kung ano ang mga kailangan ninyong gawin upang maging mamamayan.

 97
97
Bakit Magandang Maging Isang
Mamamayan ng Estados Unidos?
Upang maging isang mamamayan, kailangan ay handang:
●● Sumumpa ng inyong katapatan sa Estados Unidos;
●● Isuko ang inyong katapatan sa anumang ibang bansa; at
●● Suportahan at ipagtanggol ang Estados Unidos at ang kanyang Konstitusyon.

Kapag kayo ay naging isang mamamayan, tinatanggap ninyo ang lahat ng mga tungkulin
ng pagiging isang Amerikano. Bilang kapalit, tatamuhin ninyo ang mga karapatan at
pribilehiyo ng pagiging mamamayan. Tinatamasa ng mga permanenteng residente ang
karamihan sa mga karapatan ng mga mamamayan ng Estados Unidos, ngunit mayroong
maraming mga mahahalagang dahilan upang isaalang-alang ang pagiging isang
mamamayan ng Estados Unidos, tulad ng:
●● Pagboto: Mga mamamayan lamang ang maaaring
bumoto sa mga pederal na halalan. Kalimitan sa
mga estado, ang mga mamamayan lamang ng
Estados Unidos ang pinapayagang bumoto sa mga
halalan.
●● Paglilingkod Bilang Isang Tagahatol: Mga
mamamayan lamang ng Estados Unidos ang
maaaring maglingkod na tagahatol sa pederal.
Kalimitan sa mga estado, ang mga mamamayan
lamang ng Estados Unidos ay pinapayagan
upang maglingkod bilang isang tagahatol. Ang
paglilingkod bilang isang tagahatol ay mahalagang
responsibilidad para sa mga mamamayan ng
Estados Unidos.
●● Paglalakbay na may Estados Unidos na Pasaporte: Ang isang pasaporte ng Estados
Unidos ay pinahihintulutan ang mga mamamayan ng Estados Unidos na humingi
ng tulong mula sa pamahalaan ng Estados Unidos kung nasa ibayong-dagat, kung
kinakailangan.
●● Pagdadala ng nga Miyembro ng Pamilya sa Estados Unidos: Sa pangkalahatan,
ang mga mamamayan ng Estados Unidos ay nakakakuha ng prayoridad kapag
pinipetisyon na dalhin ang mga miyembro ng pamilya ng permanente sa bansang
ito.

98 
●● Pagkamit ng Pagkamamamayan para sa mga Bata na
Ipinanganak sa Labas ng Bansa: Sa karamihang mga kaso,
ang isang bata na ipinanganak sa labas ng bansa ng isang
mamamayan ay kaagad magiging mamamayan ng
Estados Unidos.
●● Pagiging Karapat-dapat para sa Federal na
mga Trabaho: Ang ilang mga trabaho sa mga
ahensiya ng pamahalaan ay nangangailangan ng
pagkamamamayan ng Estados Unidos.
●● Pagiging isang inihalal na opisyal: Mga
mamamayan lamang ang maaaring kumandidato
para sa pederal na tanggapan at para sa kalimitang
estado at mga lokal na tanggapan.
●● Pagpapanatili ng Inyong Paninirahan: Ang isang isang
karapatan ng mamamayan ng Estados Unidos na manatili sa
Estados Unidos ay hindi maaaring ipagkait.
●● Pagiging Karapat-dapat para sa mga Gawad Pederal at mga Scholarship:
Karamihan sa mga gawad pananaliping tulong, kabilang na ang mga scholarship
sa kolehiyo at mga pondo na binibigay ng pamahalaan para sa mga tukoy na
layunin, ang makaukuha lamang ng mga mamamayan ng Estados Unidos.
●● Makatanggap ng Benepisyo mula sa Pamahalaan: Ang ilan sa mga benepisyo
ng pamahalaan ay makukuha lamang ng mga mamamayan ng Estados Unidos.

Pagkuha ng Impormasyon sa Naturalisasyon


Ang mga tao na 18 taong gulang o mas matanda pa na nais maging mamamayan ay kailangang kumuha ng Form M-476,
Ang Patnubay sa Naturalisasyon. Ang patnubay ay may mahalagang impormasyon ukol sa mga kinakailangan para sa
naturalisasyon. Inilalarawan din ng mga form na kailangan ninyo upang umpisahin sa proseso ng naturalisasyon.

Upang makita kung kayo ay karapat-dapat na mag-apply para sa naturalisasyon, bumisita sa Citizenship Resource Center
sa [Link]/citizenship. Gumamit ng Form N-400, Aplikasyon Para sa Naturalisasyon, upang mag-apply para sa
naturalisasyon. My bayad ang paghain ng Form N-400. Upang suriin ang bayad para sa paghahain ng Form N-400 o alinmang
form ng USCIS, bumisita sa visit [Link]/fees.

Upang makakuha ng Form M-476 at N-400, tumawag sa USCIS Forms Line sa 1-800-870-3676 o kunin ang mga ito mula sa
[Link].

Para sa karagdagang natatanging impormasyon tungkol sa mga polisiya ng USCIS at mga kinakailangan at pagiging karapat-
dapat sa naturalisasyon, repasohin ang USCIS Policy Manual sa [Link]/policymanual. Ang Patakaran ng Polisiya ay
sentralisado sa online repository para sa pang-imigrasyong mga polisiya ng USCIS.

99
Naturalisasyon: Pagiging isang
Mamamayan ng Estados Unidos
Ang proseso ng pagiging mamamayan ng Estados Unidos ay tinatawag na
naturalisasyon. Sa pangkalahatan, maaari kayong mag-appy para sa naturalisasyon
kapag nakamit na ninyo ang mga sumusunod na kakailanganin.

Mga Kinakailangan Para sa Naturalisasyon


1. Patuloy na paninirahan: Tumira sa Estados Unidos bilang isang permanenteng
residente sa isang tiyak na tagal ng panahon.
2. Pisikal na pamamalagi: Ipakita na kayo ay pisikal na naroroon sa Estados Unidos
sa isang tiyak na tagal ng panahon.
3. Panahong nasa estado o distrito ng USCIS: Ipakita na kayo ay tumira sa inyong
estado o sa distrito ng USCIS sa isang tiyak na bilang ng panahon.
4. Mabuting moral na pag-uugali: Ipakit na kayo nagpakabait sa isang legal at
katanggap-tanggap na paraan.
5. Ingles at sibika: Alamin ang pangunahing Ingles at mga impormasyon tungkol sa
kasaysayan ng Estados Unidos at pamahalaan.
6. Katapatan sa Konstitusyon Nauunawaan at tanggap ang mga prinsipyo ng
Konstitusyon ng Estados Unidos.

Kayo ay maaring kwalipikado para sa ilang mga pagbubukod at pagbabago kung:


●● Kayo ay isang mamamayan ng Estados Unidos;
●● Kayo ay nagtatrabaho sa ibang bansa sa isang kwalipikadong kategorya;
●● Kayo ay may kwalipikadong panunungkulan sa militar; o
●● Kayo ay asawa, anak, o magulang ng ilang mga mamamayan ng Estados Unidos.
Konsultahin ang Form M-476, Isang Patnubay sa Naturalisasyon, para sa
karagdangang impormasyon, at ang [Link]/natzguide. Sakaling gusto
rin ninyong kumonsulta sa isang abogadong pang-imigrasyon o iba pang
kuwalipikadong abogado o BIA-na kinikilalang kinatawan. Para sa karagdagang
impormasyon pumunta sa pahina 21.

100 
1. Patuloy na Paninirahan
Ang patuloy na paninirahan ay nangangahulugang dapat kayong manirahan sa Estados
Unidos bilang isang permanenteng residente sa isang tiyak na tagal ng panahon.
Karamihan sa mga tao ay dapat naging permanenteng residente na may patuloy na
paninirahan sa limang taon (o tatlong taon kung kasal sa isang mamamayan ng Estados
Unidos) bago sila makapagsimula ng pagpuproseso ng naturalisasyon.
Ang petsa na kayo ay naging permanenteng residente (kadalasan ang petsa ng inyong
Permanent Resident Card) ang petsa na mag-uumpisa ang limang taon. Kung iniwan
ninyo ang Estados Unidos sa isang mahabang panahon, karaniwan ay anim na buwan
o higit pa, maaari mong nahati ang inyong patuloy na paninirahan.
Kung kayo ay umalis sa Estados Unidos ng isang taon o mas matagal, maaari kayong
makabalik kung mayroon kayong pahintulot para sa muling pagpasok. Dapat kayong
mag-aplay para sa pahintulot ng muling pagpasok bago kayo umalis ng Estados
Unidos. Tingnan ang pahina 17 para sa impormasyon kung paano mag-aapply para
sa pahintulot ng muling pagpasok. Sa karamihang mga kaso, wala sa mga panahon na
kayo ay nasa Estados Unidos bago ang pag-alis ninyo sa bansa ang bibilangin patungo
sa inyong panahon ng patuloy na paninirahan. Ang ibig sabihin nito ay kailangan
ninyong magsimulang muli sa patuloy na paninirahan matapos kayong bumalik mula
sa Estados Unidos, at kayo ay maaaring maghintay hanggang apat na taon at isang araw
bago kayo makapag-apply para sa naturalisasyon.
Bilang karagdagan, kung kayo ay aalis sa Estados Unidos para sa natatanging layunin
na magtrabaho, kayo ay kailangang maghain ng Form N-470, Application to Preserve
Residence for Naturalization Purposes, upang mapangalagaan ang inyong estado bilang
isang permanenteng residente upang maipagpatuloy ang naturalisayon.
Magkaroon ng kamalayan na ang mga pagliliban sa Estados Unidos habang ang inyong
aplikasyon para sa naturalisasyon ay nakabinbin ay magiging sanhi ng mga problema
sa inyong pagiging karapat-dapat, lalo na kung tatanggapin ninyo ang trabaho sa ibang
bansa.

ANG PAGPAPANATILI NG PATULOY NA PANINIRAHAN BILANG ISANG PERMANENTENG RESIDENTE


Kung iwanan ninyo
Ang iyong katayuan sa
ang Estados Unidos Upang panatilihin ang inyong estado kayo ay dapat na:
paninirahan ay:
para sa:
Patunayan na patuloy ang inyong paninirahan, pagtatrabaho, at/o may
Mahigit
Marahil putul-putol kaugnayan sa Estados Unidos (halimbawa, bayaran ang mga buwis) habang
anim na buwan
kayo ay malayo.

Sa karamihang kaso, kailangan ninyong umpisahang muli ang inyong


patuloy na paninirahan. Mag-apply ng pahintulot para sa muling pagpasok
Mahigit isang taon Naputol kung balak ninyong bumalik sa Estados Unidos bilang isang pirmihang
naninirahan. Maaari din kayong mangailangang maghain ng Form N-470,
Paninirahan para sa Mga Layuning Naturalisasyon.

101
Pagpapanatili sa Inyong Paninirahan para sa Mga Layuning Naturalisasyon: Mga Hindi
Sinasaklaw para sa Isang-Taong Pagliliban
Kung kayo ay nagtatrabaho para sa pamahalaan ng Estados Unidos, isang kinikilalang institusyon sa pananaliksik, o isang
korporasyong ng Estados Unidos, o kayo ay isang miyembro ng ministrong naninilbihan sa ibayong-dagat, maaari ninyong
panatilihin ang patuloy na paninirahan kung kayo ay:

1. Naging pisikal na kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos ng hindi lumalayo sa loob ing isang taon matapos maging
isang permanenteng residente.

2. Magsumite ng Form N-470, Aplikasyon para Panatilihin ang Paninirahan para sa Mga Layuning Naturalisasyon, bago kayo
lumabas ng Estados Unidos nang isang taon. Mayroon kayong babayaran sa paghahain ng Form N-470. Para masuri ang
babayaran sa paghain ng Form N-470 o anumang form ng USCIS, bumisita sa [Link]/fees.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa USCIS Forms Line sa 1-800-870-3676 at humingi ng Form N-470.
Maaari rin kayong kumuha ng form sa website ng USCIS sa [Link].

MGA DAPAT Ang pahintulot para sa muling pagpasok (Form I-131, Application for Travel Document)
TANDAAN at ang Form N-470 ay Aplikasyon para Panatilihin ang Paninirahan para sa Mga
Layuning Naturalisasyon, ay magkaiba. Maaari ninyong ipakita ang isang pahintulot sa
muling pagpasok sa halip na inyong Permanent Resident Card (kung kayo ay umalis
ng kulang-kulang 12 buwan) o sa halip na isang visa (kung kayo ay umalis ng mahigit
12 buwan) ang inyong ipakita kung nais ninyong bumalik muli sa Estados Unidos
pagkatapos ng pansamantalang pagliban. Ngunit, kung kayo ay umaasang mag-apply
para sa naturalisasyon at kayo ay lumiban ng mahigit sa 12 buwan, kayo ay kailangan
ding maghain ng Form N-470 upang mapanatili ang inyong layunin para sa naturalisasyon.

Hindi Pagsasaklaw para sa Tauhan ng Militar


Kung kayo ay nasa aktibong tungkulin na estado o tinanggal mula sa sandatahang lakas ng Estados Unidos, ang patuloy
na paninirahan at pisikal na pagpapakita ay maaaring hindi nalalapat sa inyo. Maaari ninyong mahagilap ang impormasyon
sa pamamagitan ng Form M-599, Naturalization Information Personnel Ang bawat base militar ay dapat mayroong point-of-
contact upang mahawakan ang pag-aapply ng naturalisasyon at isang sertipikadong Form N-426, Request for Certification of
Military o Naval Service. Dapat ninyong isumite ang Form N-426 kasama ang inyong mga forms ng aplikasyon. Upang makuha
ang mga forms na inyong kailangan, tumawag sa USCIS Military Help Line sa 1-877-CIS-4MIL (1-877-247-4645). Maaari
ninyong matagpuan ang higit pang impormasyon sa [Link]/military o sa pamamagitan ng pagtawag sa Customer
Service sa 1-800-375-5283.

102 
2. Pisikal na Pagpapakita
Ang pisikal na pagpapakita ay nangangahulugan na kayo ay talagang nasa Estados
Unidos. Kung kayo ay isang permanenteng residente, kayo ay dapat pisikal na
nakikita sa Estados Unidos para sa pinakamaiksing 30 buwan sa loob ng nakalipas
na huling limang taon o 18 buwan sa loob ng huling tatlong taon, kung
kasal sa isang mamamayan ng Estados Unidos na bago kayo mag-apply para sa
naturalisasyon.

Ang Pagkakaiba sa pagitan ng Pisikal na Pagpapakita at Patuloy na Paninirahan


Ang pisikal na pagpapakita ay ang kabuuang mga araw na kayo ay nasa loob ng Estados Unidos at hindi kasali ang inyong
panahong ginugol sa labas ng Estados Unidos. Ang bawat araw na ginugugol ninyo sa labas ng Estados Unidos ay naglalayo
sa inyo mula sa pisikal na pagpapakita ng lubos. Kung kayo ay nasa labas ng Estados Unidos sa isang mahabang panahon
o kung kayo ay may ginawang maraming maiiksing pagbiyahe sa labas ng bansa, maaaring hindi ninyo nakamit ang mga
kinakailangang pisikal na pagpapakita. Upang bilangin ang oras ng inyong pisikal na pagpapakita, nararapat na pagsamahin
lahat ng panahon na kayo ay nasa Estados Unidos. Pagkatapos ibawas ang lahat ng pagbibiyahe sa labas ng Estados Unidos.
Kabilang dito kahit ang maiikling pagbibiyahe sa Canada at Mexico. Halimbawa, kung nagbiyahe kayo sa Mexico ng isang
weekend, kailangang isama ninyo ang biyaheng ito sa pagbilang kung ilang araw kayong nasa labas ng bansa.

Ang patuloy na paninirahan ay ang kabuuang panahon na kayo ay nanirahan bilang permanenting residente sa Estados
Unidos bago kayo nag-apply para sa naturalisasyon. Kung kayo ay naglaan ng masyadong maraming oras sa labas ng Estados
Unidos sa isang solong biyahe, maaaring pinutol ninyo ang inyong patuloy na paninirahan.

3. Panahong nasa Estado o Distrito ng USCIS


Karamihan ng mga tao ay dapat manirahan sa estado o distrito ng USCIS kung
saan sila nag-apply para sa naturalisasyon para sa kulang tatlong buwan. Ang mga
estudyante ay maaring mag-apply para sa naturalisasyon kung saan sila papasok sa
paaralan o saan man naninirahan ang kanilang pamilya (kung sila ay nakadepende
sa suporta ng kanilang mga magulang).
4. Mabuting Moral ng Pagkatao
Upang maging karapat-dapat para sa naturalisasyon, dapat kayong maging isang
taong may magandang moral na karakter. Ang isang tao ay hindi itinuturing na
may mabuting ugali kung sila ay gumawa ng mga partikular na krimen sa loob
ng limang taon bago sila nag-apply para sa naturalisasyon o kung sila ay hindi
nagsasabi ng katotohanan sa loob ng kanilang panayam para sa naturalisasyon.

103
Mga Asal na Maaaring Magpapakita ng Kakulangan sa Mabuting Pagkatao
●● Madalas na pagmamaneho ng nakainom.
●● Nagsusugal nang labag sa batas.
●● Prostitusyon.
●● Nagsisinungaling para makatanggap ng mga benepisyong pang mamamayan.
●● Hindi pagtupad sa pagbabayad ng inutos sa hukumang sustento sa bata o alimonya.
●● Pagmamalupit sa ibang tao dahil sa kanilang lahi, relihiyon, bansang pinagmulan, opinyong pampulitika, o dahil sa
kanyang mga kaibigan.

Kung gumawa kayo ng ilang mga partikular na krimen, hindi kayo maaaring maging
mamamayan ng Estados Unidos at malamang na paalisin sa bansa. Ang mga krimeng
ito ay tinatawag na mga hadlang sa naturalisasyon. Kabilang sa mga krimen na
pinalubhang mabigat ng kasalan (kung ginawa noong o pagkaraan ng November 29,
1990), ang pagpatay, panggagahasa, sekswal na pang-aabuso ng isang bata, marahas
na pag-atake, kataksilan, at pagpupuslit ng droga, mga armas, o mga tao ay ilang
halimbawa ng mga pirmihang hadlang sa naturalisasyon. Sa kadalasang mga kaso, ang
mga imigranteng hindi saklaw o tinanggal mula sa paninilbihan sa Sandatahang Lakas
ng Estados Unidos dahil sila ay mga dayuhan at ang mga imigrante na nagtakwil sa
Sandatahang Lakas ng Estados Unidos ay permanente ring hinahadlangan na maging
mamamayan ng Estados Unidos.
Maaring kayo ay tinanggihan para sa pagkamamamayan kung kayo ay umasal ng ibang
paraan na nagpapakita ng kakulangan ng mabuting karakter.
Ang ibang mga krimen ay pansamantalang hinaharangan para sa naturalisasyon. Ang
mga pansamantalang pagtatanggi ay madalas humahadlang sa pagiging mamamayan
ng aabot hanggang limang taon pagkatapos ninyong nakagawa ng krimen. Kabilang sa
mga ito ang:
●● Anumang krimen laban sa isang tao na may tangkang pananakit;
●● Anumang krimen laban sa pag-aari o sa pamahalaan na kinasasangkutan ng pandaraya;
●● Dalawa o higit na krimen na may magkasamang sentensiya na limang taon o higit;
●● Paglabag sa mga batas na nauukol sa mga kontroladong sangkap (halimbawa, ang
paggamit o pagbebenta ng pinagbabawal na gamot); at
●● Gumugol ng 180 araw o higit sa sa loob ng limang taon sa kulungan o bilangguan.
Ipagbigay-alam ninyo ang anumang mga krimeng inyong nagawa kung kayo ay mag-
aapply para sa naturalisasyon. Kabilang nito ang mga krimeng tinanggal sa inyong
rekord o ang mga krimeng ginawa ninyo bago ang inyong pang-18 na kaarawan. Kung
hindi ninyo ipagbibigay-alam sa USCIS ang tungkol sa mga ito, maaaring kayo ay hindi
makakatanggap ng pagkamamamayan o kayo ay parurusahan.

104 
5. Ingles at Sibika
Sa pangkalahatan, kailangang maipakita ninyo na kayo ay
marunong umintindi, magbasa, magsulat at magsalita ng
simpleng Ingles. Kailangang mayroon rin kayong kaunting
kaalaman tungkol sa kasaysayan at pamahalaan ng Estados
Unidos (na kilala bilang “civics”). Kayo ay kinakailangang
pumasa sa isang Ingles at sibikang pagsusulit para
mapatunayan ang inyong kaalaman.
Maraming mga paaralan at organisasyon sa komunidad
ang tutulong sa mga tao para maghanda para sa kanilang
pagsusulit sa pagka mamamayan. Mahahagilap ninyo ang mga
katanungan sa [Link]/citizenship at
[Link]/teststudymaterials. Ang USCIS ay nag-aalok ng mga libreng
materyales sa pag-aaral, tulad ng mga booklets, flash, cards, practice tests, at mga
videos. Maaari kayong kumuha ng impormasyon tungkol sa pagkamamamayan at
mga pag-aaral ng Ingles sa [Link]/citizenship.
6. Katapatan sa Konstitusyon
Kailangang payag kayong itaguyod at ipagtanggol ang Estados Unidos at ang
Konstitusyon nito. Pinahahayag ninyo ang inyong pagkagiliw o katapatan sa Estados
Unidos at sa Konstitusyon sa panahon ng inyong Oath of Allegiance. Kayo ay magiging
isang mamamayan ng Estados Unidos kung kayo kay tumanggap na ng Panunumpa ng
Katapatan.
Sa ilang mga kalagayan, mayroong ilang pagbabago sa Oath of Allegiance. Kung kayo ay
magpapakita na kayo ay may pisikal o may kapansanan sa paglaki na sanhi ng hindi
nyo pagkakaintindi ng kahulugan ng isang Oath, ito ay ipinauubaya.
Kung kayo ay may nakabinbin na aplikasyon para sa naturalisasyon at lumipat kayo,
kailangan ninyong ipagbigay-alam sa USCIS ang inyong bagong address. Mag-file
ng Form AR-11, Pagpapalit ng Address, sa loob ng 10 araw mula ng mag-iba kayo
ng lokasyon. Para sa impormasyong ukol sa pagsusumite ng pinalitang address,
magpunta sa website ng USCIS sa [Link]/addresschange o tumawag sa
Customer Service sa 1-800-375-5283. Dapat ninyong abisuhan ang USCIS sa bawat
pagkakataong magbabago kayo ng address.

Eksempsiyon, Pagbubukod, at mga Tuluyan


Wikang English at Mga Sibikang Eksempsiyon
Ilang mga tao ang nag-aapply para sa naturalisasyon ay may magkakaibang
kailangan sa pagsusulit dahil sa kanilang edad at haba ng panahong nanirahan sa
Estados Unidos.

105
MGA EKSEMPSIYON PARA SA ENGLISH AT MGA KINAKAILANGANG SIBIKA
Naninirahan sa Estados
Kayo ay hindi kumuha
Kung kayo ay: Unidos sa loob ng Kayo ay dapat kumuha ng:
ng:
Estados Unidos ng:

Pagsusulit sa sibika sa inyong


Edad 50 o mas matanda ng 20 taon pagsusulit para sa English
wika
Pagsusulit sa sibika sa inyong
Edad 55 o mas matanda 15 taon pagsusulit para sa English
wika
Pinadaling pagsusulit para sa
Edad 65 o mas matanda 20 taon pagsusulit para sa English
sibika sa inyong wika

Kung hindi mo kailangang kumuha ng pagsusulit sa Ingles, dapat ninyong dalhin


ang inyong sariling tagasalin para sa pagsasalin para sa pagsusulit sa sibika.
Mga Eksempsiyong Medikal
Kung kayo ay may pisikal o kapansanan sa paglaki o (mga) pinsala, kayo ay maaring
humiling ng pagpapataliwas para sa Ingles at/o mga kinakailangang sibika. Upang
makakuha ng karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa USCIS Forms Line sa
1-800-870-3676 at hingin ang Form N-648 o kumuha ng kopya mula sa website
ng USCIS sa [Link]/n-648.
Panunuluyang Pang May Kapansanan
Ang USCIS ay ginagawa ang makatarungang hangarin na matulungan ang mga
aplikanteng may kapansanan na kumpletohin ang pagpuproseso ng naturalisasyon.
Halimbawa, kung kayo ay gumagamit ng isang wheelchair, ang USCIS ay
sisiguraduhing kayo ay makuhanan ng fingerprint, makapanayam, at maging
mainaturalisa sa isang lokasyon na napapasok ng wheelchair. Kung kayo ay bingi
o may kapansanan sa pandinig at kailangan ng tagapagsalin ng sign language, ang
USCIS ay magsasagawa ng pagsasaayos sa inyo para magkaroon ng isang panayam.
Kung kayo ay nangangailangan ng tulong sanhi ng isang kapansanan, mangyari ay
tumawag sa Customer Service sa 1-800-375-5283 o 1-800-767-1833 (para sa may
kapansanan sa pandinig) upang humiling ng tulong.

Mga Seremonyang Ukol Sa Naturalisasyon


Kung aprubahan ng USCIS ang inyong aplikasyon para sa naturalisasyon, kailangan
kayong pumunta sa seremonya at mag-sabi ng Oath of Allegiance. Padadalhan kayo ng
USCIS ng Form N-445, Notice of Naturalization Oath Ceremony, para ipaalam sa
inyo ang oras at petsa ng inyong seremonya. Kailangan nnyong sagutin form na ito
at dalhin ito sa seremonya.

106 
Kung hindi kayo makakapunta sa seremonya, maaari ninyong ipatakda ito sa ibang
araw. Para ipatakda sa ibang araw ang inyong seremonya, kailangan ninyong ibalik
ang Form N-445 sa tanggapan ng USCIS sa inyong lugar na may kasamang sulat na
ipinaliliwanag kung bakit hindi kayo makakapunta sa seremonya.
Ibabalik ninyo sa USCIS ang inyong Permanent Resident Card kapag nag check-in
sa seremonya pagkamamamayan. Hindi na ninyo kailangan ang inyong card dahil
makakatanggap kayo sa seremonya ng Certificate of Naturalization.
Hindi kayo isang mamamayan hanggang hindi ka nakakagawa ng Oath of Allegiance.
Babasahin ng isang opisyal ang bawat bahagi ng Oath at sasabihin sa inyo na ulitin
ang mga salita. Pagkatapos ninyong gawin ang panunumpa, tatanggapin ninyo ang
inyong Certificate of Naturalization. Ang sertipikong ito ay nagpapatunay na kayo
ay isang mamamayan ng Estados Unidos.
Ang Oath of Allegiance ay isang pangyayaring bukas sa madla. Maraming komunidad
ang nagtatanghal ng mga espesyal na seremonya sa Araw ng Kalayaan, Hulyo 4,
ng bawat taon. Alamin kung ang inyong komunidad ay nagtatanghal ng espesyal
na seremonya ng pagkamamamayan sa Hulyo 4 at kung paano kayo makakasali.
Maraming tao ang nagsasama ng kanilang mga pamilya at nagdiriwang sila
pagkatapos ng seremonya.

Kayo Ay Nasa Landas Na


Umaasa kami na magiging kapaki-pakinabangsa inyo
ang patnubay na ito. Ito ay isinulat upang tulungan
kayo na simulan ang inyong buhay sa Estados Unidos,
at makatulong din sa inyo na maintindihan ang inyong
mga karapatan at responsibilidad bilang permanenteng
residente. Ang patnubay ay nagsasabi sa inyo na
makakalahok kayo sa inyong komunidad. Ito ay nagsasabi
rin sa inyo ng ilang bagay na kailangan ninyong malaman
kung nais ninyong maging isang naturalisadong
mamamayan. Bisitahin ang website ng USCIS sa
[Link] para sa karagdagang impormasyon.
Makakahanap kayo ng pangtulong na mga materyales sa
[Link].
Ngayon na kayo ay nandirito, kayo ay may pagkakataong
maranasan ang lahat ng pamumuhay na maaari sa
bansang ito. Malugod namin kayong tinatanggap bilang
permanenteng residente, at hangad namin ang isang
matagumpay na buhay sa Estados Unidos.

107
[Link]

You might also like