Bago mo i-submit ang iyong plugin, hinihiling namin na suriin mo ang aming Mga Alituntunin at basahin ang Mga Madalas Itanong. Isang maikling seleksyon ng mga karaniwang tanong ay available sa ibaba ng form.
Bago ka makapag-upload ng bagong plugin, mangyaring mag-log in.
Kapag naisumite, ang iyong plugin ay mano-manong susuriin para sa anumang karaniwang error at para matiyak na sumusunod ito sa lahat ng guidelines.
Mga Madalas Itanong
Gaano katagal ang proseso ng pagsusuri?
Nasa Developer FAQ ito. Tumatagal ito mula 1 hanggang 10 araw. Sinusubukan naming suriin ang lahat ng mga plugin sa loob ng 5 araw ng negosyo mula sa pagsumite, ngunit ang proseso ay tumatagal hangga’t kinakailangan, depende sa pagiging kumplikado ng iyong plugin.
Paano ko mapapabilis ang review ng aking plugin?
Hindi maaaring unahin ang review ng iyong plugin kaysa sa iba, para matulungan kaming maaprubahan ang iyong plugin nang mas maaga, pakitiyak na nabasa mo na ang Security chapter ng Plugin Handbook.
Ang aming tatlong pinakakaraniwang dahilan sa hindi pag-apruba ng isang plugin ay:
- Naglalaman ang plugin ng hindi na-escape na output: Alamin ang tungkol sa Pag-escape ng Data
- Tumatanggap ang plugin ng hindi na-sanitize na data: Alamin ang tungkol sa Pag-sanitize ng Data
- Pinoproseso ng plugin ang data ng form nang walang nonce: Alamin ang tungkol sa mga Nonce
If the code in your plugin falls into one of the above categories, your plugin will not be approved. The Plugins Team will refer you back to these Handbook pages, adding further delay to the review process.
Ano ang magiging URL ng aking plugin?
Ang URL ng iyong plugin ay mapupunan batay sa halaga ng Plugin Name sa iyong pangunahing file ng plugin (ang may mga header ng plugin). Kung itinakda mo ang sa iyo bilang Plugin Name: Boaty McBoatface, ang iyong URL ay magiging https://wordpress.org/plugins/boaty-mcboatface at ang iyong slug ay magiging boaty-mcboatface halimbawa. Kung mayroon nang umiiral na plugin na may parehong pangalan, ikaw ay magiging boaty-mcboatface-2 at iba pa. Gumagana ito tulad ng mga pangalan ng post sa WordPress.
Kapag naaprubahan na ang iyong plugin, hindi na ito maaaring palitan ng pangalan.
Nagkamali ako sa pangalan ng aking plugin. Dapat ko ba itong i-update?
Depende iyan sa gusto mong baguhin. Kung gusto mong baguhin ang display name ng plugin, maaari mong i-update iyon sa pamamagitan ng pag-update ng iyong mga file ng plugin sa pahinang ito. Kung ang gusto mong baguhin ay ang permalink / slug ng iyong plugin, magagawa mo iyon MINSAN bago kami magsimula sa review (kung available iyon, makakakita ka ng link para baguhin ito sa pahinang ito). Kung hindi ito posible, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa amin sa [email protected], maaari namin itong baguhin hangga’t hindi pa naaaprubahan ang plugin.
Bakit hindi ako makapag-submit ng plugin na may partikular na mga display name?
Ipinagbabawal ang ilang mga pangalan ng plugin dahil sa pag-abuso sa trademark. Gayundin, pinipigilan namin ang kanilang paggamit sa mga slug ng plugin para sa iyong proteksyon.