Pumunta sa nilalaman

Turin

Turin

Torino (Italyano)
Città di Torino
Watawat ng Turin
Watawat
Eskudo de armas ng Turin
Eskudo de armas
Mga palayaw: 
Città sabauda (Lungsod ng Saboya)
Capitale delle Alpi (Kabesera ng Alpes)
Città magica (Mahikang Lungsod)
Bansag: 
Auxilium meum a Domino (Latin)
("Ang tulong ko ay nagmumula sa Panginoon")
Lokasyon ng Turin
Map
Turin is located in Italy
Turin
Turin
Lokasyon ng Turin sa Piedmont
Turin is located in Piedmont
Turin
Turin
Turin (Piedmont)
Mga koordinado: 45°04′45″N 07°40′34″E / 45.07917°N 7.67611°E / 45.07917; 7.67611
BansaItalya
RehiyonPiamonte
Kalakhang lungsodKalakhang Lungsod ng Turin (TO)
Pamahalaan
  MayorStefano Lo Russo (PD)
Lawak
  Kabuuan130.01 km2 (50.20 milya kuwadrado)
Taas
239 m (784 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
  Kabuuan882,523
  Kapal6,800/km2 (18,000/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarTurinese(s)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
  Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
10121-10156
Kodigo sa pagpihit0039 011
Kodigo ng ISTAT001272
Santong PatronJuan Bautista
Saint dayHunyo 24
Websaytcomune.torino.it
Official nameMga Tirahan ng Maharlikang Pamilya ng Saboya
Kabilang angseveral locations in Turin
PamantayanKultural: (i)(ii)(iv)(v)
Sanggunian823bis
Inscription1997 (ika-21 sesyon)
Mga ekstensyon2010

Ang Turin ( /tjʊəˈrɪn,_ˈtjʊərɪn/ ture-IN-,_-TURE-in,[3] Italyano: Torino [toˈriːno] Latin: Augusta Taurinorum, kalaunan ay Taurinum) ay isang lungsod at isang mahalagang sentro ng negosyo at kultura sa hilagang Italya. Ito ang kabesera ng rehiyon ng Piamonte at ng Kalakhang Lungsod ng Turin. Mula 1861 hanggang 1865, ito ang unang kabesera ng Kaharian ng Italya. Ang lungsod ay pangunahing nasa kanlurang pampang ng Ilog Po, sa ibaba ng Lambak Susa nito, at napapalibutan ng kanlurang arko ng Alpes at burol ng Superga. Ang populasyon ng mismong lungsod ay 856,745 noong 2025, habang ang populasyon ng urban area ay tinatantya ng Eurostat na 1.7 milyong naninirahan. Ang kalakhang pook ng Turin ay tinataya ng OECD na may populasyon na 2.2 milyon.[4]

Ang lungsod ay makasaysayang isang pangunahing sentrong pampolitika ng Europa. Mula 1563, ito ang kabisera ng Dukado ng Saboya, na noon ay ng Kaharian ng Cerdeña na pinamumunuan ng Pamilya Saboya, at ang unang kabesera ng Kaharian ng Italya mula 1861 hanggang 1865.[5][6] Ang Turin ay minsang tinatawag na "duyan ng kalayaan ng Italya" dahil sa pagiging sentrong pampolitika at intelektowal ng Risorgimento na humantong sa pag-iisa ng Italya,[7] pati na rin ang lugar ng kapanganakan ng mga kilalang indibidwal na nag-ambag dito, katulad ni Camillo Benso, Konde ng Cavour.[8]

Bagaman nawala ang malaking bahagi ng impluwensiyang pampulitika nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay naging sentro ng mga kilusang antipasista noong panahon ng Ventennio fascista, kabilang ang kilusang paglaban ng mga Italyano. Ang Turin pagkatapos ng digmaan ay naging isang pangunahing sangandaan ng Europa para sa industriya, komersiyo, at kalakalan, at bahagi ng triangulo ng industriya, kasama ang Milan at Genoa. Ito ay nasa ikatlong ranggo sa Italya, kasunod ng Milan at Roma, sa lakas ng ekonomiya.[9]

Noong 2018, ang lungsod ay niraranggo ng GaWC bilang isang pandaigdigang lungsod sa antas ng Gamma. [10] Ang Turin ay tahanan ng halos lahat ng industriya ng automotive sa Italya, at ito ang himpilan ng mga punong-tanggapan ng Fiat, Lancia, at Alfa Romeo . [11]

Ang lungsod ay mayaman sa kultura at kasaysayan, at kilala ito sa maraming galeriya ng sining, restawran, simbahan, palasyo, bahay opera, plaza, parke, hardin, teatro, aklatan, museo, at iba pang mga lugar. Kilala ang Turin sa arkitekturang Baroko, Rococo, Neoklasiko, at Art Nouveau.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. Wells, John C. (2008). Longman Pronunciation Dictionary (ika-3rd (na) labas). Longman. ISBN 978-1-40588118-0.
  4. OECD. "Competitive Cities in the Global Economy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 1 October 2008. Nakuha noong 30 April 2009.
  5. Wells, John C. (2008). Longman Pronunciation Dictionary (ika-3rd (na) labas). Longman. ISBN 978-1-40588118-0.
  6. "Turin – Culture & History". Sydney Morning Herald. Nakuha noong 26 December 2009.
  7. Amy Tikkanen, Turin sa Encyclopædia Britannica
  8. "Cavour, Count Camillo Benso di (1810–1861)". Ohio.edu. 22 April 1998. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 June 2010. Nakuha noong 26 December 2009.
  9. Wells, John C. (2008). Longman Pronunciation Dictionary (ika-3rd (na) labas). Longman. ISBN 978-1-40588118-0.
  10. Wells, John C. (2008). Longman Pronunciation Dictionary (ika-3rd (na) labas). Longman. ISBN 978-1-40588118-0.
  11. Wells, John C. (2008). Longman Pronunciation Dictionary (ika-3rd (na) labas). Longman. ISBN 978-1-40588118-0.
[baguhin | baguhin ang wikitext]