Seminara
Seminara | |
|---|---|
| Comune di Seminara | |
| Mga koordinado: 38°20′N 15°52′E / 38.333°N 15.867°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Calabria |
| Kalakhang lungsod | Regio de Calabria (RC) |
| Mga frazione | Barritteri, Sant'Anna di Seminara |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Antonio Bonamico |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 33.85 km2 (13.07 milya kuwadrado) |
| Taas | 290 m (950 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 2,714 |
| • Kapal | 80/km2 (210/milya kuwadrado) |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 89028 |
| Kodigo sa pagpihit | 0966 |
Ang Seminara ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Regio de Calabria sa rehiyon ng Calabria, KatimugangItalya, na matatagpuan mga 90 kilometro (56 mi) timog-kanluran ng Catanzaro at mga 30 kilometro (19 mi) hilagang-silangan ng Regio de Calabria.
Ang Seminara ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Bagnara Calabra, Gioia Tauro, Melicuccà, Oppido Mamertina, Palmi, Rizziconi, at San Procopio .
Ang Labanan ng Seminara noong Unang Digmaang Italyano ay naganap malapit sa bayan noong 1495. Ang Seminara din ang lugar ng kapanganakan nina Barlaam ng Seminara at Leontius Pilatus, na dalawa sa pinakamahalagang Bisantinong iskolar noong panahon ng Renasimyento.
Heograpiyang pisikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Seminara ay isang munisipalidad sa Kapatagan ng Gioia Tauro na matatagpuan sa taas na 290 m mula sa antas ng dagat, napapaligiran sa isang gilid ng Aspromonte at sa kabilang gilid ng Dagat Tireno. Mayroon itong modernong anyo dahil ito ay muling itinayo pagkatapos ng lindol noong 1908.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑
{{cite web}}: Empty citation ()
