Pumunta sa nilalaman

Rossano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Rossano ay isang bayan at frazione ng Corigliano-Rossano sa lalawigan ng Cosenza, Calabria, Katimugang Italya. Matatagpuan ang lungsod sa isang matayog na kinatatayuan c. 3. km mula sa Golpo ng Taranto. Ang bayan ay kilala para sa mga likhang gawa sa marmol at mga minahan ng alabastro.

Ang bayan ay ang luklukan ng isang Katolikong arsobispo at may isang kilalang katedral at kastilyo. Dalawang Papa ang ipinanganak sa bayan, kasama si San Nilo ang Nakababata.

Noong Oktubre 22, 2017, sinimulan ng isang reperendo ang proseso ng pagsasanib sa kalapit na comune ng Corigliano Calabro, na nagtapos noong Marso 31, 2018, sa pagtatatag ng bagong munisipalidad ng Corigliano-Rossano.

Simula noong dekada 1950, ang lungsod, tulad ng iba pa sa Calabria na ang makasaysayang sentro ay umunlad sa looban dahil sa kalusugan ng lugar at likas na depensa nito, ay nagpatuloy sa paglawak nito, pangunahin na sa mga lambak at kapatagan, na dinadaanan ng mga pangunahing imprastraktura ng riles at kalsada. Ang paglawak ng lungsod na nangyari sa lahat ng direksiyon malapit sa estasyon ng tren—kasama ang pagtatayo ng mga bago at mataong kapitbahayan, paaralan, pasilidad sa palakasan, at mga pampubliko at pribadong serbisyo—ay higit na nakapagligtas sa makasaysayang lungsod mula sa pagkadumi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]