Pumunta sa nilalaman

Roana

Roana
Comune di Roana
Tanaw ng frazione ng Treschè Conca.
Tanaw ng frazione ng Treschè Conca.
Eskudo de armas ng Roana
Eskudo de armas
Lokasyon ng Roana
Map
Roana is located in Italy
Roana
Roana
Lokasyon ng Roana sa Italya
Roana is located in Veneto
Roana
Roana
Roana (Veneto)
Mga koordinado: 45°53′N 11°28′E / 45.883°N 11.467°E / 45.883; 11.467
BansaItalya
RehiyonVeneto
LalawiganVicenza (VI)
Mga frazioneCamporovere, Canove, Cesuna, Mezzaselva, Roana, Treschè Conca
Pamahalaan
 • MayorValentino Frigo
Lawak
 • Kabuuan78.13 km2 (30.17 milya kuwadrado)
Taas
1,001 m (3,284 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan4,276
 • Kapal55/km2 (140/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarRoanesi / Robaanar
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
36010
Kodigo sa pagpihit0424
Kodigo ng ISTAT024085
Santong Patronsanta Justina ng Padua
Saint dayOktubre 7
WebsaytOpisyal na website

Ang Roana (Cimbriano: Robàan) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Talampas ng Asiago sa Lalawigan ng Vicenza, rehiyon ng Veneto, hilagang-silangang Italya. Ito ay nasa kanluran ng kalsadang SP249.

Ang komuna ay binubuo ng anim na nayon (sa Italyano ay frazione), na tinutukoy din bilang anim na toreng kampana, dahil ang bawat bayan ay may sariling simbahan; na nakakalat sa kabuuang lawak na 7,838 ektarya: Camporovere, Canove, Cesuna, Mezzaselva, Roana, at Tresché Conca.[3]

Ang munisipyo ay matatagpuan sa Canove. Ang Roana ay isa sa mga Sette Comuni Vicentini kung saan tradisyonal na sinasalita ang wikang Cimbriano.

Pamanang Cimbrian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Roana ay isa sa mga munisipalidad sa talampas na nagpapanatili ng pamanang Cimbriano, na nagmula sa kulturang Hermaniko na nanirahan sa lugar noong Gitnang Kapanahunan. Sa Roana, naroon ang Suriang Kultural Cimbriano (Istituto di Cultura Cimbra), na nakatuon sa pagpapanatili at pagtataguyod ng wika, tradisyon, at kasaysayan ng mga Cimbriano, at isang museo na nakatuon sa pagkuha at pag-aaral ng mga artepakto ng Cimbro, sa suporta ng rehiyon ng Veneto.[4]

Tuwing tag-araw, ipinagdiriwang ng Roana ang Hoga Zait, isang pagdiriwang na nagtatampok ng tradisyonal na Cimbrianong musika, sayaw, at alamat. Itinatampok ng kaganapang ito ang pagkakakilanlang kultural ng rehiyon at umaakit ng mga bisita mula sa buong Italya at sa iba pang lugar.[5]

Mga kakambal na bayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Roana ay kakambal sa:

Mga pinagkuhanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ "Comune di Roana - Comuni - Altopiano di Asiago 7 Comuni". www.asiago.it (sa wikang Italyano). Nakuha noong 2024-10-25.
  4. ↑ "L'istituto di Cultura Cimbra". www.cimbri7comuni.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-10-11. Nakuha noong 2024-10-25.
  5. ↑ "Hoga Zait 2024: the Cimbrian Festival of Roana - from 12 to 21 July 2024". www.asiago.it (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-17.
[baguhin | baguhin ang wikitext]