Lungro
Lungro | |
|---|---|
| Comune di Lungro Bashkia e Ungrës | |
| Mga koordinado: 39°45′N 16°7′E / 39.750°N 16.117°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Calabria |
| Lalawigan | Cosenza (CS) |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Giuseppino Santoianni |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 35.65 km2 (13.76 milya kuwadrado) |
| Taas | 650 m (2,130 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 2,504 |
| • Kapal | 70/km2 (180/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Lungresi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 87010 |
| Kodigo sa pagpihit | 0981 |
| Santong Patron | San Nicolas |
| Saint day | Disyembre 6 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Lungro (Arbëreshë Albanian: Ungra) ay isang bayan at komuna (munisipalidad) sa lalawigan ng Cosenza, bahagi ng rehiyon ng Calabria sa katimugang Italya.
Ang Lungro ay isa sa mga kilalang sentro ng mga Arbëreshë at ang luklukan ng Eparkiya ng Lungro. Ang nasasakupang ito ng Simbahang Katoliko ay nagpapanatili ng Ritung Bisantino at ng lokal na wika, at sumasaklaw sa lahat ng mga pamayanan na nagsasalita ng Arbëreshë sa lugar. Ang eparkiya ay bahagi ng Simbahang Katolikang Italoalbanes. Ang Lungro ay bahagi rin ng pinakamalaking reserba ng kalikasan sa Italya, ang Pambansang Liwasan ng Pollino.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1532, sa nayon ng Lungrum ay mayroong 77 pamilya, habang noong 1545 ay mayroong 149 na pamilya, ngunit hindi lahat sa kanila ay Albanian; sa katunayan sa mga apelyido na nakarehistro, makikita ang parehong Italyano at Albanes na apelyido; ang mga ito ay: Baccaro, Bavasso, Bellezze (Bellizzi), Belluscio, Burrelce, Conte, Cortese, Crisius, Cucchio, Cucchia, Danese (Damese, Damis), De Alfano, Da Falogna, De lo Prevete (Del Prete), De Marco, Dorise, Dorosi (Dorsa), Frescirova, Gracamis, Frescirova, Gracamis (Leccaditi), Marso, Marzo, Matino, Iroianni (Irianni), Mosacchio, Russo, Saxus, Solanus, at Stratico.[3]
Noong 1531, ang Lungrum, isang nayon ng Altomonte, ay inihiwalay upang ipasa sa pamilyang Venato na siyang naghawak nito hanggang 1586, nang ito ay mapasa sa Campilongo (o Campolongo); noong 1621 ay napasa ito sa pamilyang Pescara at, sa wakas, noong 1717 ay napasa ito sa pamilyang Sanseverino, mga Prinsipe ng Bisignano at mga Konde ng Saponara.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ Padron:Cita.
- ↑ Padron:Cita.
