Katakana
Ang katakana ( (片仮名, カタカナ, IPA: [kä̀.tä́.kä́.nä̀, -kä̀.nä̀]))[1][2][3] ay isang pantigang sulat sa wikang Hapones at isa sa mga bahagi ng sistema ng pagsulat sa wikang Hapones, kasama ng hiragana,[4] kanji at, sa ilang pagkakataon, rōmaji.
Ang salitang katakana ay nangangahulugang "pira-pirasong kana", sapagkat hinango ang mga karakter nito mula sa mga bahagi o piraso ng mas masalimuot na karakter ng kanji. Parehong mga sistema ng kana ang katakana at hiragana. Maliban sa isa o dalawang di-kapansin-pansing eksepsiyon, kinakatawan ng isang karakter o kana sa bawat sistema ang bawat pantig (sa mahigpit na pakahulugan, mora) sa wikang Hapones. Kinakatawan ng bawat kana ang isang patinig, gaya ng "a" (katakana ア); isang katinig na sinusundan ng patinig, gaya ng "ka" (katakana カ); o ang "n" (katakana ン), isang pailong na sonorante na, depende sa konteksto, ay maaaring bigkasin na katulad ng mga tunog na m, n o ng ([ŋ]) sa Ingles, o katulad ng mga patinig na pailong sa wikang Portuges o Galisyano.[5]
Di-gaya ng pantigang sulat na hiragana, na ginagamit para sa mga salitang Hapones na walang katumbas na kanji at para sa mga pagbabagong panggramatika ng mga salita, maihahambing ang paggamit ng katakana sa paggamit ng italiko o pahilis sa Ingles. Partikular itong ginagamit sa pagsulat ng mga salitang mula sa mga banyagang wika sa wikang Hapones, kabilang ang hiram na salita (na sama-samang tinatawag na gairaigo); sa pagbibigay-diin; sa paglalarawan ng mga salitang panggaya sa tunog o kilos (onomatopoeia); sa pagsulat ng mga terminong teknikal at siyentipiko; at sa mga pangalan ng halaman, hayop, mineral at, kadalasan, mga kompanyang Hapones.
Nagmula ang katakana sa mga gawaing pagsasalin ng mga tekstong Tsino sa wikang Hapones ng mga mongheng Budista sa Hapon.[6]
Sistema ng pagsulat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangkalahatang-ideya
[baguhin | baguhin ang wikitext]| a | i | u | e | o | |
|---|---|---|---|---|---|
| ∅ | ア | イ | ウ | エ | オ |
| k | カ | キ | ク | ケ | コ |
| s | サ | シ | ス | セ | ソ |
| t | タ | チ | ツ | テ | ト |
| n | ナ | ニ | ヌ | ネ | ノ |
| h | ハ | ヒ | フ | ヘ | ホ |
| m | マ | ミ | ム | メ | モ |
| y | ヤ | [7] | ユ | [7] | ヨ |
| r | ラ | リ | ル | レ | ロ |
| w | ワ | ヰ | [7] | ヱ | ヲ |
| ン (n) | |||||
Binubuo ang kumpletong sistema ng pagsulat na katakana ng 48 karakter, hindi kabilang ang mga tandang panggramatika at diakritiko:
- 5 patinig na nukleo
- 42 pantigang karakter na bumubuo sa ubod o katawan ng pantig (simula-nukleo), na binubuo ng siyam na katinig na pinagsama sa bawat isa sa limang patinig. Tatlo sa mga posibleng kombinasyon (yi, ye at wu) ay hindi kinikilalang pamantayan.
- 1 katinig na pangwakas ng pantig
Inilalarawan ang mga ito bilang isang talahanayang may 5×10 na hanay (gojūon, 五十音, na literal na nangangahulugang "limampung tunog"), gaya ng ipinakikita sa katabing talahanayan. Binabasa ito nang sunod-sunod: ア (a), イ (i), ウ (u), エ (e), オ (o), カ (ka), キ (ki), ク (ku), ケ (ke), コ (ko) at iba pa. Hinango ng gojūon ang pagkakasunod-sunod ng mga patinig at katinig nito mula sa tradisyon ng Sanskrito. Sa mga tekstong nakasulat nang patayo, na dating karaniwang paraan ng pagsulat, karaniwang inilalatag ang talahanayan sa sampung kolum at limang hanay, kung saan nasa kanang bahagi ang mga patinig at nasa itaas ang ア (a). Walang magkakatulad na katangiang grapiko ang mga glipo ng katakana na nasa iisang hanay o kolum. Maaaring ginamit sa ilang natatanging pagkakataon ang tatlo sa mga inaasahang pantigang karakter na yi, ye at wu, na may iba't ibang anyo ng glipo, subalit hindi naging pamantayan ang mga ito sa alinmang wika at hindi na ginagamit sa makabagong wikang Hapones.
Madalas dagdagan ang talahanayan ng limampung tunog ng isa pang karakter, ang nasal na ン (n). Maaari itong ilagay sa iba't ibang posisyon, subalit karaniwang katabi ng mga karakter para sa N o, dahil nagmula ito sa isa sa maraming mu na hentaigana, sa ilalim ng kolum na u. Maaari rin itong idagdag sa hanay ng mga patinig o sa kolum na a. Dito, ipinakikita ito sa sarili nitong talahanayan.
May dalawang diakritikong tanda ang sistema ng pagsulat na inilalagay sa kanang itaas na bahagi ng batayang karakter upang baguhin ang unang tunog ng isang pantigang karakter. Ang dalawang tuldok na tinatawag na dakuten ay nagpapahiwatig ng pangunahing pagbabago. Kadalasan, ginagawa nitong may tinig ang katinig: k→g, s→z, t→d at h→b. Halimbawa, nagiging ガ (ga) ang カ (ka). Ipinakikita naman ang ikalawang pagbabago, kung posible, sa pamamagitan ng pabilog na tandang handakuten: h→p. Halimbawa, nagiging パ (pa) ang ハ (ha). Bagaman mahigit isang libong taon nang ginagamit ang mga diakritikong tanda, naging sapilitan lamang ang mga ito sa sistema ng pagsulat sa wikang Hapones noong ikalawang kalahati ng ika-20 dantaon.
Bukod dito, may ilang karakter na nagkakaroon ng ibang pagbasa kapag inilimbag nang mas maliit pagkatapos ng isang buong-laking kana o kanji, subalit hindi ito nangangahulugang gumagamit ang sistema ng pagsulat ng dalawang uri ng titik (malaki at maliit na titik).
Itinataguyod ng pagkakaayos ng talahanayan ng gojūon ang sistematikong pagtingin sa mga pantigang karakter ng kana, na para bang palagi itong binibigkas sa pamamagitan ng iisang katinig na sinusundan ng isang patinig. Gayunman, hindi ito lubusang totoo at hindi rin kailanman naging gayon. Ang mga umiiral na sistema para sa pagsulat ng wikang Hapones gamit ang alpabetong Romano ay maaaring nakabatay sa sistematikong katangian ng sistema ng pagsulat, gaya ng nihon-shiki na gumagamit ng チ bilang ti, o maaaring gumamit ng ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga Kanluraning wika, karaniwang ng Ingles, upang katawanin ang karaniwang pagbigkas sa Hapones ng mga karakter ng kana, gaya ng Hepburn-shiki na gumagamit ng チ bilang chi. Gayunman, itinatago ng dalawang paraang ito ang katotohanang maraming karakter ng katakana na nakabatay sa katinig, lalo na ang mga karaniwang nagtatapos sa u, ay maaari ring gamitin sa hulihan ng pantig, kung saan hindi binibigkas o halos hindi marinig ang patinig.
Wikang Hapones
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pantigang sulat at ortograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Hindi ginagamit, lipas na o hindi na ginagamit sa kasalukuyan | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Sa 48 pantigang karakter ng katakana na inilarawan sa itaas, 46 lamang ang ginagamit sa makabagong wikang Hapones, at isa sa mga ito ay nananatili para lamang sa iisang gamit:
- Binibigkas na ngayon bilang mga patinig ang wi at we sa makabagong wikang Hapones kaya hindi na ginagamit ang mga ito. Pinalitan na ang mga ito ng i at e, ayon sa pagkakasunod-sunod.
- Ginagamit na lamang ngayon ang wo bilang pananda ng panggramatikang ugnayan at karaniwang binibigkas nang katulad ng patinig na オ o. Bilang pananda, karaniwan itong isinusulat sa hiragana (を), at halos hindi na ginagamit ang anyong katakana nito na ヲ.
Maaaring idagdag ang maliit na anyo ng katakana para sa ya, yu o yo (ャ, ュ o ョ, ayon sa pagkakasunod-sunod) sa mga karakter ng katakana na nagtatapos sa i. Binabago nito ang tunog ng patinig na i upang maging isang dulas na tunog (palatalisasyon) patungong a, u o o, gaya ng キャ (ki + ya) /kja/. Tinatawag na yōon ang pagdaragdag ng maliit na karakter na y sa kana.
Ang karakter na tinatawag na sokuon, na kahawig ng maliit na tsu na ッ, ay nagpapahiwatig na inuulit o dinodoble ang kasunod na katinig (pagdodoble ng katinig). Kinakatawan ito sa rōmaji sa pamamagitan ng pagdodoble sa kasunod na katinig ng sokuon. Mahalagang pagkakaiba ito sa pagbigkas sa wikang Hapones. Halimbawa, ihambing ang サカ saka na nangangahulugang "burol" sa サッカ sakka na nangangahulugang "may-akda". Karaniwan ang mga dobleng katinig sa mga salitang hiniram mula sa mga banyagang wika na isinusulat gamit ang katakana. Halimbawa, isinusulat ang salitang Ingles na "bed" bilang ベッド (beddo). Lumilitaw din kung minsan ang sokuon sa dulo ng mga pahayag, kung saan ipinahihiwatig nito ang impit na glotal. Gayunman, hindi ito maaaring gamitin upang doblehin ang mga katinig sa mga pantig na na, ni, nu, ne at no. Sa halip, idinaragdag ang nag-iisang n (ン) bago ang pantig upang katawanin ang tunog na ito. Maaari ring gamitin ang sokuon upang tantiyahin ang mga tunog na wala sa wikang Hapones. Isinusulat ang Bach bilang バッハ (Bahha) at ang Mach bilang マッハ (Mahha).
Karaniwang isinusulat sa parehong katakana at hiragana ang mga likas na mahabang patinig sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ikalawang karakter ng patinig. Gayunman, sa mga salitang hiniram mula sa mga banyagang wika, gumagamit ang katakana ng panandang nagpapahaba ng patinig na tinatawag na chōonpu ("pananda ng mahabang patinig"). Isa itong maikling guhit (ー) na sumusunod sa direksiyon ng teksto: pahalang para sa yokogaki (pahalang na pagsulat) at patayo para sa tategaki (patayong pagsulat). Halimbawa, ang メール mēru ay isang gairaigo na nangangahulugang e-mail at hinango sa salitang Ingles na "mail"; pinahahaba ng ー ang tunog na e. May ilang eksepsiyon, gaya ng ローソク (rōsoku (蝋燭, "kandila")) at ケータイ (kētai (携帯, "teleponong selular"), kung saan ginagamit din ang pananda ng pagpapahaba ng patinig sa mga salitang Hapones na isinusulat sa katakana.
Isinusulat sa katakana ang mga pamantayan at may-tinig na pananda ng pag-uulit bilang ヽ at ヾ, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Mga pagpapalawak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kung minsan, ginagamit ang maliliit na anyo ng limang karakter ng kana para sa mga patinig upang katawanin ang mga tunog na unti-unting nawawala (ハァ haa, ネェ nee). Mas madalas, ginagamit ang mga ito sa katakana bilang mga pinalawak na tambalang karakter na katulad ng Yōon, upang maisulat sa wikang Hapones ang isang pantig (o mora) na hindi maaaring katawanin gamit ang mga pamantayang karakter ng katakana. Lalo itong karaniwan sa pagsulat ng mga hiram na salita, gaya ng チェ (che) sa チェンジ chenji ("pagbabago"), ファ (fa) sa ファミリー famirī ("pamilya"), at ウィ (wi) at ディ (di) sa ウィキペディア Wikipedia. Tingnan sa ibaba ang kumpletong talaan.
Paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa makabagong wikang Hapones, pinakamadalas gamitin ang katakana sa pagsulat ng mga salita mula sa mga wikang banyaga o mga salitang hiram (maliban sa mga salitang makasaysayang hiniram mula sa wikang Tsino). Tinatawag ang mga ito na gairaigo.[8] Halimbawa, isinusulat ang "sorbetes" bilang アイスクリーム (aisukurīmu). Gayundin, karaniwang ginagamit ang katakana sa pagsulat ng mga pangalan ng bansa, mga lugar sa ibang bansa, at mga pangalan ng mga dayuhan. Halimbawa, karaniwang tinutukoy ang Estados Unidos bilang アメリカ (Amerika), sa halip na gamitin ang baybay nito sa kanji na ateji, 亜米利加 (Amerika).
Ginagamit din ang katakana sa mga salitang onomatopeiko,[8] o mga salitang kumakatawan sa mga tunog. Halimbawa nito ang ピンポン (pinpon), na gumagaya sa tunog na "ding-dong" ng kampanilya ng pintuan.
Karaniwan ding isinusulat sa katakana ang mga katawagang teknikal at siyentipiko, gaya ng mga pangalan ng mga uri ng hayop at halaman at mga mineral.[9] Isinusulat ang Homo sapiens bilang isang uri ng hayop na ヒト (hito), sa halip na gamitin ang kanji nito na 人.
Madalas ding ginagamit ang katakana, bagaman hindi palagi, sa pagsulat ng mga pangalan ng mga kompanyang Hapones. Halimbawa, isinusulat ang Suzuki bilang スズキ, at ang Toyota bilang トヨタ. Dahil karaniwang apelyido rin ang mga ito, at pangalawa sa pinakakaraniwang apelyido sa Hapon ang Suzuki,[10] nakatutulong ang paggamit ng katakana upang maiba sa pagsulat ang mga pangalan ng kompanya at mga apelyido. Karaniwang ginagamit ang katakana sa mga karatula, patalastas, at malalaking paskil (gaya ng mga karatulang pang-anunsiyo). Halimbawa nito ang ココ (koko, "dito"), ゴミ (gomi, "basura"), at メガネ (megane, "salamin sa mata"). Isinusulat din kung minsan sa katakana ang mga salitang nais bigyang-diin ng may-akda sa isang pangungusap. Katulad ito ng paggamit ng italiko sa mga wikang Europeo.[8]
Sa mga opisyal na dokumento bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinagsasama ang katakana at kanji sa paraang katulad ng pagsasama ng hiragana at kanji sa mga makabagong tekstong Hapones. Ginagamit ang katakana para sa okurigana at mga partikulo gaya ng wa at o.
Ginamit din ang katakana sa mga telegrama sa Hapon bago ang 1988 at sa mga sistema ng kompyuter noong dekada 1980, bago ipakilala ang mga karakter na gumagamit ng maraming byte. Karamihan sa mga kompyuter noong panahong iyon ay gumamit ng katakana sa halip na kanji o hiragana para sa pagpapakita ng teksto.
Bagaman karaniwang isinusulat sa kanji ang mga salitang hiniram mula sa sinaunang wikang Tsino, ginagamit naman ang katakana sa mga salitang hiram mula sa mga makabagong baryante ng wikang Tsino na direktang hiniram sa mga ito.
| Hapones | Hepburn | Kahulugan | Tsino | Pinyin/Yale | Wikang pinagmulan |
|---|---|---|---|---|---|
| マージャン | mājan | mahjong | 麻將 | májiàng | Mandarin |
| ウーロン茶 | ūroncha | Tsaa na Oolong | 烏龍茶 | wūlóngchá | |
| チャーハン | chāhan | sinangag | 炒飯 | chǎofàn | |
| チャーシュー | chāshū | inihaw na baboy | 叉燒 | chā sīu | Kantonese |
| シューマイ | shūmai | shumai | 燒賣 | sīu máai |
Ang napakakaraniwang salitang hiram mula sa wikang Tsino na rāmen, na isinusulat sa katakana bilang ラーメン, ay bihirang isulat gamit ang kanji nito na 拉麺.
May iilang pagkakataon ding kabaligtaran nito ang nangyari, kung saan lumikha ng mga anyong kanji mula sa mga salitang orihinal na isinusulat sa katakana. Halimbawa nito ang コーヒー kōhī ("kape"), na maaari ring isulat bilang 珈琲. Paminsan-minsang ginagamit ng mga tagagawa ng kape o mga kapihan ang ganitong pagsulat sa kanji bilang isang natatanging paraan ng pagsulat.
Ginagamit ang katakana sa pagtukoy sa on'yomi (mga pagbasa na nagmula sa wikang Tsino) ng isang kanji sa isang diksiyonaryo ng kanji. Halimbawa, may pagbigkas sa wikang Hapones ang kanji na 人, na isinusulat sa hiragana bilang ひと hito (tao), gayundin ang pagbigkas na nagmula sa wikang Tsino, na isinusulat sa katakana bilang ジン jin (ginagamit upang tukuyin ang mga pangkat ng tao). Ginagamit din kung minsan ang katakana sa halip na hiragana bilang furigana upang ipakita ang pagbigkas ng isang salitang nakasulat sa mga titik Romano, o ng isang salitang banyaga na isinusulat sa kanji batay sa kahulugan nito ngunit nilalayong bigkasin ayon sa orihinal na pagbigkas.

Ginagamit din kung minsan ang katakana upang ipahiwatig na ang isang salita ay binibigkas nang may banyaga o naiibang punto. Halimbawa, sa isang manga, maaaring katawanin ang pananalita ng isang tauhang banyaga o robot sa pamamagitan ng コンニチワ konnichiwa ("hello") sa halip na ng mas karaniwang anyong hiragana na こんにちは. Isinusulat din sa katakana ang ilang pangalang Hapones. Mas karaniwan ito noon, kaya maraming matatandang babae ang may mga pangalang nakasulat sa katakana. Laganap ito lalo na sa mga babae noong mga panahon ng Meiji at Taishō, kung kailan maraming mahihirap at hindi marunong bumasa at sumulat na magulang ang ayaw gumastos upang magbayad sa isang iskolar para bigyan ng mga pangalang kanji ang kanilang mga anak na babae.[11] Ginagamit din ang katakana upang ipahiwatig na nagsasalita ng wikang banyaga ang isang tauhan. Ang ipinakikita sa katakana ay ang salin lamang sa wikang Hapones ng kanyang sinasabi.
Maaari ring isulat sa katakana ang ilang salitang madalas gamitin sa mga diyalogo upang magbigay ng impormal at palakaibigang tono. Kabilang sa mga halimbawa ang マンガ ("manga"), アイツ aitsu ("lalaking iyon o babaeng iyon; siya"), バカ baka ("hangal"), at iba pa.
Minsan ding isinusulat sa katakana ang mga salitang may kanji na mahirap basahin (ginagamit din ang hiragana para sa layuning ito). Madalas itong makita sa mga katawagang medikal. Halimbawa, sa salitang 皮膚科 hifuka ("dermatolohiya"), itinuturing na mahirap basahin ang ikalawang kanji na 膚. Dahil dito, karaniwang isinusulat ang salitang hifuka bilang 皮フ科 o ヒフ科, na pinagsasama ang kanji at katakana. Madalas ding isulat sa katakana o hiragana ang mga kanjing mahirap basahin, gaya ng 癌 gan ("kanser").
Ginagamit din ang katakana sa mga tradisyonal na notasyong musikal, gaya ng sa Tozan-ryū ng shakuhachi, at sa mga pangkat na sankyoku na gumagamit ng koto, shamisen, at shakuhachi.
May ilang tagapagturo ng wikang Hapones bilang wikang banyaga na "nagtuturo ng katakana matapos matutuhan ng mga mag-aaral na basahin at isulat nang walang kahirapan ang mga pangungusap sa hiragana at malaman ang mga tuntunin nito."[12] Karamihan sa mga mag-aaral na natutong bumasa ng hiragana ay "hindi nahihirapang magsaulo" ng katakana.[13] Itinuturo naman ng ibang tagapagturo ang katakana bago ang hiragana dahil ginagamit ito sa mga salitang hiram. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magsanay sa pagbasa at pagsulat ng kana gamit ang mga salitang may malinaw na kahulugan. Ito ang paraang ginamit ng maimpluwensiyang Amerikanong iskolar sa lingguwistika na si Eleanor Harz Jorden sa aklat niyang Japanese: The Written Language (na kaugnay ng Japanese: The Spoken Language).[14]

Ainu
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwang ginagamit ng mga Hapones na lingguwista ang katakana sa pagsulat ng wikang Ainu. Sa paggamit ng katakana sa wikang Ainu, kinakatawan ang katinig na nasa hulihan ng isang pantig sa pamamagitan ng maliit na anyo ng katakana na tumutugma sa katinig na iyon, na sinusundan ng isang patinig (para sa mga detalye kung aling patinig ang ginagamit). Halimbawa, isinusulat ang salitang Ainu na up bilang ウㇷ゚ (ウプ, na binubuo ng u na sinusundan ng maliit na pu). Gumagamit din ang wikang Ainu ng tatlong katakana na binago sa pamamagitan ng handakuten: セ゚ ([tse]) at alinman sa ツ゚ o ト゚ ([tu̜]). Sa Unicode, mayroong bloke na Mga Ponetikong Extensyon ng Katakana (U+31F0–U+31FF) upang suportahan ang wikang Ainu. Ginagamit lamang ang mga karakter na ito sa wikang Ainu.
Taiwanes
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kana na Taiwanes (タイ
ヲァヌ
ギイ
カア
ビェン
) ay isang sistema ng pagsulat na nakabatay sa katakana na dating ginagamit sa pagsulat ng Hokkien na Taiwanes noong nasasakupan ng Hapon ang Taiwan. Nagsilbi itong gabay sa pagbigkas ng mga karakter na Tsino, katulad ng gamit ng furigana sa wikang Hapones o ng pinyin sa Mandarin. May mga katulad ding sistema para sa iba pang mga wika sa Taiwan, kabilang ang Hakka at mga wikang Formosano.
Di tulad ng wikang Hapones o Ainu, gumagamit ang kana na Taiwanes ng paraang katulad ng bopomofo. Ginagamit ang mga kana bilang mga panimulang katinig, gitnang patinig, at panghuling katinig, na nilalagyan ng mga pananda ng tono. Ang tuldok sa ilalim ng panimulang kana ay kumakatawan sa mga katinig na may aspirasyon. Samantala, ang mga karakter na チ, ツ, サ, セ, ソ, ウ at オ na nilagyan ng pahalang na guhit sa ibabaw ay kumakatawan sa mga tunog na matatagpuan lamang sa wikang Taiwanes.
Okinawano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang katakana bilang gabay sa pagbigkas ng wikang Okinawano, di tulad ng iba't ibang sistema ng pagsulat sa wikang Okinawano na gumagamit ng hiragana na may mga karagdagang karakter. Binuo ang sistemang ito ng Sentro ng Pag-aaral ng Wika ng Okinawa ng Unibersidad ng Ryukyu. Gumagamit ito ng maraming karagdagang karakter at mga kombinasyong yōon upang katawanin ang maraming tunog sa wikang Okinawano na wala sa wikang Hapones.
Talahanayan ng katakana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ay isang talahanayan ng katakana kasama ang romanisasyong Hepburn at tinatayang transkripsiyong IPA para sa paggamit ng mga ito sa wikang Hapones. Ang mga katakana na may dakuten o handakuten ay sumusunod sa mga karakter ng kana sa gojūon na walang mga ito.
Magkahawig ang mga karakter na shi シ, tsu ツ, so ソ at n ン kapag inilimbag, maliban sa pagkahilig at hugis ng mga guhit ng mga ito. Mas kapansin-pansin ang mga pagkakaibang ito sa pagkahilig at hugis kapag isinusulat ang mga ito gamit ang pinsel na panulat.
| Mga payak na karakter (gojūon) | Mga tambalang karakter (yōon) | |||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| a | i | u | e | o | ya | yu | yo | |
| ∅ | ア a [a] |
イ i [i] |
ウ u [ɯ] |
エ e [e][n 1] |
オ o [o] |
|||
| K | カ ka [ka] |
キ ki [ki] |
ク ku [kɯ] |
ケ ke [ke] |
コ ko [ko] |
キャ kya [kʲa] |
キュ kyu [kʲɯ] |
キョ kyo [kʲo] |
| S | サ sa [sa] |
シ shi [ɕi] |
ス su [sɯ] |
セ se [se] |
ソ so [so] |
シャ sha [ɕa] |
シュ shu [ɕɯ] |
ショ sho [ɕo] |
| T | タ ta [ta] |
チ chi [t͡ɕi] |
ツ tsu [t͡sɯ] |
テ te [te] |
ト to [to] |
チャ cha [t͡ɕa] |
チュ chu [t͡ɕɯ] |
チョ cho [t͡ɕo] |
| N | ナ na [na] |
ニ ni [ɲi] |
ヌ nu [nɯ] |
ネ ne [ne] |
ノ no [no] |
ニャ nya [ɲa] |
ニュ nyu [ɲɯ] |
ニョ nyo [ɲo] |
| H | ハ ha [ha] |
ヒ hi [çi] |
フ fu [ɸɯ] |
ヘ he [he] |
ホ ho [ho] |
ヒャ hya [ça] |
ヒュ hyu [çɯ] |
ヒョ hyo [ço] |
| M | マ ma [ma] |
ミ mi [mi] |
ム mu [mɯ] |
メ me [me] |
モ mo [mo] |
ミャ mya [mʲa] |
ミュ myu [mʲɯ] |
ミョ myo [mʲo] |
| Y | ヤ ya [ja] |
𛄠 yi ([i])[n 2] |
ユ yu [jɯ] |
𛄡 ye [je] / [e][n 3] |
ヨ yo [jo] |
|||
| R | ラ ra [ɾa] |
リ ri [ɾi] |
ル ru [ɾɯ] |
レ re [ɾe] |
ロ ro [ɾo] |
リャ rya [ɾʲa] |
リュ ryu [ɾʲɯ] |
リョ ryo [ɾʲo] |
| W | ワ wa [wa] |
ヰ wi [wi] / [i][n 4] |
𛄢 wu ([ɯ])[n 2] |
ヱ we [we] / [e][n 4] |
ヲ wo [wo] / [o][n 4] |
|||
| Mga payak na karakter na may mga diakritikong tanda: gojūon na may (han)dakuten | Mga tambalang karakter na may mga diakritikong tanda: yōon na may (han)dakuten | |||||||
| a | i | u | e | o | ya | yu | yo | |
| G | ガ ga [ɡa] |
ギ gi [ɡi] |
グ gu [ɡɯ] |
ゲ ge [ɡe] |
ゴ go [ɡo] |
ギャ gya [ɡʲa] |
ギュ gyu [ɡʲɯ] |
ギョ gyo [ɡʲo] |
| Z | ザ za [(d)za] |
ジ ji [(d)ʑi] |
ズ zu [(d)zɯ] |
ゼ ze [(d)ze] |
ゾ zo [(d)zo] |
ジャ ja [(d)ʑa] |
ジュ ju [(d)ʑɯ] |
ジョ jo [(d)ʑo] |
| D | ダ da [da] |
ヂ ji [(d)ʑi][n 5] |
ヅ zu [(d)zɯ][n 5] |
デ de [de] |
ド do [do] |
ヂャ ja [(d)ʑa][n 5] |
ヂュ ju [(d)ʑɯ][n 5] |
ヂョ jo [(d)ʑo][n 5] |
| B | バ ba [ba] |
ビ bi [bi] |
ブ bu [bɯ] |
ベ be [be] |
ボ bo [bo] |
ビャ bya [bʲa] |
ビュ byu [bʲɯ] |
ビョ byo [bʲo] |
| P | パ pa [pa] |
ピ pi [pi] |
プ pu [pɯ] |
ペ pe [pe] |
ポ po [po] |
ピャ pya [pʲa] |
ピュ pyu [pʲɯ] |
ピョ pyo [pʲo] |
| Panghuling payak na karakter na pang-ilong | Mga payak na karakter na binubuo ng maraming pantig | |||||||
| n | iu | koto | shite | toki | tomo | nari | ||
| * | ン n [m n ɲ ŋ ɴ ɰ̃] |
iu [jɯː] |
ヿ koto [koto] |
shite [ɕite] |
toki [toki] |
tomo [tomo] |
nari [naɾi] | |
| * | domo [domo] |
|||||||
| Mga grapemang pangkayarian | ||||||||
| sokuonfu | chōonpu | odoriji (iisang pantig) | odoriji (maraming pantig) | |||||
| * | ッ (nagsasaad ng dobleng katinig) |
ー (nagsasaad ng mahabang patinig) |
ヽ (inuulit at inaalis ang tinig ng pantig) |
〱 (inuulit at inaalis ang tinig ng pantig) | ||||
| * | ヾ (inuulit at nilalagyan ng tinig ang pantig) |
〱゙ (inuulit at nilalagyan ng tinig ang pantig) | ||||||
| * | ヽ゚ (inuulit at nilalagyan ng tinig ang pantig) |
〱゚ (inuulit at nilalagyan ng tinig ang pantig) | ||||||
Mga tala
- ↑ Bago nagsanib ang e at ye noong kalagitnaan ng panahong Heian, ibang karakter (𛀀) ang ginagamit sa posisyong e.
- 1 2 Hindi ginagamit ang mga teoretikal na kombinasyong yi at wu ( hindi ginagamit ). May ilang katakana na nilikha ng mga dalubwika noong mga panahong Edo at Meiji upang punan ang talahanayan, subalit hindi kailanman ginamit ang mga ito sa karaniwang pagsulat.
- ↑ Umiiral ang kombinasyong ye bago ang kalagitnaan ng panahong Heian at kinakatawan ito sa mga pinakaunang anyo ng katakana, subalit hindi na ito ginagamit ( lipas na ) sa loob ng mahigit isang libong taon dahil nagsanib ito sa e noong ika-10 dantaon. Ginamit ang katakanang エ para sa e, kaya napalitan nito ang 𛀀, ang karakter na orihinal na ginagamit para sa e. Nilikha naman noong panahong Meiji ang katakanang 𛄡 para sa ye upang magamit sa pagsulat ng Lumang Hapones at Maagang Klasikong Hapones nang hindi napagkakamalan ang makabagong gamit ng エ para sa e.
- 1 2 3 Lipas na sa makabagong wikang Hapones ang mga karakter para sa wi at we ( lipas na ), at pinalitan na ang mga ito ng イ (i) at エ (e). Nananatili ang karakter na wo, na karaniwang binibigkas bilang o, sa iisang gamit lamang: bilang pang-angkop. Karaniwang isinusulat ito sa hiragana (を), kaya limitado lamang ang paggamit sa katakanang ヲ.
- 1 2 3 4 5 Pangunahing ginagamit ang kana na ヂ (di) at ヅ (du), na madalas na isinusulat sa alpabetong Romano bilang ji at zu, sa baybay na batay sa etimolohiya ( baybay na batay sa etimolohiya ). Nangyayari ito kapag nagbabago ang tunog ng mga katumbas nitong walang tinig na チ (ti) at ツ (tu), na karaniwang isinusulat bilang chi at tsu, at nagiging may tinig kapag lumilitaw ang mga ito sa gitna ng tambalang salita. Sa ibang pagkakataon, ginagamit sa halip ang mga karakter na kapareho ng bigkas na ジ (ji) at ズ (zu). Hindi maaaring gamitin sa simula ng salita ang ヂ (di) at ヅ (du), at hindi karaniwan ang mga ito sa katakana dahil hindi naaangkop ang konsepto ng rendaku sa pagsasatitik ng mga salitang banyaga, na isa sa mga pangunahing gamit ng katakana.
Pinalawak na katakana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pamamagitan ng paggamit ng maliliit na anyo ng limang karakter ng kana para sa mga patinig, nakabuo ng maraming tambalang karakter, pangunahin upang katawanin ang mga tunog sa mga salita mula sa ibang mga wika.
Ang mga tambalang karakter na may kulay-kahel na likuran ay ang mga karaniwang ginagamit para sa mga hiram na salita o mga banyagang lugar at pangalan. Ang mga may kulay-bughaw na likuran naman ay ginagamit para sa mas tumpak na pagsasatitik ng mga banyagang tunog. Iminungkahi ang dalawang uri ng paggamit na ito ng Gabinete ng Hapon sa pamamagitan ng Ministeryo ng Edukasyon, Kultura, Palakasan, Agham at Teknolohiya.[15] Ang mga kombinasyon ng katakana na may dilaw na likuran ay iminungkahi ng American National Standards Institute (Institutong Amerikano ng mga Pambansang Pamantayan)[16] at ng Institusyon ng mga Pamantayang Britaniko bilang mga posibleng gamit.[17] Ang mga may kulay-ube na likuran naman ay lumilitaw sa bersiyon ng Hyōjun-shiki noong 1974.[18]
Ipinakikita ang mga pagbigkas gamit ang romanisasyong Hepburn.
| イィ yi | イェ ye | |||
| ウァ wa [a] | ウィ wi | ウゥ wu [a] | ウェ we | ウォ wo |
| ウャ wya | ウュ wyu | ウィェ wye | ウョ wyo | |
| ヴァ va | ヴィ vi | ヴ vu [b] | ヴェ ve | ヴォ vo |
| ヴャ vya | ヴュ vyu | ヴィェ vye | ヴョ vyo [c] | |
| ウ゚ n [d] | ||||
| キェ kye [c] | ||||
| ギェ gye | ||||
| クァ kwa | クィ kwi [e] | クェ kwe | クォ kwo | |
| クヮ kwa | ||||
| グァ gwa | グィ gwi [e] [c] | グェ gwe [c] | グォ gwo [c] | |
| グヮ gwa | ||||
| カ゚ nga [f] | キ゚ ngi [f] | ク゚ ngu [f] | ケ゚ nge [f] | コ゚ ngo [f] |
| シェ she | ||||
| ジェ je | ||||
| スィ si [c] | ||||
| ズィ zi [c] | ||||
| チェ che | ||||
| ヂェ je | ||||
| ツァ tsa | ツィ tsi | ツェ tse | ツォ tso | |
| ツャ tsya | ツュ tsyu | ツィェ tsye | ツョ tsyo | |
| ヅァ za | ヅィ zi | ヅェ ze | ヅォ zo | |
| ヅャ zya | ヅュ zyu | ヅィェ zye | ヅョ zyo | |
| ティ ti | トゥ tu | |||
| トィ twi [e] | テュ tyu | |||
| ディ di | ドゥ du | |||
| ドィ dwi [e] | デュ dyu | |||
| ヌィ nwi [e] | ニェ nye [c] | |||
| ヒェ hye [c] | ||||
| ブィ bwi [e] | ビェ bye | |||
| プィ pwi [e] | ピェ pye | |||
| ファ fa | フィ fi | フェ fe | フォ fo | |
| フャ fya | フュ fyu | フィェ fye | フョ fyo [c] | |
| ホゥ hu | ||||
| ムィ mwi [e] | ミェ mye | |||
| ルィ rwi [e] | リェ rye | |||
| ラ゚ la [g] | リ゚ li [g] | ル゚ lu [g] | レ゚ le [g] | ロ゚ lo [g] |
| リ゚ャ lya [g] | リ゚ュ lyu [g] | リ゚ェ lye [g] | リ゚ョ lyo [g] | |
| ヷ va [h] | ヸ vi [h] | ヹ ve [h] | ヺ vo [h] | |
Mga pananda
- 1 2 Bihira sa makabagong wikang Hapones ang paggamit ng ウ sa dalawang kasong ito upang katawanin ang w, maliban sa mga salitang balbal sa Internet at sa nakaugaliang pagsasatitik ng tunog na [w] mula sa alpabetong Latin gamit ang katakana. Halimbawa: ミネルウァ (Mineruwa na "Minerva", mula sa Latin na MINERVA [mɪˈnɛrwa]); ウゥルカーヌス (Wurukānusu na "Vulcan", mula sa Latin na VVLCANVS, Vulcānus [wʊlˈkaːnʊs]). Karaniwang isinasatitik ang mga banyagang tunog na may uri ng wa (gaya ng nasa watt o white) bilang ワ (wa), samantalang karaniwang isinasatitik ang mga tunog na may uri ng wu (gaya ng nasa wood o woman) bilang ウ (u) o ウー (ū).
- ↑ May bihirang ginagamit na anyong hiragana ang ヴ, na ゔ, na isinasatitik din bilang vu sa mga sistema ng romanisasyong Hepburn.
- 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Binanggit ang mga ito sa Tala 1 「留意事項その1」 ng Kautusan Blg. 2 ng Gabinete ng Hapon noong 1991 bilang mga halimbawa ng iba pang gamit na hindi kinokontrol ng mga tuntunin.
- ↑ Itinakda sa 「文部省制定 發音符號」, na inilathala ng Ministeryo ng Edukasyon ng Hapon noong 1944, ang paggamit nito bilang paraan ng pagsasatitik sa unang ウ (u) kapag binibigkas ito nang nasal. Halimbawa, ang ウ゚マイ (nmai) bilang pagsasatitik ng うまい (umai). Karaniwang ginagamit sa halip ang ン (n) para sa layuning ito, gaya ng nasa ンマイ (nmai).
- 1 2 3 4 5 6 7 8 9 Ginagamit ang mga ito sa pagsasatitik ng mga matitigas na katinig na sinusundan ng i sa mga wikang Slabo.
- 1 2 3 4 5 Kung minsan, ginagamit sa lingguwistikang Hapones ang mga ito upang isatitik ang unang tunog na [ŋ] ng bidakuon.
- 1 2 3 4 5 6 7 8 9 Kung minsan, ginagamit sa lingguwistikang Hapones ang mga ito upang markahan ang isang malinaw na tunog na [l].
- 1 2 3 4 Lipas na sa makabagong wikang Hapones at napakadalang gamitin.[19][20]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binuo ang katakana noong ika-9 na dantaon (sa unang bahagi ng panahong Heian) ng mga mongheng Budista sa Nara upang isalin sa ibang sistema ng pagsulat ang mga teksto at likhang-sining mula sa India. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bahagi ng mga karakter ng man'yōgana bilang isang uri ng daglat. Dahil dito, tinawag ang kana na ito na kata (片, "bahagya, pira-piraso"). Halimbawa, nagmula ang ka (カ) sa kaliwang bahagi ng ka (加, lit. "dagdag", subalit hindi na naaangkop sa kana ang orihinal na kahulugan nito). Ipinakikita sa katabing talahanayan ang mga pinagmulan ng bawat katakana: ang mga bahaging kulay asul ng orihinal na karakter na Tsino (na ginamit bilang man'yōgana) ang naging katumbas na mga simbolo.[21]
Isinulat lamang sa kyūjitai at katakana ang mga opisyal na dokumento ng Imperyo ng Hapon.
Mga lipas nang kana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga baryanteng anyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mga baryanteng anyo ang katakana. Halimbawa,
(ネ) (na kahawig ng 子) at
(ヰ) (na kahawig ng 井).[22] Gayunman, mas kaunti ang mga baryanteng anyo ng katakana kaysa sa hiragana. Maagang naging matatag ang pagpili ng mga bahagi ng man'yōgana na ginamit sa katakana at naitatag nito, maliban sa ilang eksepsiyon, ang isang malinaw na ortograpiyang ponemiko (isang simbolo para sa bawat tunog) bago pa ang estandardisasyon ng pagsulat noong 1900.[23]
Pagkakasunod-sunod ng mga guhit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinakikita sa sumusunod na talahanayan ang paraan ng pagsulat sa bawat karakter ng katakana. Nakaayos ito ayon sa tradisyonal na paraan, kung saan pinagsasama-sama ang mga karakter batay sa mga tunog na bumubuo sa mga ito. Ipinakikita ng mga numero at palaso ang pagkakasunod-sunod at direksiyon ng mga guhit sa pagsulat.

Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hirayama, Teruo, pat. (15 Setyembre 2010) [30 Hunyo 1960]. 全国アクセント辞典 (sa wikang Hapones) (ika-31 (na) labas). Chiyoda, Tokyo: Tokyodo Shuppan. pp. 130–131. ISBN 978-4-490-10023-5.
- ↑ Kindaichi, Haruhiko; Akinaga, Kazue, mga pat. (1 Abril 2025) [10 Abril 2014]. 新明解日本語アクセント辞典 (sa wikang Hapones) (ika-2 (na) labas). Chiyoda, Tokyo: Sanseido. p. 163. ISBN 978-4-385-13468-0.
- ↑ NHK Broadcasting Culture Research Institute, pat. (20 Hunyo 2025) [25 Mayo 2016]. NHK日本語発音アクセント新辞典 (sa wikang Hapones) (ika-15 (na) labas). Shibuya, Tokyo: NHK Publishing. p. 254. ISBN 978-4-14-011345-5.
- ↑ Roy Andrew Miller (1966) A Japanese Reader: Graded Lessons in the Modern Language, Rutland, Vermont: Charles E. Tuttle Company, Tokyo, Japan, p. 28, Lesson 7: Katakana: a—no. "Side by side with hiragana, modern Japanese writing makes use of another complete set of similar symbols called the katakana." (sa Ingles)
- ↑ Vance, Timothy J. (1987). An Introduction to Japanese Phonology. Albany, NY: State University of New York Press. ISBN 978-0-88706-360-2. (sa Ingles)
- ↑ "How did katakana and hiragana originate?". www.sljfaq.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-05-27.
- 1 2 3 4 5 6 Tingnan ang mga lipas nang kana
- 1 2 3 "The Japanese Writing System (2) Katakana", p. 29 in Yookoso! An Invitation to Contemporary Japanese. McGraw-Hill, 1993, ISBN 0070722935 (sa Ingles)
- ↑ "Hiragana, Katakana & Kanji" (sa wikang Ingles). Japanese Word Characters. 8 Setyembre 2010. Nakuha noong 15 Oktubre 2011.
- ↑ "明治安田生命 全国同姓調査 [Meiji Yasuda Life Insurance Company – National same family name investigation]" (PDF) (Pahayag sa midya) (sa wikang Hapones). Meiji Yasuda Life|Meiji Yasuda Life Insurance Company. 2008-09-24. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 January 2012. Nakuha noong 2018-05-24.
- ↑ Tackett, Rachel. "Why old Japanese women have names in katakana". RocketNews24 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2015. Nakuha noong 19 Setyembre 2015.
- ↑ Mutsuko Endo Simon (1984) Section 3.3 "Katakana", p. 36 in A Practical Guide for Teachers of Elementary Japanese, Center for Japanese Studies, the University of Michigan. ISBN 0939512165 (sa Ingles)
- ↑ Simon, p. 36 (sa Ingles)
- ↑ "Lesson 1 Reading Japanese". www.joyo96.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-18. Nakuha noong 2026-11-18.
- ↑ Cabinet of Japan. "平成3年6月28日内閣告示第2号:外来語の表記" [Kautusan Blg. 2 ng Gabinete ng Hapon (28 Hunyo 1991): Ang pagsulat ng mga salitang hiram] (sa wikang Hapones). Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Enero 2019. Nakuha noong 25 Mayo 2011.
- ↑ "米国規格(ANSI Z39.11-1972)―要約" (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 27 Pebrero 2016.
- ↑ "英国規格(BS 4812 : 1972)―要約" (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 27 Pebrero 2016.
- ↑ "標準式ローマ字つづり―引用" (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2016. Nakuha noong 27 Pebrero 2016.
- ↑ Cabinet of Japan (16 Nobyembre 1946). 昭和21年内閣告示第33号 「現代かなづかい」 [Kautusan Blg. 33 ng Gabinete ng Hapon noong 1946 – Makabagong paggamit ng kana] (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Oktubre 2001. Nakuha noong 25 May 2011.
- ↑ Cabinet of Japan (1 Hulyo 1986). 昭和61年内閣告示第1号 「現代仮名遣い」 [Kautusan Blg. 1 ng Gabinete ng Hapon noong 1986 – Makabagong paggamit ng kana] (sa wikang Hapones). Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Mayo 2011. Nakuha noong 25 Mayo 2011.
- ↑ "Japanese katakana". www.omniglot.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-11-18.
- ↑ 『小学略則教授法』「五十音図」(sa Hapones)
- ↑ Tranter, Nicolas (2012). The Languages of Japan and Korea (sa wikang Ingles). Routledge. p. 218. ISBN 978-0-415-46287-7.