Pumunta sa nilalaman

Gallese

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gallese
Comune di Gallese
Lokasyon ng Gallese
Map
Gallese is located in Italy
Gallese
Gallese
Lokasyon ng Gallese sa Italya
Gallese is located in Lazio
Gallese
Gallese
Gallese (Lazio)
Mga koordinado: 42°22′28″N 12°23′59″E / 42.37444°N 12.39972°E / 42.37444; 12.39972
BansaItalya
RehiyonLazio
LalawiganViterbo (VT)
Pamahalaan
 • MayorDanilo Piersanti
Lawak
 • Kabuuan37.17 km2 (14.35 milya kuwadrado)
Taas
135 m (443 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan2,821
 • Kapal76/km2 (200/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
01035
Kodigo sa pagpihit0761
Santong PatronSan Famiano
Saint dayAgosto 8
WebsaytOpisyal na website

Ang Gallese ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Viterbo sa rehiyon ng Lazio ng Gitnang Italya, 35 kilometro (22 mi) mula sa Viterbo.

Kinuha ito ni Duke Trasimundo II ng Spoleto noong 737 o 738, kung saan ito ay mahalaga sa komunikasyon sa pagitan ng Roma at Ravenna at nagkaroon ito ng malaking kuta.

Si Papa Marino I (882–884) ay isang katutubo ng Gallese, gayundin si Papa Romano, na pinuno ng Simbahang Katoliko noong 897.

Panahon ng Bakal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Panahon ng Bakal, nilisan na ng mga naninirahan, ngunit hindi pa lubusang iniwan, ang mga lupang katabi ng Ilog Tiber upang lumipat sa kalapit na talampas na parang toba, kung saan kasalukuyang nakatayo ang lungsod ng Gallese. Ang kabihasnang ito ay umabot sa tugatog nito kasama ng kabihasnang Falisco (ika-10 hanggang ika-3 siglo BK), na halos kasabay ng mga Etrusko.

Noong 2015, ang 147 na kompanya na nagpapatakbo sa teritoryo ng munisipyo, na kumakatawan sa 0.63% ng kabuuang bilang ng probinsiya (23,371 aktibong kompanya), ay may 630 manggagawa, 1.06% ng bilang ng probinsiya (59,399 manggagawa); sa karaniwan, ang bawat kompanya ay may apat na empleyado noong 2015 (4.29).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.