Ceriale
Ceriale | |||
|---|---|---|---|
| Comune di Ceriale | |||
Piazza della Vittoria | |||
| |||
| Mga koordinado: 44°5′N 8°14′E / 44.083°N 8.233°E | |||
| Bansa | Italya | ||
| Rehiyon | Liguria | ||
| Lalawigan | Savona (SV) | ||
| Mga frazione | Peagna | ||
| Pamahalaan | |||
| • Mayor | Marinella Fasano | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 11.15 km2 (4.31 milya kuwadrado) | ||
| Taas | 10 m (30 tal) | ||
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |||
| • Kabuuan | 5,571 | ||
| • Kapal | 500/km2 (1,300/milya kuwadrado) | ||
| Tawag sa tagalugar | Cerialesi | ||
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
| Kodigong Postal | 17023 | ||
| Kodigo sa pagpihit | 0182 | ||
| Websayt | Opisyal na website | ||
Ang Ceriale (Ligurian: O Çejâ, locally Seio) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Savona, rehiyon ng Liguria, hilagang-kanlurang Italya, matatagpuan mga 70 kilometro (43 mi) timog-kanluran ng Genova at mga 30 kilometro (19 mi) timog-kanluran ng Savona.
Ang Ceriale ay my hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Albenga, Balestrino, Borghetto Santo Spirito, Cisano sul Neva, at Toirano.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bayan ay matatagpuan sa Riviera di Ponente, sa silangan ng kapatagan ng Albenga, sa mga dalisdis ng Bundok Croce, sa taas na 541 metro (1,775 tal).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang nayon, isang teritoryal na nasasakupan ng obispo ng Albenga mula pa noong unang bahagi ng Gitnang Kapanahunan, ay nakuha noong ika-14 na siglo ng Republika ng Genova. Sa panahong iyon, ang kalapit na nayon ng Capriolo ay inabandona, ayon sa mga lokal na sanggunian, bunga ng pagsalakay ng mga langgam. Kasunod ng madalas na pagsalakay ng mga Saraseno sa baybayin ng Liguria, isang pabilog na balwarte ang itinayo katabi ng dalampasigan noong 1563; gayunpaman, ang bayan ay muling inatake at sinamsam ng mga piratang Berberesco noong 1637.
Kasama ang iba pang mga bayan ng Riviera ng Liguria, noong 1764, lumahok ang Ceriale sa isang pag-aalsa laban sa Republika ng Genova, na dulot ng mabigat na pasanin sa buwis. Ito ay naging bahagi ng Kaharian ng Cerdeña noong 1815, pagkatapos ng pagbagsak ni Napoleon Bonaparte; at, noong 1861, ng Kaharian ng Italya. Mula 1973 hanggang Disyembre 31, 2008, ang Ceriale ay bahagi ng Pamayanng Bundok ng Ingauna, na tinapos ng Batas Rehiyonal ng Liguria Numero 23, noong Disyembre 29, 2010.
Kakambal na bayan at kinakapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ceriale ay kakambal sa:
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Miasta partnerskie". Sucha Beskidzka. Nakuha noong 4 May 2014.
