Paano mag-download ng mga title na papanoorin offline

Puwede kang manood ng mga TV show at pelikula offline kahit kailan sa pamamagitan ng pag-download ng mga ito sa Netflix app. Alamin pa ang tungkol sa paghahanap, pag-download, at panonood ng mga na-download na TV show at pelikula sa ibaba.

Para mag-download ng mga TV show o pelikula, kakailanganin mo ang isa sa mga device na ito na may naka-install na pinakabagong version ng Netflix app:

Paalala: Posibleng hindi supported ng ilang mas lumang version ng operating system ng mga device na ito ang mga pag-download. Siguraduhing naka-install ang mga pinakabagong update sa device mo.

Maghanap ng TV show o pelikula

Maghanap ng TV show o pelikula at hanapin ang icon na Mga Download para malaman kung puwede itong i-download, o i-filter batay sa kung ano ang puwedeng i-download.

Paalala: Hindi lahat ng TV show at pelikula ay puwedeng i-download. Para malaman kung bakit, pumunta sa article na ito na may iba pang impormasyon.

Para mag-download ng TV show o pelikula:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. I-browse ang lahat ng TV show at pelikula na puwedeng i-download:

    • iPhone, iPad, Android, o Fire device: I-tap ang Netflix Ko > Mga Download > Tingnan Kung Anong Puwede Mong I-download

    • Chromebook: I-click ang Mga Download > Maghanap ng Iba pang Ida-download

  3. Pumili ng TV show o pelikula na gusto mong i-download sa device mo.

    • Para sa mga pelikula, piliin ang I-download.

    • Para sa mga TV show, piliin ang download button sa tabi ng isang episode o i-tap ang I-download ang Season para i-download ang lahat ng episode ng isang season.

Para makatipid sa paggamit ng data, inirerekomenda naming kumonekta sa Wi-Fi habang nagda-download.

Puwede kang magkaroon ng hanggang 100 active download nang sabay-sabay kada device batay sa dami ng mga device na kasama sa Netflix plan mo.

Kapag kinancel mo ang account mo, made-delete ang mga download sa device mo. Kapag ni-restart mo ang membership mo, kakailangin mong i-download ulit ang mga ito.

Panoorin ang mga na-download na TV show at pelikula

Para ma-access at mapanood ang mga na-download offline, sundin ang steps sa ibaba.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Piliin ang Mga Download.

  3. Hanapin ang download na gusto mong panoorin, pagkatapos ay piliin ang I-play.

Paalala: Habang gumagamit ng Pambatang profile, posibleng hindi available na panoorin offline ang mga na-download na TV show at pelikula na may mas matataas na maturity rating.

Available ang mga na-download na TV show at pelikula sa device na ginamit para i-download ang mga ito at mapapanood ang mga iyon sa kahit anong Netflix profile mo.

Mag-e-expire pagkalipas ng partikular na panahon ang mga na-download, at may limitasyon ang ilan sa dami ng beses na puwedeng i-download ang mga ito kada taon. Kapag tapos ka nang manood, i-delete ang mga na-download sa device mo para magkaroon ulit ng space.

Alamin pa ang tungkol sa mga download

Ayusin ang mga karaniwang problema sa pag-download

Mga Kaugnay na Article