0% ont trouvé ce document utile (0 vote)
75 vues60 pages

Tulong sa Kalamidad: Pagtutulungan at Pagdamay

q2-esp 5-week 2 ppt

Transféré par

Buena S. Retuya
Copyright
© © All Rights Reserved
Nous prenons très au sérieux les droits relatifs au contenu. Si vous pensez qu’il s’agit de votre contenu, signalez une atteinte au droit d’auteur ici.
Formats disponibles
Téléchargez aux formats PPTX, PDF, TXT ou lisez en ligne sur Scribd
0% ont trouvé ce document utile (0 vote)
75 vues60 pages

Tulong sa Kalamidad: Pagtutulungan at Pagdamay

q2-esp 5-week 2 ppt

Transféré par

Buena S. Retuya
Copyright
© © All Rights Reserved
Nous prenons très au sérieux les droits relatifs au contenu. Si vous pensez qu’il s’agit de votre contenu, signalez une atteinte au droit d’auteur ici.
Formats disponibles
Téléchargez aux formats PPTX, PDF, TXT ou lisez en ligne sur Scribd

Pagbibigay ng

Tulong sa
Nangangailangan
WEEK 2-DAY 1
Balik-aral:
Markahan ng tsek (✔) kung ang isinasaad ng
pangungusap ay nagpapahayag ng tamang gawain
at ekis (✖) naman kung hindi.
___________ 1. Pagsauli sa naiwang gamit ng kaklase.
___________ 2. Pagsauli sa mga bagay na hiniram sa
ibang tao.
___________ 3. Paglilihim sa magulang tungkol sa
iyong mga problema.
___________ 4. Pag-amin sa maling nagawa.
___________ 5. Pag-angkin sa bagong gamit ng iyong
kaibigan.
Anong masasabi niyo sa
larawan?
Maraming dumarating na hindi
inaasahang pangyayari sa
buhay ng isang tao na
nagdudulot ng suliranin.
Maaaring ito ay ang pagkakasakit o
pagkawala ng miyembro ng pamilya, o
kalamidad na hindi kontrolado ng tao.
Sa ganitong pagkakataon
malalaman ang mga taong may
tunay na pusong handang
tumulong na walang hinihinging
kapalit.
Anumang mga sakuna ang
darating kinakailangan natin ang
magtulungan.
Ang pagmamalasakit sa kapuwa at
pagkamahabagin ang nag-uudyok sa
tao upang magkawanggawa at
makapagbigay ng tulong sa mga
nangangailangan. Ang pusong
mapagbigay ay pinagpapala ng Diyos.
Tunay nga na kaaya-aya ang
pagkakaroon ng mahabaging puso na
handang umalalay at tumulong sa mga
taong lubos na nangangailangan ng
tulong at pagkalinga. Ang pagbibigay
ng tulong ay pagpapakita ng
importansiya at pagpapadama na may
karamay sila sa panahon ng suliranin at
pagsubok sa buhay.
Basahin ang pahayag na
naglalarawan sa sakuna o kalamidad.
Isulat sa kuwaderno ang tamang
sagot na napili mula sa loob ng
kahon.

__________ 1. Malakas na pagyanig ng


lupa.
__________ 2. Labis na pag-apaw o
pagtaas ng tubig na natatakpan ang
lupa.
__________ 3. Namumuong sama ng
__________ 4. Mabilis na pagkalat ng
apoy.
__________ 5. Mataas na alon sa dagat
na dulot ng lindol o pagyanig ng lupa.
__________ 6. Pagguho ng lupa dulot ng
labis na pag-ulan at kawalan ng ugat
ng puno na kinakapitan ng lupa.
Nakita mong nasunugan
ang kapitbahay mo at wala
ni isang gamit ang naisalba
nila. Ano ang iyong
gagawin?
Walang tao ang nabubuhay para
sa sarili lamang, tayo ay
nangangailangan ng kalinga ng bawat
isa. Magtulungan at magmahalan tayo.
Basahin ang sumusunod na mga
pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang
salitang Tama kung nagpapakita ng
wastong ugali o Mali kung hindi.
____________ 1. Ang pagkakawanggawa ay pana-
panahon lamang.
____________ 2. Kambal ang pagkakawanggawa
at pagkamahabagin.
____________ 3. Unang nararamdaman ang
pagkamahabagin, kaya nagkakawanggawa ang
tao.
____________ 4. Ang pagbibigay ng
benepisyo sa mga nasalanta ng mga
sakuna at iba pang nangangailangan
ay nakatutulong upang umunlad ang
lipunan.
____________ 5. Ang tunay na
pagkakawanggawa ay mula sa puso.
Pagbibigay ng
Tulong sa
Nangangailangan
WEEK 2-DAY 2
Balik-aral:
Basahin ang sumusunod na mga
pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang
salitang Tama kung nagpapakita ng
wastong ugali o Mali kung hindi.
____________ 1. Ang pagkakawanggawa ay pana-
panahon lamang.
____________ 2. Kambal ang pagkakawanggawa
at pagkamahabagin.
____________ 3. Unang nararamdaman ang
pagkamahabagin, kaya nagkakawanggawa ang
tao.
____________ 4. Ang pagbibigay ng
benepisyo sa mga nasalanta ng mga
sakuna at iba pang nangangailangan
ay nakatutulong upang umunlad ang
lipunan.
____________ 5. Ang tunay na
pagkakawanggawa ay mula sa puso.
Nakakita ka na ba ng bahay na
nasusunog?

Anong mga senaryo ang makikita


mo kung may nasunugan?
Pagmasdan ang larawan?
Ano kaya ang
kalagayan ng mga
nasunugan?

Anong mararamdaman
mo para sa kanila?

Kung malapit ka sa
kanila, ano ang
gagawin mo?
Basahin at unawain ang tula sa ibaba.
Sagutin ang mga tanong.
Ang Pagtulong
Sinulat ni: Juliet L. Lim

Munting kamay gamitin ng tama


Laging ibukas sa mga maralita
Lubos na kaaya-aya kung tulong ay sadya
Lalo na sa oras na di kaayaaya.
Sa oras ng kagipitan o kalamidad man
tulong ay laging ilaan
Sa iyong munting gawa di ka malilimutan
Hindi mo namamalayan ikaw ay masaya
Dahil sa tulong na iyong ginawa.
Mahal ng Diyos ang taong matulungin
Kaniyang laan tulungan ka rin
Mga tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ayon sa tula, ano ang gagawin sa kapuwa
sa oras ng kagipitan o kalamidad?
3. Ano ang magandang katangian na
ipinapakita sa tula?
4. Dapat bang tularan ang pagiging
matulungin? Bakit?
5. Ano ang nararamdaman mo sa iyong
pagtulong?
Ang pagbibigay ng tulong sa
panahon ng kalamidad ay
mahalaga upang makapagligtas ng
buhay. Ang pagbibigay ng babala o
impormasyon ay makatutulong din
sa kaligtasan ng marami. Lahat ng
tao ay may pangangailangan.
Walang tao na nasa kaniya na ang
lahat. Ang mahihirap ay hindi
nangangahulugan na wala na silang
maibibigay o maitutulong sa ibang tao
at mga kaibigan. Wala ring taong
sobrang yaman na hindi na
mangangailangan ng tulong ng iba.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod
na sitwasyon. Isulat ang P kung nagsasaad ng
pagdamay sa kapuwa at HP kung hindi
pagdamay.
_______1. Nagtago ka nang makita mong
uutusan ka ng iyong nanay na tulungan ang
iyong kapatid sa paglikom ng mga lumang
damit mula sa mga kapitbahay na ipamimigay
sa mga nasalanta ng baha sa kabilang
barangay.
_______2. Pinagtawanan mo ang iyong kamag-
aral na nadulas sa pasilyo ng paaralan.
_______3. Pinagsabihan mo ang iyong
kaibigan na hindi maganda ang
nakikipagtalo sa kapuwa ninyo mag –
aaral.
_______4. Nakipaglaro ka sa isang
batang nakita mong nag-iisang
nakaupo sa ilalim ng puno.
_______5. Tumanggi kang tumulong na
makipag-away sa kaaway ng pinsan
mo.
Anong maari mong ibigay
kung nasunugan ang
iyong kapit bahay?
Ang bawat isa ay nangangailangan
ng tulong at may kakayahan ding
tumulong sa kahit na maliit na paraan.
Ang mga kabataang katulad mo ay may
kakayahan ding tumulong at dumamay
sa kapuwa lalo na sa panahon ng
kalamidad o hindi inaasahang
pangyayari.
Panuto: Basahing mabuti ang mga
sumusunod na sitwasyon. Isulat ang P
kung nagsasaad ng pagdamay sa kapuwa
at HP kung hindi pagdamay.
_______1. Lumapit ka sa kapatid mo at
iniabot sa kaniya ang laruan na nakalagay
sa itaas ng cabinet.
_______2. Binasag mo ang pasong ginawa
ng isa mong kamag-aral dahil galit ka sa
kaniya.
_______3. Tinulungan mong magbungkal ng lupa
ang isa mong kamag-aral sa paghahalamanan
dahil hindi niya alam kung paano ito ginagawa.
_______4. Nakita mong itinulak ng kamag-aral
ninyo ang nakababata mong kapatid habang hindi
nakatingin ang kanilang guro. Ipinaalam mo sa
guro ang nakita mo.
_______5. Sinamahan mong manood ng concert
ang iyong kaibigan sa halip na tumulong sa
pagbibigay ng mga relief goods sa mga biktima
ng sunog.
Pagbibigay ng
Tulong sa
Nangangailangan
WEEK 2-DAY 3
Balik-aral:
Panuto: Basahing mabuti ang mga
sumusunod na sitwasyon. Isulat ang P
kung nagsasaad ng pagdamay sa
kapuwa at HP kung hindi pagdamay.
_______1. Lumapit ka sa kapatid mo at
iniabot sa kaniya ang laruan na
nakalagay sa itaas ng cabinet.
_______2. Binasag mo ang pasong ginawa
ng isa mong kamag-aral dahil galit ka sa
kaniya.
_______3. Tinulungan mong magbungkal ng
lupa ang isa mong kamag-aral sa
paghahalamanan dahil hindi niya alam kung
paano ito ginagawa.
_______4. Nakita mong itinulak ng kamag-aral
ninyo ang nakababata mong kapatid habang
hindi nakatingin ang kanilang guro.
Ipinaalam mo sa guro ang nakita mo.
_______5. Sinamahan mong manood ng
concert ang iyong kaibigan sa halip na
tumulong sa pagbibigay ng mga relief goods
sa mga biktima ng sunog.
Pagmasdan ang mga larawan.

Anong masasabi mo
sa mga larawan?
Ang larawan na ipinakita sa inyo
ay patungkol sa mga kalamidad.
Ito ay mga pangyayaring hindi
natin inaasahan tulad ng
nararanasan nating pandemya sa
kasalukuyan.
Sa panahon ng sakuna at
pangangailangan, pagtutulungan ang
dapat asahan. Napatunayan nating mga
Pilipino na isa tayo sa mga
pinakamatulungin na tao sa mundo. Sa
lahat ng nagdaang mga pagsubok at
kalamidad, pinatunayan natin na kaya
natin kung tayo ay nagkakaisa
atnagsasama-sama.
Ikaw, handa ka bang tumulong kung
sakaling may nangangailangan?

Handa ka bang mamumuno para


tulungan ang mga biktima ng
kalamidad?
Pagmasdan ang larawan.

Anong masasabi mo sa
larawan?

Anong ginagawa ng mga


tao sa larawan?

Kung ikaw ang nasa


sitwasyon ano ang
gagawin mo?
Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Isulat sa
kuwaderno kung paano maipakikita ang pagbibigay
ng tulong sa iyong kapuwa.
1. Nasunog ang bahay ng isa mong kamag-
aral na nakatira sa kabilang barangay. Kasama sa
tinupok ng apoy ang mga damit ng kaniyang buong
pamilya. Kabilang dito ang uniporme ng iyong
kamag-aral. Dahil dito ay hindi siya nakakapasok
sa paaralan. Nag-usap-usap kayong magkakamag-
aral at napagkasunduan ninyong tumulong. Ano
ang maaari ninyong gawin upang madamayan ang
inyong kamag-aral?
Ikaw bilang mag-aaral, bakit
mahalaga ang pagtulong sa
kapwa?
Ang pagtulong sa kapuwa ay
hindi lamang limitado sa mga
materyal na bagay. Maaari rin
itong maipakita at maipadama sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
babala tungkol sa mga kalamidad
at pagkakalat ng mga lehitimong
impormasyon tungkol dito.
Sa pamamaraang ito ay may
maiaambag ka para maiwasan ang
mga di kanais-nais na
pangyayaring magiging bunga
nito. Hawak kamay na solusyonan
ang bawat problema para sa
kaligtasan at sa ikauunlad ng
bawat isa.
Basahin ang sitwasyon sa susunod na slide.
Isulat sa kuwaderno kung paano maipakikita
ang pagbibigay ng tulong sa iyong kapuwa.
Isulat sa kuwaderno ang sagot.

Nagbasa ka ng aklat sa silid-aklatan nang


biglang lumindol. Dahil sa kawalan ng
paghahanda, hindi alam ng maraming mag-
aaral ang dapat gawin sa ganitong mga
pagkakataon. Nagkataon naman na ang aklat
na iyong binabasa ay tungkol sa sakuna,
kaugnay sa mga dapat gawin kapag lumilindol
at pagkatapos ng lindol. Ito rin ang paksa ng
inyong klase sa P.E. noong nagdaang linggo.
Nakita mong nahihirapan ang mga guro na
Nagbasa ka ng aklat sa silid-aklatan nang
biglang lumindol. Dahil sa kawalan ng
paghahanda, hindi alam ng maraming mag-
aaral ang dapat gawin sa ganitong mga
pagkakataon. Nagkataon naman na ang aklat
na iyong binabasa ay tungkol sa sakuna,
kaugnay sa mga dapat gawin kapag lumilindol
at pagkatapos ng lindol. Ito rin ang paksa ng
inyong klase sa P.E. noong nagdaang linggo.
Nakita mong nahihirapan ang mga guro na
gabayan sa dapat na gawin ang mga batang
mag-aaral. Ano ang gagawin mo upang
makatulong?
Pagbibigay ng
Tulong sa
Nangangailangan
WEEK 2-DAY 4
Bakit mahalaga ang
pagtulong sa kapwa?

Tumutulong ka lang ba
dahil may inaasahan
kang kapalit?
Pagmasdam ang mga larawan.
Tukuyin kung anong sakuna ang mga
ito.
Kung ikaw ang nasa sitwayson
gaya ng mga nasa larawan, ano
ang mararamdaman mo?
Mahalaga na matutuhan mo
kung ano-ano ang mga hakbang
sa paghahanda sa panahon ng
kalami-dad at sakuna. Ito ay
makatutulong sa iyo upang
makapagsimulang mamuno para
makapagbigay ng abot-kayang
tulong sa nangangailangan.
Mga Hakbang sa Paghahanda para sa
Kalamidad Paghahanda para sa Lindol:
• Ugaliing dumalo sa programa ng paaralan
tulad ng earthquake drill.
• Pag-aralan kung paano magbigay ng
paunang lunas.
• Palaging ihanda ang mga emergency kits
tulad ng paunang lunas, flashlight, kandila,
posporo, pito, inuming tubig, de-latang
pagkain, at iba pa.
Paalala sa Pananalasa ng Bagyo:
• Ugaliin ang pakikinig sa radyo at
telebisyon para sa mga balita mula sa
PAGASA hinggil sa parating na bagyo.
• Sa pagdating ng bagyo ay manatili sa
bahay at huwag magpunta sa mga
lugar tulad ng ilog at baybaying dagat.
Mga Dapat Gawin sa Oras ng Sunog:
• Habang maliit pa ang apoy ay subukan na
itong apulahin, kung hindi mo ito magagawa
ay humingi ng tulong sa mga kalapit na
bahay at tumawag ng bumbero o sa BFP
(Bureau of Fire & Protection).
• Kung ikaw ay nása ikalawang palapag o
pataas, hintayin ang bumbero upang ikaw ay
masaklolohan. Huwag tumalon, maliban na
lamang kung ito na lamang ang paraan para
mailigtas ang sarili.
Ang pag-unawa o pag-alam sa mga
hakbang kung paano maghahanda sa mga
kalamidad man o pandemya ay isang
pamamaraan upang makatulong sa kapuwa.
Ang pagbibigay ng babala o impormasyon ay
makatutulong naman sa pagligtas ng buhay.
Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang
pagbibigay ng tulong sa naaapektuhan ng
sakuna o trahedya.
Magbigay ng ahensya ng Gobyerno na
maaring paghingan ng tulong tuwing
may sakuna.
1.
2.
3.
4.
5.
Inanunsiyo ng PAGASA na may paparating na
isang malakas na bagyo. Habang nakatutok
sa pakikinig sa radyo ay inihanda ng batang
si Joy ang lahat ng mga kakailanganin tulad
ng emergency kit. Matapos manalasa ng
bagyo ay malaki ang iniwang pinsala nito
pero mapalad ang pamilya niya sapagkat
walang nasaktan at walang nasira sa
kanilang tahanan. Ngunit ang bahay ng
kaibigan niyang si Nica ay nasira at wala
siyang matuluyan. Kung ikaw si Joy, anong
gagawin mo?
Punan ang patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Kalamidad Makatulong Babala
Pagligtas Pagbibigay
Pilliin ang letra ng tamang sagot. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang ahensiya ng gobyerno na dapat
nating tinatawagan tuwing may sunog?
A. NDRRMC B. BFP C. PAGASA D.
DSWD

2. Nagbibigay ito ng mga updates sa mga


epekto at hakbang para paghandaan ang
mga kalamidad tulad ng bagyo.
A. PAGASA B. PHIVOLCS C. DSWD
D. BFP
3. Ngayong ikaw ay natuto na ng mga
hakbang upang makapaghanda sa panahon
ng kalamidad, ano ang pinakamainam mong
gawin sakaalamang ito?
A. Aking isasabuhay ang aking natutuhan sa
lahat ng oras.
B. Ang kaalamang ito ay aking ibabahagi sa
aking mga kaibigan/kakilala.
C. Ako ay sasali sa mga boluntaryong
pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
D. Ako ay palaging maghahanda at makikinig
sa mga anunsiyo mula sa radyo at
telebisyon.
4. Sa panahon ng kalamidad, alin sa mga
sumusunod ang unang hakbang bílang
paghahanda dito?
A. Makinig sa mga balita sa radyo o
telebisyon.
B. Pag-aralan ang paglalapat ng paunang
lunas.
C. Panatilihing malusog ang katawan at
kumain ng masusustansiyang pagkain.
D. Ihanda ang emergency kit tulad ng
paunang lunas, flashlight,
kandila, posporo, píto, inuming tubig,
de-latang pagkain atbp.
5. Ang mga sumusunod ay mga hakbang bílang
paghahanda sa pandemya maliban sa:
A. Alamin ang pinakamalapit na evacuation
center para sa paglikas.
B. Panatilihing malusog at malakas ang
resistensiya at kumain ng masusustansiyang
pagkain.
C. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay,
pagsusuot ng face mask at panatilihin ang
isang metrong layo mula sa ibang tao (social
distancing).
D. Upang maiwasang mahawa, manatili sa loob
ng tahanan at iwasan ang matataong lugar.
Lingguhang
Pagsusulit

WEEK 2-DAY 5

Vous aimerez peut-être aussi